Zanford University
(1 day before exam)
"Cells is the basic unit of life. It composed of different types of organelles namely nucleus which is the control center of the cell. Mitochondria the power house of the cell......" madami pa siyang minemorize habang nakatingin sa kisame ng classroom niya habang ang mga kaklase niya ay nagkakanya-kanyang gawa. As usual hindi nagrereview ang mga ito.
" Cytoplasm is the... " hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumingit si Chibs.
"Ay wow nagrereview siya Naomi!!" tawag nito kay Naomi at kinalabit. Kasalukuyang nagbabasa ito ng anime books habang may nakasaksak pa na headphones rito. Tinanggal niya naman.
"Bakit?" walang gana nitong tanong.
"Tignan mo si Hannah nagrereview. Nagbabagong buhay na ahahaha." halakhak nito.
"Ansakit nun ha para mo ng sinabi na hindi ako pwedeng magbago ha. Tsaka kayo nga ang dapat magbago no. Mahirap daw ang college. 2x pa sa inaasahan mo." paliwanag niya.
"Sus ka-oa-han lang yan. Easy lang yun sus." sagot ni Chibs sa kanya
"Maiba nga tayo. Bakit ka ba nagrereview? Para ma-save ang ego mo kay Zachary dahil tinawag kang stupid at walang ibang ginawa kundi pagpantasyahan lang siya?" malumanay na tanong ni Naomi.
'Bingo'
"Oo bakit? Masama? Ansakit kaya ng sinabi 'nun no. Parang feeling naman non na siya ang pinaka-genius sa buong mundo. Hindi no! Ang antipatiko non. Walang modo. Sobrang mapang-asar. Walang GMRC! Sobra pang manyak tapos....." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng bigla ng sumingit si Chibs with matching harang pa ng kamay nito sa mukha niya.
" Tapos, tapos ka na?! " nataas-kilay nitong tanong." Dire-diretso ka eh, may bukas pa. Ireserve mo na lang. Mukhang sasabog ka na eh. Huwag lang mag-aalala kakampi mo kami. Hindi kami si Zachary tss." sabi nito at umingos.
" Chill bes ahah" tawa ni Naomi habang tina-tap ang balikat niya. "Tsaka feel ko naman na ayaw mo na kay Zachary eh. Kinikilig ka pa nga kagabi eh. Ayaw mo pang sabihin kung sino." dagdag nito at kinindatan siya.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at dahan-dahang tinignan si Chibs. For sure magtatanong yan. Dakilang chismosa rin 'to eh in 3....2....1....
" Oy yoy yoy yoy! Ano yan? Anong kilig kilig ang naririnig ko? Bakit kayo lang ang nagkakaintindihan? Dali sali ako. Ano yan?" usisyoso nito.
Sabi niya na eh.' Kapag may chismosa ka nga namang kaibigan oo. Walang palalampasin na topic. Tss.'
"Si Hannah kagabe biglang tumawag sa akin tapos ang impit ng boses na parang kinikilig tapos ayaw sabihin kung sino." paliwanag nito sa kaibigan.
Bumaling naman kaagad si Chibs sa kanya. "Oyy Hannah sino ' yun? Bago mong ehem" at umubo pa 'to. "Crush?!" sabay taas-baba ng kilay.
' Langya siya na naman ang nasa hot seat. Mabubuking siya ng wala sa oras eh. Huhuhu'
"Hindi no kaya lang ang impit ng boses ko kasi nasa CR ako non. Ang hirap bumaba ng bomba ko habang kausap ko si Naomi kaya 'ganon. Kayo talaga advance niyo mag-isip. Tss." palusot niya na naman. Pang-ilan na palusot niya na ba sa mga kaibigan niya. Hindi niya na mabilang eesh!
" Ako ba ' ey niloloko mo aber? Iha huwag mo kaming niloloko iba ang impit ng boses ng nag-eebak sa impit ng boses na kinikilig. Aba 'ey huwag mo kaming utuin." boses batangueno nito.
"Aba ' ey ako lang ang nagsasabi ng totoo 'ey." panggagaya niya rin.
"Tss. Tama na yan hindi niyo bagay aissh. Kung nagsasabi man ng totoo si Hannah. Eh di ok period. Basta ang mahalaga naka-move on na si Hannah sa lalakeng yon. Aba wala dapat na mananakit sa friendship ko no." sabi ni Naomi at yinakap siya.
"Love you bestfriend, basta ang mahalaga ok na. Pero Hannah.." dagdag ni Naomi at hinawakan ang magkabilang balikat niya at saka tinitigan. Sobrang seryoso ang mukha nito.
"Wag na wag ka na ulit iiyak lalo na kapag lalake ang pag-uusapan ok. Huwag mo silang iiyakan. Huwag mong ipakita na mahina ang loob mo. Tibayin mo ok tsaka higit sa lahat meron pa kami ni Chibs. May tenga at balikat ka pang masasandalan." sabi nito. Ngumiti siya ng malawak rito at tumango. Amg swerte niya na may kaibigan siyang ganito. Tama siya. Kahit kailan hindi na siya iiyak kapag lalake na ang pag-uusapan...........
Lalo na kung si Zachary na ang usapan....
-----------------------
"Who invented the microscope?"
"Ahmm.." nag-isip siya sandali at maya-maya ay naalala niya na ang sagot.
"Aha! Zacharias Janssen." magiliw na sagot niya rito habang nakataas pa ang hintuturo niya.
"Uh-huh?! Correct. Now who improve the compound microscope?" tanong ulit ni Zachary.
"Hmm. Aha! Anton van Leeweunhoek." sagot niya naman.
"Good. Now we're done." sabi nito at sinara na ang book saka siya tinignan."As of now nag-iimprove ka naman na. Not bad at all."
Bigla namang nag-init ang pisngi niya at pinigilan ang nababadya ng lumawak ang ngiti niya.
'Jusko! Wag niya naman sanang mahalata na kinikilig siya huhuhu'
"Ok I'm tired. I wanna go to bed and sleep." sabi nito at tumayo na at naglakad. Siya naman ay tumango lang at tumayo na rin. Ngunit bago niya isara ang pinto ay lumingon ulit ito sa kanya. Nacurious naman siya.
"Ahmm. Bakit? May kailangan ka pa?" tanong niya.
Bigla naman nilahad nito ang isang gold uni-ball deluxe rollerball pen sa kanya. Napatunganga siya.
"B-bakit yan? Para saan yan?" nauutal niyang tanong.
"Para saan pa nga ba? Try mong kainin. Tss." sabi nito at binigay sa kanya.
'Sungit talaga tss.' aniya niya sa isip.
Tumalikod na ito ngunit bago pa tuluyang umalis ay may pahabol pa itong sinabi na nagbibigay sa kanya ng kakaibang feeling sa sistema niya.
'Ano ' yun? May vending chair sa katawan niya? Weird!'
" Gamitin mo yan sa exam mo. Goodluck! " sabi nito at sinara na ang pinto.
*lub-dub* *lub-dub* *lub-dub*
Napahawak siya agad sa dibdib niya. Feel niya anytime kakawala na naman ang puso niya sa rib cage nito. Dalawang beses niya itong naramdaman. Una, 'yong malapit ang mukha nito sa kanya. Ngayon naman ay ang pagbigay ng ballpen nito at sinabihan siya ng goodluck.
' Geez, iba na 'to. Hindi niya na alam kung ano ba ito?' lito sabi niya sa isipan.
Zachary ano bang ginawa mo sa akin?
-----------------------
(Exam Day)
Nagmamadali na siyang lumabas ng bahay dahil mag-seseven thirty na at mag-uumpisa na ang klase. Baka mala-late pa siya kapag hindi pa siya magmadali.
"Kainis wala talagang epekto sa akin ang alarm clock. Tulog mantika pa rin ako aishh!" angil niya sa sarili.
"Hannah! Hannah!" tawag sa kanya ni Tita Nina.
"Bakit po Tita?" hingal tanong niya. From second floor to 1st floor ba naman ang tinakbuhan niya. Sinong hindi mapapagod dun? Tss.
"Sabay na kayo ni Zachary. Wait ka lang sandali pababa na rin 'yun."
Napatunganga siya.' Huh?! Andito pa 'yun? Ang alam niya umalis na ito eh. Grade conscious ' yun eh. Natatakot bumagsak pero parang hindi ito nathethreat? Ay ewan essh! '
Ilang sandali pa ay tanaw niya itong pababa na ng hagdanan. As usual ang gwapo talaga nito. Laging fresh tignan hahaha!!
"Anong tinutunganga mo pa diyan? Lakad na papuntang sasakyan para mabilis tayong makapunta sa school." sabi nito. But wait what?! Ano raw sasakyan?! May sasakyan ito?!
"May sasakyan ka?! Weh di nga! " gulat na tanong niya with matching paghanga pa rito.
Napa-face palm naman ito. "Oo bakit? Para namang bago 'yun nasa right age naman na ako. Hala! Sakay na anong oras na oh ten minutes na lang at mala-late na tayo." masungit na sabi na naman nito.
"Sungit nagtatanong lang eh saan ba ha para sasakay na ako master!" sarcastic na sabi niya.
"Nasa garage ' ung silver na BMW X5 'dun puntahan mo na at kukuha lang ako ng almusal ko. Hindi pa ako kumakain." and with that umalis na ito at pumunta na ng dining room.
"Eesh tss." wala na siyang magawa at sumunod na lang rito ngunit hahakbang na sana siya ng may maisip siya.
"Wait? Ano yung BMM? BM--? Ano na kasi yun? Ah basta ang naintindihan ko lang silver. Tama! Yun na lang hahanapin ko. Nga naman Zachary oo! Pinapahirapan talaga ako aishh!"
At doon na nga siya pumunta. Nasa bungad palang siya ay na pahanga na agad siya sa itsura nito. 'Wow ang laki pala ng garage nila. Sa one month palang na nag-stay siya. Ngayon lang siya natuntong rito. Hindi naman rin kasi siya palakwatsa tss.' ani niya sa isip.
Nagsimula na siyang maghanap sa tinutukoy nito. Maraming sasakyan at iba iba ang kulay at disenyo nito kaya hindi niya makita ang sasakyan nito.
"Wait paano pala niya mahahanap eh maski nga pangalan hindi niya alam. Aish bobo mo talaga Hannah argh!!" kausap niya sa sarili sabay pukpok pa sa noo.
"Are you crazy?" tanong ng tao sa likod niya kaya agad siyang napaharap dito.
Si Zachary pala at ngumunguya pa ng pagkain.
"Wala ka na talagang ibang ginawa kundi gulatin ako palagi no?" sarcastic niyang taong.
"Eh sa epic ng mukha mo eh. Muntanga ka diyan." sabi nito at nilampasan siya. May hawak nito na ewan ko ba kung ano 'yun basta pinindot na lang nito ang kaharap nito na kotse saka biglang tumunog at gumalaw na parang laruan lang.
"Wow astig parang iyong nilalaro lang ng mga bata na kusa ng gumagalaw." mangha niya sa sasakyan nito.
Pasimple na lang ngumiti si Zachary rito. Natutuwa siya sa inaasal nito ngayon parang bata na sayang saya sa nakitang bagong laruan.
'Cute' aniya niya sa isip.
" Sakay na. " sabi niya at nauna ng pumasok sa driver's seat. Ngunit hindi agad gumalaw si Hannah kaya binusina niya ito. Kaagad naman itong pumasok sa passenger's seat habang patingin-tingin sa gamit sa loob.
'Seriously?! Ang ignorante naman nito tss.'
" Wow talaga Zachary ikaw na talaga ang mayaman. Parang di mo pa nagagamit ito. Bagong-bago eh."
"Nagamit ko na 'to. Minsan nga lang." tipid na sabi nito saka pinaandar na ang kotse.
"Wear your seat belt"
"Huh?!"
"I said wear your seat belt. Are you deaf?"
"Oo na po. Oo na po. Ito na nga eh oh. Grabe. Highblood agad aishh!"
Habang nasa gitna ng daan tahimik lang sila. Natutuyo na rin lalamunan niya. Kaso baka mainis kapag nag-ingay lang siya pero halos ilang minuto palang ngunit hindi niya na kaya.
'Grabe buti hindi pa ito nagkaka-bad breath. Ang silent eh tss. ' Binasag niya na ang katahimikan.
"Zachary, ilang tao na ba ang pinasakay mo rito sa sasakyan mo bukod kay Tita Nina, Tito Ferdie at kay Zander?" tanong niya malibang lang.
"Wala pa, ikaw palang." sagot nito habang nakatutok sa daan.
Nahigit niya ang kanyang hininga at feeling niya lahat ng dugo sa katawan niya ay napunta lahat sa pisngi niya.
'Ibig sabihin wala pang babae na sumakay pa rito bukod sa kanya at kay Tita Nina. Well except kay Tita kasi nanay niya. I mean babae na hindi kaibigan, girlfriend, bestie, asawa o kung ano man diyan na hindi niya kadugo. Shet! Ang swerte niya naman.' aniya niya sa sarili habang pinipigilan ang ngiti sa labi niya.
"Kung ano man ang iniisip mo. Nagkakamali ka. Hindi ka espesyal tss."
Automatic na nawala na naman ung good mood niya at pinaningkitan niya ito ng tingin.
' Kahit kailan basag trip talaga ito.'
"Wala naman akong sinasabi ah."
"You're too obvious. Your smiling like a dog. It's creepy."
Aso daw sa ganda niyang to aso daw. Kung siya mukhang aso ito naman mukhang tsonggo tss.
Malapit na sila sa tapat ng school ng biglang huminto ang sasakyan.
"Bakit ka huminto?"
"Labas"
"H-huh?!"
"Anong huh? Sabi ko labas gusto kong may makakitang magkasama tayo sa school ha?" inis na sabi nito.
Napasibi siya rito. "Fine kung makalabas naman to aso lang aso lang?!" pagpaparinig niya at tinanggal na ang seatbelt sabay kuha na ng bag saka lumabas at padabog na sinara ang pinto.
"Makabalibag ng pinto akala mo ang mura nito. Oyy pasalamat ka pa hinatid kita." sigaw nito.
Galit na hinarap niya ito. "Pasalamat? Fine. Thank you Zachary ha and thank you for being gentle to me." she sarcastically said and continued walking.
'Hay salamat naman at hindi pa siya late. Kahit papano nakaraos rin siya sa paglalakad at pag-akyat papunta rito tss.'
Medyo masakit na paa niya kaya nagpahinga muna siya sa harap ng classroom niya. Nang papasok na siya ay may biglang magsalita sa likod niya kaya agad na liningon ito.
"Goodluck." sabi lang nito nang hindi lumilingon sa kanya at dire-diretso lang lumakad papuntang classroom nito.
Eesh dapat ba siyang matuwa sa sinabi nito eh sobra nga itong makataboy kanina akala mo aso siya. Tss. Bahala siya diyan. Ni hindi man lang marunong mag-sorry. Pero tss. Ewan ang g**o ng ugali non. Minsan mabait, madalas suplado at antipatiko pa.
Mga lalake nga naman minsan ang rin g**o ng utak nila hayss.