YU'ER
Malapad ang ngiting nakasilay sa aking labi ngayon dahil makakaganti na rin ako sa kabaliwan ng lalaking iyon. Dalawang araw pa lang na naging personal assistant ako nito pakiramdam ko ay isang taon na akong naninilbihan sa kanya.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ito sa may pintuan ng classroom at nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Alam ng mga kaibigan nito kung paano habol-habuli ng dating nagmamay-ari ng katawan na'to si Rio, at dahil ako ang gumamit sa katawan nito ngayon ay ako rin mapapahiya nito.
Tatalikod na lang sana ako nang marinig ko ang pagtawag ni Rio sa pangalan ko. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahan silang nilingon.
"Dala mo ba ang hinihingi ko sa iyo?" tanong nito sa akin at sinuri ako ng tingin para hanapin ang pinapabili nito. Nakita ko ang ngising dumaan sa kanyang labi nang wala itong makita na dala ko. "Ang simple lang naman nang hinihingi ko sa iyo, Yu'er, bakit hindi mo maibigay—"
.
Hindi pa nito natatapos ang kanyang sasabihin nang ibinato ko sa kanya ang energy drink na binili ko kanina. Mabuti na lang at nasalo nito iyon kung hindi baka nasuntok ko na siya sa katangahan niya.
Muntikan na akong matawa nang magpalipat-lipat ang tingin nila sa akin at sa hawak ni Rio. "Mag kulay kape na margaretta?" tanong ng lalaking kulot ang buhok.
Nagkibit-balikat ako bilang sagot dito at naglakad na palayo sa kanila. Sila na ang bahalang mag-isip kung ano iyon basi sa malalasahan nila roon, dahil wala akong balak na magbigay ng eksplenasyon sa kanila.
Tumunog ang aking cellphone ngunit sa halip na bigyan iyon nang pansin ay nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad pabalik sa first class. Hindi ko alam kung makakaabot pa ako dahil nasa ikatlong palapag pa iyon.
"Sir, I'm late," mahina kong saad pagkabukas ko ng pinto at bumungad sa akin ang mukha ng professor namin sa subject na iyon.
Kung sana bukas iyong pintuan sa kabilang bahagi edi sana hindi ko naistorbo ang buong klase at hindi rin sana ako tinitingnan nang ganito ng mga blockmates ko. Nakakahiya gusto ko na lang lamunin ng sahig para mawala harapan ng mga 'to.
Nakita ko ang pagbuntong-hininga ng guro tsaka tumayo at hinayaan akong maghanap ng pwesto dahil marami pa namang bakante. Naglakad ako patungo sa huling upuan na malapit sa may bintana.
"Ayaw yata akong pakinggan ni Miss Yu'er kaya lumayo siya. Miss Yu'er, akala ko ay gusto mong pumasok kahit late ka na ay dahil sa gusto mong makinig ng lesson ngayon?" pabirong saad ng guro sa mga kaklase ko na tinawanan naman ng lahat bukod sa akin. "Pero seryoso na daan nga tayo ulit huminto kanina?"
Mabuti na lang at tumigil na ito dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya kapag pinagpatuloy niya pa iyon. Wala pa naman ako sa mood dahil sa Rio na iyon.
Speaking of Rio ano na kaya ang itsura nito kanina? Nagalit ba ito dahil sa ibingay ko sa kanga o ininom man lang kaya nito ang inuming iyon?
Napatingin ako sa harap ng stage nang mag kumatok. Akala ko ay nakita ng guro na hindi ako nakikinig sa kanya kaya ako makukulong, ngunit hindi naman ito nakatingin sa akin. Sinundan ko ang mga mata nito at dumapo iyon sa lalaking nakasandal sa may hamba ng pinto.
"Anong ginagawa mo rito, Mr. Reigo?"
"Just go on with your class, sir, gusto ko lang na makita ang girlfriend ko na na nag-aaral." Kumunot ang noo ng una at umikog ang paningin sa buong kwarto.
Hindi man lang dumapo sa akin ang kanyang mga mata. Dumaan lang ito sa akin at naghanap na ng iba. Nakahinga ako nang maluwag dahil ayaw kong madamay sa kabaliwan ni Rio.
"Hindi makapag-pokus ang mga estudyante ko dahil sa iyo, Mr. Reigo, kaya umalis ka na."
Hinayaan ko na muna silang mag-usap, hindi ko alam baka matagalan pa sila. Tumingin ako sa may bintana at itinukod ang kamay ko sa may desk habang nakatanaw sa malayo.
Napangiti ako nang makita ang mga maliliit na dahon na nahuhulog. "Ay, nak ng!" tili ko nang biglang may kumatok sa mesa ko.
"Ms. Marquis..." Nanlalaki ang aking mga mata nang makita si Rio na nakatayo na sa gilid ng aking upuan.
"Anong ginagawa mo rito?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Kahit hindi ako nakatingin sa ibang lugar ay ramdam ko pa rin ang mga titig ng mga estudyanteng nasa loob ng kwartong ito.
Napapitlag ako nang bigla nitong kinuha ang aking kamay at hinkla ako patayo sa aking kinauupuan. "Problema mo, Reigo, alam mo naman na nag-aaral ako 'di ba?" inis kong wika sa kanya.
Hindi siya sumagot ang hanggang sa nakalabas kami at nadala niya ako sa isang bakanteng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tiningnan siya nang maigi.
"May mensahe sa akin si Zane," nakangiti niyang balita sa akin. Kaagad naman na tumaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya.
"Oh, tapos?" walang-gana na tanong ko sa kanya. Nawala ang ngiti sa kanyang labi at bigla na lang sumeryoso ang kanyang ekspresyon. "Wala akong pakialam kong ilang mensahe pa ang ipadala sa iyo ng babaeng iyon, Rio, huwag mo na ako ulit istorbohin habang nasa—ano ba?"
Mabilis ang pagtibok ng aking dibdib nang bigla ako nitong ipiniin sa may pader. "Wala ka ba talagang pakialam, Yu'er? Hindi ba dapat na matuwa ka dahil kung babalik si Zane ay magiging payapa na ang buhay mo dahil hindi na kita gugulohin?"
Napabuntong-hininga ako at hinaplos ang aking noo sa sobrang stress sa kanya. "Wala akong pakialam kung magiging kayo ulit ni Zane..."
Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang sumikip ang aking dibdib. Nahihirapan na naman ito sa paghabol ng aking hininga. Kailangan ko na yatang magpatingin sa doctor at baka may malubha na akong karamdaman.
"Bitiwan mo na ako, Reigo, pagod na pagod ang katawan ko ngayon kaya wala akong oras para makipaglaban sa iyo," seryoso kung wika.
Ilang minutong nagtagpo ang aming mga mata bago ako nito binitawan. "Dalhan mo ako ng pagkain sa rooftop," seryoso niyang saad at naglakad na palayo sa akin.