"Tama na yan Hannah. Please maawa ka naman sa sarili mo." sigaw ni Naomi habang pinapanood si Hannah na paikot-ikot na tumatakbo sa Park kung saan madalas itong tumatambay.
"Tama. Tumigil ka na walang mapapala yang pagtakbo mo sa nangyayari. Di ka ba napapagod nakailang rounds ka na ah." sigaw naman ni Chibs rito.
Hindi pinansin ni Hannah ang mga pinagsasabi nito. Gusto niyang ibsan ang sakit na nararamdaman niya. Gusto niyang magwala ngunit naisip rin niyang mabubulabog niya ang mga ibang tao rin dito. Ayaw niya ng dagdagan ng isa pang pagkakamali ang mga nangyayari sa kanyang araw ngayon.
"Ha! This is supposed to be my happiest day on earth." aniyang pilit pinapasaya ang kanyang sarili habang patuloy siyang tumatakbo paikot ng park. Parang siyang nagmamarathon mag-isa na naka-uniform. Ang mga iba ay pinagtitinginan na siya at ang iba ay tinatawanan siya ngunit wala siyang pakialam sa mga ito.
"But the reality it's not." bawi niya at umiyak ng mahina.
'Ang sakit. Ang sakit sakit. First time kong ma-reject sa isang tao. Yun ay si Zachary pa.'
"Hindi niya raw ako type. Ayaw niya raw sa stupidong kagaya ko. Ayaw rin niyang dinedaydream ko rin siya." dagdag pa niya.
Huminto siya sa isang malaking puno medyo malayo sa dalawa niyang kaibigan at doon inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Sinapo niya ang kanyang dibdib at humahulgol sa iyak. Hindi siya makahinga dahil sa tindi ng pagkirot ng kanyang puso.
"For the first time, I cried for a man. He's never been gentle. Wala siyang pakialam kahit napapahiya na ako sa harapan ng mga tao at mas lalong wala itong pakialam sa nararamdaman ko. Ayoko na sobra na. I wasted my four years of liking him from afar and now I regret it. " kausap niya sa sarili niya.
Hindi niya deserve masaktan at mas lalong hindi niya deserve na iyakan ito.
" Tama from now on. I will try to forget him. No. I will forget him. Gagawin ko ang lahat hindi lang ako magpapa-epekto sa sasabihin nito. At mas lalong iiwasan ko na ito. I will do everything to get rid of this kind of stupid feeling towards him. Sobra na."
Mula sa di kalayuan natatanaw lang ng dalawa si Hannah na likod lang ang nakikita nito.
" Anong ginagawa niya?" tanong ni Chibs habang ngumunguya na naman ng chichirya.
Binalingan naman ito ni Naomi at kunot-noong tumingin kay Chibs na may hawak na pagkain. Hindi niya ito nakita na may hawak ng ganoon kanina.
'Saan naman nakuha nito ang pagkain nito' ani niya sa isip.
"Saan mo nakuha yan?" kunot-noo niyang tanong.
"Ang alin?" sabi pa nito at sumubo ulit ng tatlo sabay-sabay.
Napangiwi siya. "Yang kinakain mo?". She looked at her food first before smiling sheepishly.
"Nagutom ako kanina habang tumatakbo yang si Hannah eh kaya bumili ako. Gusto mo?" at inabot pa sa kanya ang pagkain.
Tumango naman siya at kumuha sa pagkain nito. Nagugutom na rin siya dahil gabi na rin at nandito pa rin sila sa Park.
"Hayss yang si Zachary talaga. Walang puso kung magbitaw ng masasakit na salita. Ni hindi man lang cinonsider ang damdamin ni Natalie." saad niya sa katabi.
"True, sa harap pa ng maraming estudyante. Aish. Alam mo bang nagtitimpi lang akong suntukin yong hayup na lalakeng yon kanina ah." inis na sabi ng katabi.
"Di lang ikaw" aniya at tinignan ulit si Hannah sa puno.
"Hayss. Kawawa talaga si Hannah cguradong laman na talaga siya ng balita sa school. Yan natalaga ang mahirap kapag sikat sa school. May power." dagdag pa niya at malungkot na sumubo ng chichirya.
"True. I swear may araw rin yan si Zachary. Darating din ang time na ito naman ng iiyak sa babae. Everything cycles, hindi mo lang alam kung kailan." inis pa rin na sabi ni Chibs.
"Correct kaya hayaan lang natin si Hannah na magpakalunod sa sakit at lungkot ngayon. Hindi naman natin siya pwedeng pigilan. Mas masakit kapag kinikimkim niya. Diba?" aniya niya rito.
Tumango lang ito bilang tugon.
Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is a growing up.
And seems it, it suited for Hannah.
-------------
*Kriiinggg*
" Hmmm" ungol ni Hannah ng magising siya sa tunog ng alarm clock katabi ng kanyang kama. Sa inis na hindi pa rin ito tumitigil ay nakapikit niyang kinapa ito at nang naramdaman niyang nahawakan niya ito ay binato niya ito sa dingding dahilan ng pagkawasak ito ng pagkapira-piraso.
"Poor alarm clock" malungkot na saad nang biglang may nagsalita. At kahit hindi niya imulat ay alam niyang ama niya ito.
"Aishh. Hannah naka-ilang orasan na ba nasira mo? Hindi ko na mabilang. Alah bangon na. Anong oras na oh, sobrang late ka na yah bangon na sabi." aniya ng ama niya at pinapalo-palo pa sa p***t.
Pumapadyak-padyak siya sa ginawa nito ngunit hindi siya bumangon at inis na tumalikod rito.
" Aba't wala atang pakialam ito sa pag-aaral nito ah. Hoy Hannah sabi ng bumangon ka na riyan eh. Halah! " at mas pinalo pa ito ng malakas ang ama.
"Aww" tugon niya at asar na bumangon at hinarap ang ama niya.
"Paps naman eh. Nakakainis ka alam mo ba yon. Natutulog yung tao eh." ani niya habang kumakamot ng buhok.
"Aba at naiinis ka pa eh hindi mo ba alam at alas-otso na ng umaga at ang klase mo ay 7:30 tapos nakahilata ka pa diyan." nakamewang na saad nito habang pinagsasabihan niya.
"Eh Paps, masama ata pakiramdam ko." paliwanag niya.
'Totoo naman eh'
"At bakit? Teka bakit mugto yang mata mo ha? Anong nangyari sayo?" alalang sabi ng ama niya.
Nanlaki ang mata niya at napatingin agad sa salamin.
'Shet. Totoo nga huhuhu. Anong sasabihin ko? Kailangang hindi malaman ito ng ama niya. Cguradong magagalit ito. Ano den ang magiging palusot ko? Walanghiyang Zachary talaga. Kasalanan nun eh. Huhuhu.' ani niya sa isip.
"Ah Paps nagpuyat kasi ako kakanood na naman ng k-drama. Tsaka sad ending kasi yung last kaya sobra akong umiyak at ito mugto na ang maganda niyong anak." pagsisinungaling niya.
"Eeshh. Naaadik ka na diyan sa k-drama mo ah. Lah cge bumangon ka na diyan at pumasok sa school mo at magtratrabaho na ako." ani nito at akmang tatalikod na ng dali-dali siyang bumangon at yinakap ang braso nito.
Lumingon naman ito bigla. "Bakit?" tanong nito. "Pw-pwede bang hindi muna ako papasok ngayon? Masama talaga pakiramdam ko eh." paliwanag niya.
Iyon na talaga ang totoo na walang biro. Masama ang pakiramdam niya ngunit hindi siya nilalagnat o kung ano man kundi masama ang pakiramdam niya dahil wasak pa rin ang puso niya.
Sinapo naman ng ama niya ang noo niya at leeg ngunit hindi naman iyon mainit. "Ako ba'y pinagloloko mo akong bata ka. Hindi ka naman nilalagnat?" taas kilay na tanong nito.
"Please Paps. Please" aniya at nag-puppy face pa.
'Sana umepekto. Ayaw muna niya pumasok dahil hindi pa niya kayang makita ang walanghiya niyang crush'
"Aishh. O cge pero last na yan ah at hinding hindi ka na mag-aabsent. Baka nakakalimutan mo graduating ka na ha." pangaral nito sa kanya.
Ngumiti naman siya ng malapad at hinalikan ito sa pisngi bago inalis ang kamay niya sa braso nito. "Thank you Paps. Thank you talaga! You're the best Paps in the world" pambobola niya rito.
Inungusan lang siya ng ama niya. "Nambola ka pa. Oh siya cge ayusin mo na sarili mo at tulungan mo ako sa trabaho ko tutal para ka naman nagpapanggap na may sakit. Pagbigyan lang kita ngayon pero sa susunod hindi na ah." ma-awtoridad nitong ani.
Sumaludo naman siya rito. 'Alam talaga nito ang ugali niya. Hahaha buking lagi.'
" Yes, Paps. "
" Good. Dalian mo diyan at mamayang gabi lilipat na tayo sa bago nating bahay" sabi lang ito at umalis na.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi at napanganga.
'Shocks! Nakalimutan ko ngayon pala kami lilipat ng bagong bahay namin. Yessssss!! Mamaya iimbitahin ko na rin ang dalawa. Ahaha gosh I'm so excited hihihi. Tama dapat kalimutan ko na ang lalakeng yon. Masama pa naman magdala ng masasamang saloobin kapag lumipat na sa bagong bahay aisshh. '
--------------
"Are you ready?" tanong ng ama niya habang tinatakpan ang mata niya gamit ang mga kamay nito.
"Yes Paps I'm ready hihihi." excited na tugon niya.
Habang na sa daan sila gamit ang malaking truck na ni-rent ng tatay niya upang makarga lahat ng mga gamit nila ay pinaalala muna nito na kapag andoon na sila ay wag muna siyang titingin agad bagkus ipikit niya lang raw ang mata niya hanggang sa makarating sila. Kaya iyon ang ginawa niya. Inalayan pa siya nito bumaba hahaha.
'Tatay ko talaga marami ring alam na kalokohan eh. Hahahaha.' aniya niya sa isip.'
"Ok magbibilang ako....one......two.......three....."at tinanggal na nito ang kanang kamay sa mata niya.
Nang imulat niya ang mga mata niya ay napanganga siya sa kanyang nakita."P-paps atin ba talaga to? Baka hindi naman atin yan?" hindi makapaniwalang saad ni Hannah at lumilinga-linga sa paligid.
"Baka naman atin yon?" sabay turo sa medyo maliit na bahay na simple lang tignan ngunit kasya na sa pampamilya na tatlo o apat na tao.
"Eesh. Hindi atin yan. Ito talagang bahay na nasa harapan natin ang atin." at inakbayan siya. "Alam mo, ilang taon ko na itong pinag-ipunan kasi plano kong gawing dream house natin dalawa ito. Remember ito yong itsura na gusto mo dati?" paliwanag nito.
Nanlaki naman ang mga matang tinignan niya ang ama. "Grabe Paps hindi ko alam na totohanin mo talaga yon!!! Waahhhh Paps thank you! Thank you so much! Da best ka talaga hahahah." at yinakap ng mahigpit ang tatay niya.
Tumawa naman ito at gumanti ng yakap." Anything for my lovely and pretty daughter. I will do everything to keep you happy that's what I promise to your Mamsy, Hannah. Before she dies from giving birth to you. I will treasure you no matter what" madamdaming sabi nito at narinig niya pang sumisinghot-singhot ito.
Natawa siya at kumalas sa pagkayakap nila. "Minsan talaga may pagka-komiko rin tatay niya hahaha."
"Oo na Paps pero naks English galing natin ah." asar niya rito.
"Syempre laking Americano tong tatay mo wahahaha." sakay naman ito at humalakhak pa.
Umingos siya rito. "Oo na Paps so let's go excited na ako wieee."
"Ok let's go." at inakbayan pa siya papasok ng kanilang bahay.
------------
Spell wow. Hindi lubos maisip ni Hannah na kanila pa rin ito. Hindi sobrang laki at hindi rin sobrang liit pero kasya na ang maraming tao dito upang magstay.
Bungad palang ng loob nila ay isang malawak na sala at hagdanan papasok ng second floor at sa kanan ay may isang door papasok naman ng kitchen. May malaking slide window rin sa sala na kung saan matatanaw mo naman ang garden kung gusto mo mag-relax.
Everything is so detailed base on her dream house. Mapapa-wow ka na lang talaga.
"Wahh ang ganda talaga." mangha niyang sabi.
"You like it?" her father asked.
"Yes very much Paps." masayang sabi niya.
Tumawa lang ito habang nilalabas ang mga gamit nila na nasa kahon.
"Tulungan mo na akong ilabas muna itong mga gamit natin tapos kain na tayo pagkatapos at saka na natin ayusin ang iba nating gamit bukas. Gabi na, cguradong pagod ka na." ani nito.
"Ok Paps" sagot niya na lamang rito at kumuha ng gunting at ginupit ang box na nasa harapan niya at inilabas ang mga gamit rito.
*Dingdong*
"Huh? May tao?" tanong ng ama niya.
"Sila na yan." excited na sabi niya at tumayo at tumakbo papuntang pintuan.
"Anong sila na yan?" kunot-noong tanong ng ama niya.
"Mga kaibigan ko si Naomi at Chibs. Remember" ngiting sagot niya rito.
Nag-isip naman saglit ang ama niya at natawa na lang. "Ah oo, yung mapayat at mataba mong kaibigan ahh hahaha. Oh siya cge papasukin mo na."
Tumango naman agad si Hannah at dali-daling binuksan ang pintuan. Ngunit ng makita niya ang mga ito ay biglang nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagkakunot-noo ng makita si Giro sa likod ni Naomi at Chibs.
" Anong ginagawa niyan dito? Bakit meron yan?" sabay turo sa lalake.
"Ahh kasi Hannah nalaman ng mokong na to na lilipat na raw kayo ng bagong bahay kaya nagpumilit na sumama sa amin." paliwanag ni Naomi.
"Paano nga" frustrated na tanong pa rin ni Hannah.
"I have my ways hahaha. Let's go guys." masayang sabi ni Giro at nauna ng pumasok.
'Aba feel at home pa ang walanghiya tss.'
"Narinig niya kasing nag-uusap kami ni Naomi kanina sa canteen na pupunta kami dito kaya ayun. Sorry Hannah" paumanhin na sabi Chibs.
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
'Cguradong wala na naman peace ang bahy niya aisshhhh'
"Ok lang. Tara na pasok na kayo." at niluwagan ang pintuan upang makapasok sila sa loob.
Nang nasa sala naman na sila ay biglang tumabi sa kanya ang ama niya at binulungan.
"Akala ko ba wala kang manliligaw? Sabi ni Giro nanliligaw daw siya sayo." bulong nito.
Napakamot na lang siya sa ulo at ngiting aso na lang na tinignan niya ang ama niya.
'Talaga nga naman oo sabi ko na eh. Kaya ayoko imbitahin ang lalakeng may saltik ata sa ulo yan eh. Aisshh' inis na sabi niya sa isip.
" Akala ko rin Paps eh hehehe"
---------
"Wow Tito ang sarap sarap naman po ng luto niyo." puri ni Chibs habang nilalantakan ang ham-banana rolls na niluto ng ama niya.
"Oo nga Tito ang sarap talaga da best ka. Hahaha. Pasado ka na pong chef hehehe." puri naman ni Naomi.
"Chef naman talaga ako ah. Chef ng carinderia." sagot naman ng ama niya at nagtawanan silang lahat.
"At da best future tatay na rin wahahaha." singit ni Giro. Doon lang nawala ang halakhak ng lahat at napa-face palm na nakatingin sila rito.
Naramdaman ata nitong walang kumibo kaya tiningnan kami ng lalake.
"Bakit?" kunot-noo nitong tanong.
"ASA." sabay-sabay nilang sabi.
"Huh? Anong asa? Hoy sinasabi ko sa inyo ako ang magiging asawa ni Hannah." aniya nito at tumingin sa ama niya sabay luhod. Nagulat naman ang lahat.
"Paps don't you worry. Aalagaan ko ng mabuti yang anak mo. Hinding-hindi ko siya sasaktan kagaya ng ibang walanghiyang mokong na yun." Kumunoot-noo naman ang ama niya sa sinabi nito.
"Walanghiyang mokong? Bakit? May nanakit ba sa anak ko ha? Meron ba?" galit na tumingin ang ama niya kay Giro.
Nataranta naman siya at naging alerto kaya tumayo siya.
"Ah Paps, paps wala naman. Nagbibiro lang yang si Giro. Diba Giro?" at pinandilatam pa ang lalake.
Agad namang lumungkot ang mukha nito at nag-pout pa. "Eesh oo Paps biro lang po yun pero hindi biro na ako magiging asawa ni Hannah tss."
"Dami po pang sinasabi Giro oh ito hotdog kumain ka na." at sinubuan pa ito ni Chibs.
"Yah. Busog na ako hoyy. Kayo" sabay tayo at turo sa dalawa.
"Bakit ayaw niyo ako sakyan ha." madamdamin nitong sabi at napahawak pa sa dibdib. "Sakit niyo sa puso ah."
"Walang pakels." asar ni Chibs rito.
"Aaahhh di ko na kaya sinasaktan niyo ako. Ahhh ayoko na. Paps boto ka ba sakin." tanong nito sa ama.
Hannah's father just shrugged and drink water.
"Paps pati ba naman ikaw? Ahhhh ayoko na. Ayoko na" sabi nito at nagwala na at sinusuntok suntok pa nito ang dingding.
Nang may mahagip ni Giro ang gitara na dinala niya ay agad niya itong kinuha at kunwari sana nitong ipukpok sa dingding ng biglang dumulas ata ito sa kamay niya na naging dahilan na tumama ito sa wall at nasira.
"Giro anong ginagawa mo?" galit na sabi niya.
"H-hindi ko sinasadyang mabi---". Hindi na natuloy ang sasabihin ni Giro ng nakarinig sila ng parang nag-c***k na bagay.
"A-ano yun?" natatakot na sabi ni Naomi.
"W-wala yun. Matibay tong bahay. Hindi ito matitibag agad ano ba kayo. Hahaha" aniya ng ama niya at tumawa.
Kumalma naman lahat sandali at kakain na sana ng makarinig ulit sila ng c***k na bagay. Hanggang sa napansin ni Naomi na gumagalaw ang baso na iniinom niya.
"Omyghadd nag-eearthquake ata." tarantang sigaw ni Naomi. And as a cue biglang gumalaw na ang mga bagay at nagsisihulog na ang mga gamit nila Hannah.
"All of you. Umalis na tayo rito. Tara na." sigaw na ng ama niya.
Ginawa naman nila agad ang sinabi nito at tumakbo papalabas ngunit hindi naging madali dahil sa bawat hakbang nila ay may nagsisihulog na bagay pati cemento kaya mahirap sila tumakas.
"Ouch." aniya ng ama niya na may tumamang bubog sa kamay nito. Agad naman nakita ni Hannah ito at nag-aalalang nilapitan.
"Paps. Paps ok ka lang." taranta niyang tanong.
"Ha? O-oo halika na umalis na tayo rito." ani nito habang iniinda ang sakit.
"O-oo. Oo paps halika na." at inalayan ang ama.
Nang safe ang lahat na nakalabas ay lahat naman napatingin sa bahay nila na gumuguho.
"Anak" tawag sa kanya ng ama niya habang nakatingin pa rin sa bahay.
"Bakit Paps?" tanong niya rito at tumingin sa ama niya.
"Ang dream house natin wala na." naiiyak na sabi nito.
Nalungkot naman siya at bumaling sa bahay nila.
'Yeah right sa isang iglap nawala ang pinaghirapan ng ama niya. Ano ba yan una si Zachary, ngayon naman ang bahay nila. Anong meron sa buwan na to at puro kamalasan ang natatanggap niya...'
'O siya talaga ang malas tss. "
A/N:
Sorry kung bigla ko siyang na-publish kanina. Napindot ko bigla eh pero ito na talaga. Enjoy reading :)