Chapter 16: Drown

5000 Words
Happier x Here's Your Perfect by Olivia Rodrigo and Jamie Miller Payphone by Maroon 5 ~ Nilagay ni Hannah lahat ng gagamitin niya sa loob ng malaking bag. Tumayo siya at inalis ang plug ng cellphone sa side drawer saka inilagay sa maliit na pocket ng bag. Lumapit siya sa cabinet saka binuksan. Napakagat-labi siya. Hindi siya ready sa ganitong bagay, paano ba naman, kagabi lang nagsabi si Tita na magbabakasyon sila sa Ilocos. Lahat sila nagulat syempre. "Ok I have a good news for you, all!" Ngising ni Tita. Kumpleto sila ngayon kasama sina paps at Tito Cleo. "What's the game for now, Mom?!" Makahulugang tanong ni Zander sa ina. Tita Nina just rolled her eyes. "We will have a vacation on Ilocos Norte tomorrow!" "WHAT?!" Sigaw nilang lahat. Si Tito Cleo ay umubo saka uminom ng tubig. Si Paps naman ay ganun din. "Teka teka may meeting pa ako with Mr. Ly bukas. Hindi pwede! Hindi ako pwede mawala." "Ako din pupunta pa ako sa palengke. Mamili ako ng mga kailangan ko para sa mini restaurant ko. Aba medyo kita na ako ngayon!" Si Paps. Inismiran lang ng mga ito ni Tita. "Guys this our chance na para mag-rest naman. Tsaka ito na nga lang first bonding natin lahat. KJ pa kayo! Tsaka para ma-enjoy rin ng mga bata ang gumagala habang bata pa. Diba?!" Sabay baling sa kanya with pleading eyes. "Pero tita hindi pwedeng sa isang araw na lang? Wala akong gamit pang bakasyon. Ano po ba 'yan klaseng bakasyon 'yan?" "Prayer meeting try mo?" Bara ni Zander sa kanya. Bumaling siya dito at pinanlinsikan. "Zander!" Singhal ni Tita at binigyan ng warning look. Bumaling ulit sa ito sa kanya pagkatapos. "Hannah beach escapade ang gagawin natin 'dun." What? "Tita wala akong damit!" Hysterical na siya sabay turo sa suot. Ngumisi lang si Tita ng maldemonyo at hindi na nagsalita. Kaya ito, nagdala lang siya ng pang-importanteng bagay at maraming snacks para hindi siya magutom sa byahe. Maraming siyang nilagay na crop top at shorts para kahit papano hindi siya matawag na conservative. "Ok na yan." Bulong niya sa sarili saka kinuha ang straw summer hat na bigay sa kanya ni Tita kagabi. Bumaba siya patungong sala at napansin niya ang suot ni Zach. Nag-init kaagad ang pisngi niya. He's wearing a hawaiian style summer outfit. Open button pa ang tatlo nitong butones. He even attract some girl there in an instant. Napasimangot siya sa naiisip. Dahan dahan siyang umupo sa harap nito habang pinasadahan nito mula ulo hanggang paa. Nailang kaagad siya sa kakaibang titig nito. She even notice his ears become red. "Wow Hannah, you look very beautiful in your floral summer dress. Ang kinis ng legs talaga oh!" Sulpot ni Tita sa kitchen habang hawak ang malaking basket na may lamang wine. Nananadya ang puri ng boses nito. Binigyan lang niya ng hilaw na ngiti. "Thanks Tita!" "Welcome and I know you look hot and sexy mamaya." She said and winked at her. "Tss!" Aniya ni Zach saka tumayo papuntang garage. Umirap si Tita at nagpatulong para buhatin ang hawak nito. Pinagtulungan nilang dalawa hanggang sa harap ng mercedes van at si Paps na mismo ang kumuha habang si Tito Cleo naman ang driver. Pumayag na rin ang dalawa sa huli. "Let's go to Buena Vista Beach Resort!" Sigaw ni Tita Nina. Nasa harap nila ang dalawang matandang lalake. Habang nasa gitnang upuan sila ni Tita Nina at sa likod naman ay ang dalawang magkapatid. "Alright! Pagudpud Ilocos Norte, here we come!" Nagising na lang si Hannah ng may nararamdaman siyang nakatitig sa kanya. She slowly open her eyes at kinusot ang mga mata. Umayos siya ng upo sa sasakyan at binalingan ang lalakeng nakatitig sa kanya. "Zach!" She whispers and yawn. He pursed and licked the side of his lips. "At last you're awake now." "Sorry nakatulog ako ng matagal. Anong oras na ba? Ilocos na ba 'to?" Zach only stared her for long and saw a visible amusement in his eyes. "Yeah!" He simply said. Nagtaka siya kung bakit ganito ito umakto sa kanya. Nakakailang! "We are not intended to disturb you up during your snoring sleepy time, that's why my mother asks me to stay here and watched until you awake." Dagdag nito. Awkward siyang tumango rito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil una nakakahiya dahil humihilik pa siya sa byahe at pangalawa, pinapanood siya nito matulog. Nakakahiya. "Ahm, thanks Zach, ah tara na punta na tayo sa loob naghihintay na sila panigurado." Natataranta na siya. Hindi niya kayang magtagal kasama ito. He smirked. "Hey chill!" Aniya saka tumawa. She pouted behind him at kinuha ang mga gamit niya. Tinulungan naman siya ni Zach dahil ang mga gamit nito ay nasa cabin na at panigurado nandun na rin ang mga kasama niya. Tahimik lang silang dalawa ni Zach papuntang doon. Tanging lagapas ng dagat at malakas na ihip ng hangin ang naririnig niya. "Zach! Hannah!" Tuwang-tuwang sinalubong sila ni Tita Nina habang nanliit ang mga mata. "Ano Hannah nakatulog ka ba ng mahimbing? May aasahan na ba ako?" "Mom!" Singhal ni Zach. "Hehehe, I'm sorry! Hannah halika na ituturo ko sa'yo ang kwarto natin dalawa. Dali!" Excited na sabi nito kaya tumango na lang siya saka sumunod. Umakyat sila papuntang second floor at namangha siya sa napaka-gandang interior house that made of woods. May dalawang single bed sa right at harap nila ay malaking glass door. Tanaw na tanaw niya ang asul na dagat. Tinuro ni Tita ang higaan malapit sa balcony kaya doon niya nilapag ang mga gamit niya saka dumiretso sa bathroom. Pumasok siya at unang bumungad ay ang jacuzzi sa gitna at sa gilid naman ay shower room. Harap pa rin nito ay malaking glass window. Next na pinuntahan niya naman ay ang sa restroom. Extension nito ang bathroom at may malaki itong mirror at lavatory. Nainspired kaagad siya. Eh kung architectural design na lang kaya kunin niya? Hmm! "What do you think Hannah, maganda diba?!" Tanong kaagad sa kanya ni Tita habang nag-aayos ito ng mga gamit nila. Umupo naman siya sa harap nito. "Yes po Tita grabe ang ganda ng resort dito. So peaceful tsaka maganda ang pagka-gawa. " "True and swerte pa tayo dahil bagong bukas rin 'to!" Suminghap siya at namilog ang mga mata niya. "Totoo?! Grabe ang swerte?!" Humalakhak lang ito at wala ng sinabi. Aalis na sana siya para kumuha ng maiinom ng may naisip siya. "Tita ba't hindi niyo ako ginising kanina nakakahiya tuloy kay Zach!" "Ow that! Ang himbing kasi ng tulog mo tsaka humihilik ka pa all throughout ng byahe natin. Feel ko nga nagpuyat ka eh!" Umiling siya. Oo Tita nagpuyat ako sa kakaisip kung anong mga dadalhin dahil hindi ako handa! . "Tas sinabihan niyo pa anak niyo na samahan muna ako tas panoorin ako!" Kumunot noo naman ito saka tinigil ang paglalagay ng damit sa cabinet. "Huh? Wala akong sinabing ganun! Ang sinabi ko samahan ka lang pero hindi panoorin ka!" What?! Napatulala siya habang prinoproseso ang mga sinabi nito. Gulat na gulat siya. So ---- Ngumisi ito ng malaki at makahulugang tiningnan siya. Hmm! ~~ "Tita ano.. pwede po bang bumalik ulit tayo sa kwarto tas magpalit ulit. Ahm, medyo kasing obvious!" Naaasiwa kasi siya habang pinagmamasdan ang suot niya. She's wearing a lacey red bikini. Hindi siya sanay sa mga ganitong bagay. "Ano ka ba? Ok lang yan para may luluwa." Confident ni Tita. "Ano po?! Lu-luluwa!. "Hays, huwag mo nang isipin 'yon basta pumunta ka na sa dagat." Wala na siyang nagawa dahil tinutulak na siya ni Tita palabas ng cabin. Huminga muna siya ng malalim saka lumakad papunta sa pwesto kung saan tanaw niya ang apat na lalakeng prenteng nakaupo sa puting buhangin. Kinagat niya ang labi niya. Feel niyang dudugo dahil mariin ang pagkagat niya. Ilang metro na ang pagitan nila ni Zach nang bumaling ito sa kanya. Kung kanina sa bahay nila ay pinagpapantasyahan niya ang katawan nito, ngayon ay masasabi niyang may maganda nga itong pangangatawan. His revealing six pack abs even more shining under the sunlight. Kumikintab ito at nasisilaw ang mga babae sa nakapaligid sa kanya. Mas lalong pa 'tong naging hot tignan dahil naka shades pa 'to pero tinaas rin kaagad. Tumigil siya sa harap ng mga ito kaya napabaling na rin ang tatlo. Mas lalo pang uminit ang pisngi niya sa paraang pagtitig nito sa kanya. Pinasadahan siya nito mula ulo hanggang pabalik ulit. Pero tumagal ito sa dibdib niya ngunit iniwas rin kaagad. Pansin niyang namumula lalo ang tenga nito. "Ang sexy natin Hannah ah." Puri ni Tito Cleo at asar na tinignan ang ama niyang nakahalukipkip ngayon. "Sexy naman talaga 'yan pare pero mas lalo 'yang sexy kapag mature na 'yan, diba Hannah!" Pauto sa kanya ng ama. . "Sexy ba 'yan? Mukha siyang palito dahil payat!" Bully na naman ni Zander sa kanya kaya sinamaan niya na lang ng tingin. . "Sa'n ka pupunta?" tanong niya kay Zach nang tumayo ito. "Just there!" He coldly said and started walked away. Sinundan niya naman kaagad ito nang hindi pinapansin na nanonood pala ang dalawa nilang ama sa kanila. Hindi niya alam kung bakit niya ito sinundan basta alam niya lang may tinatago ito sa kanya. This past few weeks, he turned into cold again. Pero iniisip niya na lang na bipolar to at paiba-iba ng ugali. Pero naiisip niya rin meron ba talagang nangyari?! Sinundan niya 'to habang likod lang ang nakikita niya. His biceps even more stretch habang naglalakad ito. Napakagat siya ng labi. Ano ba naman 'yan ang dumi ng isip mo Hannah? Tumitirik pa mata mo. Stop!! Maya-maya pa ay tumigil ito sa isang store na may lamang mga souvenirs. "Mr. how much po is this?" Sabay turo ni Zach sa nakasabit na keychains gawang furnished na kahoy. Napataas siya ng kilay. Magalang pala 'to eh. 'Po?!' "Ah, 25 pesos po 'yan per piece, Sir!" "Ok then, give me two." Aniya sabay bigay ng fifty pesos sa tindero. "Pili ka muna, Sir. Couple chain po ba?" Sabay tingin sa kanya ng nakakaloko ng tindero. Hindi lang pinansin ni Zach at pumili na lang habang siya naman ay nanonood rito. He suddenly stopped when he saw a keychain of a star. Tinitigan pa nito habang nakangiti. Binigay ito ni Zach sa tindero habang pumipili ulit at kumuha naman ng heart of a human saka binigay ulit sa lalake. May binulong pa si Zach bago tumango ang tindero saka umalis. "Ahm, bakit ka bumili ng ganun?" Curious na siya. Ngumisi si Zach at tinaasan siya ng kilay. "Secret!" He simply answered kaya mas lalo siyang sumimangot. Wala talaga siyang napapala sa mga sagot nito. Akmang iiwan niya si Zach nang may namumukhaan siyang dalawang babaeng magkasamang bumibili sa di kalayuang stall. Nakatalikod ang mga ito sa kanya at nagbabayad ng kinakain. Nataranta siya. Aalis na sana sila at tatakbo na rin siya ngunit huli na dahil nakita na siya ng mga ito. "Hannah?!" Gulat na sigaw ni Chibs at Naomi. They both wearing a puffy crop top and shorts. May hawak silang ice cream. She bite her lips. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya or hindi. "Hi-hi?!" Patanong pa 'yan. Lalapit na sana ito kaya lang lumabas na rin si Zach habang hawak pa nito ang puting supot. Naguguluhan itong tinitigan siya. "What's with that face?" Sasagot na sana siya kaya lang nasa harap na nila ang dalawa. Kung kanina gulat pa ang mga ito.. ngayon luwa na ang mga mata nito at bagsak ang mga panga. Hindi alam nila Chibs at Naomi kung saan babaling. Kay Zach ba o sa kanya. Zach just give them a blank expression, but there's a tinge of shocked. "A-anong...anong ibig sabihin nito?!" Tanong ng dalawa pagkatapos makabawi sa pagkagulat. "Ah--" Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang inunahan na siya ni Zach. "Were having a vacation, why?" He cooly said. "WHAT?!" Sigaw na naman ng dalawa kaya nagsi-tinginan na rin ang mga ibang naglalakad. Tinitignan sila na parang laking baryo. "Papaanong vacation? Teka.. totoo bang kayo na?" "So, totoo talaga ang picture na magkasama kayo?" "Totoo ba lahat ng chismis?!" "Bakit mo dineny Hannah?" "Teka imagination ko lang ba 'to?" "Shet, may hangover pa ata ako?" "Gago, Naomi sampalin mo nga ako? Baka nananaginip lang ako?" Sinampal kaagad ng malakas ni Naomi si Chibs sa kaliwang pisngi dahilan para mapahiyaw ito sa sakit at nasapo na lang. "Bullshit, totoo nga!" Singhal nito. Napasapo na lang siya sa noo. Siya ang nahihiya sa dalawa eh. Tinignan niya si Zach sa tabi niya. She seems his lips a little bit rosed. Tila nag-eenjoy sa katangahang sinasabi ng dalawa niyang kaibigan. "Guys!" Agaw pansin niya at pinakalma ang dalawa sa pag-aarmalite ng bunganga. Bumaling naman ito sa kanya ng seryoso. "First of all, I'm sorry dahil naglihim ako." "Dapat lang!" Asik ni Chibs sa kanya. Tumango lang siya kay Chibs. "Sorry kasi plano namin ni Zach na ilihim muna na -–--" "Relasyon niyo?!" Gulantang ng dalawa. She pursed her lips. Kung hindi niya lang kaibigan ang dalawa eh, kanina pa niya 'to kinutusan. She rolled her eyes. "Pwede ba patapusin niyo muna ako!" Gigil na siya. Hindi nagsalita si Chibs at Naomi. Tinikom na lang ang bibig kaya nagpatuloy siya. "Inilihim namin dahil alam kong magiging balita lang kami ni Zach sa school katulad ng nangyari sa picture na kumalat noon. Ayokong bigla na lang akong hablutin diyan ng mga fans nito.." Sabay turo sa kanya na nakangisi. Binigyan naman niya ito ng masamang tingin. "O kaya batuhin ng kung ano ano. Remember yung ginawa ni Lexin sa akin?!" Napaisip ang dalawa saka tumatango-tango. "Oo nga no?" "Kaya ina-avoid namin ang disgrasya." "Wow, hindi ka pa ganun?" Singit ni Zach sa kanila. "Shut-up!" Singal niya. He chuckled a bit. "Easy, old woman!" "What?" "Nothing, menopausal!" Hindi niya na inintindi si Zach dahil hindi rin naman niya alam kung anong pinagsasabi nito. "So...kung gano'n nga bakit magkasama pa rin kayo?" Taas kilay na tanong ni Naomi. "Yah, bakit nga ba magkasama kayo? Akala ko ba ayaw niyo sa isa't-isa?!" Hirit ni Chibs. "She's living in my house." Zach cooly answered. Napatunganga naman ang dalawa na at hindi mapakaniwala. "Alam niyo, saka na tayo mag-usap mamaya at gusto ko ng magswimming." Pag-iiba niya ng usapan dahil sa itsura ng dalawa eh tila hindi pa nito prinoproseso lahat. Sabagay, hindi niya masisisi sila Chibs at Naomi dahil ganoon rin siya noong una. She can't even imagine that she's living under the same roof with her crush. "I think that's right, para naman mahimasmasan ang mga kaibigan mo. Look at their face. Priceless!" Zach agreed to her and then laughed. Totoo naman. Para silang estatwa na kulang na lang bigyan ng pera para gumalaw. Pero kapag bigyan naman niya ito mas lalong lang itong matutuwa. "Hoy, galaw galaw rin. Tara na't mag-swimming na tayo." Excited na siya. Finally, may makaka-vibes na rin siya sa resort na 'to. Robot namang tumango ang dalawa at sumunod na sa kanila nang may tumawag kay Zach. Nilingon nila ang babaeng tumatawag at tila hindi niya kaagad gusto ang asta nito. The lady in short hair wearing a black high cut lace halter bikini. Her skin was already tan under the sunlight but shining gorgeously. Nanliit ang mga mata niya lalo ng linapitan ito ni Zach na nakangiti. Somehow she felt insecure in her body. Knowing na wala talaga siyang panama sa lahat ng mga babaeng nagkakagusto rito. Mukha pang immature ang katawan niya at maging ang boobs niya ay mukha pa ring pader. n*****s lang ang meron siya kaya gano'n lang ang panlalait ni Zach sa kanya noon. Argh!! "Ok lang 'yan Hannah. Mas maganda ka naman hindi nga lang fully glow up." Cheer-up sa lanya ni Naomi habang nakatitig sila sa babae at kay Zach na ngayon ay nagtatawanan. Mukhang pabebe naman ang babae tss. "Kaya nga kahit straight pa 'yang katawan mo sa ruler at pader pa ang boobs at p***t mo ay huhubog rin 'yan." Hirit ni Chibs habang iniis-scan ang katawan niya. "Pinupuri mo ba ako o minamaliit mo ako?!" "Both. Hehehe!" Sabay peace sign ni Chibs sa kanya. She gritted her lips and then walked out. Bahala sila diyan. Naririnig niya ang dalawa na tinatawag siya ngunit hindi siya lumingon. Dire-diretso siya hanggang sa dagat. At kahit hindi siya marunong lumangoy ay ginawa niya sa sobrang frustration. Sakto pa namang high-tide kaya medyo sa mababaw lang siya at naaapakan pa ang buhangin sa loob ng dagat. Hihintayin niya na lang na mag-low tide saka siya eenjoyin ang swimming. Lubog ang kalahati niyang katawan habang tanaw ang papalubog na araw. The sunset was so marvelous that even sun itself watches it everyday in the reflections of the infinite oceans. Kay gandang pagmasdan na tila nawala ang mga problema niya. The beautiful scenery makes her calm and peaceful. Nag low tide na kaya nagsimula na siyang sumubok lumangoy at kahit papano, may alam siya sa freestyle. Hindi niya namalayan na tumagal pa pala siya kaya umahon siya saglit. Lumingon siya sa paligid-ligid at wala pa rin ang mga kaibigan niya at si Zach. Nangitngit na naman siya sa galit. Tila nag-eenjoy na ito makipagharutan sa babae at baka kung saan na napunta ang mga ito. Mas lalo siyang nafrustrate sa naiisip. "San na ba sina Chibs at Naomi. Ni hindi pa ako sinundan rito." Reklamo niya saka sumimangot. Buti pa ang mga ibang tao rito tila nag-eenjoy samantalang siya hindi. Sira na talaga bakasyon niya. Nagpatuloy siya sa paglalangoy at hindi niya namalayan na lumayo na pala siya. Saktong biglang nag-high tide na naman. Nataranta siya. Ni hindi niya na maapakan ang buhangin sa ibabaw sa sobrang pag-iisip kaya ngayon ay nalulunod na siya. Nagpapanic na si Hannah habang lubog-litaw lang ang ginagawa niya. Ni hindi siya pinapansin ng ibang tao dahil medyo malayo ito sa kanya. Hindi siya makaalis sa pwesto niya dahil kahit anong sigaw niya ay nalalagyan ng tubig ang bunganga at ilong niya. "T-tulong!" Napapaos na ang boses niya. Nahihirapan na rin siya huminga. Unti-unting napapagod at nanlalamig ang katawan niya. Pinilit niyang lumangoy ngunit hindi niya talaga kaya. She choked and let the sea slurp her. Sa huling sigaw at pagpikit ng mga mata niya ay may narinig siyang mga natatarantang sigaw sa malayo kasabay ng pagkapulupot ng mga kamay sa bewang niya. "Hannah!" The thundered voice of a panicking man before she finally ate by darkness. And under the majestic sunset, she drowned. ~ "Zach anong nangyari? My ghad Hannah!" Hagulgol ng ina ni Zach sa tabi niya habang natataranta siyang umahon at binaba si Hannah sa buhangin. Sini-cpr niya ito ngunit wala paring tugon. Her face was very pale and dry lips. "Anong nangyari?!" Nag-aalalang sigaw ni Tito Alfredo sa malayo ngunit hindi niya kita ang nakahigang tao dahil marami ng taong nakatingin sa kanila. Nakikiusosyo at may naguguluhan. Kasunod nito si Cleo. "Hannah?!" Hindi mapakaniwalang tanong ni Alfredo sa nakikita. "HANNAH!!!" sigaw niya saka dali-daling tumakbo rito. Lumuhod si Tito Alfredo at unti-unting hinawakan ang magkabilang pisngi ni Hannah. His tears break us all while seeing hugging his daughter. "HANNAH? O MY GHAD, ANONG NANGYARI SA KANYA, ZACH?!" Natatarantang sigaw ng dalawang kaibigan ni Hannah habang sumisiksik ang mga ito sa mga tao. "Padaanin niyo kami, kaibigan namin 'yan!" "C'mon Hannah wake up!" He silently prayed. A few minutes later, she suddenly vomit. Coughing while chasing her breath. Sapo ni Hannah ang dibdib nito and he felt relieved but feels anger for doing this. Is she playing game again? f**k!! Imbes na aluin niya rin ito na umiiyak ay naglakad siya kaagad palayo. Tumingin naman sa kanya si Hannah ngunit hindi niya ito nilingon at dire-diretso lang siya. Damn it! Isang malaking tulak sa dibdib ang nagpagising kay Hannah. Habol hininga siyang dumilat saka umupo. Suddenly, a memories flashback in her mind. Napatakip siya ng bibig saka humagulgol. She almost drowned.... She almost died..... And no one knows.... But she clearly remembered before she filled with darkness. A strong arms catched her waist and a voice of a man. May sumagip sa kanya?! Hindi siya mapakaniwala, akala niya walang nakakita sa nakita at nandito siya ngayon sa seashore. Pero sino? Tatayo na sana siya upang hanapin ang taong 'yun nang may yumakap sa kanya. Ang tatay niya. "Hannah, my ghad thank you. Buhay ka!" Iyak ng paps niya habang di pa rin makapaniwala. "Don't do that again. Mamamatay ako sa pag-aalala." "I'm sorry Paps, di na promise." "Ano bang nasa utak mo at mag-isa ka lang lumangoy. Di ka marunong lumangoy?" Galit na ang tono ng kanyang tatay. "I'm sorry." Ayaw niyang sabihin na dahil kay Zach at dun sa babae ang dahilan. "Hannah, good you're okay" si Tita habang dinadaluhan siya upang yakapin rin. Ganun din si Tito Cleo at pati sila Chibs at Naomi. Nagulat siya dahil nandon na rin ang mga ito. Si Zander naman ay nasa tabi lang niya at seryosong nakatitig sa kanya. "Hannah baliw ka na." "Dahil lang dun pinahamak mo sarili mo!" Kahit di diretso ang pagkakasabi ng dalawa ay alam niyang may alam ito. Kumunot-noo naman sina Tita Nina at Tito Cleo habang nakatingin sa dalawa. Oo nga pala di pa nila nakikilala sina Chibs at Naomi. "Tita, Tito, sina Chibs at Naomi pala mga kaibigan ko. Chibs at Naomi, sina Tita Nina at Tito Cleo...mga magulang ni Zachary." Humina ang boses niya sa huling salita ngunit narinig pa rin ng dalawa. Their faces are shocked. Hindi sila makapaniwala na makikila ng mga ito ang mga magulang ni Zach. Pinatayo naman siya ng tatay niya saka umalis na ang mga chismoso at chismosa. "Hindi ko na maproseso lahat ng nalalaman ko at mga nangyayari." "I'm sorry pero di ito ang tamang oras na mag-usap tayo." "Tama, dapat ipadala niyo muna si Hannah sa clinic para sure tayong safe siya. Mamaya baka may sugat 'yan." Si tito Cleo na concered ang tono. Tumango naman lahat ngunit di yon sapat upang makalimutan niya ang taong sumagip sa kanya. "Paps, kilala mo bang sumagip sakin?" Tanong niya habang inaalalayan siya nito papuntang clinic. "Yes, si Zach. Siya ang sumagip kaagad sa'yo. Nakita ko na lang sini-cpr ka niya hanggang sa ok ka na pero kaagad rin siya umalis." Parang piniga ang puso niya. Dapat ay mas matuwa pa siya ngunit kabaliktaran pa rin lahat. Bakit? Lumilingon siya baka sakaling makita niya si Zach kaya lang may nahagip siyang lalakeng naka-topless na naglalakad palayo sa kanya. Did he even care?....... Or he just save me for nothing? "Zach." Panimula niya habang seryoso itong nakatingin sa tv. His lips twist and jaw his jaw tightened. Mukha itong nagpipigil ng galit. Pinipindot pa nito ang remote ng pabalya. Umupo siya sa tabi nito ngunit kaagad rin umusog. Hindi siya pinapansin ni Zach kaya naman kinalabit niya na ito. Hindi niya alam kung bakit ganito ito umakto at naaasar na siya. Nag-aalala ang gusto niyang makitang reaksyon nito pero imbes na ganun ay lalo pang nagalit. "Zach, ano ba pansinin mo ko. Akala ko ba hindi ko napapansin na ganyan ka! Gusto ko sanang mag-thank you sa'yo pero sa ganyang asal mo parang ayoko na!" "Is that so?!" He coldly said. "Wow ha, ganun lang sa'yo!?" "Are you making tricks again?" Ano? Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano-anong pinagsasabi nito. "Ano bang pinagsasabi mo?!" "You're playing tricks again to catch my attention. Ganyan ka na ba ka-desparada para kunwaring magpakalunod at para sasagipin kita?!" Hinarap siya nito saka pinatay ang tv. Kita sa mata nito ang galit ngunit hindi siya nagpasindak. Umakyat ang dugo niya sa mukha dahilan na malakas niya itong sampalin. "Ang kapal mo ha! Oo nga crush kita...noon. Pero hindi ako baliw para maging tanga. Gusto mo malaman ang totoo? " She paused and sharply look at Zach. His face now softened but there's a liitle bit of shocked. Maaaring dahil 'yun sa sampal niya pero wala siyang pakealam. Sobra na 'to. "Sinubukan kong lumangoy dahil alam kong low tide pa at nang napagod ako ay huminto ako saglit sabay panoorin ang paglubog ng araw. At nang may lakas na ako ulit ay lumangoy ako kaya lang hindi ko namalayan na lumayo ako sakto na tumaas ang lebel ng tubig tsaka nalunod. Oh ano masaya ka na? Huwag puro lait at pag-iisip ng masama sakin. Tanong muna bago mag-judge." Umiwas ng tingin si Zach saka bumaling sa kabilang direksyon. She heard a soft sighed and then look at her with a serious eyes. "Then what are you doing with that alone. Alam mong hindi ka marunong lumangoy. Di sana sinabi mo sakin at para masamahan kita." "I'm sorry ok. Malay ko bang busy ka kasi sa babaeng kulang na lang hubo't-h***d dahil sa nipis ng suot." Zach stared at her for a while then smirked formed in his lips. "Then the truth reveals, you are jealous." Napaawang ang labi niya saka tinignan ng masama. "Kapal mo ah, never!" He just shook his head while still smiling. Kay ganda ng mga ngipin nito. Puti at pantay pantay pa. "Hindi ka na babalik rito, Hannah o kahit anong beach pa 'yan." Aniya at nagsimulang buksan ang tv. Huh?! "But I love beaches." "You drowned and you almost die. f**k!" A concerned tone almost hit her heart. "Sorry, nagmamarunong kasi ako!" Ito na naman tayo. May sasabihin sana ito ngunit ibinulong na lang dahil tinawag na sila ni Tita upang kumain. Nasa hapag na rin sila Chibs at Naomi. Kaagad agad na close na sila Tita at sisitahin niya sana kung bakit wala itong kapal ng mukha tumanggi ngunit sabi n Tita na ayos lang dahil para may ka-chikahan rin ito. She simply roll her eyes at wala ng ginawa kundi tanggapin na lang. ~~ "Zach!" Panimula niya. Nasa seashore sila ngayon at mukhang nagpapa-hangin ang bipolar na kasama niya. "May problema ka?" Oo nga pala di niya pa ito natatanong. Mukha pa itong malungkot. "None." "None? pero noong mga nakaraang araw, cold ka na talaga. Nagsimula ito noong tinawag ka lang ni Tito Cleo sa library nito. May nangyari ba?" Sinamaan lang siya ng tingin ni Zach at hindi nagsalita. Nag-strum ito ng gitara na tila balewala lang tanong niya. She feels a little bit annoyed. Umusog siya ng kaunti hanggang sa wala na ang distansya. Sinandya niya talagang sobrang lapit ng katawan nila para mapansin siya. And she's right. Pinansin nga siya ngunit asar na asar naman ito na bumaling sa kanya. "f**k, what are you doing woman. Problema mo!" Ngumisi si Hannah at may naisip na namang kalokohan kaya pinulupot kaagad niya ang kamay rito at sumandal sa braso. "Sabihin mo muna problema mo saka ko alisin ang braso ko sa'yo?" Pilit ni Zach inaalis ang katawan nito sa kanya ngunit nang nagtanong siya ay unti-unti na lang hiyaan ang gawin niya saka nagbuntong hininga. "It's about my dream and ambition." "Ano naman 'dun?" Yumuko si Zach at nagsimula na kumanta habang gumigitara. I'm at a payphone trying to call home All of my change I spent on you Where have the times gone? Baby, it's all wrong Where are the plans we made for two? Mas lalong nagdikit ang mga kilay niya. Anong ibig nitong sabihin? If "happy ever after" did exist I would still be holding you like this All those fairy tales are full of shit One more f*****g love song, I'll be sick. Kung makaasta ito parang broken ah! Meron ba?! "Broken ka ba?" Halos di niya marinig ang tanong niya. Para bang ayaw niyang marinig ang sagot nito. Tumigil sandali si Zach sa pagkanta at inilagay ang gitara sa tabi nito saka tumingala langit na para bang may ibinulong ngunit hindi niya marinig. Gusto niyang purihin ang boses nito ngunit masyadong occupied ang isip niya sa nakakaasar na tanong. "When will be this over?" He whispered. "Ano?! Pwede pakilakas, di ko marinig." Hindi ito nagsalita. "Alam mo... ikaw dapat hindi mo sinasarili ang problema mo eh. Pwede mo naman sabihin sa mga kaibigan mo." "I don't have friends." Nagulat siya. Totoo ba? The famous Zachary Zanford walang kaibigan? Bakit? "I trained to be perfect. I trained to be mature in all aspects of life. I trained not to trust someone easily. And getting free and having friends are exempted." Hindi siya nagsalita tinitimbang ang bawat sinasabi nito. Zach sarcastically laughed without humor. "I trained to control by someone. Wala na akong magawa dahil bata pa lang ako. May nakatadhana na talaga sa akin. At kahit anong gawin kong ikakasaya sa sarili ko. Palagi ring mali sa taong 'yun." "Sino bang taong 'yun at bakit takot na takot ka? Si tito Cleo ba?" Umiling 'to. "Let's just forget what I said. Umalis ka na dahil malamig na rin." Pagtataboy nito sa kanya na parang umiiwas. "You know what, I respect your decision for not telling me but when you're ready. My shoulders are ready." Tumawa ito saka umiling. Katahimikan ang bumalot sa kanila. The breezing air is really getting colder pero kasama niya si Zach ay ok lang. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. Para bang sa panaginip ngunit ayaw niyang gumising pa. Hinayaan lang nito na sumandal siya lalo sa braso nito habang nakatingala sila parehas sa langit. She feels his breathing under her hair shivers her system. "Zach, if you decided to have a friend. Always remember that I'm here. Nandito lang ako makikinig sa lahat ng problema mo at tutuparin ko 'yun. Promise!" Basag niya sa katahimikan. Narinig niya pa itong tumikhim at hindi na nagsalita kaya. Tiningala niya ito ngunit nahuli lang na tinititigan siya. "And remember, from now on. Build your trust to someone that worth to be trusted." Hindi ito sumagot at inaantay lang ang bawat sasabihin niya. She bite her lips and sighed heavily. "And also, always follow what your heart says," "Ok, but don't make me worry again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD