Chapter 4: Rascal Jerk

2083 Words
*Wee woo wee woo* "Magandang gabi mga kabayan. Narito po tayo ngayon sa bayan ng Hope, parte ng San Pablo City. At sa nakikita niyo ngayon.. teka mag-side lang po ako para makita niyo." at umusog ito pa side. "Here, nawasak po ang isang bahay na nagmamay-ari ng sikat na carinderia dito na si - - - -" "Hon, ano yang pinapanood mo?" tanong ng asawa niya habang inilalapag nito ang midnight snacks nila. "Bahay daw na nawasak?" aniya niya at kumuha ng grapes at sinubo ito. "Aww kawawa naman." sagot na lamang ng asawa niya itinuon na lang ang tingin nito sa pagkain. "Wa-wa-wait!! Ano daw? Alfredo? Alfredo Avery?" tanong niya at inayos ang eyeglasses upang makita ang taong nagwawala sa screen ng tv. "Alfredo Avery?" curious na tanong ng asawa niya at nag-isip. "Wait rin.. Hmm. Tama! Siya yong tumulong sayo noon Hon. Iyong muntik kang nalunod sa swimming pool noong high school natin kasi di ka marunong magswimming hahahaa." asar ng asawa niya at humalakhak. Umingos naman siya at itinuon ulit ang tingin sa screen. Habang pinapanood niya ito. May naisip siya at tiningnan ang asawa niya. " Oh bakit ganyan ka makatingin? " pigil na tawa ng asawa niya. " May idea ako. " simpleng sagot niya lang at tinititigan ang lalakeng umiiyak sa screen. 'Now, it's time to return the help. My friend" ----------- "Ang bahay natin Hannah. Ang bahay natin huhuhu. Wala na. Ang pinaghirapan ko ng ilang taon nawala ng parang bula ahhhhh." hagulgol ng ama niya. Nasaktan siya sa sinabi nito at tiningnan ang bahay nila. Akala nila nagkaroon ng earthquake. Yoon pala sila lang pala ang nasira ang bahay at ang mga katabing nilang bahay ay matibay pa rin na nakatayo. Napantantung niyang hindi matibay ang pagkagawa sa bahay nila. 'Wala na sira na ang dream house nila huhuhu' Yinakap niya ang kanya ama. "Hayaan mo na Paps at least walang nasaktan sa atin." aniya niya sa ama upang patahanin ito. "Oo nga Tito at least ligtas pa rin tayong nakalabas sa bahay." sabat naman ni Naomi habang hinahagod ang ama niya sa balikat nito. "Tama na Tito." sabi na lang ni Chibs. "Sorry Paps huhuhu. Kasalanan ko lahat ng ito kung di sana nadulas ung gitara. Hindi na sana mangyayari lahat ng ito." paliwanag ni Giro at nagsimula ng umiyak. Agad namang dinaluhan ng ama niya ito at yinakap. "Hindi mo kasalanan ang lahat Giro. Hindi ko isinisisi lahat sayo. Sadyang narealize ko lang na hindi matibay ang pundasyon ng bahay namin. Hayaan mo na nangyari na. Tanggapin na lang natin na nasira na. May pag-asa pa naman. Mag-iipon na lang ako ulit." pigil pa rin na iyak ng ama niya. " Tulungan na lang kita Paps sa pag-iipon. Magtratrabaho na rin po ako. "saad niya sa ama. Agad naman itong umiling at hinarap siya." Hindi. Hindi na ayokong huminto ka sa pag-aaral. Sakripisyo na lang muna ok. "sabi nito. Wala naman siyang magawa at tama nga ito. Mahalaga pa rin ang makatapos. Ngunit.. " Paps. " tawag niya sa atensiyon nito. Lumingon naman ulit ito sa kanya habang nakikipag-usap sa mga pulis. " Paano pala tayo? Saan ulit tayo titira" tanong niya. ------------ "Nalaman mo na ba ang balita?" rinig ni Hannah mula sa hindi kalayuan na nag-uusap ang dalawang estudyante. "Ano yon?" curious na tanong ng isa. "Iyong gumuho na bahay sa San Pablo City." paliwanag naman ng isa. 'Tss mga tsismosa.' inis na sabi niya sa isip at nagpatuloy maglakad ngunit mabagal lang upang marinig niya ang sinasabi ng dalawa. "Talaga?" hindi makapaniwalang tugon ng katabi nito. "Oo, oh tignan mo." sang-ayon nito at naglabas ng phone at pinakita nito ang mga nangyari. "Omg. Grabe naman kawawa naman iyong may-ari niyan." malungkot na sabi ng kasama. "Oo nga pero alam mo ba kung sino?" tanong ng babae. "Sino?" curious na tanong ng isa. "Si Hannah Avery. Iyong stupid girl ng school natin na binasted rin ni Zachary. Grabe na sa kanya na ata lahat ng kamalasan sa buhay tss." sabi nito. "Poor Hannah, I really pitied her hays." tugon na lang ng isa. "Wag mo na lang pansinin yang mga Hannah. Walang magawa iyan sa buhay. Tara na bilisan na natin." palakas-loob na sabi ni Chibs rito. Sumang-ayon na lang siya kahit naiiyak na siya sa loob at yumuko na lang. Wala siyang magagawa talagang may pakpak ang balita nakakarating hanggang eskwelahan nila. *Click* *Click* " Huh? Naririnig niyo yun?" tanong ni Chibs at lumilinga-linga sa paligid. Ganoon din ang ginawa niya. "Oo narinig ko rin yun parang tunog nga ng camera eh." sang-ayon naman ni Naomi rito. Hinanap niya ang impostor na yon ng may mahagip siyang babaeng nakabalot ng scarf ang ulo niya at naka-sunglasses pa upang hindi ito makilala at kinukuhanan pa sila ng litrato. Napansin naman nito na tinititigan niya ito kaya tumigil ito at medyo binaba ang sunglasses at dali-daling tumakbo. 'Hmm mukha naman siyang harmless.' aniya niya sa isip. She just shrugged at tumingin ulit sa dinadaanan nila. 'Ewan pero ganun ang na-feel niya eh.' "Nakita mo ba Hannah?" tanong ni Chibs sa kanya. "Aish hayaan niyo na at tara na malelate na tayo." sabi niya na lang at nauna ng maglakad at sumunod naman sa kanya agad ang dalawa. ---------- Zanford University Pagkapasok pa lang ng tatlo ay napansin na agad nila na nagsisitakbuhan ang mga estudyante papunta sa flag pole ng kanilang building. Na-curious naman sila kaya sinundan nila ito. "Anong nangyayari?" tanong niya. "Ewan sundan nalang natin." sagot naman ni Naomi at tumango na lang siya. Nang makarating sila sa mga nagkukumpulan na tao ay agad niyang narinig ang malakas na boses ni Giro na mukhang nagsasalita sa megaphone about sa kanya kaya siningitan niya ang sarili niya upang puntahan ito. " Anong nangyayari dito? Anong ginagawa mo ha Giro?" galit na nilapitan niya ito. "Ah Hannah. Nagmamagandang loob lang ako para tulungan kang makabangon ulit kaya ito." sabay turo sa donation box. "Tulong na sa iyo ito ng mga ka-estudyante natin. Wag ka namang magalit na oh. Ikaw na ngang tinutulungan eh." aniyang kalmado itong paliwanag. Huminga naman siya ng malalim upang maibsan ang inis niya rito. "Oh cge, cge na nga. Maiinis na dapat ako eh pero thank you at nagmamalasakit ka." sincere na sabi niya rito. Agad naman itong ngumiti bilang tugon. "Anything for you my Hannah." sabi nito at kinindatan pa siya. She just roll her eyes on him at aalis na sana ngunit napatigil siya ng biglang sumigaw si Giro at tinawag si Zachary na nilampasan lang sila. She stilled at bumalik na naman ang sakit sa puso niya ngunit kailangan hindi siya magpakita ng mahina rito. "Hoy walanghiyang aroganteng lalake na nanakit kay Hannah. Akala mo hindi ko alam ang ginawa mo sa kanya ah. Pasalamat ka wala ako doon at may importante akong pinuntaham kung hindi tinuluyan na kita. No one can hurt my Hannah. Aish. Oy magdonate ka bilang sorry mo." He stopped and looked at their direction before starting to walk with his cold expression in his face. 'Tss such a rascal jerk aishh' When he's now in front of them. He speaks." What? " he asked in his cold tone. " Magbigay ka ng kahit anong pera at mag-sorry ka. Alam mo naman ang balita diba? Gumuho ang bahay nila Hannah kaya kahit ito lang tulong mo sa ginawa mo." iritadong sabi ni Giro kay Zachary. Naglabas naman ito ng wallet at kumuha ng limang libo at pinakita sa kanila." Ok na ba ito? " tanong nito at akma ng ilalagay sa donation box ng pigilan ito ni Hannah. " Wag mong ilalagay yang pera mo. " galit na ani niya. Napatigil naman ito at inalis ang pera at tumingin sa kanya. "Bakit naman Hannah tamo oh magbibigay na siya. That means magsosorry na siya. " ani ni Giro sa kanya. "I will give but I will not say sorry on what I've said before." walang gana nitong sabi sa kanila. "ANO?" galit na sigaw ni Giro. "Do I need to repeat what I have said?" he asked. "Aba't talagang naghahamon to ng away ah." galit na sabi ni Giro rito at susugurin na sana ng pigilan niya ito at hinawakan sa kaliwa nitong braso. "Tama na." sigaw niya at tumingin kay Zachary na nakangisi lang. "Hannah." tawag ni Giro sa kanya. "Ikaw hambog na lalake ka. Kaya kita pinigilan dahil hindi bukal sa puso mo ang magbigay ng pera. Saksak mo sa baga mo yang pera mo. Hindi ko kailangan yan. Umalis ka na." taboy niya rito. Tumawa ito ng mahina at ibinalik ulit ang pera sa wallet at tinago ulit sa bulsa." Ok madali lang naman akong kausap. Hindi ko naman pinipilit ang maarte pa sa maarte. " asar nito. Bigl namang umusok ang tenga niya sa narinig." Ano kamo ako maarte? For your information hindi ako maarte. You, rascal jerk talagang binubwisit mo buhay ko. " galit na sigaw niya rito. Humalakhak naman ito." Talaga ba? Binubwisit kita? Eh sa pagkakaalam ko hindi ganoon ang nakalagay sa love letter eh. " asar pa nito. 'Argh pigilan niyo ako may mapapatay ako sa walang oras. Aishhh' " Hambog. Walanghiya. Walang puso. Lahat ng masasama na sayo alam mo ba yon ha? Sino ka ba para magbaba ng tao ha? Bakit? Porket matalino ka at ako hinde? Bakit sa tingin mo lahat ng taong nakikita mo ay stupido lang sayo ha?" sigaw niya dito at lumapit ng kaunti rito. " You're a rascal jerk. Sana di ko na lang ginawa yon. Sana di ko na lang binigay ang love letter. At sana di na lang kita nagustuhan. "sigaw niya at nag-walk out dahil hindi na niya kinaya pa ang luha na lalabas na sa kanyang mga mata. 'Now I realize. I wasted my four years of liking such a rascal jerk.' ----------- Dismissal Time " Wag mo na masyadong isipin si Zachary girl ok. Tamo wala ka sa mood buong maghapon. Nakatulala ka lang napagalitan ka pa tuloy ni Ma'am Maria kanina. Hayss." sabi ni Chibs sa kaniya. "Oo nga wag kang mag-alala may araw rin yang si Zachary ok. Maka-karma rin yan aishh." "Di naman yan ang iniisip ko eh. Ang iniisip ko kung saan kami titira ng tatay ko ulit. Ayoko rin naman doon ulit ako taas ng carinderia namin. Ang sikip sikip doon kasi puro paglagyanan ng mga sako na kakailanganin sa pagluto ni tatay yun huhuhu." aniya niya at malungkot na sumubsob sa lamesa niya. " Hayss hay kung pwede lang sana sa amin kaso sobrang rami na namin eh. " paliwanag ni Chibs at inalo-alo siya. " Same. Maliit lang bahay namin na kasya lang talaga sa apat na tao. Hindi katulad ng bahay niyo na gumuho. Sorry talaga Hannah." sabi naman ni Naomi. " Ok lang naiintindihan ko. "malungkot na tugon niya rito. " HANNAH HAHAHAHA. " masayang tawag sa kanya ni Giro at lumapit sa upuan niya. Kasama rin nito ang mga kaibigan nito. " Ito na ang donation box. Puno yan ah. Kasing puno ng pagmamahal ko sayo. " banat sa ni Giro.  Umingos siya ngunit ngumiti rin dito." Thank you Giro." simpleng sagot niya na lamang. " You are very welcome my Hannah kahit para kang ampalaya sa akin. Nararamdaman ko" aniya sabay turo sa puso nito. "Ikaw parin ang sustansya ko." banat pa nito. "Owww nice one" sigaw naman ng mga barkada nito She rolled her eyes on him at umiling. 'Minsan nakakasakit talaga sa ulo ang mga lalake eh. TSS.' "Giro" tawag atensiyon niya rito. "Bakit may Hannah?" pacute naman nitong tanong. "Nakakain ka ba ng mais?" tanong niya. "Huh? Oo kanina eh nang makita ko si manong na nagtitinda ng yellow na mais na nilalagyan rin ng powder na kulay orange sa kalye. Ang sarap kaya naparami bakit naman?" paliwanag nito " Ahhh kaya pala... " tumatango niyang saad rito. Tila nacurious naman si Giro sa tugon niya kaya nagtanong ito. " Anong kaya pala? " "Kaya pala ang corny mo." sagot niya at na tumalikod rito. "BURNNNN!! BASAG!! WAHAHAHA" asar na sabi ng barkada nito at humalakhak naman ang mga kaibigan ni Hannah. "Pick up lines pa more wahahahaha." sabi nila habang sapo pa ang tiyan. Umingos lang si Giro at tiningnan ng pinto kung saan lumabas si Hannah "Giro nakakain ka rin ba ng cornic kanina?" tanong ni Chibs habang sapo pa rin ang tiyan. Nag-isip naman ito saglit at tumango. "Oo kanina nang magpapaload ako bakit?" "Ahhh kaya pala" gaya rin ni Chibs sa sagot ni Hannah. "Anong kaya pala" curious ulit na tanong niya. "Kaya pala nasobrahan ka ng ka-cornyhan WAHAHAHAHA" anito at tumayo na ang dalawa at sinundan ang kaibigan nila. Habang naglalakad naman si Hannah ay biglang tumunog ang kanyang phone kaya sinagot niya ito. "Hello" aniya niya sa kabilang linya. "Anak" sagot ng kanyang ama. "Oh bakit Paps pauwi na po ako." paliwanag niya. 'Baka nag-aalala na ito.' aniya niya sa isip. "Good anak bilisan mo at aalis tayo." saad nito at na-curious naman siya kaya nagtanong siya. "Saan naman tayo pupunta?" tanong niya. "Sa bahay na pansamantala muna nating titirahan." aniya nito sa kabilang linya. Mas lalo naman kumunoot ang noo niya.  'Saan naman??' 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD