Chapter 17: Sunset

2469 Words
Kanina pa panay kuha ng mga litrato ni Nina sa anak niya at kay Hannah. Nakahilig kasi si Hannah sa braso ni Zach habang hinahayaan lang ito ng anak niya. Kanina pa siya kinikilig kahit hindi niya marinig ang mga pinag-uusapan nito ngunit sapat na ang mga nakikita niya para sumaya lalo ang araw niya. "Success!" Bulong niya. "Tita, anong ginagawa mo diyan? " nagulat siya at muntikan ng mahulog sa inaapakan niya ngunit buti na lang kaagad niyang nahawakan ang puno malapit sa kanya. "T-tita bakit po naka-salampak ka malapit sa likod ng mga halaman?" Si Chibs. Lumingon siya sa mga ito sabay kagat ng labi. Seryoso lang ang mga ito na nakatitig sa kanya ngunit parang bata naman si Nina na guilty na parang nakakita ng kababalaghan. "Ay, hehehe sorry ano..ang ganda panoorin ang dalawa eh." Sabay palihim na tinuro ang dalawa na nagmomonent pa rin. Nalaglag naman ang panga ng dalawa. "Shocks, di ko na talaga kaya ang mga nangyayari. Masyadong mabilis."si Naomi sabay sapo sa ulo. Tumawa naman si Nina ng mahina. "Mabilis nga pero wala ba kayong napapansin?" Tanong niya. Bumaling na naman ang dalawa kila Zach at Naomi na ngayon ay gumigitara na ulit si Zach samantalang nakikinig lang si Hannah sa kanya. Ang sweet naman tignan! Umimpit siya sandali ng kilig. "Hmm. Nagkaka-developan na?!" Hula ni Chibs. Mabilis naman siyang tumango saka sumimangot. "Pero..mukhang in-denial pa rin ang dalawa." Malungkot niyang turan. Hindi nagsalita ang magkaibigan ngunit nagtinginan lang pero alam niya na sa loob-looban ng dalawang 'to ay may parang may balak na hindi kaaya -aya pero gusto niya 'yun. HAHAHA! "Wag kayong mabahala Tita, sagot namin 'yan. Kami pa, kakampi mo kami!" Sabi na eh. Ngumisi siya. Hmm. ~ "Hannah, dalian mo diyan, atat na kaming pumunta ng dagat. Ano ba! Ang tagal mo may prayer meeting ka ata kaya antagal mo lumabas." Sigaw ni Chibs sa labas ng kwarto niya. Buti nga bumaba na si Tita eh baka mapagalitan siya. Megaphone talaga sigaw ni Chibs. Prayer meeting? Linya ni Zander yun ah.Tss! "Ayun!" Masayang sigaw niya sabay tayo. Kanina niya pa hinahanap ang sunblock niya. Nasa pinaka-ilalam pala ito ng bag. Hindi nailagay ni Tita. "Pagong ka talaga. Ang tagal mo!" Reklamo naman ni Naomi nang lumabas siya. Nakahalukipkip pa ang dalawa sa kanya. "OA niyo." she rolled her eyes. "Sigurado ka ba na gusto mong mag-swimming?" "Oo nga parang di ka na-trauma ah!?" Hindi naman talaga, in fact mas gustung-gusto niya pa. "Hindi ok, halina kayo!" Naglabas naman ng hininga sina Chibs at Naomi. "Good, baka mapatay tayo." "Oo nga!" Bumaling kaagad siya sa dalawa saka nagtaas ng kilay. Humalukipkip siya. "Anong binubulong-bulong niyo diyan?" "Wala tara na't samahan ka na namin baka mapano ka pa diyan." Wala na siyang nagawa sa sinabi ni Chibs dahil hinila na siya ng dalawa sa magkabilaang braso. Sa kaliwa si Chibs at kanan si Naomi. "Hannah anak, pwede naman kayo sa swimming pool eh baka malulunod ka na naman?!" Nag-aalalang tanong sa kanya ng tatay niya. Nakaupo ito sa sun lounger habang nakaharap sa kanya. Hinawakan pa ng tatay niya ang isa niyang kamay. His eyes pleading not to come again but Hannah give him an assuring smile. Mas na-trauma pa ata mga kasama niya kaysa sa kanya eh. Hays! Wala naman na itong nagawa kundi tumango na lang. Wala itong dapat ipag-alala dahil may mga kasama na siya. "I will be safe, Paps. Don't worry. I love you!" She just said and give her a kiss in his forehead. Ngumiti lang ito ng tipid saka tinulak na siya palayo. Natawa na lang siya sa inasta ng tatay. Dumiretso muna sila sa cr para makapag-palit ng bikini. This time it's black, mas bagay daw niya dahil maputi siya. Wala na siyang nagawa kung di isuot na lamang. Nang matapos na siya ay lumabas na siya at sinabi na lang na maghihintay siya sa labas, pumayag kaagad sina Chibs at Naomi. "What are you doing here?" Napabalikwas kaagad siya ng pagkakaupo ng makita niya sa gilid niya si Zach. Mataman itong nakatitig sa suot niya tila pangit pa sa kanya. Tumagal ito sa dibdib niya kaya pasimple niyang hinawi ang mahaba niyang buhok. "Ah, inaantay ko mga kaibigan ko magbihis. Ikaw ba't ka nandito?!" Tanong niya nang tumayo na siya. Ngayon lang ulit niya natitigan ang suot nito. He's wearing sando and shorts. Nakikita niya tuloy ang maskulado nitong braso. Bumaba pa ang mata niya sa tiyan nito, for sure nandiyan ang pansel na tinatago. Bumaba pa lalo ang mga mata niya sa gitna-- "Done checking my body?!" Hindi nawala sa boses nito ang panunudyo. Umiwas kaagad siya ng tingin. "Eww, never!" Humalakhak ito kaya sinamaan niya ng tingin. Umiling ito pero natatawa pa rin. "Magswi-swimming ka?" "Obvious ba?!" 'Attitude!' Bulong nito pero narinig niya naman. "Ano sabi mo!" Sigaw niya. Umiling lang ulit si Hannah pero obvious na pinaglalaruan na naman siya. "I'll join you!" Sabi lang ni Zach saka iniwan siya ng napaawang at nakatulala. She didn't expect that. Diba galit ito?! Wala siyang masabi hanggang sa lumabas na sina Chibs at Naomi. "Ghurl, mukhang may nasapian na naman."-Naomi "Nasapian ng ano?" "Obvious naman malamang pagkabaliw. Eh tignan mo nga nangyari sa kanya kahapon, nalunod sa selos.." Iginawaygay ni Chibs ang kamay nito sa mukha niya. Umayos siya saka sinamaan ng tingin si Naomi. Tila natutuwa pa ang dalawa sa pagka-asar. Umingos siya, makita niya lang yung babae baka masabunot niya lang. "Pero Hannah matinding advise lang ha.." Si Naomi What? "Ano?" "Huwag masyado halata ok. Learn to control your feelings baka mamaya ikapahamak mo 'yan." "Label muna rin." "Teka -teka hindi naman siya nanliligaw ah. Tsaka, wala siyang sinabi na gusto niya ako. " "Di mo sure" humalakhak lang ang dalawa saka tumalikod. "Tindi ng manok natin." Bulong ni Naomi. "Oo nga, sa sobrang tindi hinugot na ata buong hangin sa katawan hanggang abs kaya may mga pandesal." "Anong gagawin natin?" "Eh di lunurin nalang natin siya para sagipin ulit ni Zach at baka umamin." Binatukan kaagad siya ni Naomi habang kunot-noo lang si Hannah sa kanila. "Gaga eh kung mawalan ng hininga eh di tayo mapapatay ni Zach. Umisip ka ng matino, tanga!!" Napa-isip si Naomi. Oo nga no! "Basta mag-isip ka na lang mamaya, eh kung may makita ka diyan na tao, bagay o pandesal eh baka may papasok pa sa kukote mo!" "Bakit ako lang, ikaw rin. Palibhasa mas matalino ako sa'yo ng 1%, eh ikaw?' Taba lang ata utak mo eh!" Sisinghalan na sana siya ni Naomi nang sumingit na si Hannah sa kanila. "Hoy! Anong nangyayari kanina lang bumubulong kayo, ngayon sumisigaw na. Ano bang problema niyo ha?!" "Eh ito kasi eh!" Parang batang sumbong niya kay Hannah sabay duro kay Naomi. "Sabi niya mas matalino daw siya ng 1% tapos puro taba daw utak ko!" "Chibs...." Tawag sa kanya ni Hannah saka pumatong sa balikat at huminga ng malalim. Hinihilot nito ang sentido. "Chibs...hindi totoo yan ok. Mas matalino ka kay Naomi ng 0.50% kaya wag na kayong mag-away." "Totoo?!" "Oo" Tumango silang dalawa ~ "Hannah!" Tawag ni Chibs sa kanya kaya lumapit siya kaagad. "Bakit?" "Look, there's a flirty b***h roaming around your Papa!" Tinuro naman ni Chibs ang direskyon. Kaagad sumama ang paningin niya. Still, Zach is happy with that girl sabay tampal pa sa braso na dahilan kung bakit gusto niya lunurin ito pero ako ang nalunod. Argh! Kaya naman inaya ko na sila dumiretso sa dagat. Pero patungo na sana siya nang nahagip niya si Zander sa likuran nila. Nagtitigan kay Zach na tila nag-uusap. Mukhang seryoso ang dalawa. Tss! Bahala sila diyan. Ilang oras rin silang naligo. Sumunod na rin si Zach sa amin kaya wala siyang nagawa kaysa sa mahalata na naman siya na wala ako sa mood. Nagka-ayaan sina Chibs at Naomi patungong speed boat. Nataranta naman siya dahil hindi niya alam kung pano gamitin iyon. Excited na sumalpak ang dalawa sa isang speed boat kung san si Naomi ang magmamaneho at sa likod niya si Chibs. "Hoy teka pano naman ako hindi ko alam magspeed boat?" "Kay Zach ka na lang!" Sigaw ni Chibs Hindi mawala ang tudyo sa boses nito. Nagflying pa ito at umalis na ang dalawa samantalang awkward sila ni Zach habang walang imik na nagpaalam sa nag-aarkila pagkatapos ay lumapit na siya sa akin. Malikot ang mga nito. "Let's go?" He said causally. Tumango lang siya saka puwesto si Zach sa harapan at tinulungan naman siya sumakay. "Put your hands on my waist." Hindi niya na proseso agad ang sinabi nito sa gulat. "Huh?!" "Sabi ko ilagay mo ang mga kamay mo sa bewang ko." Teka! "Kailangan pa ba 'yun?" Nararamdaman niya ng pula ang pisngi niya pero hindi nakatakas sa mukha ni Zach ang ngiti at tawa. "Malamang gusto mo ba mahulog at magpakain na lang sa pating? Baka isuka ka pa na patay na dahil wala kang lasa?" Naasar siya bigla. "Hindi ako pagkain!!" Humalakhak si Zach "Silly, innocent girl, tara na!" Sabay hablot sa mga kamay niya at nilagay sa baywang nito.Naaamoy niyang pinagsamang chocolate and vanilla flavor. "Anong pabango mo?" Tanong niya habang sinusundan ang dalawang niyang kaibigan na paikot ikot lang sa dagat. "Prada" Ahh, kaya pala pati perfume gold rin. "Higpitan mo kapit mo bibilisan ko." Hinigpitan niya, kahit pula pa rin ang pisngi pilit niyang isawalang bahala. Her hands gripped on his abs. Jusko ngayon lang 'to susulitin ko na. Tinanghali na sila natapos kaya nagbihis na sila at binilin ni Tita na dumiretso na sa restaurant at habang naglalakad na sila ay nakasalubong niya ang babae na kalandi ni Zach. Ngumiti ito na parang wala lang. "Oh hi, I'm Laine, you?" Tanong niya sa akin na parang ako lang ang taong kaharap niya. Umasim naman kaagad ang mukha nina Chibs at Naomi saka umirap. "I'm Hannah!" With devilish sarcastic. Nahiya naman agad si Laine. "Btw, I'm sorry I'm Zach's friend ---" "Akala ko ba walang friend si Zach" diniinan niya ang salitang 'friend'. "Elementary friend" tipid nito. "Naging kayo ba?" Nagulat si Laine sa direktang tanong. Nang makabawi ay tumawa ito ng malakas na parang mali siya. "No, of course not. Mero--. Masipag siyang mag-aral kaya walang time sa love love na yan. Diba as you can see?!" Parang di siya sang-ayon. "Ok!" Yun na lang ang nasabi niya. Lumaki ang ngiti ni Laine at hinawakan ang kamay niya. "Can we be friends?" "No!" "But why?" "You're plastic at kahit mabulaklak yang bibig mo. Hindi sincere lahat ng sinasabi mo." Sabay bawj ng kamay niya. Sumeryoso si Laine saka nagtaas ng kilay. "Ok fine I don't like you too. Gusto ko lang naman mapalapit ulit kay Zach pero mukhang idiresto ko na lang sa kanya." "Wala siyang gusto sa'yo itsusera!" Sigaw ni Chibs. Nakangisi lang si Laine habang nag-iisip. " Sabagay oo nga sabi niya may nag mamay-ari na sa kanya. Lumakas ang t***k ng puso niya. Totoo? "Totoo ba 'yan?" Gusto niya marinig ang totoo. "Hindi ako ang magsasabi niyan." Wala na siyang nagawa dahil kaagad ring umalis ito. Naiwan niyang nag-iisip. Anong ibig sabihin nito? Damn girl? I don't slap women because of their dirtiness. I punched them with metal hands. Buong trip ay pumunta pa kami sa iba't-ibang lugar kagaya ng museo dito sa Ilocos Norte. Sadyang napaka-ganda at makasaysayan. "This is our last day of trip. Sulitin na natin!" Nalungkot siya dahil huling araw na. Gusto niya pang pumunta sa ibang lugar pero may pasok na sa isang araw. Bilang estudyante, hindi niya feel pumasok pero kailangan. "Hannah, picture tayo!" Aya ni tita dito sa windmill na harap nito. It was a very beautiful scenery with sunset reflects our face. Ang ganda ng Ilocos. "Pero mas maganda ang view ng isa diyan, no Naomi." Tanong ni Chibs nang makalapit na sakin. Sumunod na rin si Naomi ng nakangisi. "Ang ganda ba naman oh." Tinutukoy ba nilang ang Bangui Windmills, sunset, o siya? "May matutunaw..." "Hahahaha. Tara na picture na" Pumwesto kaming tatlo habang si Tita ang kumuha. Marami pang pics at kasama kami ni Paps. May ibang lahat kami pero wala pa samin ni Zach. "Zach, ano tatayo ka lang diyan manonood? Halika picture kayo ni Hannah?" Si Tito Cleo habang hila hila si Zach. Wala na siyang ibang ginawa kundi pumwesto ganun rin si Zach sa tabi niya. Minsan ay pasulyap sulyap ito kaya pati na rin siya tumitingin pero sabay umiiwas rin. "Grabe yan lang ba pose niyo? Parang manika ata kukuhanan ko eh." "Cute dolls." Biglang singit ni Tita. Lumapit siya samin at tinulak sa isa't-isa. "Ayan tapos Zach akbayan mo si Hannah, ganyan perfect" Pumikit siya at hinihintay si Zach na magrereklamo ngunit wala siyang narinig kaya dumilat siya. Only knew Zach was intently starring at her. Ngunit hindi kagaya non. Malalim ang tingin. She gasped and look at Tito. All of them looked at us but I remained my fake smile. Tita and Tito was smiling at me same the same with my bestfriends. Zander was serious while my father has no reaction. "Ok..." basag ni Chibs sa katahimikan. Umiwas na rin ng tingin si Zach at tumingin na lang sa camera ng seryoso. "Ok guys, smile!" sigaw ni Tito. Isang litrato lang sila ni Zach kaya nakakalungkot. Iba ang pakikitungo nito. Hindi umiiwas kundi hindi mapakali kapag nandiyan siya. Ano kaya nangyari dun? May ginawa ba siya? Naglakad na lahat papunta sa saril-sariling sasakyan maliban kay Zach na nakatanaw lang sa papalubog na araw. Hindi niya sana niya ito papansinin pero parang may humihila sa kanya para kausapin ito. Sa huli nakita niya na lamang ang sarili na lumapit rito. "Zach, alis na raw tayo!" Sigaw niya. Hindi ito umimik sandali. "Before we go... I have something to give you." Aniya saka humarap sa kanya. Umawang ang labi niya at hindi nakapagsalita. Gulat na gulat siya. Hindi niya birthday pero bakit bibigyan siya nito ng regalo? Gusto niyang magsalita pero ayaw ng bibig bumuka. He breathed heavily then took some thing in his pocket. "T-teka yan ba yung---" "Yup a keychain" "Pero bakit?" Hindi ito nagsalita at umiwas na lang ng tingin. "Just take it Hannah. Wag na wag mo yang wawalain." Wala na siyang nagawa kundi tanggapin na lang ang keychain. It's a keychain of a human heart. Hindi pala nito sinabi na sa kanya pala 'to. Hindi niya mawala ang kilig kaya nagpasalamat na lang siya. She looks at the golden hour in the sky. Sunset are her witness of great memorable trip with Zach. And this wood art resembles her deep chance of love to him. As she hopes that this means of giving his heart to me. She will truly love him back. But every sunset close with a peaceful night. And yet she still calls it best day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD