Classmate
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa tumigil ako sa tapat ng Fora. Sobra sobrang luha na ang lumalandas sa pisngi pero patuloy pa rin sa pag takbo hanggang sa makalayo kahit papaano sa school. Pagtigil ko sa agad naman may humawak sa braso ko na ikinalingon naman.
"Hey!" sabi ni Russel.
Hindi ko akalain na susundan niya ako matapos ang mga nangyari sa loob kanina. Pinunasan ko ang pisngi ko pati na rin ang mata.
"Bakit mo pa ako sinundan" sabi ko.
"Alam kong hindi ka okay"
"I'm okay at saka wag mo kong problemahin"
Wala siyang nagawa kundi hayaan ako. Mga ilang oras din kaming nakatayo sa may silungan dahil sobrang init.
"May gusto ka bang bilhin" tanong niya.
"Wala naman"
Naging tahimik lang ulit kaming dalawa pero ang mga nakapaligid at nakikita namin maiingay. Nagpasya kami na bumalik ulit kami para sabihin sa dalawang magkapatid na gusto ko ng umuwi, papalapit na kami ng nakita ako ni Chesca ay agad niya akong sinalubong.
"Okay ka na ba?" tanong nito.
"Oo"..
Yumakap siya sakin ng mahigpit tila'y masyado kong dinibdib ang pangyayari. Napansin ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa'kin ang lalaking nabugahan ko kanina hindi ko man mapigilan 'di siya tignan pero minabuti ko pa rin na tumingin.
When I look at him his eyes were enticing, his red lips, his eyebrow are thick but if you look at him he has a babyface. Nahahalata na niya na tulala na ako kakatitig kaya tumingin na lang kay Chesca na kanina pa nagsasalita.
"Excited na 'ko pumasok" she giggled, then she grabbed my arm and started walking towards Gavin's car. Halos mga estudyante nakatingin sa'kin masyado akong hindi naging komportable kaya mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga sinabi nitong katabi ko.
"You know what madaming contest dito sa school pwede kang sumali" ngiti niya.
"Wala naman akong talent e"
"Hindi mo sure. Paniguradong mayroon kang talent 'di mo lang pinapakita kase nakatago"
Natatawa ako sa reaksyon niya pero ang kapatid grabe tumingin samin mukang naiirita sa sobrang daldal ng bunganga. Habang si Russel naman nakikinig sa amin dalawa ni Chesca minsan nakikisali siya sa usapan, mabilis ang bawat hakbang ni Gavin kaya nauna na siyang pumasok sa loob ng sasakyan dahil siya rin ang may ari nito.
Kaming dalawa sa back seat sila naman sa unahan. Habang nasa byahe kami natulog muna saglit si Chesca, I just wondering kung ano ginagawa ngayon ni Tita nag -aalala rin ako.
"Nakausap mo na ba si Tita Astraea?" Gavin asked to Russel.
"Hindi siya nag rereply sa mga text ko" sagot naman niya.
Masyadong seryoso na rin ang pinag-uusapan nila pagkatapos nilang banggitin si Tita.
Umidlip lang ako sa byahe hanggang sa may tumatapik sa braso ko na ikinadilat ko naman.
"Pau.. wake up nandito na tayo" si Russel
Medyo pikit pikit pa ako ng tignan ko siya kaso ng biglang sumigaw si Chesca sa likuran nagising naman ng ang diwa ko.
"Wake up!!! haba ng tulog a.. Puyat ka?" ani ni Chesca na ikinabangon ko.
Tinatawanan lang nila ako dahil sa naging reaksyon ko.
Bumaba na ako at hinanap agad si Tita. Pagpasok ko pa lang nakita ko na agad siyang sumasalubong samin na nakangiti na parang walang nangyari kanina.
"Pasensya na kayo nagmadali akong umuwi kanina naalala ko kase 'di ko nasarado ng maigi ang tangke baka biglang sumabog kung hahayaan lang diba" palusot niya samin.
But when I look at her I immediately notice the sadness in her eyes. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ng mahigpit sana maging okay na si Tita.
Masyadong mabilis ang oras kaya pagkatapos namin kumain ng hapunan umuwi na sila Chesca at Gavin at saka kami pumunta sa sarili naming kwarto.
Since first day of class bukas inayos ko na ang uniform na susuutin ko pati na rin ang mga gamit ko. Hindi naman sa excited ako pero mabuti na rin na ayusin para wala na rin makakalimutan bukas. The school uniform was gorgeous, the white blouse, a necktie with vest and also the skirt with checkered isama pa ang long black socks while sa boys polo, necktie, along with the vest and green pants.
After kong plantsahin ang uniform ko sinunod ko naman ayusin ang gamit ko lahat ng mga notebooks ko nilagay ko na sa bag hindi man ako totally excited pero masaya naman ako kase mapagpapatuloy ko ang pag-aaral ko dito.
I was about to turn off the light when Tita suddenly entered my room.
"Is your clothes are ready for tomorrow?" she asked.
"Opo" ngiti ko sa at saka tumango.
Nakasandal lang siya sa may tapat ng cabinet ko at seryosong nakatingin sa akin.
"Pasensya na nga pala sa nangyari kanina" pagpapaumanhi niya.
"Tita.....naiintindihan ko po 'yon wala po dapat kayong ikapasensya sa'kin" niyakap ko siya pagkatapos kong magsalita.
"Kahit na... o siya tinignan lang kita dito matulog ka na dahil maaga pa ang pasok mo bukas" sabi niya sabay halik sa aking noo.
"Good night po" ani ko.
Nakalabas na si Tita sa kwarto kaya nagpasiya na ako na patayin ang ilaw dito para makatulog na ng maayos. Pagkahiga ko kaunting muni lang ang nangyari hanggang sa nakaramdam na ako ng antok at pumikit na.
Sa alarm na sinet ko biglang tumunog kaya agad akong napabangon para ihinto kaso ng makita ko na mag a-alas sais na nagmadali na ako pumunta sa cr dala ang mga susuotin ko pero iniwan ko sa kwarto ang uniform.
Kahit sobrang lamig tiniis ko na lang para makalabas na rin ako dito sa banyo madali dali rin akong nagbihis.
"Magdahan dahan ka" pag-aalala ni Russel na nakasalubog ko pagkalabas ko ng banyo.
Tinignan ko lang siya at saka dumeretso na sa kwarto medyo di ako naging komportable dahil nakita niyang naka sando pati short. Pagkapasok ko nilagay ko ang maruming damit sa isang tiklis.
Nagmedyas muna ako bago isuot ang palda after that white blouse, necktie and the vest. I couldn't help but smile because the uniform was fit for me. After that I split the hair in half and braided it up to the nape, I left thin hair on both sides.
Hindi ko naman kailangan maglagay ng foundation sa mukha at saka lipstick tamang polbo, liptint, at pagkikilay lang ang ginawa ko since hiyang ako sa gantong gawain. Kinuha ko na ang gamit ko para makababa na.
"Good morning" bati ni Tita na naghihintay sa hapag kainan at sa tabi naman niya si Russel.
"Good morning din po" umupo ka agad ako at nagsimula ng kumuha ng pagkain.
Habang naglalagay ako ng pagkain sa plato ko napansin kong nakatingin silang dalawa sa'kin kaya ganun rin ang ginawa ko ang tumingin sa kanila.
"Hija, nagmamadali ka ba?" tanong ni Tita.
"Opo late na po kase ata ako e"
"You are not too late, Pauline" natatawang sabi ni Russel.
"Are you sure? Iba kaya tayo ng schedule" ani ko.
"Nakita ko schedule mo kahapon bago tayo umuwi so relax" kalmado niyang sabi at nagpatuloy ng kumain.
Pagkatapos namin kumain nagtoothbrush na ako baka kase makalimutan ko pa nakakahiya naman kung papasok akong mabaho ang hininga. Papalabas na ako ng mapansin kong may kausap na lalaki sina Russel kaya ng makita nila ako tuluyan na akong pumunta sa ikinatatayuan nila.
"Pauline, ito nga pala si Kuya Fernando ang magiging driver niyo simula ngayon" nagkangitian lang kami pero si Tita patuloy sa pagpapaalalahanan sa magiging driver namin.
Pumasok na ako sa sasakyan ng matamaan ko si Russel sa salamin ay nginitian ko siya. Medyo di pa ako totally komportable sa kaniya dahil hindi ko pa siya lubusang kilala pero look forward naman ako na maging kaibigan siya.
Nasa byahe na kami papuntang Tagaytay nakakamangha pa rin tignan ang bulkang taal kapag nadadaanan ito. Halos naging mabilis ang byahe dahil hindi naman traffic lalo't umaaga pa naman.
Pagkahinto ni Mang Fernando sa tapat ng school namin bigla akong kinabahan ng maalala ko ang nangyari kahapon. Nilibot ko mata ko para hanapin sila Chesca ng matamaan ko ang sasakyan nila ay nagpasiya na kami ni Russel na bumaba at salubungin sila.
"Salamat po" sabi namin kay Mang Fernando.
Napagtitinginan ako ng iilan sa mga estudyanteng nakakasalubong namin pero binalewala ko lang hanggang sa nakita ni Chesca na papalapit kami sa kanila.
"Good morning" masaya niyang bati.
"Good morning" ani ko.
"Kuya!! una na kami ni Pauline"pagpapaalam niya sa kapatid.
Pagka alis namin sa pinagparadahan ng sasakyan ni Gavin naglakad na kami papasok medyo mahigpit ang patakaran at regulasyon ng Olivarez College Tagaytay lalo na sa pagsusuot ng uniform pero masunurin naman lahat ng estudyante kaya hindi nahirapan si Kuya Guard sa pagchecheck kung complete uniform ba.
Pagkapasok namin ni Chesca umakyat na kami sa taas since parehas kaming ABM ang strand hindi na naging mahirap sa amin na hanapin ang classroom namin at naging masaya rin kami dahil magkasama ang pangalan namin sa iisang list.
Papasok na kami ni Chesca napansin naming nasa loob si Klaud nakikipag tawanan sa mga kasama niya.
"Kuya Klaud magkaklase pala tayo" si Chesca.
Napatingin muna siya sa'kin bago binigay ang buong atensyon sa kasama ko "Oo 'di ko rin aakalain na dito rin kayo sa section na 'to" sa pagkakasabi niya pa lang parang ayaw niya akong maging kaklase.
Tinignan ko lang siya at saka naghanap ng mauupuan ng makita kong bakante ang upuan sa bandang binta ay doon na agad ako umupo. Sa katabing silya naman si Chesca kaya maayos ang napili naming lugaer para kahit walang ginagawa malilibang kaming tumingin sa labas.