CHAPTER 11

1691 Words
Groupings "I'm sorry sa pagiging attitude ni Kuya Klaud" sulpot ng pinsan ko. "Ayos lang wala naman akong pakealam sa kaniya e" Nag umpisa na ang klase ng ilang minuto kaya bigla ako nakaramdam ng hiya 'di ako magaling sa pagpapakilala I mean nahihiya ako kapag ganto ang gagawin tuwing first day of class. "Good morning Grade 12 Atmosphere... I'm Mr. Villarrozo your adviser this school year" pagpapakilala niya samin. Naging magaan naman ang pag-uusap naming mga estudyante sa kaniya hanggang sa hinanap ang transfery sa section kaya napatungo ako ng wala sa oras. "We have a transfer student in our section.....where is she?" "Sir!!! Nandito po katabi ko" tinatapik pa ako ni Chesca habang sinasabi niya na magkatabi kami. "Ms. Cervantrias" tawag ni Mr. Villarrozo sa'kin Lumingon na ako ng magtama tingin namin alam ko na agad na kailangan ko ng pumunta sa unahan para magpakilala sa buong section. Pagkapunta ko sa unahan lahat sila nakatingin na naghihintay sa sasabihin ko. This is actually my first time to introduce myself to the front of the class kaya sa halos labing isa na taon sa papel ako nagpapakilala at ibibigay sa guro para siya ang magsasabi sa mga kaklase ko pero ngayon mukang di na mangyayari. "Good day... My name is Pauline Lyanna Cervantrias" sa kaba ko napatingin ako kay Klaud ng 'di sinasadya sa pagkakatitig ko sa kaniya tila'y nahahalata niyang kinakabahan ako kaya ng mapansin ko 'yon umupo na ako at hindi na tinapos ang pagpapakilala. "Your introduction is too short, Ms. Cervantrias...But it's okay halatang mahiyain ka" ani niya pero maikling ngiti lang ang iginawad ko. Sa mga kaklase ko sa mga tawanan pa lang pansin na agad na matagal na silang magkakakilala kaya hindi na bago sa'kin. Tumingin muli ako sa aming guro hindi halata sa kaniyang may asawa't anak dahil kung pagmamasdan mo siya binatang binata itong tignan. Binigay sa amin ang pinaka resulta ng aming schedule, masyadong mahaba ang oras pag dating sa hapon pero hanggang alas tres lang naman pasok namin. Sa araw na 'to naging mabilis lang ang klase namin tamang kwentuhan muna sa mga subject teacher, ang iba naman may dalang xerox copy ng lesson at saka pinagbibigay sa buong klase para kinabukan mapag-aaralan namin ng sabay-sabay. Pagsapit ng alas dose ng tanghali nagsilabasan muna kami para mananghalian, pero si Chesca nag-aaya pumunta sa Sirin dito lang sa likod ng Fora para doon kumain kaya I have no choice kundi sumama kaya tumuloy na kami. Papunta na kami sa exit ng bigla sumigaw samin kaya napahinto kami at lumingon para hanapin kung saang gawi ito. "Chesca!" si Gavin na biglang lumabas sa gymnasium at lumapit ito sa amin ng tuluyan. "Nag order na ako ng pagkain 'wag ka ng pumunta kung saan saan" sabi nito. "How about, Pauline?" tanong naman ng kapatid. "Malamang kasama na siya kaya 'wag na kayo kung saan pa pumunta" ani nito. Sumang-ayon ako pero itong kasama ko hindi kaya pinaliwanag ko ang gustong ipahiwatig ng kapatid niya hanggang sa kinalaunan naintindihan naman niya kaya pumasok muna kami ng gymnasium para hintayin si Gavin Naghanap kami ng mauupuan ni Chesca ng makita niya ang gamit ng kuya niya nagpasiya ito na doon na lang maupo kaya sinunod ko na lang ang gusto niya. I never felt this na makapasok sa ganitong paaralan kung noong bata pa lang ako pangarap ko ang makapasok sa ganitong napakagandang eskwelahan na hindi ko inaasahang mangyayari ngayong nasa edad na ako ng labing pitong gulang. "Nanjan na inorder ni Kuya!" masayang sabi ni Chesca. Tumigil sila sa paglalaro at lumapit na ang mga kasamahan ng kuya ng pinsan ko ng mapansin kong isa sa kanila nakatingin sa katabi ko at napangisi ito dahil sa reaksyon nito dahil mabilis na nakarating ang inorder ni Gavin I just silently watched them bothering to get their meals pero si Chesca biglang 'di na maipinta ang muka sa sobrang inis dahil hindi man lang kami inunang binigyan, patayo na siya para makisingit sa kanila pero hinawakan ko ka agad siya sa braso buti na lang alam niya ang ibig kong sabihin. Sa inip namin parehas ng pinsan ko tumayo na kami para bumili na lang ng sa amin but someone blocked our way kaya napatigil kami sa paglalakad. Matamaan ko 'tong hinarap at hindi ako nagkamali na si Klaud ang nasa harap ko ngayon. "Here.." malamig niyang sabi sabay abot samin ng pagkain. Chesca took her food samantalang ako nagdadalawang isip pa kung tatanggapin ko ba o hindi. "Ano 'yan? Peace offering?" pang-aasar nitong pinsan ko. "Maybe" he just looked straight at me as he answered Chesca's question. "Look..I'm sorry for shouting you hindi ko naman kase alam na...that time ng napansin kong may nagtatago doon sa pinagtaguan mo kahapon nilapitan namin ka agad baka lang naliligaw para matulungan namin but the end binugahan mo ko" Sa paraan na sincere siya sa mga bawat sinasabi niya sa harap ko na realize ko na hindi naman sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya because that was an accident kaya tama lang naman siguro na patawarin ko siya. "I'm sorry too" I said clearly. "You don't have to say sorry. Ako dapat ang nagsasabi niyan" he said Tahimik ko lang pinagmamasdan habang siya naman patuloy sa pagsasalita. Nakakapagtaka lang bakit sa tuwing tinitignan ko ang pagmumuka niya bakit hindi bakas na masungit siya. "Ibig sabihin ba nito okay na tayo?" pagtatanong niya. "Yes" tanging sagot ko. Wala na rin akong masabi kaya tumango tango na lang din ang ginagawa ko. Karamihan sa mga kasamahan niya nakatingin kaya minadali ko na rin ang usapan namin ni Klaud. I was a bit awkward after I spoke so I just took the food that I think was for me. Kanina pa niya hinihintay na kuhanin ko sa kaniya ang inaabot niyang pagkain samin ni Chesca pero dahil mas naunang kunin ng pinsan ko ang para sa kaniya, kinuha ko na lang rin ang para sakin. Naghanap ka agad ako ng mauupuan masyado akong nahiya lalo na magkakasama pa sila magkakaibigan kaya lumayo kami ni Chesca ng kaunti para maka kain kami ng maayos. "Is there any hope na maging magkaibigan kayo?" ani nito. "Huh? Nino?" naguluhan ako sa sinabi niya kaya di ko maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig. "I said kung may chance ba na maging close kayo ni Kuya Klaud" pag uulit niya kaya bigla ko ibinigay sa kaniya ang buong atensyon ko. "Wala" "Imposible naman na wala" Bakit ba hindi ito naniniwala sakin. Pinsan ko ba ito. Napailing na lang ako sa kaniya kaya minabuti ko na lang na itapon ko na itong pinagkainan namin since tapos na rin kaming kumain. Tumayo ako at nilibot ang buong gymnasium kung may basurahan ba dito ng mahagip ng mata ko sa gilid ng stage dumeretso ako para itapon itong dala ko. Patuloy pa rin sa pagsasalita si Chesca kaya hindi ko maiwasang hindi sagutin mga tanong niya. "Hindi naman masamang makipag kaibigan diba?" "Oo per-" pinutol ni Chesca ang sasabihin ko kaya tumahimik na lang muna ako para mapakinggan ng maayos ang gusto niyang sabihin. "Edi may chance na si Kuya Klaud na makipag kaibigan sayo" Masaya siya simula ng marinig niya kanina na tinanggap ko ang sorry ni Klaud kaya di na ako magtataka kung hanggang ngayon ang bukang bibig niya puro mga chances that her Kuya Klaud and I will be friends. "Depende pa rin naman iyon...wait, why did we get that topic kanina ko pa yan napapansin" ani ko. "Kase naman nahalata ko na bagay kayo..."ngumiti siya "Pero syempre prefer ko sa ngayon na maging close kayo ni Kuya Klaud. He's kind so you don't have to worry." Wala na akong masabi grabe din pala mag-isip itong pinsan ko hindi ko kinaya. After lunch, we decided to go back to our classroom. In the morning we only have one subject as well as in the afternoon kaya madali na lang ito para sakin sa ngayon pero sa susunod na araw nasisiguro kong hindi na. Naghihintay na lang kami na pumasok ang subject teacher namin ngayong hapon kaya tamang daldal muna kami. Iba sa mga kaklase namin nagpapakilala sakin at gusto rin makipag kaibigan kaya nakakatuwa rin dahil may mga tao pa pala na gustong kumaibigan sakin. "Hi Pauline... Let me introduce myself I'm Rayah.. Rayah Villadonte" napangiti ako sa kaniya ng maipakilala niya ang sarili sa akin. "Nice to meet you" ani ko. "Hoy Rayah wag kang inosente na magpakilala kay Pauline" singit ni Chesca. "Wag kang maingay masyado mo kong nilalaglag e" Rayah said jokingly Sa kalagitnaan ng pag-uusapan namin nina Chesca at Rayah biglang pumasok ang napakagandang guro kaya bumalik ang iba sa kani-kanilang upuan. "Good afternoon.. I'm Ms. Thea Luarez your subject teacher for Philosophy" Habang nagsasalita si Ms. sa unahan nahahagip ng mata ko sa gilid na tumitingin si Klaud sakin kaya saktong pag-ayos ko ng upo napatingin ako sa kaniya ng di sinasadya. I raise my right eyebrow but when I looked at him he suddenly smiled kaya napakunot ako. Napunta muli ang atensyon niya sa unahan samantalang ako naiwan na nakatingin sa kaniya...ng pumintig ang tenga ko sa narinig na magkakaroon ng groupings magdadasal na sana ako na maging kagrupo ko ang pinsan ko. "Sana magkasama tayo" sambit nito. "Don't worry hindi yan mangyayari" I winked at her at nakinig na muli. Nakikinig kami sa bawat pagpapaliwanag ni Ms. buti na lang naiintindihan ko. Nagbibigay na ng mga pangalan na magkakasama sa mga grupo. "Pauline Lyanna Cervantrias group 4.." inayos nito ang kaniyang salamin at nagbanggit muli" Klaud Viliejo, Kate Suarez, Jolo Enriquez, and ...." tumingin muna siya samin bago niya sabihin ang pinakahuling kasama sa grupo "Franchesca De Jueva." "Yes!" sabi ng pinsan ko. I smiled when Chesca is a part of group 4. This is what we want ang magkasama sa pagpapangkat although kakakilala pa lang namin pero nakaramdam ako ng pagiging komportable sa kaniya siguro ganun rin siya dahil sa mga galawan niya tuwing magkasama kami. I remember that Klaud is also part of our group I don't know what to do but I feel kinda weird.... I feel nervous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD