CHAPTER 15

1802 Words
Meet Pagkalabas namin may mga student na nagbubulungan na sana mapansin sila ng mga grupo na nasa bench. "Crush ko yung naka clean cut na yun" turo ng isang babae. "Ako naman yung nakasandal" Halos nagkakasiksikan na sila sa pagtatago para lang masulyapan iyong mga grupo na nakaupo sa labas ng canteen. Makikichismis sana ako kaso ng makita ko pagmumukha ni Klaud kasama yung ibang grupo na tinutukoy rin ng mga estudyante kanina. Malapit na kaming mapatapat sa kanila ng biglang tinawag nila si Chesca kasabay ng pagtatama ng mata namin ni Klaud. I looked away when our eyes met pero sa gilid ng mata ko nakatingin pa rin siya. "Ate Aiyla!!" masayang tawag ng pinsan ko at agad itong lumapit para makayakap. Binabati rin siya ng ibang kasamahan nung Aiyla. Ibang kaba na ang naramdaman ko ng tignan nila ako pare-parehas. Buti na lang napansin ni Chesca iyon kaya pinakilala niya ako, samantalang si Klaud hindi pa rin inaalis ang titig sakin. "Pauline..this is Ate Aiyla ang pinaka matanda este ate sa kanila" sabi ng pinsan ko. "Hello po" bati ko. "Ang swerte mo, Pauline!" pinsan ko. "Bakit?" sa ekspresyon ko halata rin na naguguluhan ako kaya napatanong ako kay Chesca. "Well, honestly...sina Ate Aiyla at ang kasama nito ay pinsan ni Kuya Klaud. Taray mong bakla ka! you finally meet them!" masaya niyang sabi "Kaya ko sila kilala because both our parents are friends" pagpapaliwanag nito. Parang tumigil ang mundo ko ng sabihin niya sakin na ang kaharap namin ay pinsan ni Klaud? Panlalamig ang nararamdaman ko sa buong katawan ko ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin ko. "I know her" may tono sa pagkakasabi niya kaya takot ang naramdaman ko. She looks rugged...but her beauty is more dominant. Nakakapagtaka lang paano niya ako nakilala tsaka first time ko lang naman siya nakita. May aso kayang chismosa at nalaman ni Ms. Aiyla pangalan ko. "Really? How?" katabi ni Ms.Aiyla na nakabangs. "Klaud told me" kalmado nitong sagot. Nanlaki ang mata ko when I heard that Klaud told my name to Ms. Aiyla. Yumuko ako sa sobrang hiya pero ramdam ko na nakatingin pa rin sila sakin kahit ang ibang estudyante nakatingin rin. "Come on! Ate" Klaud shouted. "Why? Tama naman ako di'ba? Tsaka siya yung nabanggit mo samin the girl who blow the water from your face. Am I right? Klaud Brycker." "But--" Hindi ko alam na nakaabot pala sa kanila iyong nangyari sa kanila. I know that was a mistake pero mas nangingibabaw sakin ang hiya. Gusto kong sabihin na hindi ko sinasadya ang lahat ng iyon but it's too late to say sorry again? "Saan kayo pupunta?" isang lalaki na nagtanong samin. "Canteen po, Kuya Liam" sagot ni Chesca. "Tamang-tama gutom na ako" "Ms. Aiyla...I'm really sorry for what I did to Klaud. I-it was a mistake at hindi ko po iyon sinasadya" pagtutuloy ko. I was no longer to control my self masyado akong naguguilty sa ginawa ko kay Klaud. Pati sa kanila nakaabot ang pangyayari na 'yon kaya umalis na ako sa harap nila at nauna ng pumunta sa canteen para makabili ng pagkain at doon na lang sa classroom. "Pauline!" tawag ni Chesca. Bahala na kung anong mangyayari mamaya nakakagulo ng isipan!!! Pagkapasok ko sa loob medyo madaming tao kaya umupo muna ako. May isang estudyante rin ang umupo sa tabi ko, mukang bago rin siya kagaya ko halos 'di na siya makagalaw sa sobrang daming tao. 'Di ko maigalaw ng maayos paa ko sa sobrang panginginig sa takot. Ganon ba talaga sila? Nakakawalang gana naman pumasok dito lahat nalalaman,baka sa susunod palayasin na ako dito. 0967******* Sorry. Alam kong si Klaud 'to dahil hindi ko pa naman sinasave sa contacts ko yung number niya. Wala akong ganang magreply sa text, pumila na lang muna ako para maka kain na ako sa classroom. Kasunod ako sa pagbebentahan pero masyadong matagal itong nasa unahan ko. Kitang kita naman na tapos na siyang bumili kaso hindi pa rin siya umaalis. Buti na lang umalis na rin at nabili ko ang pagkain na gusto ko. Papalabas na sana ako ng makasalubong ko sina Ms. Aiyla...iiwas na sana ako ng bigla akong harangin. "Join us, Pauline" sabi ni Ms. Aiyla sakin at nagpatuloy ng pumasok sa canteen. "Don't be scared...mabait si Ate Aiyla" sabi ni Chesca. Ano pa bang magagawa ko kundi sumabay sa kanila kumain. Hindi pa rin naaalis sakin ang takot pero sa ngayon kailangan kong tapangan kahit kaunti lang. Napansin ko rin na halos binabati sila ng mga estudyante pati ng mga natitinda dito sa canteen, masyado ba silang sikat? Sa bandang kaliwa ni Chesca ako umupo ang katabi ko naman itong si Klaud. Halos malaking lamesa ang nasa gitna namin ang iba naman nagkwekwentuhan at nagcecellphone. "So...Pauline ikaw ang nakabuga ng tubig kay Klaud?" tanong ng naka ponytail ang buhok "Hindi mo pala ako kilala..I'm Gwynette" ngiti niya sakin. "We're really sorry. Kase masyado kaming na curious kung anong nangyari sa pagbuga mo ng tubig kay Klaud" she laughed. "You should tell us about what happened." the serious guy said. "Magpapakilala na rin ako. I'm Zy Asher Viliejo...Gwynette's brother" Kalmado lang siyang nagpakilala sa akin. They are kind naman diba? Baka mamaya ginagawa lang nila yan to make me look bad lalo na kung ikwekwento ko pa kung anong nangyari last last day or last day..arghhh!! basta bago mag start ng klase. Gosh! Hindi pa ako matandaan pero bakit ang bilis ko naman makalimot. "Actually, aksidente lang po talaga iyon. Hindi ko sinasadya na mabugahan siya because I was hiding in a second floor. I don't know where is the bathroom nagtanong na rin ako sa naglilinis doon but still hindi ko pa rin nasunod. Pagkatapos nun nagtago ako kase mali na ata yung napuntahan ko buti na nga lang hawak ko inuman kong tubig sa sobrang nerbyos ko napainom ako ng wala sa oras hanggang sa sumulpot na si Klaud at doon ko siya nabugahan ng tubig. Wala akong alam sa pasikot-sikot dito since transfery pa lang ako." pagkwekwento ko. "Aksidente naman pala" saad ni Ms. Aiyla sabay umupo sa tabi na nakapony tail na babae. "Well, I heard na nag sorry ang pinsan namin sayo. Tama ba ako?" ani Gwynette. Tumango ako at sumubo ng binili kong pagkain. Napatingin ako sa relo ko and we have 30 minutes pa kaya sinulit ko na lang muna. "Nga pala wag ka ng mangupo samin or kahit sakin masyado kasing formal. Magka edad lang naman tayo" sabi ni Fiona. Tama naman sila pero hindi kasi ako sanay. Naubos na ang pagkain binili ko kanina kaya nakikipag kwentuhan na lang ako sa kanila. They are so kind....sa una lang talaga mapapansin na mukha silang masusungit na nilalang. Sabay-sabay kaming lumabas ng canteen a pumunta na sa kaniya kaniya naming classroom. Since kaklase namin si Klaud hindi na kaming tumanggi na isabay siya. May balak kasi ako na wag siyang isabay, nakakahiya naman kung sasabihin ko iyon. Time became slow when our subject is oral communication. Funny right? Kung ano pa yung magtuturo sayo how to communicate to other people..ito pa iyong pinaka boring. O sadyang boring lang talaga magturo si Mr. Cardonilan? "Pauline" Chesca called me. "Ano?" sagot ko ng hindi siya nililingunan. "Tara cutting?"may pag-aaya sa tono niya na ikinalingon ko. "Alam kong nakakawalang gana itong subject na 'to, Chesca. Pero--" "I know. I know. Pleaseee" pag mamakaawa niya. "Matulog ka na lang jan" Tumahimik na si Chesca dahil alam niyang hindi ako papayag na mag cutting kami. Kabago-bago ko pa lang at saka takot akong matawag sa guidance. Naging mabilis ang oras ng biglang nag dismiss na ng klase si Mr. Cardonilan kaya nakaluwag na kami ng maayos. Nag check muna ako ng chat sa messenger baka kase may emergency kay Tita o kaya sa magulang ko. Namiss ko tuloy si papa at mama. Saktong pagka bukas ko bumungad sakin ang chat ni Ms. Aiyla sakin. She said sorry kahit wala naman siyang kasalanan. Aiyla Viliejo: I'm sorry, Pauline. Ako: Para saan po? Aiyla Viliejo: Sa sinabi ko kanina. Ako: Wala po yun. Hindi niyo naman po sinasadya kanina na sabihin po iyon sakin. Based on my observation to Ms. Aiyla halatang mabait siya. Nararamdaman ko din na soft-hearted siya kaya sobra-sobra siya humingi ng sorry sakin. Aiyla Viliejo: Still.I'm sorry. And by the way, stop calling me Ms. Aiyla mas prefer ko pa na ate ang itawag mo sakin. Napangiti na lang ako bigla sa sinabi niya. Ako: Opo hehehe. Komportable na ako sa kaniya kaya nilagyan ko na ng "hehhehe". Habang nag-uusap kami may lumabas na group chat na ginawa ni Ate Aiyla. "SQUAD MATES" Aiyla Viliejo added you Aiyla: Walang aangal sa ginawa kong group chat lalong lalo na sa naisip kong group name. Thyrus: Aangal na sana ako kaso bigla kang nag send ng ganyang chat. Klaud: Ano na naman ba 'to? Gwynette: Umangal si Klaud oh. Gwynette: Hoy Klaud 'di mo ba nakikita andito si Pauline. Haha. Liam: Ingay niyo. Aiyla: Mag klase muna kayo Pauline at Klaud. Mamaya na kayo magchat dito. Ang ingay na agad ng messenger ko...Thank you, Lord! Sumulyap ako kay Klaud na nakabusangot na nakatingin sa kawalan na akala mo e may kaaway. Tinago ko na agad ang cellphone ko ng makita ko si Ms. Sanidad sa pintuan ganun na rin ang ginawa ng kaklase ko dahil sabi sa usap-usapan sobrang masungit daw ito. Napatapat pa na ang hawak niyang subject sa amin ay Accounting 2 ngayong 1st semester. Nag lecture lang kami ngayong araw sa kaniya at bukas daw niya ipapaliwanag lahat sa amin. Binuksan ko ulit ang cellphone ko para tignan mga chat nila sa group chat namin. "Oyy. Nasa group chat ka na? Yung ginawa ni Ate Aiyla?" si Chesca "Oo, hindi ko nga aakalain na isasali ako doon e." saad ko. Sinilent ko muna ang phone ko dahil sunod-sunod ang chat nila. "SQUAD MATES" Bruce: Gago! Liam bakit na sayo ang ballpen ko Liam: Pinahiram mo sakin kanina bobo! Kita mong hindi na nga binalik ni Ms. Zandillan yung ballpen ko. Fiona: Oh my god! Kuya Liam at Kuya Bruce can you stop fighting? Thyrus: HAHAHAHA advance birthday gift mo na daw iyon kay Ms. Zandillan. Aiyla: @Pauline Lyanna Cervantrias simula ngayon part ka ng group na 'to. Magkakaibigan na tayo diyo kaya wag kang mahihiyang ilabas ang mga katarantaduhan mo dito ha? Ako: Talaga po? Thank you po! Gwynette: Finally! May kaibigan na rin tayo from other strand..Thanks to @Klaud kung hindi dahil sa kaniya hindi natin makikilala si Pauline. Nag react kaming lahat ng haha maliban lang kay Klaud dahil angry ang sa kaniya. I'm really happy to be a part of this group. Trinato na rin nila ako na kaibigan kaya mas lalong nagpa ngiti sakin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD