Chapter 15: Girlfriend

2977 Words
Lumipas ang ilang buwan at malapit na ang kanilang graduation. Masaya siya at kahit papano ay umaahon ang grade niya kaya medyo comfortable na siya lumakad at umakyat sa stage. Sa ilang buwan rin yun ay maraming nangyari sa kanila ni Zach. Simula kasi ng kumalat ang litrato niya sa school ay pag-kauwi niya hinanap niya kaagad ang salarin. Malaki ang hinala niya rito sa taong nagluluto ng kanilang hapunan. Masaya itong sinalubong siya ng makita siya ni Tita Nina. "Oh, Hannah you're home now how's school is it fine?!" Giliw nito na parang walang ginawang katarantaduhan. Medyo ngumiwi siya. "Ahm, tita ano kasi may nangyari sa sch---" "Nangyari? Bakit anong nangyari? Sinaktan ka ba ng anak ko? Pinahiya ka ba niya? Gusto mo sugurin ko at papaluin ko---" "Tita!" Singhal niya. Hindi niya matapos tapos ang sasabihin niya dahil armalite na naman bunganga nito. "What?" She asked in a scotish way. Huminga muna siya bago nagsalita. "May naglagay ng picture sa libro ko." Hindi niya kaagad sinabi na picture nila Zach 'yon dahil gusto niyang hulihin ang mga mata nito. Like they said, "A mouth can lie but the eyes cannot." Gulat ito sa narinig at medyo kita niyang tumagilid ang mata nito ngunit hindi ito pinahalata. "A-anong picture 'yun Hannah?" Her voice is trying to act like curious. Sumeryoso siya at medyo lumapit rito. Tinignan niya ang ulam na niluluto nito. Chicken Curry and beef steak. Kinuha niya ang sandok sa kamay nito at walang imik na kumuha ng konting sabaw ng beef steak bago tinikman. In fairness talagang masarap ito. "Picture po naman ni Zach na magkasama habang natutulog sa kwarto ko." Malamig niyang sagot. Hindi ito umimik kaya hinarap niya 'to. Only to found out that luwa na ang mga mata nito sa sobrang gulat ngunit ngumisi rin ito ng napakalaki. "So, you already see it?" Masaya pa ito na parang nanalo sa jackpot. She simply rolled her eyes. "Hindi lang ako Tita buong school na ang nakaalam." Kunot-noo ito ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti. "What?" She asked. "Nahulog bigla sa libro ko kaya imbes na ako lang ang unang makakita eh iba pa kaya kumalat." Pagpapaliwanag niya. Siniko siya nito. "Ok lang yan atleast may memories na kayo ni Zach. Yiee!!" Wag tita baka mahulog ako ng tuluyan. "Eesh tita wag ka nga po buti hindi nagalit sakin ang anak mo?" Napanganga naman ito at saka ngumiti. "Talaga? Oh my nasa next level na ba kayo? Yikes magpapa-add ako ng dessert mamaya. O sige, Hannah go na to your room and change. Dali! Go!" Tatanungin niya na sana ito kung anong next level ang pinagsasabi nito pero tinutulak na siya palabas mg kusina hanggang hagdan. Wala na siyang magawa dahil tumakbo na ito ulit palayo sa kanyan. Napailing na lang siya. Tita Nina is such a childish sometimes but sweet and smart. Swerte nina Zach at Zander sa kanya. Semester break na nila ng one week. As usual wala na naman siyang ginawa buong maghapon kundi kain, tulog, laro, manood, tumulong kay Tita sa gawaing bahay at ang hindi mawawala ay ang gawing trip na naman siya ng magkapatid. Ito na nga pinaglalaro pa siyang brain test at magpustahan pa sila na kung sino raw ang matatalo ay siyang magbibitbit ng groceries at magtutulak mamaya ng cart dahil sila ang pinagbilin ni Tita na bibili ng foods for re-stocked sa ref. "O ano game na?" Asar ni Zach sa kanila. Confident itong manalo eh. Nasa sala sila ngayon at sila lang sa bahay dahil pumunta si Tita sa kompanya nila. "Madaya baka nalaro mo na 'yan." Nakasimangot na sabi niya. Totoo naman eh. Mga 'yan di uso sa kanila ang mobile legends or COD. Pang matalino lang nilalaro ng mga 'to. Puzzles, logics, IQ test or tricky test mga ganun. Sasakit na ata ulo niya sa mga ito pero mas lalo lang ata siyang nahilo nang tinignan niya ang naka-display sa sala. Ang iba puro rubik's cube, chess, scrabble at mga iba pa. Wala bang plants vs. zombies na laro? "Alam niyo? Mas maganda wag na lang tayo maglaro ng online games?" Napangisi siya. Tumaas naman ang kilay ng dalawa. Magkapatid nga. Tss. She sighed. "Eh kung maglaro na lang tayo ng traditional games gaya ng kadang-kadang, luksong baka, chinese garter, o di kaya patintero ganun?!" Masaya kaya 'yon. Nilalaro ko pa noong mga bata pa ako. Nananalo nga ako paligi eh. Hahaha. "What's in that game nadodownload ba 'yan?" Curious na tanong ni Zach. Nalaglag ang panga niya. Seriously, hindi nito alam ang larong 'yun? Ano den ang nilalaro nito mamahaling laruan na tumutunog, o di kaya psp, Ano?! "My ghad hindi niyo alam ang mga larong yun, totoo?!" Gulantang niyang tanong sa dalawa. Umiling ito at napa-face palm. Nasapo niya na lang ang noo niya. Mas lalo lang ata sumakit ulo niya. "Ok! Ok! Ang mga traditional games ay ang larong pang-labas. Meaning nilalaro talaga ng actual yun. Kailangan lang ang strategy at buong katawan niyo maglaro. Bakit ano bang akala niyo sa mga tao noon marunong ng maglaro ng digital games?" "Ano bang alam namin dun stupid girl? I played my toys since I was a baby. Wanna sample?" Si Zander sabay tutok sa kanya ng machine g*n at pinaputok sa sentido niya. Napadaing siya at nagtago sa likod ng sofa habang hawak pa rin ang natamaan sa kanya. Narinig niyang humalakhak si Zach sa tabi ng kapatid. "Good job, Zander!" Sabay g**o sa buhok nito. "Che!" Hayup! Inilagay ni Hannah ang lata sa d**o at pinatungan ng tsinelas saka tumakbo sa linya kung saan nakatayo ang dalawa. May kanya-kanya silang hawak na isang tsinelas at mukhang handa na. "Oh ano ready na kayo? Remember limang try every round 'to. Kung sino man ang unang matatalo sa limang try ay eliminate na para sa consequence. Game na?" Excited na tanong niya kila Zach at Zander. Tumbang preso ang laro nila. "Yes, yes!" "I'm gonna sure you're going to lose!" Mayabang na sabi ni Zach sa kanya. Napataas ang kilay niya. Talaga lang ah expert to tsong! "Let see!" Sagot niya. Nagsimula na ang unang round at unang nagbato si Zander. Sapul ito at hindi natamaan ang tsinelas. "Sayang!" Kinuha nito ang tsinelas at sumunod naman si Zach. Medyo malayo ang distansya ng target sa kanya kaya medyo mahirap. Sinandya niya talaga 'to para walang daya. Bumwelo muna to bago nagbato kaya lang konti na lang para maka-puntos na 'to. The target was too close to the slipper. Napangisi siya. May chance ata na mananalo siya. She's turn now at pumwesto sa gitna ng dalawa. She position her silpper infront of her face and glare at the target with daggers look. Iniisip niyang si Zach 'to noong ni-reject siya. She throws the slipper with her full force kaya naman natumba ang lata kasama ang isang kapares ng slipper niya. Napangisi siya. One point. Taas noong hinarap niya ang dalawa na nakanganga pa sa natamaan na lata at slipper. "How-how did you do that?" Namamanghang tanong sa kanya ni Zach. She flipped her hair. "I told you expert ako diyan." Pagmamalaki niya. Sinamaan siya ng tingin. "May daya ata yan yan eh. Bakit kasi sobrang layo?" "Mahaba kamay mo eh kaya nilayo ko!" "Just say, there was a trick that's why you won?" Pambabara ni Zander. Itong batang tyanak na 'to. "Whatever, ituloy na lang natin para magkaalaman na!" Sa huli nagkasundo rin silang tatlo at tinuloy ang laro. One round nanalo siya. Four points tas 2 points naman kay Zach. Si Zander ay panay reklamo dahil wala itong puntos. Sa second round konti lang puntos nila ni Zach. Four points pa rin siya samantalang three points naman 'to. Two points lang kay Zander kaya eliminate na ito. Nakabusangot na umupo ito sa bench sa gilid. Tumawa silang dalawa ni Zach. "Better luck next time Zander." Asar niya. Mas lalompa itong bumusangot. Sa last round medyo dikit silang dalawa ni Zach sa puntos. May time pa na tie sila kaya mas lalo lalo siyang kinabahan. Ayaw niyang matalo. No way na magbubuhat siya. "Ano ba 'yan magpatalo ka naman!" Frustrate niyang bulalas. He chuckled at mas lalong ngumisi. "You should be the one to do that!" "Ayoko nga no way! Dito na nga lang sa larong to mananalo eh" mabilis 'to maka-pick up ng strategy tss! "Now, lumabas din sa bunganga mo!" Aniya habang umiiling. But she can see his lips rosed up. Nag-init ang pisngi niya. Ano ba 'yan bakit diyan ka tumitingin Hannah?! "Game na at para matapos na?!" Sigaw niya para hindi madistract sa labi nitong sobrang pula. Unang nagbato si Zach at natamaan ito. Her heart stops for a while nang makita itong gumalaw na parang matutumba na nga. Shet wag!! Napapikit siya at nanalangin. Ilang sandali pa at nakarinig siya ng 'tss' kay Zach kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napakurap siya. Nakatayo ang lata pero medyo malapit ng matumba ang slipper niya. Tinignan siya ni Zach with his palm face. "Your turn" aniya at umalis na. Umupo ito katabi kay Zander na nakahalukipkip habang masama ang tingin sa kanya. "Tsinelas, please ipanalo mo 'to" she silently prayed and throws into the target. Bull's eye. Napahiyaw siya. Nanalo siya. "I win" she shouts and laughed. "Pano ba 'yan Zach ako ang nanalo so ikaw ang magbuhuhat!" nang-aasar na ibinigay niyang tingin niya kay Zach. "At dahil bata pa si Zander. Sa kanya ko na lang ibigay ang listahan at sasabihin sa akin habang nangunguha ako ng bilihin." Zander rolled his eyes at umalis na papunta sa loob ng bahay. Binalingan niya si Zach at nag-aantay ng sasabihin nito. Bumuntong ito ng hininga. "Fine." "Yikes! Ice cream!" Excited sigaw at akmang kukunin na sana ang isang gallon nang tinampal ni tiyanak ang kamay niya. Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi kasali yang ice cream sa listahan." "Eh bakit ako naman magbabayad ah." "Let her Zander basta babayaran niya yan kundi isumbong natin nagnakaw 'yan." Si Zach. Pinalo niya naman ng malakas ito dahilan para mapa-aray ito. "What's that for?" "Kung ano anong tinuturo mo sa kapatid mo. " she gave him a bloodshot eyes. "Fine don't do that Zander that's bad." Bawi nito sa kapatid. Tumango na lang ito kaya pumunta na sila sa meat section. Si Zach ang pumipili lahat kaya hanggang sa ok na lahat ay pumunta na sila sa pilahan. Medyo marami ang mga tao ngayon at panay mga nanay. "Look mare ang cute oh parang pamilya." Narinig ni Hannah sa likod niya kaya binalingan niya ang mga nagbubulungan. Only to find out sa kanilang banda sila tumitingin. "Oo pero parang bata pa para magka-anak no?! Pero wala tayong magagawa ganyan ang mga kabataan ngayon. Honeymoon muna bago kasal." "Totoo yan Mare." She fake coughed dahil sa mga pinagsasabi ng mga ito. Hanngang dito ba naman may chismosa pa rin. "Don't look at them!" Seryosong sabi ni Zach sa harap niya. Ngumuso siya at hinayaan na lang. Tapos na ang nasa harap nila at inilapag na nila Zach ang mga binili. Siya naman ay kinuha ang pera sa maliit niyang prada bag. Bigay rin ito ni Tita sa kanya. "Mister iyan na po ba lahat?" Malagkit na tanong ng cashier. Bumaling siya kaagad and give her a dagger look. "Miss mukha bang naghahanap pa kami ng bibilhin? Malamang wala na dahil magbabayad na nga kami." Sarcastic niyang sabi. "Hannah!" Singhal ni Zach sa kanya. She just rolled her eyes. "Forgive my girlfriend's attitude. Sadyang maldita talaga ito kapag nagseselos." Paliwanag naman ni Zach sa babae na mukhang binagsakan ng lupa sa hiya at gulat. Maging siya at si Zander ay nagulantang sa sinabi nito. Binigyan lang siya ni Zach ng ngisi at lumapit pa ang mukha nito sa kanya. "Jealous are we?!" His bedroom voice shakes me. Kinuha nito ang pera sa kamay niya at ito na mismo ang nagbayad. "Am I deaf now? Am I hear it clearly? Girlfriend kuya?" Tanong ni Zander pagkalabas nila ng SM Mall. Ito na rin mismo nagbuhat ng lahat ng groceries. Hindi naman ito mukhang nahirapan. "You're not deaf Zander. I said girlfriend a while ago?" Anito at nilagay na ang mga gamit sa sasakyan. Hindi niya namalayan na nasa parkingan na pala sila. Masyado kasi siyang nabaliw sa sinabi nito kanina lalo na ngayon he really confirmed it. "But why Kuya? Does you and this girl has a secret affair?" Taas kilay na tanong ni Zander sa kapatid habang nakatitig sa kanya. "No, ginawa ko lang 'yun para tumigil ang babae." "Ah ok I thought its really true. Ayoko ko siya maging ate no?!" Parang may dumaang sakit sa puso niya sa sinabi nito. Binalingan siya ng seryoso ni Zach bago tumingin sa kapatid. "Zander!" Seryosong saway nito sa kapatid at tinuro ang back seat. Kaagad naman itong sumunod at walang imik. Lumapit siya ng kaunti kay Zach. "Ahm---" "Don't take it seriously!" Putol nito sa sasabihin niya. Pinilit niyang pakalmahin ang puso niya ngunit masyado itong nasaktan. Kahit kailan ka talaga Zach! Mapanakit ka! Kinagabihan naisipan niyang tumambay sa garden pagkatapos ng salu-salo nila. Present lahat sila kasama ang ama niya at pamilya Zanford. Ngunit pagkatapos non ay nagpaalam kaagad siya na lumabas dahil may gagawin siya kahit sa totoo ay wala naman. She loved to stare the moon and stars. Shining bright from the sky. I hope I can be one of them. Napapikit siya at dinama ang ihip ng hangin. Maya-maya pa ay may umupo sa tabi niya ngunit may konting distansya. Kahit di niya lingunin ito ay alam niya kung sino. Kaya nga umalis siya dahil masama pa rin loob niya dito. Nakakasira tuloy ng momentum. "What are you doing?" Tanong nito. "Hindi pa ba obvious?" Pambabara niya para matakpan ang totoong nararamdaman. "Sarap ng hangin no?" Biglang open nito at ipinikit ang mga mata. "I wish I can be a wind. Swaying by its force and free to do anything." Kumunot-noo siya. Pinagsasabi nito? "I have a question?" "Ano?" "Kapag ikaw ang papipiliin. Yung gusto mo sa buhay o gusto ng magulang?" Mas lalong kumunot-noo siya. "Ahm, syempre yung gusto ko ah." Sagot niya. Ngumiti ito ng mapait at hindi nagsalita. Katahimikan ang bumalot sa paligid. "Ahm, kapag ikaw naman ang papipiliin ano ang gusto mo? Yung sayo o yung gusto ng magulang mo?" "Syempre gusto ko." "Even if you battle against their decisions?" She added. "Yes!" "Paano..paano kung dumating araw na papipiliin ka sa desisyon mo na labag pala sa kalooban mo?" "Then....I have no choice but to choose that decision." Nagulat siya. "But..whenever that decisions maybe. Natupad man or hindi...ipaglalaban ko pa rin." He added. "Huh?" Kahit naguguluhan at pinoproproseso niya ang sinabi nito ngunit hindi na siya nagtanong. "Kuya, pinapatawag ka ni Dad sa taas." Seryosong tawag ni Zander kay Zach. Nawala ang tipid na ngiti nito at napalitan ng seryosong mukha at nagtiim-bagang. Wala itong tugon at basta na lang naglakad at umalis ng garden patungo sa library ng mansion kung saan doon nagtratrabaho ang ama nito kung hindi sa opisina. "Zander may kunin lang ako sa kwarto." Palusot niya. Hindi niya na hinintay pa ang sasabihin nito at sinundan ang binata. Hindi niya alam kung bakit ganito ito umakto samantalang mabait naman si Tito Cleo. Kanina pa siya naguguluhan. May nagyayari bang hindi niya alam? Nakita niya itong huminga ng malalim bago pinihit ang doorknob saka pumasok sa loob. Dahan-dahan naman siyang lumakad upang hindi siya makagawa ng ingay. Inilagay niya ang kanang tenga niya sa pintuan ngunit wala siyang marinig. Pinilit niyang isiniksik ang tenga niya ngunit hindi pa rin. "Talagang wala kang maririnig dahil soundproof yan." Si Zander na bigla na lang sumulpot sa likod niya. Sa sobrang gulat ay napatalon siya sabay hawak sa dibdib. Prente na itong hawak ang baso ng gatas at kumakain ng oreo. Masama itong tumingin sa kanya. "What are you doing? Are you stalking Kuya Zach?" Taas kilay nitong tanong. Natikom niya ang bibig at hindi nakapagsalita kaagad. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa bata na gusto niya man lang marinig kung ano ang pag-uusapan ng mag-ama sa loob. Iisipin pa nito chismosa siya. Just curious. "Wa-wala wala ikaw talaga kung ano ano sinasabi mo. Tara na nga sa baba." Yaya niya at hahawakan na sana ang balikat nito upang umalis sila nang tinabig nito ang kamay niya. He gave her a coldest stare. "Kung ano mang meron sa nakikita mo better shut up at wag ka ng magtanong." Makahulugang aniya ni Zander. Kumunot-noo siya at tumango. So meron nga ano kaya 'yun? Sumunod na lang siya ng umalis na ito. Ngunit bago siya bumaba ng hagdanan ay tumingin ulit siya sa saradong pintuan ng library. "Zach, kung ano man 'yan sana maging ok rin lahat." Bulong niya at tuluyan ng bumaba. "Dad.." Magalang na bati ni Zach sa ama. Seryoso ito bumaling sa kanya ngunit bumalik rin kaagad sa pinipirmahan bago sinarado at nilagay sa nakatambak na folders sa tabi ng table. "Take a seat." Strikto nitong sabi. Tumango siya at umupo sa harap nito. Pinagsiklop nito ang mga kamay at tinitigan siya ng maigi. Dun palang alam niya na importante talaga ang sasabihin nito. "Zach, You know I'm not getting younger anymore right?" Kumunot-noo siya ngunit tumango na lang. Bumuntong huminga ng malalim ang kanyang ama. "And since you are now graduating and taking college next school year. I want you to take business management course." His voice was not to allure him but it's rather a demand. "But Da----" "I will not take any useless explanation. You will enroll this course before your graduation. End of discussion. You may go now." Sabi nito at umiwas na sa kanya. Tinitigan niya ang ama ng ilang sandali bago marahas na umalis. Umigting ang panga niya at hinilamos ang mukha. Damn this life!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD