Chapter 16:

1122 Words
YU'ER Tamad na tamad kung tinahak ang daan patungong rooftop. Tiningnan ko ang mga taong tumitingala sa kinaroroonan ko ngayon. Marami ang mga estudyanteng naiinggit sa amin na pinapanigan ng paaralan dahil sa pera ng aming pamilya. Dahil kung hindi rin naman sa mga ibinibigay namin ay hindi rin lalago ang school na ito. "Ouch!" Napahawak ako sa aking balikat nang may bumangga roon. Kumunot ang aking noo nang may nakita akong babae na umiiyak. Maganda ito ngunit namamaga ang kanyang mata at halata ring walang tulog ito dahil sa malalim at nangingitim nitong eyebags. "I'm sorry, miss, hindi kita nakita." Tumaas ang aking kilay dahil sa kanyang sinabi. Natigilan naman ito nang tingnan niya ako at unti-unting umatras. "Paano mo ako makikita kung nakatakip iyang kamay mo sa iyong mukha?" may inis sa aking pagsasalita dahil sa pananakit ng aking balikat. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago muling ipinokus ang aking paningin sa kanyang mukha. "Anong ginagawa mo rito?" "Ah, p-pwede mo ba akong samahan sa rooftop? Nalaman ko kasi na naroon ang boyfriend ko pero hindi ako pwedeng pumunta  roon dahil bawal sa mga normal na estudyanteng katulad ko ang rooftop," sumisinok niyang usal. Malaki ang rooftop na iyon na ginawa na ngang leisure room ng mga estudyanteng pinapaboran ng school directors. "Bakit mo naman naisip na tutulongan kita? Hindi kita kilala at wala akong pakialam sa problema ninyo." Lumakas na naman ulit ang kanyang paghikbi. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babaeng nakikilala ko rito sa libro, puro na lang umiiyak dahil sa mga lalaking minahal nila. Hindi ba sila pwedeng tumayo sa sarili nilang paa? Hindi ba nila pwedeng kalimutan na lang ang mga lalaking iyon? "I'm sorry, miss, akala ko lang naman ay matutulungan mo ako." Napangiwi ako sa sinabi niya at hahakbang na sana para makaakyat ulit nang biglang makaramdam ako ng konsensya. T*nginang puso 'to! Bakit ba ganito kabait ang babaeng ito? Malalim akong napabuntong-hininga at hinila ang babae pababa sa hagdan na iyon. "Saan mo ko dadalhin? Ayaw kong umalis dito hanggat hindi ko nakakausap ang boyfriend ko!" hiyaw niya at kumakapit pa sa may railings. Binitawan ko siya at tinaasan ng kilay. "A-anong problema? H-hindi naman kita napagsalitaan nang masama." "Hindi kita sasaktan pero hindi ka pwedeng pumunta sa rooftop na gan'yan ang itsura mo. Bakit ka ba umiiyak? Para kaawaan ng lalaking iyon?" Sarkastiko akong natawa dahil sa itsura niya, lalo na ng pumiksi ito dahil sa pabagsak kong tono. "Sumama ka na lang sa akin kung gusto mong makausap ang nobyo mo." Tumango naman siya kaya nauna na akong naglakad. Nagpunta ako sa pinakamalapit na banyo para maayusan ito. "Miss, salamat sa pagtulong sa akin—" "I'm Yu'er. Hindi mo na ako kailangan tawagin na miss. Magkaedad lang naman tayo at hindi ka naman naninilbihan sa amin." Sa bahay namin ay hindi naman required ng parents ko sa mga trabahante na tawagin kami sa ganoon, pero sila na rin mismo ang nangungunang tumawag sa amin no'n bilang respeto na rin daw sa nagpapasahod sa kanila. "Hindi naman sa nangingialam ako pero bakit kayo naghiwalay ng boyfriend mo?" Nagtaas-baba ang kanyang dibdib tila ba kinakabahan sa naging tanong ko. "H-hindi naman kami naghiwalay." Mahina ang boses nito nang sinagot niya ang tanong ko. "Bakit ka umiiyak kong ganoon? Sa tingin ko ay malaki ang problema ang kinakaharap mo ngayon." "I caught him kissing other girl. Noong araw na iyon ay hindi ko napakinggan ang eksplenasyon niya dahil sa galit na aking nadarama." "Why do you need to hear his lousy excuses? He kissed another girl without blinking an eye, and to think that he has you that time!" naiinis kong saad. Kapag ako ginanyan ng isang lalaki hindi na ako magdadalawang-isip na hiwalayan ito. "Do you have a boyfriend, Yu'er? Nagmahal ka na ba ng labis?" Kumunot ang noo ko sa kanya. Naguguluhan ako sa biglaan niyang pagtatanong pero umiling pa rin ako sa kanya bilang sagot, ayaw ko naman na masabihan ng walang modo. "Hindi mo pa ako maiintindihan sa ngayon kung ganoon, pero darating ang araw na lahat nang pinagsasabi mo ngayon ay babawiin mo rin dahil ganoon naman talaga ang pagmamahal. Kailangan mong magsakripisyo, kailagan mo rin na pakinggan ang eksplenasyon ng partner mo, atsaka matuto kang lumaban para sa relasyon niyong dalawa. Hindi naman talaga madali ang pumasok sa isang relasyon sa sobrang bigat ng salitang iyon ay kaunti lang ang nanatili." Natigilan ako sa kanyang sinabi kung ganoon nga ang pagmamahal at pakikipag-relasyon parang ayaw ko na lang pumasok sa bagay na iyon. Nakakatakot, pakiramdam ko ay masasaktan lang ako ulit ng taong pipiliin kong mahalin. Sa tingin ko ay magagaya lang ang relasyon namin sa amin ng pamilya ko. Ayaw ko na ulit umasa para lang masaktan. Ayaw ko na ring magmahal ng hindi na sinusuklian sapat na ang nararamdaman kong pagkamuhi sa mga magulang ko sa kabilang mundo. "Aayusan na kita. May extra ka ba na damit?" Umiling siya sabay tingin sa kanyang damit na gusto kong papalitan. Nakapants ito na bulaklakin at blouse na may malaking bulaklak sa gilid na makikita mo sa mga damit na dinidesinyo labin-limang taon na ang nakalipas. "Wala pero okay lang naman tanggap naman ako ni Nielson kahit ganito ang mga suot kong damit," malapad na ngiting saad niya. "Really? Pero sa tingin ko hindi na siya hahalik ng ibang babae kung kuntento na siya sa iyo." Kinuha ko ang extra kong damit sa may bag, balak ko sanang magbihis pagkatapos akong utos-utosan ni Rio, pero dahil mas kakailangan ito ng babae kong kasama ngayon  ay ibibigay ko na ito sa kanya. "Ano 'to, Yu'er?" "Use this. Humarap ka sa ex mo na presentable para wala siyang masabi sa iyo," saad ko. "Hindi porke't hindi pang mayaman ang suot kong damit ay hindi na ako presentableng tingnan—" Inilagay ko ang aking daliri sa kanyang bibig at inilingan ito. "Hindi mo kilala ang mga taong nasa rooftop na iyon. Kapag nagkataon baka umiyak ka na naman ulit," nakangisi kong turan. Napalunok nanan kaagad ito sabay tingin ulit sa damit na hawak nito. "Hihiramin ko lang ito—fifteen thousand?" Nanlalaki ang mga matang wika niya. "Hindi ko po matatanggap ito, Miss Yu'er." "Matagal na iyan sa akin hindi ko lang talaga nagagamit kaya gamitin mo na." Napalunok naman siya habang hawak/hawak sng damig na ibinigay ko. "Basta ipangako mo sa akin na lalabas ka ng rooftop nang nakangiti, okay?". Hinawakan nito ang aking kamay at niyakap ako nang mahigpit. "Maraming salamat po talaga, Miss—" "Yu'er na lang. Magbihis ka na at aayusin ko pa ang make-up at buhok mo." Ngumiti siya at tumango sabay pasok sa isang cubivle ng banyong iyon para magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD