"MAY girlfriend ka ba, Kuya Dino?" Natigilan si Camilla sa pagba-browse ng kanyang cellphone nang marinig niya ang tanong na iyon ni Camillo kay Ford Dean. Nawala na din ang atensiyon niya sa ginagawa at napunta iyon sa magiging sagot nito. Nasa terrace siya nang sandaling iyon. Nasa harap naman si Ford Dean, kasama nito si Camillo at ang Tatay niya. Nagpapahinga ang mga ito sa lilim ng isang puno. May upuan kasi doon. At sa parteng iyon madalas nagpapahinga ang Tatay niya kapag galing ito sa bukid. Sa totoo lang ay hindi maiwasan ni Camilla ang magka-interes sa magiging sagot ni Ford Dean. Gaya nang sinabi niya ay pinutol niya ang anumang ugnayan o kinalaman kay Ford Dean matapos ang lahat ng nangyari. Sa loob ng tatlong taon na lumipas ay wala siyang naging balita dito, wala siyang

