bc

Be With You

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
possessive
family
second chance
independent
comedy
sweet
lighthearted
serious
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

Pauline, the normal girl who never expected to fall in love again because of her childhood best friend, until he met Klaud... the funny, sweetest, smart and one of the famous son of Mr. and Mrs. Viliejo in Olivarez College Tagaytay.

chap-preview
Free preview
SIMULA
REMINDER: This story is just a work of fiction that includes names, places, dates, and events that are purely created by the author's imagination. If there are similarities in real life, it is only a coincidence. Do not publish and transmit or even create some new words from this story. Sorry for the grammatical errors... ------------------------------------------------------------------------ "Lola, ako na po jan" sabi ko. "Kaya ko naman ito, Apo" pagpipilit niya. Tumayo ako para kunin ang mga iba pang damit na nilalabhan at inilagay sa isang bakanteng timba. "Ako na lang po magbabanlaw ng lahat ng 'yan, Lola" ani ko na ikinakumbinsi naman niya. "O sige. Ang mga ibang damit ilagay mo sa kabilang tiklis" turo nito. Sinunod ko naman siya pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang paglalaba. Lahat naman ng mga tapos ng sabunin ni Lola ay puro mga banlawin na lang, pati na rin ang ibang kinukusot ko halos patapos na rin kaya madali na rin ako matatapos dito. Kinuha ko ang hose at nilagay sa planggana pinihit ko na rin ang gripo kaya naghihintay na lang akong mapuno ito. Habang naghihintay ako may naririnig akong sumisigaw sa pangalan ko kaya ng makalapit-lapit ito sa bahay namin ay nahalata ko na si Kuya Miko ang tumatawag sa'kin. "Pauline!" sigaw nito. "Kuya Miko rinig na po ka agad boses niyo sa labas" Dalawang minuto siyang nakatigil sa harap ko at hingal na hingal kaya inabutan ko muna ng tubig. "Salamat" sabi niya. "Ano pong meron?" saglit niyang inayos ang sarili tsaka nagpasyang sagutin ang tanong ko. "Pumunta ako dito para sabihin sayo na baka gusto mo ulit subukan mag-aral hindi naman din kalayuan ang eskwelahan kaya hindi ka mahihirapan" "Ganun ho ba. Kase 'di ko pa po alam kung tutuloy ako isa pa wala rin pong magbabantay kay Lola" "Wag mo ng problemahin yan kami na ang bahala sa kaniya. Sa ngayon unahin mong makapagtapos ng pag-aaral dahil sa isang taon graduate ka na ng kolehiyo" Sa sinabi ni Kuya Miko ay nakampante naman ako pero hindi ko pa rin alam kung itutuloy ko ba ang mag-aral. Tama naman siya isang taon na lang tapos na ako sa pagiging estudyante sa kolehiyo. Ang iniisip ko paano kung matunton nila kami dito mas lalong nakakahiya halos walang nakakaalam sa mga nangyari sakin kahit kakilala pa ito nina Lola at Tita Astraea. "Maraming salamat, Kuya Miko. Pero pag-iisipan ko po muna siguro" sabi ko. "Sige. Basta kapag handa ka na at gusto mong ipagpatuloy pag-aaral mo magsabi ka agad sa'kin." Tumango ako sabay ngiti dahil isa rin ito sa pag-aalala nila sakin ng malaman nila dati na tumigil ako. Umalis na siya bago ito tuluyang lumabas sa bahay nag paalam muna ito kay Lola. Tinuloy ko na ang paglalaba ko. Mga ilang minuto lang din ang itinagal ko sa pagbabanlaw kaya nilagyan ko na sa kabilang planggana para idowny lahat ng mga damit. Pagkatapos kong pigaan kinuha ko ang mga hanger sa loob, napansin kong ang himbing ng tulog ni Lola sa salas kaya hindi ko na ito inistorbo. Isinampay ko lahat ng mga ito sa labas ng bahay namin para na rin maarawan. Inayos ko muna mga pinag-gamitan ko sa paglalaba. Sunod ko naman gagawin ang magluto ng tanghalian namin. Pagsasaing muna ang inuna ko bago ang mga paghahanda at mga kailangan ng nga kasangkapan para sa lulutuin kong menudo. Maya-maya narinig kong may nag-unat kaya alam ko na agad na gising si Lola dahil kami lang naman ang tao dito at umalis si Tita Astraea para kausapin ang kakilala niyang abogado. "Apo, nagluluto ka na ba jan?" tanong sakin ni Lola na rinig ko kahit nasa salas pa siya. "Opo" tanging sagot ko. Hindi na sumagot si Lola dahil abala na ito sa panonood ng telebisyon, sakto na rin na alas dose kaya nakatutok na siya sa Showtime. Pagkahugas ko ng bigas agad ko na itong tinansya ang tubig sabay lagay sa kalan. Kinuha ko na rin ang mga kakailanganin ko sa pagluluto ng menudo. Habang naghihiwa ako naalala ko si Klaud dahil sabi niya sakin gusto niyang ipagluto ko siya pero sa panahon na 'yon ay hindi ko siya napagbigyan. Hindi ko rin aakalain na aabot ako sa sitwasyon na kailangan kong lumayo para walang madamay ng dahil sakin. Sa sobrang seryoso ko sa paghihiwa hindi ko na namalayan na kanina pa kumukulo ang sinalang kong kanin, kaya madali ko kinuha ang takip at tanggaling muna saglit at binalik ulit tsaka hininaan ang apoy. Pinainit ko na rin ang kawali at nilagyan ng mantika. Inayos ko muna ang mga kalat at itinapon sa basurahan. Nagsimula na akong magluto inuna kong inilagay ang bawang at sibuyas, sunod ko namang nailagay ang mga hiniwa kong baboy. Tamang halo lang ginawa ko hanggang sa maluto ito, seryoso ako sa pagluluto hanggang sa sumulpot si Lola sa likod ko. "Apo---" "Wahhh!!!" pagtili kong sabi. "Susmiyo kang bata ka aatakihin ako ng wala sa oras dahil sayo" kahit siya nagulat kaya napahawak siya sa dibdib. "Pasensya na po nagulat po kase ako sa inyo" pagpapaumanhin "Ay siya hayaan na. Nako ka talagang bata" sumilip agad siya sa niluluto ko at kinuha ang kutsara para tikman "masarap siya pwede ka rin mag-asawa" Nalunok ko agad ang tubig ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Lola na sumakto ang mga sinabi niya habang umiinom ako. "S-salamat po" "Nilagyan mo na ba yan paminta?" Tumango ako habang naghahalo "kakalagay ko lang po" Wala na itong sinabi na kahit ano at pumunta na ulit sa salas para manood. Pagkatapos kong ilagay ang tomate sauce at haluin tinakluban ko muna tsaka pinakuluan ng mga limang minuto. After five minutes I put the rest of the ingredients especially the carrots and the potatoes and I decide to cover it and boil again. Tumikim ako ng isang putahe para malaman kung luto na ba o hindi pa. Pinakuluan ko ulit saglit tsaka ko pinatay ang kalan pati na rin ang gasul. Naghain na ako sa lamesa para makakain na kami, nagtimpla na rin ako ng juice na ang flavor ay pineapple. Kumuha ako ng isang malaking mangkok para paglagyan ng ulam, inayos ko muna ang mga upuan tsaka ko tinawag si Lola. Pumunta ako sa salas at nakita ko itong tumatawa dahil sa mga biro ni Vice Ganda. "Lola, kakain na po tayo" "Kakain na ba?? O sige tara na" kayag nito sakin. Sabay kaming pumunta sa kusina, pinaupo ko muna ito bago ako. Kaniya-kaniya kami ng kuya ng kanin pati na ang ulam. "Masarap po?" tanong ko. Napatango siya sabay nakipag thumbs up siya sakin. Nagpatuloy lang kami sa kinakain namin hanggang sa nabanggit ni Lola sakin ang napag usapan namin ni Kuya Miko. "Inalok ka ni Kuya mo na pumasok jan sa malapit na eskwelahan" "Opo, pero ang sabi ko po pag-iisipan ko muna" "Bakit mo pa pag-iisipan? Ayaw mo bang ipagpatuloy ang pag-aaral mo? "La, hindi naman po sa ayaw ko inaalala ko rin po kase kayo dahil wala pong magbabantay sainyo" "Apo, wag mo kong alalahanin malakas pa ako tsaka nanjan naman si Tita Astraea mo" "Hindi pa nga po siya bumabalik dito simula po kagabi baka po hindi po siya umuwi ngayon" may halong pag-aalala kong sabi kay Lola. "Uuwi 'yon baka may inaasikasong importante. Alam mo naman ang Tita mo tutok na tutok sa negosyo niya." Hindi na ako nakaimik sa mga sinabi ni Lola. Kumakain ako habang nakatingin sa kaniya. "Basta ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo para din 'yan sa kinakabukasan mo" Grandma was right, so I agreed to continue my studies. Para na rin makahanap ako ng magandang trabaho at makatulong na rin kila Papa at Mama. Pagkatapos namin kumain niligpit ko na agad ang mga pinagkainan namin at natulog, ganun na rin ang ginawa ni Lola. Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Tita kaya lumabas ako ng kwarto. Pagkakita ko pa lang sa kaniya ay pagod na pagod ang kaniyang katawan,malungkot ang muka at higit sa lahat gutom. Marami pa namang kanin na natira kaya pinainit ko ito kasabay ng kanin. "Anong ulam?" ani ni Tita. "Menudo po" sagot ko naman. Naglagay na agad ako ng pinggan sa lamesa pati na rin ang kanin at ulam. Ngayong gabi sabay sabay kaming kumain at natutuwa ako doon, namiss ko rin si Tita dahil ngayon lang siya umuwi. Nauna na itong matulog pati rin si Lola dahil inaantok pa daw siya kaya hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin. Naligo na rin ako tsaka bumalik sa kwarto, nag-ayos ng kaunti at humiga na Hindi man sobrang bigat ang araw na 'to pero nararamdaman kong mabigat dahil sa mga iniisip ko ngayon. Kung sakali na magkita ulit kami ni Klaud magiging maayos ba ang lahat? Makakaya ko bang sabihin sa kaniya ang mga nangyari sa'kin? There are so many things na nangyari sa buhay namin so we decided na sumama kay Lola dito sa Marinduque. Kung hindi ba ako pumayag na sumama kay Lola magiging maayos ba ang buhay ko kahit nasa Cavite ako? Pero kung iisipin ng mabuti hindi magiging madali. Umalis ako dahil naging magulo ang buhay namin ng sugudin kami ng kapatid ni Mama, madami rin nawala sakin pati na rin ang mga pagmamay-ari na pinag-iipunan ng magulang ko. Mahal ko si Klaud pero hindi ko alam kung may muka pa ba akong ihaharap sa kaniya matapos ko siyang iwanan ng wala man lang paalam. Is there still a chance for us to get along just in case I go home to Cavite? Is there any hope that I can be with him again?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook