Chapter 06:

1410 Words
YU'ER Napatingin ako sa lalaking tumatakbo palapit sa akin. Nakasukbit ang bag nito sa isa niyang balikat habang ang isa niyang kamay ay sinusuklay ang kanyang may kahabaan at medyo magulonh buhok. "Yu'er, okay ka na ba? Sinabi sa akin ni Principal Ruiz na nandito ka nga raw kaya pinapunta niya ako rito," saad niya nang makalapit siya sa akin sabay suri sa buo kong katawan. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan siya at tinakpan ang aking katawan. "You are?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Hindi ko siya kilala kung nabasa ko man siya sa libro ay hindi ko pa rin naman alam ang itsura niya. Wait... Medyo may kahabaang buhok at kulot iyong sa unahan. Singkit ang kanyang mga mata bagay iyon sa kanyang mala-koreanong mukha at pananamit. May kulot din na buhok na nakatakip sa maliit na parte ng kanyang noo. Matangos ang kanyang ilong at maninipis ang kanyang mga labi. Kung hindi ako nagkakamali siya ay si "Riley Foster?" gulat na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman kaagad siya at tumango. "Nakapagtatampo naman, buwan, bakit hindi mo ako nakilala kaagad?" nanlulumong wika niya sa akin. Napakamot ako sa aking batok habang naghahanap ng isasagot sa kanya. "Biro lang! Huwag kang masyadong magseryoso r'yan. Sinabi na sa akin ni tita ang nangyari sa iyo." Nakahinga ako nang maluwag at nagpasalamat sa aking isipan kay mama. Mabuti na lang pala at nagkaroon ako ng amnesia para madali kong iwasan ang mga katanungan nila. Pero as what I have read, Riley is one of the villain in the book. Pero bakit hindi ko naman nakikita ang pagiging villain sa kanya. Sa itsura nito ay aakalain mo pa nga na isa siyang side character na may bubbly attitude. "Ihahatid na kita sa labasan, Yu'er, naroon naman ang driver ninyo at naghihintay na sa iyo." "Huwag mo na akong ihatid, kaya ko na naman ang sarili ko atsaka wala ka bang pasok sa susunod na subject mo?" tanong ko sa kanya. "Meron, pero kaya ko naman na takbuhin iyong classroom dahil malayo pa naman ang oras." "Huwag na at baka mahirapan ka lang. Okay lang naman ako," mahina kong usal dahil naramdaman ko naman ang masakit na pagpintig ng aking ulo. Sa halip na sundin ako ay kinuha pa nito ang bag sa akin at isinukbit iyon sa kabila niyang balikat kung saan walang bag na nakalagay. Napabuntong-hininga ako at hinayaan na lamang siya sa kanyang ginagawa. Kailangan ko rin na malaman ang totoong katauhan ng lalaking ito. Ginawa ito ng author na mapanganib na tao, kaya nitong pumatay sa ngalan ng pag-ibig. Sa nabasa ko sa libro ay naging magkalaban silang dalawa ng nagmamay-ari ng katawan na ito dahil pinipilit na saktan ni Yu'er ang babaeng mahal nito na si Zane. Nasa kalagitnaan kami ng hallway patungo sana sa may right wing nang makasalubong namin si Rio. Walang ngiti sa labi nito at nakatitig lamang sa aming dalawa ni Riley. Kaagad ko naman na hinawakan ang kamay ng huli at tinalikuran si Rio. Maghahanap ako ng ibang daanan hindi ko lang makita ang pagmumukha ng lalaking iyon. "Bakit tayo bumalik, buwan?" nagkakamot sa batok na tanong niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon at binitawan ang kanyang kamay. "Wala na bang ibang pwedeng daanan para makalabas sa paaralan na ito?" balik na tanong ko naman dito. Tumaas naman ang sulok nb kanyang labi at tila ba nagbabalak mang-asar. "Kapag pinagpatuloy mo iyang sambitin ang tumatakbo sa isipan mo. Huwag mo nang pangarapin na makalabas pa sa paaralang ito." Malakas siyang tumawa at ipinalakpak pa ang kanyang dalawang kamay. "Wala naman akong iniisip na masama, ah? Gusto ko nga lang itanong sa iyo kunh iniiwasan mo ba si Ri—" Mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig para hindi na niya maituloy ang sasabihin. "Problema mo sa akin, Riley?" naiinis kong saad sa kanya. Huwag niya akong ginagalit at baka siya maibitin ko patiwarik dahil sa sobrang stress ko sa lugar na'to. Marahan niyang tinanggal ang aking kamay na nakatakip sa kanyang labi at pinisil. "Malambot ang kamay mo pero, Miss Marquis, naman! Ayaw kong halikan 'yan! Gusto ko labi mo na lang!" natatawa niyang turan sabay kindat sa akin. Natampal ko ang aking noo dahil sa kakornihan nito. Magkaiba ang nakilala kong Riley sa libro at iba naman ang Riley na nakilala ko rito sa loob. Ibig bang sabihin no'n na nag-iiba ang laman ng libro o iba lang dito sa loob pero ganoon pa rin sa physical na libro? Napahawak ako sa aking noo dahil sa isiping iyon. Paano ko ba malalaman iyon? Sino ba ang makakasagoy sa mga katanungan ko at paano ba ako makakaalis sa mundong ito? "YU'ER!" Napatakip ako sa aking tainga dahil sa biglaang pagsigaw ni Riley. Para akong mabibingi dahil sa ginawa nto lalo na at malapit sa aking tainga niya ginawa iyon. "Ano ba, Riley, nakakainis ka na!" naiirita kong hiyaw. "Kanina ka pa naman kasi lutang! Ano ka ba naman naman, buwan, palagi mo na lang iniisip ang lalaking iyon." Muli ko siyang sinamaan ng tingin sabay hila ng bag ko na hawak niya. "Huwag mo na akong ihatid kaya kong umuwi nang mag-isa!" Tiningnan niya ako at kukunin sana ulit sa akin ang bag ko nang tinapik ko ang kamay niya. Nanlalaki ang mga maga niyang nakatingin sa akin, hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Don't you dare, Mr. Foster, o hindi lang iyan ang matatanggap mo!" Mabilis akong naglakad palayo rito para hindi na siya makasunod pa sa akin. Ganito na ba talaga kagulo ang buhay ni Yu'er kahit noong hindi pa ako dumarating sa mundong ito? Nakarating naman kaagad ako sa parking area. Naghihintay na sa akin ang driver ni daddy kaya mabilis na akong sumakay sa loob ng kotse. "Miss Yu'er, may pupuntahan ka po bang iba or deretso uwi na tayo." Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang camera. Tumaas ang kilay ko nang makita ang magulo kong buhok at hindi maayos na pagkakaahit ng aking kilay. "Eww! This is not so me! So plain and I don't like it. Kuya, deretso salon please," nandidiri kong saad dito NAPANGISI ako nang makita ang magandang salon na pinagdalhan sa akin ni Kuya Sik. Mabuti na lang talaga at hindi nasira ang araw ko dahil sa salon na pinagdalhan nito sa akin. Sino ba naman ang mag-aakala na may ganito pa lang salon na alam ang mga tauhan nila Yu'er. Sa pagmumukha nito akala ko ay hindi ito marunong magpaganda o pumunta man lang sa mga ganito. Ngunit kanina ay hindi man lang nagtanong si Kuya Sik kung saan ako dadalhin, parang alam na nito kaagad ang pupuntahan ko. "Ilang beses na po akong nakapunta rito, Kuya Sik?" tanong ko sa kanya habang pinapaikot ang aking mata sa loob ng shop. Kumunot naman kaagad ang kanyang noo. "Hindi po kayo pumupunta rito, Miss Yu'er," nababahala niyang sagot sa akin. "Kung hindi ako nagpupunta rito bakit niyo alam ang lugar na ito?" Nagtaas na ang isang kilay ko dahil naguguluhan din ako sa isinagot nito. Napabuntong-hininga siya at may kinuha sa maliit niyang bulsa na nasa polo nito. Ibinigay nito ang card sa akin kaya kaagad ko iyong kinuha. "Ibinigay po sa amin iyan ng ina mo, ma'am, para kapag daw po gusto mong pumunta sa mga katulad nito ay alam na namin kung saan ka dadalhin." Napatango ako at ibinalik sa kanya ang card. Magtatanong pa sana ako ulit nang may lumapit sa aming staff ng salon. "Good afternoon, Miss Yu'er, ready na po ba kayo?" Napataas ang kilay ko sa tanong ng babaeng lumapit sa amin at tinuro siya. Unti-unti rin akong lumingon kay Kuya Sik para maitanong ang pangalan nito at kung bakit ako nito kilala. "Lina po ang pangalan ko, Miss Yu'er, sinabihan na po kami ni Miss Marquis tungkol sa inyo." Napakamot ako sa aking batok dahil sa mga nangyayari. Dati noong naroon pa ako sa totoong mundo ay hindi naman ako nakatanggap nang ganitong pagpapahalaga bilang customer. Kailangan ko pa ngang makipag-away sa iba para lamang mapabilis ang pangtanggap sa akin. "Thank you!" masaya kong saad. Palagi na yata akong makapagbitaw ng salitang iyan dito. Parang nakakahiya kasing hindi magpasalamat lalo na at puro kabutihan ang natatanggap ko sa mga taong ito. "Walang anuman po, Miss Yu'er, halika ka po rito at para maayusan ka na po namin." Malapad akong napangiti at tinanguan siya. Kaagad din akong sumunod dito para mapabilis ang trabaho niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD