CHAPTER 1

1484 Words
Rain "Pauline, tara sa labas maligo tayo!" sigaw ni Gael na kanina pa nangungulit sa'kin. "Baka pagalitan ako ni Papa" sabi ko habang itong lalaki na 'to masama na ang tingin. "Yan lang ba ikinababahala mo? Kung ganun magpaalam tayo" Magsasalita pa sana ako pero lumabas na siya sa kwarto at pumunta kay Papa para magpaalam. Wala rin naman akong magagawa dahil masyado siyang mapilit kaya pagbibigyan ko na. Nagbabasa lang ako ng w*****d books na binili ko last week, hindi na rin ako natutuwa dahil nasa kalagitnaan na ako na iniwan ng lalaki yung babae ng wala man lang rason. Sa pagbabasa ko naririnig ko sina Papa at Gael papalapit sa kwarto. "Basta wag kayong lalayo kapag tumila na ang ulan maligo ka agad kayo para hindi magkasakit" sabi ni Papa kay Gael. "Opo" Iniintay ko lang sila na pumasok pero si Gael na lang nakita ko siguro gumawi si Papa sa kwarto nila ni Mama. "Sabi ko naman sayo papayagan tayo" pagmamalaki niya sakin. Napailing na lang ako sa kaniya. Tinabi ko muna ang librong binabasa ko, pagkasuot ko pa lang ng tsinelas ko hinatak niya na agad ako papalabas kaya sobrang ingay ng pagbaba namin sa hagdanan. Sobrang lakas ng ulan kaya tamang tama lang na maligo kami. Minsan lang din namin ito gawin dahil sobrang busy na kami parehas sa pag-aaral. Pagka tapak namin ng senior high 'di na kami naging magkaklase. ABM ang pinili kong strand na related 'to sa kursong kukunin ko sa kolehiyo pero si Gael naman STEM. Naninibago kami parehas kahit magkahiwalay kami noong grade eleven kami pero kinayanan naman namin. "Wala ka naman gagawin bukas diba?" tanong niya habang nagtatampisaw ako. "Hindi ako sigurado pero titignan ko schedule ko. Bakit?" "May ipapakilala sana ako sayo bukas" "Sino naman?" kuryoso kong tanong sa kaniya. "Basta" "Sino nga?" ngayon ay naagawa niya ang atensyon ko kaya seryoso akong nakatingin sa kaniya. "Grade school pa lang tayo gusto ko na siya" sa pagkakasabi niya pa lang nawalan na ako ng gana maligo sa ulan, buti na lang humina na. "Ganun ba" tamlay kong sabi. "Ayos ka lang ba? Bakit biglang sumimangot yang muka mo? Lumapit siya sakin pero minabuti ko na lang pumasok sa loob, masyado na rin akong nilalamig dahil sa hangin na sumasampal sa'kin. I went go immediately to the bathroom to rinse and to think. Masyadong naging malabo ang mga sinabi sakin ni Gael kaya sa banyo na lang ako nagisip-isip kahit papaano. Nagtapis ako at umakyat sa taas. Buti na lang wala si Gael kaya mapayapa akong mag-isa dito sa kwarto. After I got dressed I went to bed dahil wala rin naman akong gagawin sa baba o kahit sa kusina si Mama naman busy sa pagluluto para sa hapunan namin, maybe I'll just wash the plate after we eat. Makakatulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan kaya pinagbuksan ko ka agad ito dahil baka si Tita Astraea or si Mama lang 'to. "Bakit po Ma--" naputol agad ang sasabihin ko ng bumugad sakin si Gael. His darkened look when he is serious talagang mangangalabog ang puso mo sa takot na tila'y ang laki ng kasalanan mo. "A-anong ginagawa mo dito?" Pumasok ka agad siya sa kwarto ko ng hindi sinasagot ang tanong ko kaya nairita ako. "Ano bang ginagawa mo dito?" pag-ulit kong tanong sa kaniya. "Makikipag-usap. Bakit bawal ba?" sabat taas niya ng isang kilay. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, nahahalata kong may napapansin siya na kakaiba sakin. "Kanina nung may sinabi ako sayo tungkol sa ipapakilala ko bigla ka nawala ng sa mood. Anong problema, Pauline" seryoso niyang tanong sakin habang nakaupo sa upuan. "Walang problema" "Sigurado ka? Pwede naman mapag-usapan" "Promise wala" ngumiti ako para hindi niya mahalata na malungkot ako. Naniwala naman siya kaya napanatag ako dahil kung magkataon na mapansin niya talaga na malungkot ako hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya lahat. Matagal ko na siyang gusto simula mga bata pa lang kami, sanay na ako kung ano kalokohan ang ginagawa niya kapag magkasama kami. Sinong hindi magkakagusto sa kaniya sa sobrang bait niya. Ilang oras pa kaming tahimik buti na lang tinawag kami ni Mama kaya nauna na akong bumaba at dumeretso sa kusina. Hindi ko rin pinahalata sa magulang ko pati na rin kay Tita Astraea na malungkot ako kaya hinayaan ko na lang na tumabi sakin si Gael. "Ang sinigang jan luto ng Tita mo" sabi ni Papa. Nasiyahan ako sa sinabi ni Papa, sobrang paborito ko ang luto ni Tita pagdating sa sinigang kaya nasisisgurado kong mapapadami ang kain ko. Sumandok ako ng pagkain at agad na tinikman. Ang sarap kumain lalo na umuulan masarap ito sa panahon ngayon. Para sa ibang pagkain naman si Mama ang nagluto, ang sasarap at magagaling sila magluto. "Sobrang sarap po nito" ani ni Gael kay Tita Astraea pati kay Mama. "Nakakatuwa ang batang 'to" sabi ni Tita. Tahimik akong kumakain at nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. Hindi naman nila napapansin sakin ang pagiging tahimik ko pero si Gael napapansin kong tumitingin siya sakin tuwing isusubo ko ang pagkain na nasa harap ko. Mga ilang oras din ang itinagal ng pagkwekwentuhan nila lalo na sila Mama at Tita. Sobrang lapit nila sa isa't isa habang si Papa naman at ang kaibigan ko ganun rin ang ginagawa kaya nagpaalam muna ako na pupunta ako sa labas para pakainin ang alaga naming aso na si Mochi. Wala man akong naiintindihan sa pagtatahol nitong si Mochi pero kinakausap ko pa rin siya. "Bakit ganun 'di man lang napapansin ni Gael na may gusto ako sa kaniya" paglalagay ko ng pagkain sa isang malinis na lalagyan. Tinitignan ko lang siya kumain pero biglang sumulpot si Gael sa likod ko. "Hey.." "Uuwi ka na?" "Oo. Bukas mag-eenroll ako sasama ka ba?" "Hindi matagal pa naman pasukan siguro mga last week ng May na lang ako" Binalot kami ng katahimikan hanggang si Mochi tumahol sa gilid ko kaya nilapitan ko saglit. Uupo sana ako sa tabi nito ng biglang hinawakan ni Gael ang bandang pulsuan ko para mapaharap sa kaniya. "Hu'wag ka ng malungkot jan, Pauline. Ikaw lang ang kaibigan ko at sa ipapakilala ko sayo bukas alam kong magugustuhan mo siya" yakap-yakap niya ako habang nagsasalita siya. "Sige ipakilala mo sakin kung sino yang nagugustuhan mo" walang gana kong sabi. Yakap-yakap niya pa rin ako na lagi niyang ginagawa lalo na kapag malungkot ako. Pagkatapos niya akong pakalmahin nagpaalam ulit siya na uuwi na ito. Inintay ko siyang makalayo tsaka nagpasiyang pumasok na sa loob. "Mabait siya" sabi ni Tita na agad kong 'di naintindihan. "Ano po" "Sabi ko ang bait ng kaibigan mo bagay kayo" asar na sabi nito. Napabuntong hininga ako ng makaupo ako sa tabi niya. Bakit si Tita napapansin niyang bagay kami. "Ayos ka lang??" singit ni Mama. "Opo. Bakit niyo naman po natanong yan?" "Wala naman, nak. Nga pala may gusto kaming sabihin sayo " ani ni Papa. "Ano po 'yon? "Nag-usap kase kami ng Tita Astraea mo noong isang araw pa at ngayon lang kami humanap ng tamang oras para sabihin sayo. Kung papayag ka lang naman pero kung hindi ay ayos lang" "May problema po ba? sabi ko. "Naisip kase ni Tita mo na dun ka muna sa kaniya. Pag-aaralin ka niya at aalagaan kaysa naman dito hirap tayo nababaon na sa utang. Hindi pa ako natatanggap sa inapplyan ko na trabaho kaya hindi pa tayo makabayad, si Mama mo naman nag eextra lang pero nag-iipon kaya kapag nakabayad na tayo pwede ka ng umuwi. Sa ngayon sa Tita Astraea ka muna pansamantala at tsaka makakatulong rin ito sayo gaganda ang buhay mo doon." Natulala ako sa sinabi ni Papa masyadong madami ang sinabi niya kaya inisip ko pa ang mga pinagsasabi niya. Inabot pa ako ng ilang oras para alalahanin yun habang sila nakatunganga sakin at iniintay ang sagot ko. "Hanggang sa magkolehiyo na po ba ako doon?" tanong ko. "Malalaman natin, nak kung mabilis tayong makakabayad sa utang" Tumango lang ako kase hindi ko pa alam kung papayag ako "pag-iisipan ko po muna siguro" ngiti kong sabi. Nag-iba kami ng mapagkwekwentuhan kaya kahit papaano nagkaroon kami ng oras para sa isa't isa. Napagod ako sa kakatawa pati na rin si Tita dahil sa mga kwento ni Papa tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Mama noong kapanahunan nila. Pagkatapos namin magkwentuhan dumeretso ako sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan namin. Mabilis lang naman din ang paghuhugas ko kaya umakyat na ako sa kwarto para magpahinga. Naging masaya rin naman ang araw na 'to pero kapag naiisip ko ang sinabi ni Gael na may ipapakilala siya sakin nakakapanghina na kahit kailan siguro di niya ako magugustuhan. Isinantabi ko na lang ang mga iniisip ko baka hindi na ako makatulog nito kaya inayos ko na muna ang higaan ko bago humiga. Sana makaya ko ang pwedeng mangyari bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD