CHAPTER 14

1529 Words
Arrangement Maaga kaming nakaalis sa bahay dahil may aasikasuhin si Tita for her new business. Kaya medyo iilan pa lang estudyante dito sa school...tinawagan ko na rin si Chesca para itanong kung papunta na ba sila or nasa byahe pa but then hindi cannot be reached ang kaniyang cellphone kaya naghintay na lang ako. I saw a girl parang halos wala siyang kaibigan. Since andito ako sa labas ng entrance sa may gilid at sa tapat ko naman ang babaeng tonakita ko, nakaupo siya sa isang bato pero sa inuupuan niya ay parking lot. She always looking from other girl group who's laughing and then kapag tinitignan ko siya mahahalata na wala talaga siya ni isang kaibigan so I decided na lapitan siya. "Uhm.... Hi?" I smiled Tinignan niya lang ako but she gave me a sweet smile. Her look was so stunning talagang magagandahan ka sa kaniya, her red chick, red lips halatang hindi make-up ang nilagay kundi natural na talaga. "Hello," she said but in the end, she's still shy. "Mag-isa ka lang?" I asked. "Oo..." Wala akong maisip na pwedeng maitanong sa kaniya kaya much better na lang din if I ask her name. "Anong pangalan mo?" "Everleigh"sagot niya. "Ang cute naman ng name mo...."huminga muna ako ng malalim "I'm Pauline Lyanna" saad ko. "Nice to meet you" Nagkangitian kami pero tumabi na ako sa kaniya para naman makomportable siya sa'kin. I looked at the arm of the two of us medyo maputi siya sa akin ng kaunti pero mas nangingibabaw ang kaniyang makutis niyang balat. "Bakit ka pala nandito?" napatanong ako "May hinihintay ka?" "Wala..." napahinto siya saglit "Hindi ko lang kaclose 'yong mga kaklase ko kaya nandito muna ako sa labas tsaka hindi pa naman start ng klase" saad niya. Ang hinhin niyang magsalita parang ganon na lang kalakas ang boses niya sa tuwing kinakausap ko. She look so innocent...kung titigan siya hindi mahahalatang matanda ang kaniyang mukha. "So anong strand mo?" I asked again. Kung hindi ako hahanap ng pwede naming mapag-uusapan masyadong nagiging awkward kaming dalawa but when I ask her may sense naman bawat sagot niya. "ABM" humarap siya sakin "I know na itatanong mo kung bakit ABM ang strand ko. Well, gusto kong maging business woman.......someday" She already knew I would ask her that too. When she answer that kind of question napaisip ako na same kami ng hilig na maging isang business woman. But I think sa ibang section siya hindi ko rin naman siya nakikita sa section namin. "Talaga ba? Parehas tayo"I said. Tahimik lang siya kaya gumawa ako ng way para hindi siya mailang sakin. Gusto ko namang iparamdam sa kaniya na pwede kaming maging magkaibigan. "Since...you don't have any close to your classmate, edi ako na lang. I mean ako na lang maging close mo....wait ang pangit naman" I adjusted my seat and faced her "Take two....What I mean is I can be your close friend or close best friend" I smiled politely "Nakakahiya naman" aniya. "H'wag ka ng mahiya...ako lang 'to" I winked then laugh. Saktong malapit na mag start ang klase nagpasya kaming pumunta sa kaniya kaniyang room namin. Magkalapit lang ang classroom namin kaya na una siyang pumasok bago ako, but then I saw Chesca waiting outside. "Sino 'yon?" she asked. "Iyong kasama ko ba? "Ayy hindi teh...iyong kasama ko siguro" pilosopo n'yang sagot. "Baliw.." napatingin ako kabilang classroom "Siya si Everleigh..nakita ko kase siya sa labas doon sa may parking lot nakaupo siya tapos mag-isa kaya nilapitan ko." "Ahh ipakilala mo ko sa kaniya mamaya ha" saad nito. We went inside together and sat in our own chairs. Biglang tumunog cellphone ko and I know na may nag text kaya tinignan ko kung sino, pagkuha ko sa bulsa I saw Klaud enter and go straight to his friends. 0967*******: Good morning :) Sinunod-sunod na niya ah. I can't help but smile at his text...shall I reply to him? 'Wag na lang baka isipin gusto ko siyang kausap. Nag-umpisa na ang klase namin kaya todo kinig na kami kay Ms. Thea since Philosphy ang first class namin...syempre nandito siya para magturo. Naging madali naman ang gawain namin kaya mabilis natapos dahil quiz lang naman ang pinagawa. Every two hours ang klase namin sa bawat subject kaya naging mabilis din ang oras. Then the next subject is Physical Education which is ang teacher namin is Sir. Mateo the most handsome in this school. Charot. Bawal magka gusto sa teacher mapapasama ako nito. When he entered to the door all of my girls classmate was looking at him....Well napansin ko lang. Sino ba naman hindi mapapatingin sa gwapo nitong teacher namin. "Good Morning, everyone" he greeted. As usual binati namin siya pabalik but then I notice that Klaud was looking at me, napatingin ako kase sa gilid ng mata ko napansin ko na agad. May patingin-tingin pa siya e ang pangit naman niya. Napansin ko naman itong si Chesca na todo ngiti habang nakatingin kay Sir. Mateo, sana wag niyang pagnasaan sa isip nitong pinsan ko. "Mamaya niyo na tignan ang napaka cute kong mukha" pagjojoke niya. "Cute ka naman po talaga" saad ni Kate. "Totoo yan, Kate" dugtong ni Gillian. Natawa na lang si Sir because of their reaction pero ibang boys napapailing na lang. Buti na lang nagkaroon ng ganitong vibes masyadong seryoso si Ms. Thea kanina kaya hindi namin siya nakabonding kahit kaunti. Since I'm your teacher in Physical Education..so sa klase ko gusto ko lalaki at babae ang magkatabi" aniya. My other classmate they automatic growl when they heard about what Sir. Mateo said. Halatang ayaw nila ng gano'n sistema sa ganitong subject, okay lang sakin basta wag lang ako itatabi kay Klaud. "Listen. Listen class...sa for P.E lang naman" marahan na sabi nito. Tahimik na kaming nakinig pero ng magsasalita ni Sir. Mateo napalingon siya may labas ng classroom at napansin naming si Ms. Thea ang tinignan niya kaya inaasar na siya ng buong klase. "Ms.Thea po pala ang nais" si Jolo. "Bagay kayo, Sir" ani ni Rayah. Halos karamihan inaasar si Sir masyado kasing halata pagkakatitig nito kay Ms. Thea. "Tigilan niyo 'ko...Okay lahat ng babae tumayo muna." tumahimik din kami ng pinatayo kami habang ang mga lalaki nakaupo. Since katabi ko si Chesca may chance na akong tanungin siya kung bakit binigay niya iyong number ko kay Klaud. "Pst" "Ano?" she said. "Bakit mo binigay number ko kay Klaud?" Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at dahan-dahan itong lumingon sa'kin na may bahid na takot. Deretso lang ang tingin ko sa kaniya pero siya biglang tumingin kung saan-saan para lang makahanap ng sasabihin. "Are you mad?" she asked. "Just answer my question" I said. "After mong umuwi kahapon Kuya Klaud ask me if may number ka ba sa cellphone ko...so.." she sighed before repeating what she was going to say "I said yes kaya ng sumakay kami sa sasakyan ni Kuya hinihingi niya na sakin number mo. He was so kulit kaya binigay ko na sa kaniya para hindi na siya mangulit. I'm sorry, Pauline" she said. I was literally shock because what she said. I'm not mad pero....nevermind. "Okay lang, Chesca" I smiled. "Are you sure? I know na galit ka or naiinis dahil hindi ako nag paalam sayo" She so cute..... "Hayaan mo na nangyari na e. But don't think na galit ako sayo... kasi never naman na mangyayari 'yon" I smiled again para hindi niya maisip na galit ako. "Okay girls be ready" si Sir. Maayos na ang naging arrangement para sa mga lalaki kaya kami na ang susunod. Inuna ng tinawag si Rayah ang katabi niya ay si Mico...ang isa sa matalino sa buong sectio namin. Pinag-sunod na ni Sir ang mga babae at pinaupo na sa bawat bakanteng upuan kaya ng pinsan ko na ang tinawag ay agad na itong lumapit sa magiging ka seatmate niya. Jeremy Mirzolo the one famous basketball player here in Olivarez. He is also friend of Klaud Viliejo....ang makakatabi ni Chesca. "Okay next...Pauline Lyanna" tawag ni Sir. "Po?" "Doon ka sa katabi ni Klaud" What?? Seryoso ba? Bakit sa kaniya pa!! I have no choice kaya lumapit na ako sa kaniya at umupo. Relax self..baka mahalata ka. "What a great day huh?" ani ni Klaud. "Great day mo mukha mo" Kahuli hulihang tinawag si Kate kaya ng matapos ang arrangement na gusto ni Sir. Mateo ay nakinig na agad kami para sa magiging activity namin next week. "Next week bago pa lang ako pumasok make sure na naka arrangement na kayo. Ayoko na habang andito ako sa unahan tsaka pa lang kayo pupunta sa sarili n'yong upuan kung saan kayo nakaupo." "And also next week may activity tayong gagawin it is about exercise so dapat naka pang p.e na kayo na damit. Kahit anong jogging pants since hindi pa naman kayo umoorder ng sarili niyong p.e uniform and also about sa t-shirt niyo dapat white.. may tatak man yan basta white. Nagkakaintindihan po ba tayo?" he said. "Yes po sir" sagot naming lahat. "Okay..breaktime niyo na" Tsaka lumabas si Sir habang iba naming kaklase nag unahan na rin papuntang canteen at hindi na bumalik sa dati nilang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD