Happy Field Festival Day Zanfordians!
Iyan ang pangalang bumugad agad sa harap niya dito sa labas ng Zanford University. May pa-flower background pa ito at hearts sa paligid. Mistulang parang valentines ang dating. Napailing na lang siya. Sino kaya ang gumawa nito? September pa lang pero mukhang advance ang nag-design nito tss.
"Hannah dali dito!" sigaw ni Chibs sa kanya mula sa di kalayuan. Sa tabi ng guwardiya.
"Para talaga itong laki sa bundok tss." bulong niya
Malapit na siya rito nang hinablot na nito ang kamay niya at hinila na siya sa kung saan man.
"Hindi masyadong excited no." makahila wagas eh.
"Iihhh dali boy hunting tayo. Nandito na si Naomi pumunta lang sa canteen para bumili ng pagkain. Gutom daw eh sunod na lang daw tayo."
"Tss. May boy hunting pang nalalaman."
"Eh bakit ayaw mo? Tsaka para malibang ka naman at higit sa lahat maka-move on ka na dun sa Zachary na yun no." sabi nito.
"Ay, oo nga pala move on ka na pala dun. Lately kasi hindi mo na bukambibig yon. So I guessed na talagang nakamove on ka na." dagdag niya. She simply rolled her eyes to her.
'Move on move on eh hindi nga ako maka-move on kung lagi kong nakikita yon. Iisang bahay nga kami nakatira eh. Kung alam niyo lang hayss. ' bulalas niya sa isip.
" Pero alam mo, bakit hindi mo bigyan ng chance ang iba diyan? Katulad ni Giro.. matagal ng nanliligaw sayo yun tapos hanggang ngayon hindi mo pa sinasagot." anito at napatigil sa paglalakad saka napaisip. Napabuntong hininga na lang siya.
"Paano ko sasagutin kung hindi ko naman gusto. Paano ko sasagutin kung hindi ko naman mahal. Ano yun pilitan na lang? Tsaka ayoko. Mas mahalaga ang friendship namin Chibs. Ayokong mawala sa amin yon." paliwanag niya at nauna ng maglakad. Agad naman itong sumunod sa kanya.
" Oh eh kung ganoon den bakit hindi mo na lang diretsuhin na ayaw mo sa kanya para naman hindi na umasa 'yong tao. Nakakaawa naman Hannah kung patuloy mo lang paaasahin. " pagpapa-awa nito sa kanya.
"Chibs, unang una hindi ko siya pinapaasa. Nakita mo naman na tinataboy ko yun kapag alam kong nilalandi na naman ako non. Pangalawa dineretso ko na sa kanya na hanggang kaibigan lang kami. Nothing else." paliwanag niya rito.
Napa-O naman ito kaagad saka napatakip ng bibig.
" Oh my talaga? Ano so busted na den si topak boy? Aww sayang naman. But wait kailan pa? "curious na naman nitong tanong.
'Hay nako umaandar na naman talaga ang pagiging chismosa nito.'
" Nung isang araw pa. " balewala niyang sagot.
" Aww sayang gwapo pa naman si Giro. Kahit sobrang bulakbol at may lahing baliw yun. Sobra naman itong mabait at totoo." anito at napatango na lang siya saka napangiti. Ngunit nawala rin bigla ang ngiti niya at napalitan ng evil grin.
"Chibs umamin ka nga sakin." wika niya saka humarap rito.
"H-huh?"
"May gusto ka ba kay Giro?" tanong niya at tinitigan ito ng mabuti. Nabasa niya kaagad sa mukha nito ang gulat ngunit napalitan rin ng hiya saka umiwas. She knew it! Sinasabi niya na nga ba.
"You know you can say to me naman. What are friends for right? Kung gusto mo ilakad pa nga kita eh." sabay kindat niya sa kaibigan.
"Hay Hannah kung ganoon sa kadali non. Sino ba naman ang magkakagusto sa dambuhalang katulad ko. Ok na ako sa ganito. Wag ka ng mag-abala pa. Mapapa-asa lang ako." malungkot nitong saad.
Magsasalita pa sana siya ulit nang hinarang na nito ang kamay nito sa mukha niya.
" Hepp huwag ka ng magsalita. Malapit na tayo sa canteen. Gusto ko na lang sabihin sa 'yo na atin-atin lang ito ok. No spills. Magagalit ako ok. " wika nito saka tinanggal ang kamay na sa mukha at nauna ng maglakad. Siya naman ay nagkibit-balikat na lang saka sinundan ito.
' Ok mukhang may one-sided love na naman. Magkaibigan nga kami. Parehas sawi sa pag-ibig hayss.'
Nasa canteen na sila upang hanapin Naomi ngunit hindi na sila nag-abala pa dahil natanaw na kaagad nila ito sa may favorite spot nila na kumakain mag-isa ng hamburger at juice. Nilapitan nila ito.
"Oyy anti hindi ka pa ba tapos diyan? Ay nako kung ako yan wala pang minuto nalantakan ko na lahat yan." wika ng nagsalita. Sino pa nga ba?
Nilunok muna ni Naomi ang kinakain saka nagsalita. "Kaya ka mas lalong tumataba eh. Hindi mo ata alam ang salitang hinay-hinay. Tss." aniya nito saka bumaling sa kanya. Hindi muna ito nagsalita kaagad at tiningnan lang siya mula ulo hanggang paa. Kumunoot-noo siya.
"Bakit may problema ba sa suot ko?" curious niyang tanong rito saka tiningnan ang sarili. She's wearing peach off-shoulder with skirt na above the knee.
'Anong masama sa suot niya?' Bulalas niya sa isip.
Umiling ito saka ngumiti.
"Blooming natin ngayon ah may date?" panunukso nito.
Napahawak naman agad siya sa dibdib at kunwaring nagdradrama. "Grabe ngayon lang ba? Pwede mo naman sabihing lagi-lagi. " madamdamin niyang wika rito at kunwaring umiiyak.
Naomi simply rolled her eyes saka tumayo at kinuha ang pagkain nito at tinapon sa basurahan.
"Let's go, parang makulimlim ata panahon ngayon saka lumalakas na rin yung hangin baka liparin ako ng wala sa oras." pag-iiba nito ng usapan na obvious naman na siya ang pinaparinggan nito. Hindi naman makulimlim at malakas ang sinag ng araw ngayon.
Napanguso siya." Grabe ka you hurt my feelings. " sigaw niya sa kaibigan na ngayon nauna ng maglakad kasabay si Chibs.
"Tamo tong mga to. Hilig mang-iwan ngayon ha." bulong niya ngunit sumunod pa rin siya sa mga ito. Mahirap ng mag-isa.
--------
"Whoooo go Class A"
"Sisiw lang ang mga yan."
"Itumba na yan."
"Go Zachary babes."
"Huh? Sino ang nagsabi nun?" bulong siya saka hinahanap ang nagsabi ng panghuli. At hindi nga siya nagkamali si Lexin ng Class B. Pero teka anong ginagawa nito dito sa field eh Class A vs. Class D lang naman ang maglalaban muna ngayon ha. Tss.
"Maka-babes jowa mo gurl jowa mo?" sarkastic na sabi ng katabi niya.
"Hahaha. Hayaan mo na para namang hindi naging ganyan ang kaibigan mo noon." asar naman ng katabi niya sa isang side. Obvious na siya na naman ang pinaparinggan.
"Yeah, you're right!" gatong naman ng isa. Hindi niya na lang ito pinansin at tumingin na lang sa side ng section nila kung saan nagwawarm-up na ang mga participants nila.
Ngunit wrong move na lumingon siya kasi may nakatitig pala sa kanya. Si Giro.
"Oww siguro kung ice cream lang siya kanina pa siya tunaw." obvious naman kung sino ang nagsabi niyan diba. Hayss.
Umiwas siya sa tumingin sa katabi at pinaningkitan ito ng mata. Napatikom naman ito ng bibig. Good at nakiramdam naman ngayon.
Tumingin naman siya kay Chibs na binigyan naman siya ng ngiti saka inalis na ang tingin sa kanya. 'Hayy nako Naomi yung bunganga mo minsan ii-stapler ko na yan.' gusto niya yang sabihin sa kaibigan ngunit baka mahalata. Secret daw kasi eh kaibigan niya rin naman ito. Hayy nako naman.
"Cr muna ako." paalam niya sa dalawa saka tumayo na. Dinaanan niya pa ang pwesto nila Giro ngunit dire-diretso lang tingin niya. Ang awkward pa kasi sa kanya ang mga nangyari at the same time nahihiya siya rito.
Nalampasan niya na ito ngunit napatigil rin siya ng may tumawag sa kanya mula sa likod. "Hannah!" tawag nito.
Nag-aalinlangan pa siyang lumingon pero ang rude naman kung babalewain niya ito diba kaya humarap siya dito.
"Ahm hi Giro ahm goodluck ha. Fighting " pagbribrighten-up niya ng atmosphere sabay fighting sign pa ngunit hindi man lang nagbago ang facial expression nito at nakatingin lang sa kanya.
'Ok failed. Ang awkward naman kase.' bulalas niya sa isip
"Hannah" malumanay nitong tawag sa kanya.
"Hmm?!"
Nag-ipon muna ito ng lakas na loob bago magsalita. "Hannah about sa nangyari - - - - -"
Hindi na naituloy ang pagsasalita nito nang pinutol niya na. "Giro I am sorry." she sincerely said.
"I am sorry pero hindi magbabago 'yong des-----"
Siya naman ay hindi na naituloy nang ito naman ang sumingit.
" ' Yun na nga eh. Yun na nga yung point ko Hannah." wika nito.
"Hindi ko tanggap na binusted mo ako. Ni hindi nga mag-sink in sa utak ko hanggang ngayon at sobrang nakaka-frustrate lang."
Tumalikod muna ito sa kanya hanggang sa isang sandali pa ay tumingin ulit ito sa kanya. Siya naman ay nakayuko lang. Hindi matignan ang mukha nito.
" Ka-kaya ba hindi ka pumasok ng ilang araw? " kanda utal-utal niyang tanong.
" Pano kung sabihin ko sayong 'oo'? Magbabago ba isip mo?" tanong nito.
"Giro" tawag niya rito saka tumingin sa mga mata nito. " Kung gusto mo talaga ang isang tao irerespeto mo ang mga desisyon niya." paliwanag niya.
"You know what, ang love hindi naman pinipilit 'yan eh. Kusa yan. The best pa rin kapag same kayo na mahal niyo ang isa' t-isa at hindi pinipilit. Bakit hindi mo na lang ibaling sa iba yung nararamdaman mo? I'm sure sobra sobra pa sa ibibigay mo. " makahulugan niyang sabi kay Giro.
Mas lalo naman lumungkot ang mukha nito ngunit hindi na nagsalita. Akala niya bibigay na ito but he gave me a smirked.
"Hindi ako tumatanggap ng rejections Hannah." seryosong sabi nito.
'Wait what, ano daw?' gulat na bulalas niya sa isip.
"Giro..."
"Naniniwala akong pwedeng magbago pa ang nararamdaman mo sa akin. Hindi lang basta kaibigan." sabi nito saka sumeryeso ulit.
"Giro si----" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng putulin ito ni Giro.
"Liligawan pa rin kita hanggat sasabihin mo sa akin na hindi mo ako mahal saka lang ako titigil." anito saka tumalikod na lang basta at iniwan siyang nakatunganga.
Sa kabilang banda naman ay naglalakad si Zachary para pumunta sa CR. Malapit lang sa CR ng girls nang mahagip niya si..
'Wait ito yung lalakeng maangas na kasama ni Hannah noong nanghihingi ito ng donation dati? Bakit mukhang naluging hapon naman itsura nito?' tanong niya sa isip.
Mula sa di kalayuan tanaw niya si Hannah na nakatunganga lang sa pwesto nito kung saan siya iniwan ng maangas boy na yun. Nilapitan niya ito.
"Mukha kang tanga alam mo ba ' yun?" wika niya at nilampasan ito.
Si Hannah naman ay bumalik sa katinuan nang may magsalita sa harapan niya ngunit nilampasan rin siya kaya hinarap niya ito.
"Zach." tawag niya sa lalake.
Hindi naman ito huminto sa paglalakad kaya sumabay na lang siya.
'Ang rude talaga nakakainis. Aishh!'
"Zach hintayin mo naman ako mamaya ha. Sabay na lang tayo pumunta sa Field mamaya." saad niya.
"Don't talk to me. Gusto mo bang may makakita sating dalawa ha? Malaki ka na kaya mo na yan." balewala nitong sabi.
"Hmph sungit." bulong niya.
"Mukhang may nabusted ka ngayon ha?" tanong nito
Siya naman ay napatigil sa paglalakad pati na rin ito.
"Paano mo alam? Stalker ba kita?"
"Feelingera ka talaga no? Nakita ko lang na yung maangas na lalake yun na mukhang naluging hapon." anito
Siya naman ay natawa. "Grabe ka naluging hapon talaga. May pangalan yun no Giro." sabi niya.
"Yeah whatever mukha namang loser." sagot nito at inunahan na siya sa paglalakad.
'Ba't ang hilig ng mga tao ngayon na unahan siya? '
"Goodluck to your class. But I make sure you will all lose and oo nga pala." anito at may pahabol pa.
"Ok lang naman sakin kung sabay tayo pupunta sa field mamaya. Para you know hindi ako topic ng mga chismosa mamaya kundi ikaw." pa-sweet nitong sabi saka siya kinindatan.
Uupakan niya na sana 'to nang huli na dahil sinara na nito ang pinto ng CR ng boys.
" Grabe ang yabang, antipatiko, damuho. Lahat na lang na sayo. Wag na lang no. No thanks!" sigaw niya mula sa pinto. Alam naman na maririnig nito ang sinabi niya.
Nakalimutan niya palang famous 'to at chick magnet. Tss. Gawin kong sisiw ang mga fans niya eh. Eesh.
---------
Sigaw dito, hiyawan doon. Walang kupas na tili ang naririnig mula rito sa bench na kinauupuan niya. But almost na sinisigaw ng mga ito ay ang pangalan ni Zachary. Lalo na sa part ni Lexin and her friends. Last round na kasi kaya ang higpit ng laban.. 3-3.
"Go Zachary my loves." sigaw nito kay Zach na sinusubukang makatawid sa next line. Laro ng lahi ang laro nila specifically patintero.
Napatingin siya kay Zach. Hindi muna ito gumagalaw sa pwesto nito. Mukhang binabasa ang kalaban. Ang class nila.
Ilang sandali pa ay mala-flash ang dating nito at inilihis ang katawan nito sa kamay ng kalaban at nakapunta na siya sa last line. Kay Giro.
Napahiyaw ang lahat ng class A sa nakita. Si Lexin naman ay tumatalon-talon pa habang nakataas na ang mga kamay at hindi inintindi ang palda nitong malapit na makita ang hindi dapat makita.
Napanguso na lang siya. Hindi niya ma-cheer si Zach dahil kalaban nila to. Baka sabihan pa siyang impostor ng klase. Dati kase, pumupunta siya sa pinkatuktok ng bench dito sa field para lang hindi siya makita since nakatutok naman lahat sa laro. Pero ngayon, hindi na. Bad kasi si Zach tss.
Hindi niya namalayan nakatingin na din pala si Lexin sa kanya with matching taas pa ng kilay. Binigyan niya na lang 'to ng major irap. 'Hmph, akala niya magpapatalo siya rito. No, in a major, major way."
Zach gave an evil smirked to Giro which makes him angrier. "Kamusta tol. Ok ka lang ba ang pambubusted ni Hannah sayo?" panunukso niya sa lalake. This kind of strategy.
Kumunot-noo naman si Giro. "Paano mo nalaman ha?" galit nitong tanong.
He smirked widely. "Nothing, I have my ways. You know tol kung ako sayo titigil na ako kasi alam mo ang totoo." pabitin niyang sabi at pinaningkitan ito.
" Ako naman ang gusto niya hindi ikaw." dagdag niya.
Tila nagdilim naman bigla ang mukha nito na lalong nagpangiti sa kanya. 'Game on loser' bulalas niya sa isip.
Akmang susuntukin na siya nito ng lumihis siya kaagad palabas sa linya. Hiyawan na lang ang narinig siya sa buong field at tiningnan si Giro na ngayon ay mukhang nagulat. Nawala siguro rito na nasa laro sila basta si Hannah ang pag-uusapan. He knows his weaknesses. Hindi nga siya nagkamali.
" Sa laro meron talagang nananalo at natatalo. Nasa tao na yan kung talagang tatanggapin mo ito o hinde." makahulugan niyang sabi habang nakikipagtitigan kay Hannah na ngayon ay nakatingin rin sa kanya. Pagkatapos ay tumingin rin kay Giro na nakasalampak sa sahig at nakayuko.
"Isa lang ang pwedeng manalo sa laro Giro. Tandaan mo yan." dagdag niya saka iniwan na ito.
-------
Sa kabilang banda naman ay may nahagip ang babae sa camera niya habang tinitignan ang pictures ni Zach habang naglalaro.
"Oh my is this true?" hindi niya makapaniwalang saad niya.
" Oh my gassh talaga sabi na eh ahaha" masayang sabi niya saka sinave na ang pictures at umalis.
Mahirap nang may makakita sa kanya.