Chapter 13: Two Eyes

2314 Words
"Guys wala ba kayong napansin kanina?" tanong sa kanila ni Naomi habang hinuhugasan ang kamay nito sa CR dito sa school. Nagtinginan muna sila ni Cbibs saka tumingin rito. Kumunoot-noo siya. "Anong ibig mong sabihin?" "Yung ano, yung titig nila Zachary at Giro kanina. Nakita niyo?" "Huh bakit may namumuo na bang bromance? Bakla sila? " taas kilay tanong ni Chibs. Umiling si Naomi. "Hindi hindi! Tinging akala mo papatay si Giro eh pero cool lang si Zachary sa kanya." "Eh ano naman?" "Tapos after nun biglang sumulyap si Zachary kay Hannah pero sandali lang at umalis na." paliwanag nito at tumingin sa kanya. Tinging nanunukso. Uminit naman ang pisngi niya umiwas kaagad ng tingin at nauna ng lumabas pero sumunod rin kaagad sa kanya ang dalawa. Oo napansin rin niya kanina pero binalewala niya lang ito. Mahirap ng umasa sa pangalawa pero aaminin niya apektado pa rin siya. "Baka nang-aasar lang si Zachary. Alam naman niyon. May gusto si Giro kay Hannah." may nahimigan siyang sarcasm sa boses nito. "Binubully lang 'yon ni Zachary." "Kung sabagay." sang-ayon na lang ng dalawa at nagkibit-balikat. Gabi na at dagsaan pa rin ang mga tao dito sa Zanford University. May iba rin na labas-masok galing ibang school. Pinayagan ito ng president na maging open to all upang mas makilala at kikita pa lalo na ang mga booths na nakahilera dito sa open field kasama na sila. Naisip nilang street foods at buko pandan ang kanilang benta sa halagang dalawang piso kada isang piraso at limang piso naman kapag juice. Siguradong maraming bibili dahil mura na nga, masarap pa. Ngunit nagkamali pala siya dahil mahigit isang oras pa lang ay wala pa ring bumibili sa kanila. "Ano ba yan ayaw ba nila ng benta natin? Mura na nga lang ayaw pa nila tss." parinig ni Chibs sa mga dumadaan sa kanila. Tinitignan lang sila nito at may mga iba na umiirap pa. "Paano na ito? Kasama pa naman ito sa grades natin" malungkot na saad ni Naomi at napalumbaba. Napaisip siya sandali at maya-maya pa ay may parang bumbilyang umilaw sa gilid niya at napatingin kaagad sa taon kanina pa tahimik sa gilid at tinititigan lang siya. Lumapit siya rito. "Giro." tawag niya. Typically yes magka-grupo sila. Kahit pa may issue sila ay pinili pa rin nito na sumama sa kanilang grupo kaysa sa mga kaibigan nito na katabi lang ng booth nila. "Bakit?" casual na tanong nito. "Wala pa tayong benta." Napataas ito ng kilay. "Oh tapos?" "Oh tapos anong gagawin natin?" hamong tanong niya rito kahit plano na siya. Di niya mapigilang maasar rito. Wala atang balak tulungan sila eh. Malulugi sila nito. "Eh di maghintay." balewala nitong sagot at sumandal sa kinauupuan nito at inilagay pa ang mga kamay nito sa likod ng ulo at pumikit. "Aba, may gana ka pang magpaka-donyo diyan. Oy tayo may gagawin tayo." sabi ko at pilit na hinihila ang mga paa nito. Kala niya ha! Kaagad naman itong dumilat at nataranta na baka mahulog. "What the---" hindi na naituloy nito ang sasabihin nang pinandilatan ko siya ng mata. "Tss." sabi na lang nito at asar na tinignan siya. "Anong gagawin ko?" Nag-evil smile siya. Gwapo si Giro at for sure mauubos kaagad benta nila. Wahahaha. Kumuha siya ng papel at marking pen sa bag niya at nagsulat. Pagkatapos niyon ay binigay ko kaagad sa kanya. Kumunoot-noo ito. "Ano yan?" Napa-face palm siya. "Basahin mo." "Free hugs and kisses?" basa nito. "Alam mo naman pala eh. Go!" sabi niya at itinuro ang harap nila kung saan siya tatayo. "What no way hindi ko gagawin yan!" tanggi nito. Aba choosy! "Pupunta ka o wala tayong grade?" panakot niya. "Tss." sagot lang nito at tumayo na sa harap habang pinapakita ang sinulat niya. Tumawa naman ang dalawa niyang dalawa at sumisigaw ng 'Ang bibili ng pagkain naman ay may free hugs and kisses.' sabay turo kay Giro. Siya naman ay napatawa na lang at napailing. Dumagsa kaagad ang mga kababaihan sa kanila habang ang iba ay iwinagayway pa ang pera habang excited na magpahalik at yumakap sa kaisa-isa nilang lalake sa grupo. "Oh wait lang wait lang. Hinay hinay girls. Marami pa to pila muna." sabi ni Chibs sa kanila habang inaayos nito ang pila. Nagtataka namang tingin ang binigay ng ibang booths sa kanila. Pinasawalang bahala niya na lang. Madiskarte kaya to. Siya naman at si Naomi ay busy sa paghahanda ng isaw, dugo at kwek-kwek habang si Giro naman ay parang diring-diri na sa kakahawak at kakahalik sa mga customers nila. Kung titignan pa ito ay mukha itong na-r**e victim. Hahaha. "Sh*t talaga." mura nito. "Giro." ma-awtoridad niyang sabi. Nagmura ba naman. "Your so gwapo mo naman. What's your name? May I have your number?" malanding sabi ng isang customer na may malapad na bibig at kulot na kuloy ang brown hair sabay haplos nito sa braso ni Giro at pinisil-pisil pa ito. Kaagad namang umiwas ang lalake. "Ah Miss hug and kiss lang pwede pero bawal haplos." sabi nito at sumulyap pa sa kanya. Napataas siya ng kilay. "Ah oh cge kiss sa lips." malanding sabi nito sabay kagat pa ng labi. Akmang hahalikan na nito sa lips nang hinawakan ni Giro ito sa magkabilang braso. "Miss cheeks lang." "Wala namang sinabing cheeks lang eh." tuso nito sabay turo pa sa papel. "Tignan mo hugs and kisses lang nakalagay." dagdag nito at nagsimula ng mairita. Napailing na lang siya at hindi na tumingin rito. Bahala na si Giro diyan. "Wag kang magselos Chibs. Diskarte lang yan." bulong niya kay Chibs sa tabi. Ngumiti ito ng matamis sa kanya. "I know ok lang naman." "You sure?" tanong niya. Tumango na lang ito at inabala na ang tingin sa mga customers nila. Maya-maya pa ay narinig niyang may nagsasalita sa stage. Tinatawag ang buong atensyon ng tao upang makinig dito. Nakalimutan niya pala may tutugtog na mga banda at singles ngayon. Isa rin ito sa competitions every year from first year to fourth year at hindi na per class and it depends daw sa participants kung gusto nila ng group or solo.  Feel niya namang dehado ang solo paano ba naman. Marami sila versus isa diba pero sabagay baka nasa performance lang talaga yan idadala. Sino kaya sa amin? bulong niya sa sarili. "Now, what are we waiting for? Let's welcome the Dragon warrior from the batch of first year." pakilala ng lalaking emcee sa unang contestants. Lumabas naman ang mga ito udyat ng hiyawan ng mga tao lalo na ang mga kababaihan ng first year. Hindi mapagkakaila na mga gwapo ito. Pero mas gwapo pa rin si Zach. May bumulong sa kanyang isipan. O geez shat-ap!!! "Ahhhhhh" "Go first year" "Go Dragon Warriors" "Oh My G! Ang ga-gwapo niyo!!" Napatakip siya ng tenga sa sigaw ng mga ito. Mga echuserang frog tss. Pati mga ibang higher year napatili na rin lalo nang kumindat ang vocalist nila. Ito kasi ang pinaka-gwapo sa grupo. Tumakbo ang mga tao papunta sa harap sa likod ng mga judges. Meron na rin dating mga bantay upang doon lang ang puwesto nila. Shape of you by Ed Sheeran Nagsimula na ang kanta. Panay tili ng mga babae at may mga iba pang nagiging epilepsy sa kilig at ang iba ay parang mahihimatay pa. Napailing na lang siya. "Tara doon tayo sa medyo gilid sa harap para hindi tayo ma-stampede." aya ni Naomi sa kanila. Nagsitanguan na lang sila at lumakad na doon. Ubos na rin namn kaagad ang paninda nila kaya pwede na silang manood. Sumama rin sa kanila si Giro na panay ayos sa sarili dahil para na nga itong ginahasang baboy. "OMG! Gwapo talaga ung vocalist nila no. Sayang first year nga lang hahaha." aniya ni Naomi sabay halakhak. Tumawa na lang kami sa sinabi nito. Girl, you know I want your love Your love was handmade for somebody like me Come on now, follow my lead I may be crazy, don't mind me Napasabay na rin kami sa kanta. Sobrang lively kase kaya sumasayaw na rin kami. Hanggang sa matapos sila ay walang humpay pa rin ang mga tao sa kakasigaw. Sila rin ay nakiki-hiyaw na rin. "Thank you. Thank you." Sabi lang nila at umalis na papuntang backstage. Pangalawang tinawag ang Lightning Thunders daw. Second year, grupo rin ito ng mga banda at pinatugtog ang kantang Jet lang. Sobrang saya namin lahat dahil para na kaming nag-coconcert nito. Hindi contest hanggang sa matapos rin ang mga third year. Panay live ang lahat ng kanta pero ang energy ng mga tao ay hindi pa rin nauubos. Hanggang sa batch na nila ang susunod. Humiyaw pa mas lalo ang mga fourth year kahit wala pa ang mga contestants namin. "For sure banda rin sa atin. Puro mga banda yung mga lower batch natin eh." sabi ni Naomi. "Feel ko rin." sagot ko na lang. "And for the last contestant please welcome 'The prince'" Huh? Wait contestant or contestants? Nabingi ba ako? "Ano raw contest - - - - -" hindi niya naituloy ang tanong niya nang biglang lumabas ang lalake sa stage at ganun na lang ang paglaglag ng panga ko at nanlalaki ang mga mata. Tinignan ko ang mga kaibigan ko pati na rin ang mga tao sa paligid. Ganun din ang mga reaksyon nilang lahat. Natahimik ang buong paligid. Walang isang nagsalita. 'OMG! Totoo ba' to as in Zach. Zachary Zanford is in the stage at kakanta tapos siya lang? May gitara pang hawak.' Hinintay kong may lalabas pa pero wala talaga. So solo talaga ang contestant ng fourth year. Hindi ba madedehado siya? Pero geez he looks so hot in his denim jacket pairing with gray t-shirt and a black pants. Ang naka-print pa sa t-shirt niya ay ' The Prince' pero mukha naman talaga itong prinsipe. Sinandya pa atang medyo wavy ang hair nito na nakapaglaglag talaga ng panty. Pero sana ok lang garter niya. Inayos na nito ang sarili at bago pa ito mag-strum ay may tinitignan muna ito sa audience hanggang sa dumako ang mga mata niya sa wait-------- " Tumingin si Zachary sa atin ahhhhhh" " Sa akin siya tumitingin gurl" ",Mary me Zachary ahhhh" " Babes awwww" "Mga feelingera." pagpaparinig ni Chibs kaya sinamaan ito ng tingin ng mga babaeng nagsalita. Ngiting nang-aasar lang ang binigay ng kaibigan niya. "My ghad Hannah sa'yo ba siya nakatingin?" tanong sa kanya ni Naomi habang sinisiko pa siya. Mukha itong nangingisay na sa kilig. Chasing Cars by Snow Patrol We'll do it all Everything On our own   Napatulala ako. Ang ganda pala ng boses niya. For the first three years I never seen him singing in front of the people. Masyado itong introvert at hindi nakikihalubilo sa lahat. Ni wala nga siyang marinig noon na kumakanta ito but now laglag panga na lang ang masasabi niya. We don't need Anything Or anyone   Nagulat na lang silang magkakaibigan ng biglang nag-walk out si Giro.  " Selos si boy." ani ni Naomi. Nalungkot siya. Hindi pa rin talaga nito tanggap ang sinabi niya. Ngayon, nadagdagan pa ng isang Zach hayss. Hindi niya lang muna ito pinansin at pinagtuunan ang pansin ang taong kumakanta sa stage.  Those three words Are said too much They're not enough   Pakiramdam ko bumalik lahat ng nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Ayokong mag-assume. Ayokong sumugal.... pero sa pagkakataong ito.... I want to hope again... Hoping that I'm the girl he sings. Napapikit ako habang dinadama ang kanta. Tanggap ko na. Tanggap ko na, na kahit anong tanggi ko siya pa rin ang gusto ko.  Minulat ko ang aking mata. Nakatitig pa rin siya sa pwesto ko habang kumakanta. If I lay here If I just lay here Would you lie with me and just forget the world?    Just like the lyrics I already forget the people around us. Parang na-mute ang mga taong naghihiyawan at nagtitilian sa tabi ko. Tanging magandang boses niya lang ang naririnig ko. And only two, two eyes are met just in this world. -------- Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako naka-move on sa nangyari. Kapag nagkakasalubong kami sa bahay ay kaagad siyang umiiwas. Nakakahalata na nga rin pati si Tita kaya nagtanong. " Nag-away ba kayo?" Syempre sinabi kong hinde. Minsan talaga mahirap basahin rin ang mga lalake. Tss.Nandito siya ngayon sa classroom nila at nagbabasa ng libro ni Jonaxx. Binabasa niya ngayon ay ang Baka Sakali 3 kung saan may iba ng girlfriend si Jacob. My ghad kung ako yun sobrang sakit talaga lalo na hindi maganda ang paghihiwalay ninyo. Sa pagbabasa niya, hindi niya namalayan na may nahulog pala sa libro niya.  " Hannah may nahulog." sabi ni Chibs na abala sa paglilinis ng kuko nito sa paa. Pati ba naman dito sa school tss. Wala pa ang teacher nila kaya malaya pa nilang gawin ang gusto nila. "Pakuha naman." sabi niya habang abala pa rin sa pagbabasa sabay punas ng butil ng kanyang luha. Naiiyak siya sa part ng pag-uusap nila Jacob at Roseanne. "Ok." at kinuha na nito ang nahulog ngunit kaagad binigay ni Chibs kaya nagtaka siya. "Chibs akin na." aniya sabay lahad ng palad niya rito nang hindi tumitingin. " H-Hannah ano 'to bakit may picture kayo ni Zachary na natutulog na magkaharap. Saan ito at kailan pa?" tanong ni Chibs sa kanya kaya umatras ang luha niya at tumingin rito. WHAT?! Nakanganga habang pinapakita ang picture sa kanya. Tinignan niya ito nang nanlalaki ang mata. My ghad! Sinong kumuha ng litrato nila Zach noong nagrereview sila? "Ano yan?" usosyo ni Noami habang papalapit sa kanila at inagaw ang picture sa kanya. "Naomi akin na yan." sabi niya at pilit na inaagaw dito ngunit nilalayo rin nito nang nanlalaki rin ang mga mata. "WHAT THE--- ANO TO HANNAH? BAKIT MAY PICTURE KAYO NI ZACH?" sigaw nito kaya napatigil ang lahat sa kanya-kanyang gawain at tumingin sa kanila.  OK! I'M DOOMED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD