Chapter 4

1485 Words
Tumingin ka Hello there horror loverz.... Bagong kabanata na po tayo dahil sa napagpasyahan ko na pong lumipat ng boarding house dahil sa mga iba pang pagpaparamdam sa dati kong boarding house. Mga kasama ko sa bagong boarding house: 1. Tito Nere - Landlord 2. Tita Dada - Landlady 3. Bro - Kapatid ni Tito Noy (Unang kabanata) 4. Wayne - Kaklase namin ni Bro at matalik kong kaibigan Eto na po... ___ ENJOY and be SCARED ___ ___   ___ Ang nilipatan kong boarding house ay mas malapit na sa ngayon sa paaralan namin. Sa hindi ko na tinanong na dahilan ay lumipat rin kasama ko si Bro na kung maaalala nyo ay ang kapatid ni Tito Noy.  Baka iba ang iniisip nyo, wala po kaming relasyon ni Bro at magkaklase lang po talaga kami. Sa mga panahong yon kasi ay madalas na ang pag-aaway nila Tita tere at Tito Noy kaya naguluhan siguro si Bro. Hindi naman kami close ni Bro kaya nahiya narin akong magtanong. Ang nilipatan namin ngayon ay maliit lang na bahay. Kaibigan kasi ng pinsan ni Mama sila Tito Nere at Tita Dada kaya napapayag sila na doon nalang kami lumipat. Mayroon itong tatlong kwarto.  Room 1: Tito Nere at Tita Dada Room 2: Me, myself and I Room 3: Bro at Wayne Maliliit lang ang mga kwarto at halatang bagong pagawa ang Room 2 at Room 3, mga sadyang pinagawa lang para sa amin. Maayos naman ang pakikitungo sa amin ng mga landlady at landlord namin at kung titingnan ay parang mga anak nila kami. Ilang buwan pa ang lumipas at talagang napaka ayos ng aming pagsasama. Close kami kay Tito Nere dahil sya ang palaging naiiwan sa boarding house kapag nagtatrabaho si Tita Dada na isang magaling na guro. Si Tito Nere ay isang tricycle driver at minsan ay sumasama rin ako sa kanyang bumyahe, road trip lang. Hehe Ang isa pa sa ikinakatuwa ko dahil sa simula ng lumipat kami ay wala ng nagpaparamdam sa amin. Wala narin akong masyadong balita sa kanila ni Tita Tere at Tito Noy. Unang paramdam: Isang linggo nalang ay mag fi-final exam na pero hindi pa ako natatapos magreview kaya medyo stress na ako. Mga 2 P.M nang umuwi ako ng boarding house dahil sa wala narin naman kaming pasok. Nagulat ako dahil wala pa palang tao sa boarding house.  Hindi ko na binuksan pa ang ilaw sa sala at tuloy tuloy na akong pumasok sa kwarto ko. Habang nagrereview ako ay hindi rin ako masyadong makapag concentrate dahil sa nakakabinging katahimikan. Napagpasyahan kong matulog muna para naman makapagpahinga muna ang brain ko sa kaka memorize. Nakatagilid ako at nakaharap sa siradong pintuan. "Appleeeeeeeeeeeee............................ Appplllllleeeeeeeeee..." Nagising ako ng may bumubulong sa akin at kaboses parin ng lola ko. Biglang napamulat ang aking mga mata at may nakita akong itim na slacks sa harapan ko. Unti-unti kong iniangat ang aking mukha hanggang sa baywang ng lalaking nakatayo sa harap ko. Alam kong lalaki yon dahil sa naka slacks na itim at nakaputing damit pang itaas. Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pag angat ng mukha ko kasi bigla akong natakot.  Paano kapag walang mukha? Paano kapag maraming dugo ang mukha? Paano kapag labas ang utak? Mga ganong mga sitwasyon ang pumasok sa isip ko kaya naman minabuti kong pumikit nalang.  Inisip ko nalang na baka si Tito Nere, di kaya si Bro or si Wayne. Pero hindi eh tanda ko pa na nakalock ang pintuan ng kwarto ko. Wala talagang makakapasok. Parang maiihi ang pakiramdam ko lalo pa at naalala ko na ako lang pala mag-isa sa boarding house pagdating ko kanina. Mga isang minuto ang lumipas at sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Wala na ang lalaki sa harap ko.  Matutuwa na sana ako pero natigilan ako ng may boses akong narinig mula sa bandang paanan ko. "Tumingin ka. Tingnan mo ko, tingnan mo mukha ko." Malumanay pero parang dala sa hangin na pagkakasabi nya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang lalabas na ito sa aking dibdib.  Kahit na anong mangyare ay hinding hindi ako titingin sa mukha nya.  Nang biglang bumukas ang pintuan ng sala at narinig ko ang pag-uusap ni Bro at Tito Nere. Sumama palang bumyahe si Bro kay Tito.  Biglang takbo ko sa labas ng kwarto at gulat na napatingin silang dalawa sakin. ___   ___ *Akala ko paglipat namin ay wala na, bakit sumunod? *Akala ko tapos na. AKALA KO LANG PALA!!!!!!!! ___   ___ Buhok ___   ___ Ang ibabahagi ko po sa inyo ay karanasan ni Bro sa bago naming boarding house. Minsan kasi ay umuuwi si Bro kapag tanghali para umidlip lalo na kapag ang schedule namin sa school ay 2 P.M pa ang simula at walking distance lang naman. Ako naman ay mahilig mamalagi sa library after lunch para narin mag review at magbasa ng mga novel. Bro POV: "Pol, dito kaba nagsusuklay sa pintuan?" Tanong ko kay apple "Di ah! Sa room ako nagsuklay. Bago ako lumabas naayos ko na buhok ko." Sagot nya "Andami kasing buhok dito sa loob ng sapatos ko." Inis kong sabi Nasanay na ako na kada umaga ay nililinis ko muna ang sapatos ko bago pumunta sa school. Alam nyo na dagdag pa pogi kasi kapag malinis ang sapatos.  Sa pintuan ako madalas nakaupo kapag naglilinis.  Tanda ko pa na habang naglilinis ako ay may nagtext sa cellphone ko kaya tumayo muna ako at pumasok sa kwarto. Binasa ko lang naman ang text at nagreply tapos lumabas na ulit ako nang pagkakita ko ay marami ng mga hibla ng buhok sa loob ng sapatos ko. Ang buhok ay mahahaba at itim na itim. Kung titingnan ngang maigi ay imposible ngang kay Apple to dahil sa hanggang leeg lang naman ang buhok nya. Maliban kay Tita Dada ay wala na rin namang ibang babae dito. Si tita Dada naman ay maaga pang umalis para magtrabaho. Kanino to?  Kinuha ko nalang sa loob ng sapatos ang mga hibla ng buhok at itinapon.  Puno ng pagtatakang tiningnan ko ito. Bakit ang dami naman yata? Mga kalahati na to ng dami ng buhok a.  Isinawalang bahala ko narin at umalis na. 1 P.M. Naisipan kong umuwi muna ng boarding house dahil sa 2 P.M pa naman ang pasok. Kung nandon si Tito Nere ay sasama nalang muna akong mamasada. Kung wala eh iidlip muna ako kahit 30 minutes lang. Pagdating ko nga sa boarding house ay wala si Tito kaya dali dali akong pumasok sa kwarto para maidlip muna. Minsan kapag ganitong walang katao-tao sa paligid ay nakaka excite matulog. 5 minuto palang akong nakakahiga ng meron akong naririnig sa sala. Medyo mahina lang ang tunog nito. Minulat ko ang mga mata ko at pinakinggang mabuti. Siguro ay nakapasok si Tito ng hindi ko malang naririnig. Ang room kasi namin ni Wayne ay malapit lang sa pintuan ng sala at maingay ang pintuan kapag may magbubukas nito kaya maririnig talaga kapag may pumasok. Kakahiga ko pa lang naman kaya tiyak na maririnig ko talaga kapag may bubukas.  Sa sala sa labas ng kwarto nanggagaling ang tunog. Pinakinggan ko itong mabuti.  Nanindig ang mga balahibo ko nang..... May naririnig akong hingal ng aso sa labas ng kwarto namin kasunod nito ay ang masakit na tunog ng kadenang hinihila. Para itong naglalakad ng dahan-dahan habang hinihila ang kadena. Biglang nawala ang antok ko sa naririnig ko. Mabuti at nakasara ang pintuan ng kwarto namin. Pagnatutulog kasi kami minsan ay hinahayaan lang naming nakabukas ang pintuan para hindi mainit sa loob.  Medyo natatakot ako pero sinilip ko ito. Binuksan ko ng dahan dahan ang pintuan ng kwarto at sumilip gamit ang isang mata lang.  Wala akong nakita kaya binuksan ko ng tuluyan ang pintuan. Kabay ng pagbukas ko ang pagkawala ng tunog at hingal. Sa isip ko ay baka kung anu-ano lang ang naiisip at naririnig ko kaya bumalik nalang ako sa paghiga. Hindi naman kasi ako matatakutin kaya ng wala akong nakita ay nakampante ako kaagad. ___ Mga 30 minuto ang nakalipas ng nagising ako sa ingay ng alarm ng cellphone ko. Kinuha ko ito at pinatay ang alarm.  Nagrereply ako sa text ng biglang may humila sa buhok ko. Hindi mahaba ang buhok ko kaya napatingala ako bigla. "Wayne!!!!" sita ko. Muli ay may humila ng buhok ko kaya napatingala ulit ako. Gaganti na sana ako ng pagtingin ko sa likod ko ay walang tao. Saka ko lang na alala na ako lang pala ang nandito sa boarding house.  Sino yun? Dalawang beses pa?  Na alala ko bigla ang mga narinig ko sa labas ng kwarto kaya dali dali akong tumayo at kinuha ang twalya para makaligo at para maka alis na kaagad. Pagkuha ko ng twalya ay nagulat ako kung bakit ang daming hibla ng buhok sa twalya ko? Kung gaano kahahaba ang mga hibla ng buhok na nakita ko kanina sa sapatos ko ay gantong ganto ang mga hibla ng buhok na nasa twalya ko....... ___   ___ Yayyyy......... Naalala ko habang kinukwento ni Bro yan samin ni Wayne ay takot na takot kami. Si Tito Nery ay tawa lang ng tawa at baka daw mga babae lang yon na niloko ni Bro dati. Mula non ay takot na akong mapag-isa sa boarding house. Thank you sa support nyo loverz... Please don't forget to vote, add to library and follow me. I'll follow you back as long as makita ko agad... Take care ❤️❤️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD