Bestfriend
Kinabukasan tamad akong kumilos kahit pagbangon para maghilamos at magsipilyo.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdaan ng makita ko si Gael na nakaupo sa salas.
"Tulog mantika ba ginawa mo at ang tagal mong gumising?" asar nito.
"Masarap kaya matulog"
Dumeretso muna ako sa kusina para batiin sila Mama.
"Good morning po"
"Tanghali ka na ah" ani ni Tita.
"Malamig po kase kaya masarap po matulog" tinawanan lang nila ako kaya nagpaalam muna ako para maghilamos.
Tamad na tamad talaga akong ngayong araw na 'to dahil siguro ito sa makikita ko ang ipapakilala ni Gael sakin.
"Hoy maligo ka na para aalis na lang tayo pagkatapos mong kumain" sigaw niya sa labas ng banyo.
"Maghintay ka jan!?" sigaw ko sa kaniya.
Naligo na ako para hindi na ako kulitin ng gago na 'to masyado kaseng atat makita yung ipapakilala niya sakin kaya siya ganito ngayon. Mabagal akong maligo kaya sinabihan ko agad si Mama na paalisin muna si Gael sa salas para maka-akyat ako sa kwarto.
Nagbanlaw ako ng maayos kahit mabagal akong kumilos. I will make sure na wala ang kaibigan ko sa salas kaya ang ginawa ko sinuot ko ulit pantulog ko, kaya pagbukas ko sa pintuan nagtatakbo na agad ako pataas.
Kinuha ko agad ang susuutin kong oversize na white t-shirt tsaka isang itim na short at itinerno ko sa puting sa sapatos.
"Anak, kumain ka muna bago kayo umalis ni Gael" si Mama.
"Opo" sigaw ko para marinig nitong sumagot ako.
Minsan kase hindi naririnig ni Mama na sumasagot ako sa mga tanong niya kaya kapag nasa kwarto ako sumisigaw talaga ako lalo na kung nasa baba yung nagtatanong or nagaaya sakin.
Gusto ko maging simple at maayos naman akong tignan kaya naglagay ako ng kaunting anik-anik sa muka ko,pinanghuli ko rin ang paglalagay ng lip gloss sa labi ko.
"Bagal mo" biglang salita ni Gael sa may bandang pintuan.
"Anak ng--" gulat ko kaya pati hawak kong lip gloss nabitawan ko.
Sinamaan ko siya ng tingin bago pulutin yung lip gloss na nabitawan ko tsaka nilagay sa cabinet kung saan nandun lahat ng mga gamit ko.
"Sorry.. Sorry wag na magalit sayang ang ganda" pagsusubok niya na pangitiin ako.
Pumasok siya sa kwarto ko at naupo sa higaan habang naghihintay na matapos sa ginagawa ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Diba ngayon ko ipapakilala yung nagugustuhan ko" pagpapaalala niya sakin pero maling sagot ang sinabi nito.
Humarap ako sa kaniya ng maayos at tinititigan ng seryoso "Ang ibig kong sabihin saang lugar"
"Sa may coffee shop doon sa may Gapan" tinanguan ko lang siya tsaka nagsuklay ng buhok.
Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na kami parehas para makakain. Nauna ng kumain sila Mama kasabay rin nila si Tita kaya kami na lang ng Gael.
Kumain naman ito sa bahay nila pero ginusto niyang sabayan akong kumain kaso nga lang huli na ang lahat bago pa siya makasandok ng pagkain ay tapos na ako.
"Bilis mo naman kumain"
"Bagal mo kaseng kumuha ng pinggan tsaka kaunti lang kinain ko para makaalis na tayo"
Hindi na siya nagsalita kaya hinayaan niya na lang ako. Uminom ako ng tubig kasabay na rin ng vitamins na iniinom ko palagi.
Pinuntahan ko si Mama sa kwarto nila para magpaalam, sakto na pagtapat ko sa pintuan nila narinig kong nag-uusap sila.
"I want cuddle....please" sabi ni Papa.
"Next time, Ethan" ani naman ni Mama.
Nakasilip lang ako pero nakikita ko sa muka ni Papa na galit ito dahil hindi napagbigyan ang gusto niya. Si Mama naman natatawa sa reaksyon ni Papa kaya niyakap niya na 'to.
Masyado akong naaliw na pagmasdan sila kaya kumatok na ako baka si Gael naman magalit.
"Pa, Ma" katok ko sa pintuan nila.
"Anak.... Aalis na ba kayo?" si Papa.
"Opo para makauwi rin po kami ng maaga"
May kinuha si Mama sa wallet niya at inabot sakin ang dalawang libo pero hindi ko 'to tinanggap dahil alam kong pang gastos ito dito sa bahay.
"Pangdagdag mo" abot nito sakin.
"Mama, wag na po itago niyo na lang po yan para din po panggastos natin dito sa bahay. May pera naman po ako"
"Sigurado ka ba jan, nak?" ani ni Mama.
"Opo...sigurado po ako. Alis na po kami" pagpapaalam ko.
"Mag-ingat kayo ha" paalala ng magulang ko.
Ngumiti ako sabay yakap sa kanila tsaka bumaba na baka nagmamaktol na si Gael kakahintay sakin.
"Tara na" sabay deretso sa labas.
Palabas kami ng gate at naglakad papuntang munisipyo dahil tabing highway 'to.
"Alam ba ng nagugustuhan mo na gusto mo siya?" tanong ko.
"Oo.. dahil matagal ko na siyang gusto umamin ako sa kaniya nung nakaraang linggo" masaya niyang sabi.
"Nakaraang linggo?!" pasigaw kong inulit ang sinabi niya.
Bakit nakaraang linggo sa dinami dami ng taon, buwan ng nakakalipas nung nakaraang linggo lang umamin. Napaghahalataang torpe ang gagong 'to.
"Wag kang sumigaw" ani nito.
"Paanong hindi sisigaw ang haba ng panahon na inaksaya mo tapos nakaraang linggo ka lang umamin. Halatang torpe ka talaga tapos hindi mo man lang sinabi sakin noon at ngayon mo lang naisipang sabihin" inis kong sabi.
"Susurpresahin sana kita kase alam ko naman na susuportahan mo ko lalo na sa taong nagugustuhan ko diba" napailing ako ng wala sa oras habang naghihintay kami ng jeep.
"Ganda ng surpresa mo...sobrang ganda"
"Wag ka ng mainis makikita mo na rin naman siya mamaya...kaya kumalma ka" hindi na lang ako nagsalita baka mainis lang ako lalo sa kaniya.
Pagkasakay namin ng jeep nagbayad ka agad kami masyadong madaming pasahero ang sumasakay buti na lang una kaming nakaupo sa dalawang bakanteng upuan sa loob.
Ito namang katabi ko pangiti-ngiti mas lalo lang ako naiinis hanggang sa naalala ko yung sinabi ni Papa sakin about sa paglipat ko ng pag-aaral sa lugar ni Tita Astraea.
May punto naman sila pero sa ngayon kase hindi ko alam kung paano magdedesisyon agad lalo na hindi ko pa nasasabi kay Gael tungkol dito.
Nakikinig lang ako ng mga music dito cellphone habang nasa byahe kami, isa pa hindi ko naman makausap ng maayos si Gael.
Pagkatapos ng mahabang byahe I feel like I don't belong here anymore especially later Gael will introduce to me the girl she likes kaya nasisisiguro ko na mag-isa ako mamaya.
Pagkaratint sa Gapan hinanap na agad namin ang Redbuck's Cafe dahil dito daw sila magkikita.
"Sigurado ka bang doon sa cafe na yun kayo magkikita?" tanong ko.
"Oo...'yon kase ang napili niyang lugar tsaka mamahalin ang mga pagkain doon mukang kulang ata ang perang dala ko"
Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya, talagang mamahalin ang pagkain doon dahil puro mayayaman ang pumupunta sa cafe na 'yon.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa hindi na namin alam kung tamang dereksyon pa ba ang dinadaanan namin.
"Naliligaw na ba tayo?" tanong ni Gael na parang bata na akala mo nawawala sa isang lugar dahil ang higpit ng hawak sa braso ko.
"Ewan ko basta hanapin na lang natin kung saang cafe ba 'yon"
Tahimik lang ako pero kahit hindi malaman kay Gael kung naliligaw ba kami o hindi nahahalata ko na ganadong-ganado siya na makipag kita kaya bagpursigi kami na hanapin yun.
Hanggang sa pagtatanong namin nahanap na agad namin actually pagod na ako kakalakad.
"Saglit pahinga muna tayo ang sakit na ng paa ko" sabi ko.
Sobrang init dahil katirikan na ng araw naglalakad pa rin kami kaya hindi ko na maiwasan na hindi manikip ang dibdib.
"Wait...I think siya na 'yon" turo ni Gael sa isang babaeng nakatalikod sa isang itim na sasakyan.
Napatingin ako sa pangalan ng cafe at nasa tapat na kami kaya inayos ko saglit ang sarili ko para hindi ako mukang napabayaan.
"Pauline siya na nga 'yon" paulit-ulit naiirita na agad ako.
"Maghintay ka!!.. pag-ayusin mo man lang ako ihaharap mo ko jan sa babae na yan na puro katagtag ako ng pawis. Magpopolbo lang ako"
Hindi pa ako tapos magsuklay hinatak na agad ako ni Gael kaya biglang pumulupot yung buhok ko.
"Tang*na!"bulong ko.
Humanda ka sakin lalaki ka ang anit ko malapit ng matanggal sa ulo ko tanginang lalaki 'to.
Pumiglas ako sa kaniya para matanggal ko ng mabilisan ang nakapalupot na buhok sa suklay, gumawa na lang ako ng paraan kaya madaliang tinali ko ang buhok para hindi na rin mahalata yung pagkakabuhol.
"Blaize" tungo ni Gael sa babae.
"Your late..... It's already eleven-thirty" pagmamaktol nito.
"I'm sorry" ani naman ni Gael na yumakap sa babaeng 'to.
Ang arte!
Pumasok sila ako naman sunod sunod lang dahil nag uumpisa na hindi ko makausap si Gael.
Natalo na ata ako sa ganda, pagkaputi, sexy nitong gusto ng kaibigan ko. Pero hindi ko alam kung ano pwedeng gawin dito sinamahan ko lang naman si Gael tsaka ipapakilala niya sakin ito.
"Who's that girl?" turo ni Blaize sa'kin. Paenglishan pala dito sana nagbaon man lang ako ng diksyonaryo.
Lumapit si Gael sakin "Pauline, itong babae na 'to ang sinasabi ko sayo siya si Blaize"
"Hello"
"And... Blaize this is Pauline my bestfriend"