CHAPTER 12

1557 Words
Teasing After Ms. Thea discuss the topic that we need to do as a group pinapili muna kami kung sino sino magiging leader namin. As of now nagvolunteer na agad na si Kate na siya ang mamumuno sa grupo namin kaya napanatag naman kami ng pinsan ko. But sometimes napapansin kong nakangiti si Klaud sakin. Nahuhuli ko rin siya minsan na nakangiti, it makes annoying when he stare at me na parang nang-aasar siya sa tuwing tinutuloy niya ang gawaing iyon. "Class dismiss. Make sure na nagkakausap na kayo ng mga kagrupo niyo tungkol sa gagawin na activity since na ipaliwanag ko na sainyo. But don't hesitate to ask a question lalo na sa mga nalilito, nauunawaan ba ako?" papalabas na ng pintuan si Ms. ng magsalita ulit ito. "Yes, Ma'am" ani ng lahat. Nagsimula na ulit magdaldalan habang ang iba nagsisimula ng magwalis. Pinagmamasdan ko lang sila habang si Chesca biglang nanghampas ng braso kaya napatingin agad ako sa kaniya. "Hoy kanina ka pa nakatingin sa kanila ako naman tignan mo" she said while slapping my arm. "Okay okay" natatawa kong sabi. "Anyway, I'm so happy!! akalain mo 'yon magkagrupo pa tayo kasama pa natin si Kuya Klaud" "Ako rin masaya. Kase natupad dasal natin kanina" I smiled. "Pero alam mo kanina napapansin ko na tumitingin sayo si Kuya" seryoso siya sa pagkakasabi sakin pero wala naman akong pakealam kung gusto ako tignan ni Klaud. "Nakikita ko pero hayaan mo siya wala lang siguro siyang magawa" "Malay mo naman gusto niyang makipag kaibigan" Napabuntong hininga na lang ako "Hayaan mo siya wag mo yan intindihin" walang gana kong sabi kaya tumayo na ako at kinuha na ang bag. "Franchesca" papalabas na ako ng classroom ng may tumawag sa pinsan ko. I stopped walking and turned to them. When I looked, I immediately noticed Klaud, he was whispering something to Chesca and then she laughed. And then when Chesca noticed that I'm staring at them she stop laughing. Patuloy pa rin silang nag-uusap kaya nagbigay na lang ako ng sinyales na mauna na ako sa labas at hintay siya. I was walking until I saw Russel kaya lumapit ako sa kaniya. Mukang kanina pa rin siya naghihintay dito sa labas ng computer lab. "Kanina ka pa jan? Sino hinihintay mo?" I asked. He was so shocked when he see me in front of him like I'm a ghost. So I was so confused why he looks at me like that. "Hoy! Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha? Para kang nakakita ng multo na ewan" "Wala ang tagal mo" inayos niya ang kaniyang pwesto at tumayo ng tumuwid. "Edi ako nga iniintay mo?"pag-uulit ko. "Isn't obvious? Parehas lang naman tayo ng uuwian kaya hinintay na kita" napa-isip pa ako sa sinabi niya kaya bago ko pa maintindihan inaya na niya ako papalabas. "Saglit hindi pa lumalabas si Chesca sabay rin kaming uuwi" pagpipigil ko sa kaniya pero bago pa ako makapag salita inunahan na niya ako. "Sabay sila ng kapatid niya. Hindi na man din sila matutulog do'n kaya tara na" He said coldly. Wala rin naman akong masabi kay Russel so I decided to go home and he agree but before we boarded in the jeep, nag-aya siya na mag miryenda muna kami kaya pumayag na rin ako. "Saan mo gusto?" ani ni Russel. "Kahit saan" sabi ko. Sumusunod lang ako sa kanya pero hindi ko naman inaasahan na sa Mcdo kami pupunta. "Seryoso ka ba? Bakit jan?" turo ko. "Gusto ko at saka ako naman magbabayad tapos ililibre kita" sabi niya sabay pasok sa loob. Naiwan ako sa labas at ang itsura ko parang taking-taka sa sinabi ni Russel. Pwede naman kase mag fishball na lang mas makakamura pa. Sumunod ako sa kaniya sa loob halos mga estudyante na katulad din ng uniform ko. They are looking at me lalo na ng tumabi ako kay Russel. Ang iba naman gulat na gulat pero karamihan puro chismis naririnig ko. "Boyfriend niya si Russel?" "Oh my god...Hindi sila bagay" Kabago-bago ko pa lang dito ito na agad na aabot ko. Hindi pa ako nangangalating buwan negatibong chismis ang maririnig ko. Palalampasin ko na lang muna siguro ito ngayon baka mapahamak ako ng wala sa oras kapag pinatulan ko sila. "Don't mind them..." deretso ang tingin niya sa counter while picking some foods "Masyado lang inggit ang mga yan kase hindi ko sila kinakausap" "Hintayin na lang kita sa labas madami-dami na rin kase pumapasok dito e..Ikaw lang naman oorder sa'ting dalawa" Pagkatapos kong sabihin kay Russel lumabas na ako. Di pa rin nawawala ang tingin sa'kin ng ibang estudyante, halos naman mga senior high na kagaya ko ang tumitingin ng masama. Sumilong ako sa puno masyado pa kaseng mainit. Maaga rin nagpalabas ang subject teacher naming ngayong hapon, unang araw pa lang naman ng pasukan pero bukas hindi na maaga ang uwian namin. I was checking my phone. I sent a message to Tita Astraea na may binibili lang si Russel at uuwi na rin kami ka agad. To: Tita Astraea Tita, may binibili lang po si Russel gusto niya po kase munang mag miryenda kaya napadaan po muna kami sa Mcdo. Nilagay ko na ang cellphone sa bulsa ng palda ko. Paikot-ikot lang ang tingin ko sa mga dumaan ganito pala mga tao dito mahahalatang matataray at masungit. "Nanjan ka lang pala kanina pa ako naghahanap sayo" sulpot ni Chesca. Napansin kong may mga kasama si Chesca karamihan hindi ko kilala pero ang dalawa ay kilala ko. "Oy! Pasensya na ha sabi kase ni Russel na sabay kayo ni Gavin e" ani ko. "Oo nga sabay kami ni Kuya pero dapat sabay tayo lumabas diba" she said sadly so I hugged her immediately to get rid of her sadness. "I'm sorry" I smiled and then I saw her lips that she already smile "Sisisihin mo si Russel" natatawa kong sabi. "It's okay di ko rin naman kase nasabi sayo ka agad e." sa pagkakasabi niya halatang naiintindihan niya ang paliwanag ko "By the way pauwi ka na ba?" tanong niya. "Hindi pa nag-aya kase si Russel mag miryenda tapos napili niyang sa Mcdo bumili kaya ayon nandon sa siya sa loob bumibili" "Ganon ba edi sasamahan ka na lang muna namin dito..... Ayos lang ba sa inyo Kuya Klaud at Kuya Gavin?" tanong niya sa dalawa. "Yeah..Para naman hindi siya magmukang kawawa" si Klaud. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya nakangiti tila'y nang-aasar at sinusulit niya, sasapukin ko ito pag hindi siya tumigil. "Ah talaga ba?" sagot ko. Nakita ko sa gilid ng mata ang gulat ni Chesca ng sagutin ko si Klaud. Akala niya siguro hindi ko siya papatulan. Kahit siya na lang ang patulan ko kahit wag na iyong mga nangchichismis sa'kin kanina sa loob ng Mcdo. "Oo. Mukha ka ngang kawawa jan e.." Nakangiti siya sakin. Malapit na agad maubos pasensya ko. "Gusto mo samahan kita?" dagdag niya pa. "Gusto mo lumipad itong kamay ko sayo para hampasin" nakangiti ako sa kaniya. "Woohhh I like it" mapang-asar niyang sagot. Gusto nga ni gago. Pasalamat siya nasa public place kami kundi nagawa ko na bago pa ako magtanong. "Papansin ka no? Di bagay sayo" I rolled my eyes "Baka naman magkagustuhan na kayo niyan" si Chesca na kanina pa nakatingin samin while Gavin may kausap sa phone. "Impossible.... Hindi ako magkakagusto dito. Trip lang ako niyan kase wala siyang maaasar na kaklase natin" I smirked "Oh bakit defensive ka?" sabi ni Klaud. "At sino naman nagsabing defensive ako?" sasapukin ko na talaga 'to. Iiyak yan kapag nagawa ko baka nga magsumbong pa e. "Sino ba nagsabi? Diba ako?" tuwang tuwa talaga siyang tinitignan ako habang ang muka ko hindi na maipinta sa sobrang inis sa lalaking ito. "Can you stop?" singit ni Gavin "You look like a kid para kayong nag-aagawan sa iisang laruan" Natahimik ako sa sinabi niya. He's right naman kaya hindi ko na lang pinatulan si Klaud, pagkalingon ko papalapit na agad si Russel samin. "Sorry for making you wait" ani niya. "Ayos lang hindi ka naman inabot ng ilang oras e" I smiled "So let's go?"tanong ko sa kaniya. "Yeah. Sa bahay na siguro tayo mag miryenda para may kasama si Tita Astraea" Sumang-ayon ako sa kaniya. Tumingin ako kay Klaud at halatang nagbago bigla ang kaniyang ekspresyon pero ng napansin niyang nakatingin ako sa kaniya ngumiti siya sakin. Nag-aya ka agad siya kila Chesca kaya naiwan kaming dalawa ni Russel sumakay na kami ng bukyo papuntang palengke. "Mag-kakilala pala kayo ni Viliejo" tanong ni Russel. "Oo. Magka-klase kase kami e" I don't know how to answer his question masyado akong naiilang pagtungkol kay Klaud "Bakit magkakilala ba kayo?" I asked. "Hindi. Nakilala ko lang apelyedo niya dahil kay Tita Astraea." "Huh? Paano?" nagtataka kong sabi. Mukanga lam niya ang nangyari kay Tita, chance ko na siguro 'to para malaman. "Nevermind. Wag mo ng alamin" malamig niyang sabi. "Ang daya mo dapat tinuloy-tuloy mon a ang kwento hindi yung iiwan mo kong nagtataka" "Di dapat ako magkwento niyan dapat si Tita because she knows everything. Sa kaniya dapat mismo manggaling hindi sakin" sumandal siya at pumikit saglit. Tama naman siya mas mabuti ng kay Tita manggaling mahirap magkwento kung hindi naman alam ang buong detalye lalo na kung itong kwento ay may mas malalim pang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD