YU'ER
"Sino pa ba ang gusto mong humingi ng tawad, Miss Marquis?" Ako hihingi ng tawad? Nagpapatawa ba ang lalaki na ito? Kailan hihingi ng tawad ang isang Yu'er Marquis?
"Never. Hihingi lang ako ng tawad kapag naging kulay asul na ang buwan," mariin kong bigkas. Malalim itong napabuntong-hininga habang nakatitig sa akin nang masama. Nakipagtitigan din ako sa kanya dahil ayaw kong magpatalo. Bukod sa hindi ako humihingi ng tawad kahit kanino ay hindi rin naman ako ang may kasalanan sa kanilang dalawa.
"F*ck!" bulyaw niya nang namatay ang tawag. Umatras naman kaagad ako at baka nga masapak ako nito nang wala sa oras. "Sinabi ko na 'di ba? Humingi ka ng tawad sa kanya para bumalik siya sa akin—"
Tinalikuran ko na siya bago pa niya masundan ang kanyang sasabihin. Balak kong lumayo na ng tuluyan kay Rio bago pa mahuli ang lahat at mamatay nga ang character na ito. Total hindi naman ako maiinlove sa fictional character dahil hanggang sa libro lang naman sila.
Napaatras ako nang may tatlong babae na humarang sa akin bago pa ako makapunta sa clinic. May mga malalapad na ngiti sa kanilang labi na hindi ko mawari kung bakit nila ipinapakita iyon sa akin. "Yu'er, iyong sinabi mo na dadalhin mo kami sa bago mong apartment na katabi lang ng bahay ni Rio?" saad ng isa sa kanila na may kulay pulang buhok.
"Apartment?" taas-kilay kong tanong. Paano ko naman sila dadalhin doon kung hindi ko rin alam kung nasaan ang lugar na iyon. "May apartment ba ako?"
Pinilit kong inalala ang binasa ko sa libro ngunit wala talaga akong maisip na lugar. Hindi ba nabanggit ng author o nakaligtaan ko na naman iyon? Dahil imposible naman na hindi iyon isinulat ng writer dahil hindi iyon mag e-exist sa kwentong ito.
"Huwag mong sabihin na hindi mo na naman kami isasama dahil ayaw mong makita namin si Rio?" tanong naman kaagad ng babaeng may malalim na bilo-bilo sa magkabilang-mukha. Hindi ko siya kaagad sinagot dahil nag-iisip pa ako ng pwedeng i-dahilan. "Ano ka ba naman, Yu'er! Wala ka bang tiwala sa mga kaibigan mo? Hindi namin aagawin sa'yo si Rio!"
Gusto kong sabihin sa kanila na kahit agawin pa nila ang lalaking iyon ay wala akong pakialam. Hindi ko lang talaga alam kung nasaan ang apartment na binanggit ng mga 'to.
Napabuntong-hininga ako at tiningnan sila sa kanilang mga mukha. Pagkatapos ay bumaba ang akinh tingin sa kanilang mga identification card. Mabuti na lang at nakaharap iyon lahat sa akin kaya hindi ako mahihirapan na alamin ang pangalan nila.
"Sa Sunday na lang kayo magpunta sa bahay para naman makapaghanda ako. Hindi ko pa kasi nalilinisan iyon," nakangiti kong saad. Sa totoong buhay ay hindi ako ganito makipag-usap sa mga tao. Ayaw ko na lapitan. nila ako dahil pakiramdam ko ay nanlalagkut ako.
Ngunit dahil I need to know everything about this world ay kailangan kong makipaghalubilo sa ibang tao. Dapat lang na makilala ko ng lubos ang mga tauhan sa kwentong ito. Main character man o hindi, kung gusto kojg bumalik sa sarili kong mundo ay dapat kung gawin ito.
"Sige. Hihintayin namin ang invitation mo, Yu'er." Tumango ako at nagpaalam na sa kanila na pupunta na sa clinic dahil sumasakit ang ulo ko.
Kanina excuse ko lang talaga iyon na masama ang pakiramdam ko, pero ngayon na nakasalamuha ako ng iba't-ibang tao pakiramdam ko ay pinupokpok iyong ulo ko sa sobrang sakit. Hindi ako sanay sa pakikipag-usap sa ibang tao kung hindi naman importante.
"Are you okay? Namumutla ka," wika ng nurse nang makapasok ako sa loob. Napabuntong-hininga ako at itinuro ang ulo ko sabay lakad papunta sa isang vacant na bed. "Uminom ka muna ng gamot at magpahinga ka na. Bibigyan na lang kita ng slip para excuse ka na sa lahat ng klase mo."
Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Wala rin naman talaga akong balak na pumasok dahil naninibago pa ako sa buhay ko rito. Wala rin naman akong makukuha rito lalo na at napag-aralan ko na ang lahat ng mga ito noong nasa labas pa lamang ako.
Ibinigay naman kaagad nito sa aking ang gamot malipas ang isang minutong paghihintay. "Tawagin mo na lang ako kapag kailangan mo ako."
"Sige, salamat." I'm not yet comfortable saying thank you but socializing people in this new world using my attitude outside is kinda hard for me.
Ipinikit ko na ang aking mga mata nang matapos hilahin ng nurse ang kurtina para hindi ako makita sa kamang iyon.
MULAT na mulat ang aking mga mata simula pa kanina dahil sa mga ideyang tumatakbo sa aking isipan. Kailangan kong makabalik sa dati kung mundo dahil hindi ako nabibilang dito. Ayaw ko ang ugaling pinapakita ko rito dahil hindi naman ako ganito.
Malayo ito sa ugaling meron ako sa labas ng libro. Mga labin-limang minuto ang aking hinintay bago ako tumayo sa kama at lumabas ng cubicle na iyon.
"Aalis na ako." Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil nahihirapan na akong bumanggit pa ng isang thank you para ibigay rito.
"Maayos ka na ba? Wala na bang masakit sa iyo?" Tumayo ito at inilapat ang kamay niya sa aking noo. Kaagad ko naman iyong hinawakan at inilayo iyon sa akin.
"What are you doing?!" may kalakasang hiyaw ko rito dahil sa biglaan niyang paghawak sa akin. "Bakit mo ako hinahawakan?"
Ang gulat nitong mukha ay kaagad napalitan ng tuwa. Pumalapak pa ito para ipakita sa akin na masaya siya. "I'm not touching you without any reason... Yu'er? Gusto ko lang malaman kung may sakit ka pa ba o wala na."
"How about some thermal scanner?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay hinahawakan sa ulo kapag may lagnat atsaka naninibago ako malambing na boses nito. Kung ganito naman pala ang mga tao sa libro edi mananatili na lamang ako rito. Pakiramdam ko kasi mas mabait ang mga fictional character na 'to kaysa totoong tao. "Nagulat po ba kita? Hindi kasi ako sanay. Mauna na po ako. Salamat po sa pagtanggap sa akin rito."
Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at lumabas na matapos akong magpasalamat sa kanya. Uuwi na lang muna ako at bukas na lang papasok. Pwede naman siguro iyon.