Chapter 14:

1113 Words
YU'ER Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa pagkain na nasa mesa. May spaghetti roon na punong-puno ng sauce at may nakatatak sa sisidlan nito na S'delicious. Sumunod naman na dinapuan ng aking mga mata ay ang cheesecake at pineapple juice. Nakakamangha lang dahil pinag-usapan lang ito namin ni Rio kagabi tapos ngayon ay nandito na nga sa aking harapan. Nilingon ko si mama at nilapitan ito, nagtataka naman niya akong tiningnan dahil sa ikinikilos ko. "Masama ba ang pakiramdam mo, anak?" Niyakap ko siya at ipinatong sa balikat nito ang aking ulo. "Ma, narinig niyo po ba kagabi ang pinag-usapan namin ni Rio? Kaya po ba binili niyo ako nito kaagad?" "Iyang spaghetti ba at cake ang tinutukoy mo, anak?" Lumayo naman ako kaagad sa kanya at tumango. "Ah, hindi ako ang bumili n'yan kundi si Rio. Maaga pa siyang nagpunta rito para raw makain mo kaagad paggising mo. Hindi ko aakalain na magbabago pa ang lalaking iyon, anak." "Ma, baka po ay nakokosensya na sa pinanggagawa niya dati," kibit-balikat kong saad. Kung alam lang ni mama na isang akong personal assistant nito baka naghi-histerikal na ito ngayon. Mabilis akong umupo sa may silya kung saan malapit ang pinamili ni Rio at nagsimula nang kumain. Kanina pa ako takam na takam dito at hindi ko nga pinigilan ang sarili ko na ubosin ang pagkaing iyon. Natigilan lang ako nang makita ko si mama na nakatingin sa akin, kaya uminom kaagad ako ng tubig at tiningnan siya. "Ma, may problema po ba? Gusto niyo po ba sanang kumain nito? Pasensya na po at naubos ko hindi ko po alam na gusto niyo rin ito." "Hindi lang ako makapaniwala na naubos mo iyon, hija. Ang tipid mong kumain dati pero ngayon naubos mo talaga ang pagkain na binili sa'yo ni Rio. Iba talaga kapag ang gusto mo iyong nagbigay." "Ma, naman! Kahapon pa po kasi gusto kong kumain nito kaya hindi ko mapigilang kumain nang marami. Huwag niyo pong isipin na may gusto pa rin ako kay Rio," sagot ko rito. Nakangiti lang naman siyang tumango at hindi na sumagot sa akin. Napakamot ako sa aking batok at inilibot ang aking paniningin. "Nasaan po pala si daddy, ma?" "Nauna nang magpunta sa opisina dahil may importanteng kliyente raw siyang tatagpuin ngayon." "Ganoon po ba? Mauna na rin po ako sa inyo, ma, dahil maliligo pa ako. Maaga po ang first class ko ngayon, eh," wika ko. "Sige, anak." Mabilis akong naglakad pabalik sa kwarto ko para makapag-ayos na. Hindi ko alam kung umiinom ba si Rio ng coffee balak ko sanang dalhan ito pambawi man lang sa pagbili niya sa akin ng mga pagkain. NAPAKAMOT ako sa aking batok nang wala akong makitang Rio na pumasok sa gate. Pinuntahan ko na rin ito sa first class niya ngunit wala raw ito roon kaya dito ako naghintay. Napatingin ako sa baso na aking hawak at muling tiningnan ang gate ng school. Nakagat ko ang aking labi nang maalala ang gawain ni Yu'er dati. Ganitong-ganito ito katulad ng description sa libro. "Buwan!" Kilalang-kilala ko na ang boses na iyon at ang nag-iisang tao na tumatawag sa akin no'n. "Coffee? Hinihintay mo ba ako para ibigay sa akin iyan?" Sa halip sa kanya hihinto ang paningin ko ay dumeretso iyon sa dalawang tao na nasa likuran niya. Naroon si Rio kasama ang isang babae na hindi ko kilala. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa biglaang pagsakit nito. Paano ako nasasaktan nang ganito kung wala akong gusto sa kanya?  Nababaliw na talaga ako! Sa tingin ko kahit wala na si Yu'er ay hindi ko pa rin mapipigilan ang pagtibok ng puso nito para sa lalaking iyon. Pero hindi ito dapat mangyari, paano kung maulit ang lahat? Paano kung mamamatay ako dahil sa pagmamahal sa lalaking iyon at hindi na ako makabalik sa mundo ko? Hindi pwede! Dapat kong kontrolin ang nararamdaman kong ito kung gusto ko pang mabuhay nang matagal.  "Yu'er Marquis!" "Ah? Huh?" gulat na sagot ko sa pagtawag ni Riley sa akin. Ibinalik ko muna ang paningin ko kay Rio at nang makita itong nakipagtawanan sa iba ay inilahad ko sa harap ni Riley ang kapeng binili ko kanina. "Ah, sa'yo na lang. Hindi ko na rin naman maiinom 'yan." "Sa akin na lang? Nahiya ka pa talaga na sabihin na para sa akin talaga ito. I know you like me, Yu'er—aray!" hiyaw nito nang bigla ko siyang suntokin sa kanyang tiyan. "Mapanakit ka talaga, Buwan! Kapag nalaman ni tita na binu-bully mo ako baka magtampo iyon sa iyo." "Sino ba itong palaging nang-aasar?" inis na balik ko rito. Napakamot naman siya sa kanyang buhok sabay turo sa kanyang sarili. "Ganoon naman pala, eh. Alam mo naman pala ang kasalanan mo kung bakit ka palaging nasasaktan, tsk." Maglalakad na sana ako palayo sa kanya nang umakbay na naman ito. Tiningnan ko siya nang masama ngunit ngumisi lang ito sa akin at ininom ang kape na ibinigay ko sa ksnya. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Kumunot ang aking noo nang makita ang pangalan doon ni Rio. Hindi pa ba ito nakuntento sa babaeng kasama niya at kailangan pa akong gambalain? 'Bilhan mo ako ng Margarette Energy Drink iyong kakulay ng kapeng binili mo sa lalaking naka-akbay sa iyo ngayon.' Naningkit ang mga mata ko nang mabasa ang mensaheng pinadala nito. May MED ba na ganoong kulay? Saan naman ako bibili no'n? Tinabig ko ang kamay ni Riley at nagpunta sa canteen para maghanap ng pinabibili ni Rio. "AUNTIE, ito lang po ba ang kulay ng Margarette energy drink na available? Wala po bang kulay kape?" Nagbabasakali lang ako at baka may isinulat na ganoon ang writer kaya posible naamn iyon. Kumunot ang noo ni Auntie Thelma dahil sa tanong ko. Alam kong walang ganoong kulay sa Margarette na energy drink pero meron naman sa iba, pero kung iyon ang bibilhin ko baka mag-reklamo ito na hindi naman iyon ang pinabibili niya. "Ah, Reigo! Ugali mo talaga hindi ko maintindihan!" naiinis kong saad. Umupo ako sa harap ng mga energy drink at naghahanap ng pwedeng bilhin. Napangsi ako nang may ideyang pumasok sa aking isipan. Kumuha ako ng MED at nanghiram ng baso kay auntie at inilagay roon ang laman. Lumipat naman ako sa may vending machine at kumuha ng coins sa aking bulsa para bumili ng Caffeine. Napangiti ako habang inilipat ang laman ng Caffeine sa MED. Mabuti na iyon at wala siyang maire-reklamo sa akin. Malapad akong ngumiti at itinapon na ang sisidlan ng Caffeine sa basurahan at naglakad na palabas ng canteen. "Tingnan lang natin, Rio, kung sino ang mananalo sa ating dalawa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD