NAPANGITI si Kean habang napapailing nang makita si Bryle sa kinaroroonan nito. Parang nais niyang mapahanga dito. Napaka-kalmado talaga ng lalaking ito. Siguro kung sa ibang lalaki nangyari ang ganitong hindi ka siputin ng ka-date mo ay baka kung ano na ang ginawa samantalang ito ay heto, nakaupo habang hawak ang bote ng alak at nakatanaw sa malayo kung saan naroon ang nagliliwanag na kalawakan ng lungsod. Tila wala itong pakialam sa sitwasiyon nito ngayon. Pero ewan lamang niya kung gaano ito kagaling sa pagtitimpi ngunit, base sa nakikita niya ay ito na ang pinaka-cool na lalaki. At kahit isa din siyang lalaki, aminado siya na guwapo talaga itong si Bryle lalo na sa porma nito ngayon. Malamang kung nakasipot si Brianne nang mga sandaling ito, tiyak na nasa final base na itong si B

