Pagkatapos magawa ni Gio ang ng gawain sa loob ng bahay ay agad niyang niyaya si Khtae papunta sa dalampasigan.
“Khate, huwag masyadong lumayo! Diyan ka lang sa makikita ng mga mata ko, ah!” sigaw ni Gio sa naglalarong si Khate sa dalampasigan.
Dito sila madalas pumupuntang magkapatid. At dito rin binubuo ni Gio ang pangarap niyang Hotel. Magpapatayo siya ng malaking Hotel na may labing walong palapag dahil iyon ang paboritong numero ni Khate.
Naalala niya tuloy ang sinabi ng kaniyang bunso noon.
“Gusto ko, kuya ’yung labing walong numero,” anas ng batang si Khate.
“Bakit naman?”
“Eh, kasi kuya, noong isang araw may napanoos ako sa t.v nina pendong. Birthday niyong bida sa pelikula at pagkatapos may malaking cake. May kandila t’saka magagandang bulaklak. Masaya iyong babae habang tinitingnan ang cake niya. Kaya kapag labin walong taong gulang na ako, gusto ko, mayroon din akong ganoon.”
“Ha?”
“Kasi, Kuya Gio, sa tuwing birthday ko, wala kasi akong ganoon. ’Yung cake na may kandila. Kaya siguro wala pa ako ganoon kasi hindi pa ako eighteen, eh.”
Nalungkot si Gio sa mga sinabi ni Khate. Nadurog ang bagay na nasa loob ng kanyang kaliwang dibdib. Damang-dama niya ang sinasabi ng bunso.
Simula't sapul ay walang ano mang handa ang kaarawan ni khate. Musmos pa nga ito pero dahil na rin sa mga nangyayari sa kapaligiran ng bata, para na siyang matanda kung magsalita.
“Hayaan mo, bunso. Kapag malaki na talaga si Kuya, magtatrabaho ako at bibilhan kita ng maraming cake!” sabi nito nakababatang kapatid.
“Talaga kuya?! Madraming-marami?” Nanlaki ang mga mata ni Khate sa sinabi ng kuya niya.
“Oo! At hindi lang ’yun! May kandila pa at maraming pagkain. Lahat ng iyon ay para lang sayo!”
“Yehey!” wika nito sabay pumalakpak.
Nababakas sa mukha ng bunsong kapatid ni Gio ang kasiyahang nadarama sa mga kaniyang sinabi. Ngunit papaano niya gagawin ’yon, gayong grade six ang inabot niya. Saka bumalik sa kaniyang alala ang noo’y nangyari. Ang pangyayari kung saan pilit siyang napahinto sa pag-aaral dahil sa kaniyang ama.
Patuloy pa rin sa pagsasalita si Khate habang lumalakbay ang diwa ni Gio sa mga oras na iyon. Kaya naman hindi na niya namalayan ang paglapit ng kapatid.
“Kuya . . . ”
Doon lang bumalik ang diwa ni Gio.
“Hm?” tipid nitong sagot sa kapatid.
“Kanina pa po ako nagsasalita hindi mo ako pinapansin.”
“Ha? Sorry, bunso. May naisip saglit si kuya. Pasensya ka na, ha?” Ginulo ni Gio ang buhok ng kapatid.
“Para tuloy akong sira. Nagsasalita sa hangin. Eh, sino ba iyang iniisip mo, Kuya Gio?”
“Wala lang.”
“Alam ko na! Si Jielane!”
“Hindi, ah!” mariin nitong tanggi sa hinuha ng kapatid.
Ang tinutukoy ni Khate ay ang kapitbahay nilang dalagita na laging iniisip at sinisilip ni Gio sa bintana nila tuwing napapadaan ito. Lagi kasi siyang nahuhuli ni Khate na tinitingnan si Jielane habang nakakubli sa gilid ng bintana nila.
“Ikaw na bata ka! Hindi ko iniisip ’yun! At saka halika nga rito. ”Hinawakan niya ang kamay ni Khate at pinaupo sa kaniyang tabi.Dapat Ate ang tawag mo kay Jielane. Mas matanda ’yun sa iyo.”
“Opo, kuya,” sagot nito sabay tango sa kapatid.
Pagkatapos niyon ay pinagmasdan nilang magkapatid ang dagat. Payapa ang agos nito at kay gandang pagmasdan. Sariwa ang hangin na dumadapo sa kanilang balat.
“Kuya, huwag mo akong iwan ha!” paglalambing na sabi ni Khate sa kuya niyang labintatlong tanda sa kanya.
“Opo naman, bunso ko! Mahal kita higit pa sa buhay ko.” Masuyo niyang niyakap si Khate.
“Promise?” paninigurado nito habang naka- pinky swear pa.
“Promise! Mahal na mahal ka ni kuya. Pati na rin ni Nanay. Mahal ka namin.”
“Mahal ko rin po kayo, Kuya Gio.”
Napuno ng kaligayahan ang araw ng magkapatis. Nakipaglaro sa isa’t isa at naligo sa dagat. Hinahawakan pa ni Gio si Khate sa baba nito. Tinuturuan niyang lumangoy ang kanyang bunso.
Nagbabad sila sa tubig nang ilang oras. Hapding-hapdi ang kanilang mga balat kaya naman nagpasya nang umahon.
“Halika rito. Patuyuin natin iyang buhok mo.”
Lumapit naman si Khate sa kuya niya. Nang walang ano-ano . . .
“Kuya, si Ate Jielane, oh!" biglang sigaw ni Khate sabay turo.
“Ha? Khate, tumahimik ka. Huwag kang sumigaw baka marinig ka niya,”saway nito sa bunso niya.
Tuloy-tuloy lang ito sa ginagawa sa buhok ng bunso. Binaleala lang ang sinabi ni Khate pero naroon naman ang ’di mapaliwanag na panginginig.
“Hahaha!” Natawa si Khate sa hitsura ni Gio na siya namang nagpatigil dito.
“Niloloko mo ba akong bata ka?”
Tinakpan agad ni Khate ang kaniyang sariling bibig. Lumingon si Gio sa kaniyang likuran at ganoon na lang ang gulat niya nang wala siyang nakitang Jielane.
“Sinasabi ko na nga ba, niloloko mo na naman ako!” Naningkit ang mga mata ni Gio habang nakatitig sa bunso niya.
Tumakbo agad si Khate palayo kay Gio at hinabol naman siya nito. Naghabulan ang dalawang kapatid sa dalampasigan. Kahit tirik na tirik ang araw ay hindi nila kapuwa alintana dahil para sa kanila, higit na mahalaga ang kasiyahan ng isat'isa. Hindi nila namalayan na dumidilim na pala.
“Gio, Khate! Malapit nang gumabi, nariyan pa rin kayo malapit sa dagat?” sigaw ng nanay nila na kauuwi lang galing sa malaking bahay na pinagsisilbihan nito.
Kapuwa napalingon ang magkapatid sa ina at tumakbo palapit rito.
“Si nanay!” panabay na saad ng dalawa.
“Tara na, dali!” yaya ni Gio sa bunso.
Binuhat ni Gio si Khate at saka naglakad papunta sa kanilang ina.
“Medyo maaga po kayo, Inay, ah,” anas ni Gio at saka kapuwa sila nagmano sa ina.
“Maaga kasi natapos ’yung mga trabaho ko sa malaking bahay. Tara na, umuwi na tayo.”
“Ako na po magdadala ng mga pinamili, ninyo.” Kinuha ni Gio ang dalawang supot na naglalaman ng pinamili ng ina.
“Mabigat iyan. Medyo naparami kasi ang binili ko. Pinabale ako ng aking amo.”
“Kaya ko naman po. Halika na sa bahay at nang makapagpahinga na kayo.”
“Dito ka nga sa akin, Khate. Ako na kakarga sa iyo. Kawawa naman ang kuya mo, oh.”
“Ayaw,” tanggi nito sa kanilang butihing ina. “Gusto ko kay kuya.”
“Anak, mabigat ka na. Ang payat pa ng kuya mo. Sige na, halika na kay nanay.”
“Ayaw ko nga po.”
“Inay, ayos lang po,” sabat ni Gio. “Khate, lipat ka sa likod ko bunso.”
“Ang tigas naman ng ulo nito.Nahihirapan tuloy ’yung kuya mo.”
“Tama na po iyan, ’Nay. Tara na po sa bahay. Bunso kumapit ka nang mabuti ha!”
“Opo, kuya!” nakangiting wika ni Khate habang nakapasan sa likod ni Gio.