"Ahhhh sa wakas tapos na rin ang madugong tatlong araw whooo!!" sigaw nitong katabi niya na kanina pa sigaw ng sigaw with matching talon at taas pa ng kamay. Tss.
"Mukha kang tanga diyan para namang first time mag-exam tss." pagsusungit niya.
"Aba talaga namang masaya kasi second to the last exam na natin ko at makaka-graduate na tayo whooo!!" sigaw nito ulit.
"Magtigil ka nga Giro pinagtitinginan na tayo oh." totoo naman eh. Lahat ng mga tao na dinadaanan nila ay lumilingon sa kanila. Kundi ba naman baliw ang isang to.
"Make sure na mataas score mo niyan ah. Nagreview ka ba?" tanong niya with matching taas-baba pa ng kilay.
"Syempre hinde hahaha." aba't masaya pa 'to. Loko talaga.
"Proud ka pa wow ha. Sa lahat ng nakilala kong tao ikaw lang ang ganito. Lumuwag na ba ang turnilyo mo sa utak?"
"Naman Hannah, syempre wala ka ng ibang makikita pang lalake na kasing gwapo ko, kasing macho ko at kasing astig nito." sabay pogi sign pa. "Kay Giro mo lang makikita lahat kaya hindi ka na pwede maghanap pa ng iba" dagdag naman nito at inakbayan siya.
"Right Hannah? So pwede na bang manligaw?" pagpapa-cute nito.
Siya naman ay pilit inaalis ang kamay nito sa pagkaka-akbay. Masyadong mabigat.
"Alis, ang bigat ng kamay mo. Ano ba ang tingin mo sa sarili mo? Hindi ba nanliligaw ka na kahit wala pa akong sinasabi?"
Biglang nanliwanag ang mukha nito at napa-O sa kanya.
"So talagang pumapayag ka na. Yes! Yes! Yes! May pag-a-------"
"Wala akong sinabing pumapayag ako. Kahit naman sabihin kong ayoko eh makulit ka. Nanliligaw ka pa rin." malumanay niyang sabi.
Para namang binagsakan ng langit ang mukha nito at yumuko. Maya-maya ay umiiyak na ito sabay punas pa pero wala namang luha. Muntanga talaga ito.
" Grabe ka bakit ayaw mo? Ano pa bang kulang sakin? Aaminin ko hindi ako matalino di katulad ng damuhong Zachary na crush mo pero isa lang pwede kong patunayan sayo..." pabitin niyang sabi at sumersyoso na.
"Totoo ako magmahal Hannah at seryoso talaga ako sayo. Mukha lang itong loko loko at bulakbol ngunit kaya kong magbago basta sa taong gusto ko." sabi nito.
Tinititigan niya ito ng mabuti. Wala ngang bakas na biro ito. She awkwardly laugh and slaps his shoulder.
"Uy nagjojoke ka na niyan? In fairness napatawa mo na ak------"
"As I said seryoso ako." pagpuputol nito. Unti-unti namang nawala ang halakhak niya at napalitan ng hiya.
"Ahmm...."
'Shet ano bang sasabihin niya? Hindi niya alam. Kilala niya si Giro sobra kengkoy man ito ngunit bibihira lang kung sumeryoso ito.'
"Ahm Giro wag ka sanang magagalit ha?! You know sobra kong tine-treasure ang pagkakaibigan natin. Kahit na alam kong may gusto ka sa akin pero tignan mo naman diba?! Nilayuan ba kita? Hindi diba? Kasi mahalaga ang friendship sa akin at iyon ang ayaw kong alisin sa ating dalawa. "pag-amin niya
Mas maganda ng sabibin ng maaga kaysa naman umasa siya." Ayokong saktan kita Giro pero 'yun kasi ang totoo. At alam kong mahirap tanggapin pero gusto ko malaman mo na after nito kakausapin pa rin kita. Friends is always be friends. " pagpapagaan man lang niya rito kahit konti.
Wala itong sinabi at nakatitig lang sa kanya kaya siya na ulit ang nagbasag ng katahimikan." Oh cge mauna na ako ha. Magpapahinga na rin ako. Babye at ingat" nagpaalam na siya at kumaway na lang rito sabay takbo at hindi na hinintay ang sasabihin nito.
"I am sorry Giro pero sana mapatawad mo ako."
--------------
Hindi niya na alam kung pang-ilang buntong hininga na ang nagawa niya habang nakatingala sa langit. Ang ganda lang titigan ito dahil andaming mga bituin at buwan nakapalibot rito. Nandito siya ngayon sa may garden ng Zanford at nagmomoment.
"Lalim ng iniisip natin ah. Let me guess?" sulpot sa kung saan man ang nagsalita kaya napalingon siya agad dito. Nag-iisip pa ito na mala-detective ang dating.
'Bakit ba ang hilig hilig ng mga Zanford sumulpot sa kung saan saan? Tss.'
"Friends?" hula nito.
'Ba't ang galing galing ni Tita Nina manghula sa mga ganitong bagay? Kalahi ba nito si Madam Auring?' kausap niya sa sarili.
"Ahm. Medyo po Tita eh." tanging sagot niya na lang at tumingin ulit sa langit.
Naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya at bumuntong hininga sabay tumingila rin sa langit.
"Would you mind telling me what happened?" tanong nito.
Kinuwento niya naman ang buong detalye ng pag-uusap nila ni Giro. Walang mintis at walang kulang. Nakikinig lang ito. Tumatango rin minsan ngunit hindi nagsasalita.
"You know what. I've read something from one of my favorite books and I have this kind of feeling that you really need it." she paused for a second.
"A friend is someone who gives you total freedom to be yourself and especially to feel, or not feel. Whatever you happen to be feeling at any moment is fine with them. That’s what real love amounts to. Letting a person be what he really is."paliwanag nito habang nakatitig ng mabuti sa kanya.
"That's from Jim Morrison hahaha." dagdag pa nito.
"Di ko po maintindihan. Fine with them? Sa tingin niyo po kaya ok lang kay Giro ang pambubusted ko sa kanya?" curious na tanong niya
"Sabihin na nating hinde. Sino ba naman ang matinong manliligaw na pagkatapos bustedin eh ok na sa kanya agad na parang wala lang. Syempre masakit sa kanya yun base sa kwento mo. Sabi mo nga talagang seryoso siya sayo so wag mo ng isipin ang ganun masyado. Lilipas rin nararamdaman niya para sayo at kung pinoproblema mo ang friendship niyo. Kung talagang kaibigan ka niya at mahal ka niya. Hindi niya babalewain na lang basta basta ang mga pinagsamahan niyo at lalayuan ka na lang. Matatanggap niya rin yun hindi lang ngayon kaya wag mo na masyadong dibdibin ha?! Don't be feel guilty. Cge tatanda ka ng maaga niyan hahaha. " pagbibiro nito kaya naman nakitawa na rin siya. Medyo gumaan na rin loob niya kahit papano. Tama! Wag niya munang isipin ang mga ganitong problema. Alam kong mahirap para sa kanya pero alam kong lilipas rin ang nararamdaman niya para sa akin.
" Sana nga Tita sana nga"
"Oo yan pero hindi mo ba talaga siya gusto kahit konti lang" tanong nito medyo may nahimigan pa siyang excitement or ano. Ewan minsan talaga hindi ko mabasa itong si Tita eh.
Umiling siya. "Nope po talaga Tita mas nangingibabaw talaga ang pagkakaibigan namin." sagot niya.
Lumawak naman agad ang ngiti nito. "Oh I see, oh siya cge na papasok na ako ikaw ba papasok na rin? Tara sabay na tayo." alak nito.
"Ahm ikaw na po muna Tita hindi ko pa kasi feel na pumasok eh." Totoo naman.
"Ok den mauna na den ako sayo ha. You know labing labing ahaha." sabi nito at kumaway na lang sa kanya.
Napailing na lang siya rito saka tumawa ng umalis na ito. Ang tatanda na nila pero ang sweet sweet pa rin nila Tito. Sana ganun rin siya balang araw pero kanino naman hayss.
"What are you still doing here? Are you not afraid of the frogs out there?"
For the second time nagulat na naman siya ngayong araw. Naniniwala na talaga ako na ang mga Zanford ay may lahing kabute. Pero ano raw frogs? May palaka dito? Mabilis pa sa alas dose na tumayo siya at tumakbo papunta sa likod ng lalake.
"Oh my ghad frogs! Saan? Saan? Sabihin mo! Huhuhu! Natatakot ako ang pangit pa naman nilang tignan."
Humalakhak naman ito at agad na may naisip na kalokohan. "Palaka? Nandiyan sa may paa mo. Tignan mo dali." pang-aasar nito.
Sa sinabi nito ay hindi niya na magawang lumingon at tumalon na lang sa likod ng lalake. Napahawak pa siya agad sa buhok nito.
"Oh my gosh alisin mo! Alisin mo dali waahhhh! Paps tulong huhuhu." Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang palaka. Tumatalon kasi ito at ang chaka pa ng pagmumukha.
"Sh*t ang bigat mo. Aray yung buhok ko masakit. Get out of my back! Argh! Walang palaka ano ba niloloko lang kita. Naniwala ka naman agad." angil nito at pilit inaalis ang kamay niya na nakasabunot sa buhok nito.
"Ehh alisin mo muna ung palaka." sabi niya habang nakapikit pa ang mga mata niya.
"Wala nga kulit nito. If I know tuma-tsansing ka lang sakin aminin mo na."
Sa sinabi nito agad naman siya napadilat at tinignan ito saka binatukan. Napa-aray na naman ito buti nga.
"Kapal mo baka naman ikaw ang tuma-tsansing sakin. Bakit mo den sinabi 'yun ha para matakot mo ako at lapitan agad kita para yakapin ganon?"
"Eh sa ano ba ang ginagawa mo sa akin ngayon diba niyayakap?" pang-aasar na saad nito.
Doon nga niya na realize na nakayakap na nga siya at anlapit pa ng mukha nila sa isa't-isa kaya naman dali dali siyang umaklas dito at sinamaan niya ito ng tingin saka ngumisi.
" Eh di totoo ngang gusto mo lang maka-iskor sa akin. Oh c'mon Zachary aminin mo na hindi naman ako magagalit." tukso niya na kina-nuot noo naman nito.
"Tell me what?" walang ka-ideya nitong tanong.
"Duh na crush mo ako ano pa ba? Uy Zachary ano yiee." tukso niya habang tinutusok tusok niya pa ito sa tagiliran.
"Huh? Asa ka as I said hindi kita type." tanggi nito at umupo sa damuhan at tumingala sa langit.
"Hindi daw sus eh ano ba yung pagbigay mo sa akin ng pen sa exam ha. Ikaw pasimple ka rin ano pero thank you ha. Ginamit ko yun habang nagsasagot ako sana nga maipasa ko na ngayon." malumanay niya ng sabi at umupo naman sa tabi nito.
"Keep it."
"H-huh?"
"I said keep it. It's nothing. Itatapon ko na sana yon kasi ang cheap kaso naisip ko ang 5 dollars rin yun kaya ibinigay ko na lang sayo." walang gana nitong sabi at nagkibit balikat pa. Siya naman ay napanganga na lang rito.
"Grabe ka parang wala lang sayo ang pera ha."
'Kainis kung ako yun hinding hindi ko itatapon yun eh.'
"Wala lang naman talaga sakin ah. It doesn't gives me a true happiness." simpleng sagot lang nito ngunit may nahimigan rin siyang lungkot sa boses nito.
"May problema ka ba?" nag-aalala niyang tanong. Naalala niya iyong book na binabasa nito sa library dati. Tungkol din sa happiness yun eh. Bakit kaya?
Umiling ito at hindi na nagsalita kaya alam niya ang ibig sabihin nito. Ayaw nitong ishare ang problema niya.
" Ok den, ok lang naman sa akin kung ayaw mong sabihin pero kapag handa ka na pwede mong ishare sakin. Promise mapagkakatiwalaan ako." magiliw na ani niya at nagpromise sign pa.
Natawa naman ito saka tumayo na. "Tomorrow is the result of our exams. Goodluck." sabi lang nito at naglakad na ngunit hinabol niya naman agad ito.
"Zach" tawag niya. Huminto naman kaagad ito ngunit hindi lumilingon sa kanya kaya tinawag niya na ito sa pangalan.
"Zach" dahil don lumingon naman ito ngunit walang expression ang mukha nito.
"What do you call me?" he asked.
"Zach" magiliw na sabi niya. "Ang haba kasi ng pangalan mo, Zachary kaya Zach na lang for short."
"Who told you to give me a nickname?" he asked again.
Ngumisi naman siya agad at tinignan ito ng nakakaloko. "Your future wife" pang - aasar niya.
Ito naman ang ngumisi at napa-taas ang kilay. "Asa" sabi lang nito at tinalikuran na siya saka naglakad muli ngunit may pahabol pa siyang naisip kaya isinigaw niya na lang.
"Hindi ako asa no nagsasabi lang ng totoo. Hannah Avery-Zanford ganda diba." pang-aalaska niya.
"Yeah dream on." sigaw nito at tuluyan ng nawala sa paningin niya.
Mukhang silang tanga nagsisigawan kung pwede namang lumapit no ahahaha. Muli niyang tiningala ang langit at ilang segundo pa ay biglang may shooting star na lumabas.
"Wow timing makapag-wish nga wala namang masama eh."
'Sana magkatotoo'
----------
"Whoo inhale exhale self. Kalma, kalma lang. Mapapasa mo to whooo!"
Kanina pa niya kinakausap ang sarili niya. Hindi siya mapakali at sobrang sasabog na puso niya sa kaba at pinagpapawisan na rin siya ng malagkit. Tinignan niya ang mga kaibigan. Bakante ang upuan sa may dulo. Ang upuan ni Giro.
Napabuntong hininga siya. She feels guilty ngunit wala siyang magawa para mapagaan man ang loob nito.
"Ok class good morning to all of you. Hawak ko na ang result ng exams niyo. I just want to say na ang nararamdaman ko ngayon ay hati." sabi nito kaya napakunot - noo naming lahat.
Itinaas naman agad ni Chibs ng kamay nito kaya duon natuon ang atensyon ni Ma'am Maria.
" Yes Chibs"
"What do you mean Ma'am na hati?" curious na tanong nito.
"Half bad news and half good news." sagot ni Ma'am.
"Ano po ang good news at bad news ma'am" kinakabahang tanong ng isang kaklase nila.
Napabuntong hininga muna si Ma'am at kinuha na ang mga test paper nila kaya kinabahan na kaming lahat.
"Good news and bad news malalaman niyong lahat after kong ibigay ang paper niyo."
'Omyghad si ma'am pa-suspense pa huhuhu. Ano kayang score niya? Kinakabahan ako.'
Isa isang tinawag ang pangalan nila at ramdom ang pagbanggit nito. May iba pa na sobrang lungkot ang mukha nila kapag nakita na nila ang scores nila. May ibang namang natutuwa pa kahit bagasak na. Halo-halong emotion ang nakikita niya kaya halo-halo rin ang kanyang nararamdaman.
'Jusko konti na lang ang papers na hawak ni Ma'am tapos umiiling pa ito at mukhang hindi pa masaya kapag binibigay pano naman siya huhuhu.' dasal niya.
"And last but not the least Hannah. Hannah Avery come here get your paper." seryoso nitong sabi kaya napatuwid siya agad ng upo at pa simpleng nag-cross sign. Dahan-dahan siyang lumakad papunta rito at parang slow-motion ang pag-abot nito sa kanya kaya napapikit muna siya sandali bago binuksan ang isa muna niyang mata.
Napatulala nalang siya sa kanyang nakita. Binuksan niya na rin ang isa pa niyang mata at na-estatwa kaya napatawa na lang ang adviser niya sa kanya saka tumayo at hinarap ang buong klase.
"As you can see bagsak na naman kayong lahat sa exam. Ano pa bang bago pwera lang talaga sa isa na hindi ko inaasahan." sabi nito at tumingin sa kanya at ngumiti ng napaka-lapad.
"Congratulations to Hannah Avery. She's got only 5 mistakes in your exams and she's one of the highest among all 4th year students. Congratulations Hannah." masayang sabi nito sa kanya.
Nagulat ang lahat ngunit nagsipalakpakan rin sa huli at kita nga niya rito na masaya nga sila para sa kanya.
'Oh M G! I can't believe it. Oh my gosh!' aniya niya sa isip.
Sa kabilang banda naman ay may hindi natutuwa habang nakatitig lang sa klase ng section D specifically Hannah.
"Something is not right. How could it be possible? I need to find it." aniya nito habang matalim na nakatitig sa dalaga.
"Yehey look Zach highest daw ako whoo." sabi niya habang pinapakita niya ang score niya sa lalake.
Wala namang emotion lang itong nakatingin sa paper.
"Oh M G! Talaga Hannah let's celebrate your achievement. Magba-bake ako wait. " magiliw na sabi ni Tita Nina saka na dumiretso sa kusina. So bale silang dalawa na lang ni Zachary ang natitira sa sala.
"That's unexpected. Inaasahan ko ng babagsak ka." bulong nito. Napanguso siya agad rito.
"Grabe ka sa akin no. Here patunay na may utak rin ako. Na stranded nga lang ng ilang taon. Bleeh" at blinelatan niya nga ito.
Tiningnan lang siya nito saka itinutok na naman ang tingin sa binabasa.
'Grabe parang wala lang rito ang ginawa niya ha.'
"Congrats self. Congrats ang galing galing mo talaga." pagpaparinig niya. Iyon nama talaga ang gusto niyang marinig ngunit wala man lang itong sinabi. Antipatiko talaga aishh.
Tumayo naman ito at papasok na sana sa kusina nang magsalita ito.
"Fine. You impressed congrats!" at tuluyan ng pumasok sa kusina.
Impressed daw?!