Chapter 13:

1752 Words
YU'ER "Miss, gusto mo ba na sumama sa aming magliwaliw—" "No, thank you," kaagad kong putol sa kanyang sasabihin. Hindi ko na kailangan pa na hintaying matapos iyon dahil alam ko naman ang gusto ng mga katulad nito. "Palaban, pare!" wika ng lalaking may mahabang buhok sabay tulak sa aking balikat. Kinabahan akong napaatras at napahawak sa balikat kong natamaan. "Uy, miss, hindi ka tagarito hindi ba? Kilala mo ba kami?" "Paano ko kayo makikilala kung hindi nga ako tagarito?" Napatingin kaming labat sa isang kasamahan nila na malakas na tumawa. "Paano nga naman niya tayo makikilala kung hindi nga siya dito naninirahan!" tumatawa nitong sambit "Oo nga naman! Ang tanga ko talaga!" Sumimangot ako dahil sa mga pinagsasabi nilang dalawa. "Tumigil na nga kayo at magseryoso!" Inikot ko ang aking paningin sa buong lugar para maghanap ng mga tao, ngunit hindi yata masyadong dinadaan ang lugar na ito. Wala na rin ang taxi driver na sinakyan ko kanina dahil may kumuha na sa sasakyan nito. "Miss, may balak ka ba na sumama sa amin?" Tumaas ang aking kilay at tinabig ang kamay ng isang lalaki na dapat sana ay hahawak sa akin. "Ano ba! Pwede ba tigilan niyo ako kung ayaw niyong managot!" inis kong bulyaw sa kanila. Sa halip na pakinggan ako ay mas lalo lang silang lumapit sa akin. Dahan-dahan akong umatras para makalayo sa kanila. "Akala mo ba ay matatakot mo kami dahil d'yan?" natatawang sabi ng lalaki. "Sa tingin mo ba ay tinatakot lang kita?" Pinipilit ko na lamang na kalmahin ang sarili ko para kumuha ng mas malaking oras. Napalunok ako at matapang na iniunat ang isa kong kamay sa pagitan namin. "Kapag may nangyaring masama sa akin hindi lang kayo ang mananagot, pati na rin ang mga pamilya ninyo." Tumigil naman silang lahat at nanlalaki ang mga mata na tiningnan ako. Akala ko ay matatakot sila sa sinabi ko ngunit kaibahan pala no'n ang mangyayari. Kung alam ko lang na mangyayari ito edi sana hindi ko na ginawa iyon. Pinaikot nito sa kanyang kamay ang kutsilyong hawak at inabot ako, mabuti na lang ay nakaiwas ako kaagad. Ngunit sa muli kong pag-atras ay may natamaan ako sa aking likuran. Kinakabahan akong lumingon ngunit bago ko pa iyon magawa nang tuluyan ay biglang may sumidhing kirot sa aking kaibuturan. Napahawak ako sa aking tagiliran at hinayaan ang katawan ko na matumba sa may kalsada. Muling itinaas ng lalaki ang kutsilyong hawak nito at isasaksak na naman sana sa aking nang malakas akong sumigaw. Tumilapon ang mga ito sa iba't-ibang bahagi ng lugar. Ang iba ay nawalan pa ng malay dahil sa lakas nang pagkakabagsak. Nanlalaki ang aking mga mata at kahit na nasasaktan ay mabilis akong tumayo para tingnan sila. Dahil sa kaba ay nakalimutan kong may r kapangyarihan pala ako sa mundong ito. Tinanong ko dati kay daddy na kung paano kapag nasa ganifo akong sitwasyon. Nalaman ng mga taong 'to ang itsura ko kaya mas lalong nagiging mapanganib ang sitwasyon. Pwede nilang gamitin ito para kontrolin ako. Ginulo ko ang aking buhok sa sobrang dami ng ideyang pumapasok sa aming isipan. "Paano nga ulit iyon?" kausap ko sa aking sarili habang pinipilit na inaalala ang mga pinag-usapan namin ni daddy. Napatango ako kaagad nang maalala ko ang mga salitang sinabi nito. I just need to snap my fingers para makalimutan ng mga taong ito ang nangyari. Pero paano ko ipapaliwanag ang nangyari? Kung paano ako nasaksak? Napailing ako dahil hindi ko rin naman pwedeng hayaan na malaman nila ang tungkol sa kapangyarihan ng pamilya ko. "I need to do something!" Pinipilit ko na lamang ang sarili ko na huwag mawalan ng malay dahil hindi ko pa naaayos ang problema ko. I close my eyes and snap my fingers, habang iniisip na makakalimutan na ng lahat ng mga narito ang ang nangyari. "Yu'er!" Ang nag-aalalang boses ni Rio ang naging dahilan nang pagkalma ko. Kampante kong inihiga ang ulo ko sa kalsada habang hinihintay na lamang na lumapit ito sa akin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagtaas ko at nang binuksan ko ang aking mga mata ay ang mukha kaagad ni Rio ang bumungad sa akin. "Bakit ba nag-aalala ako sa iyo?" Hindi ko alam kung para ba sa kanyang sarili ang tanong na iyon o kung para sa akin, ngunit hindi na ako umimik, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at sumandal sa kanyang dibdib. NAPAHAWAK ako sa aking tagiliran nang makaramdam ako ng kirot doon. Kanina pa ako nagising at simula pa kanina ay hindi na ako mapakali. "Anong iniisip mo, Marquis?" Tumingala ako at tiningnan si Rio na nasa unahan lang ng aking kama. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatitig sa akin. "Atsaka bakit ka ba nagpunta sa lugar na iyon? Nababaliw ka na ba talaga—" "Magkakaroon ba ako ng peklat? Oh my gosh! Ano ang gagawin ko kapag nangyari iyon, Rio?" "Mas inuna mo pa iyang inisip kaysa kalagayan mo ngayon? Hindi ka ba talaga nag-iisip nang maayos, Yu'er Marquis?" galit na tanong niya. Napakamot akin sa aking batok at tiningnan siya sa mga mata. "Syempre natatakot din ako sa mga nangyari pero kailangan ko rin naman isipin ang sarili kong kagandahan 'di ba?" Sinamaan niya ako ng tingin at lumapit sa aking kama. Sinuri ako nito mula ulo hanggang paa bago marahang pinitik ang tungki ng aking ilong. "Ano ba, Rio!" "Sigurado ka ba na ang tagiliran mo lang ang natamaan? Hindi ba nabagok iyang ulo mo—" Hindi na natapos nito ang sasabihin nang pumasok sila mama at daddy sa loob. Gulat ba gulat pa ang mga ito nang makita si Rio. "Bakit ka nandito? May balak ka na naman bang masama sa anak ko?" Halata ang galit sa boses ni mama habang sinasabi iyon. "Umalis ka na rito! Hindi ka namin kailangan—" "Ma, he saved me," mahinahon kung saad. "Pinuntahan niya po ako sa South para lang mailigtas lang ako sa mga taong nagbabalak nang masama sa akin." "Good evening po, tita." Malalim na bumuntong-hininga si mama at mabilis na lumapit sa aking tabi. "Maiwan ko na po kayo." "Hintayin mo ako sa labas at kakausapin kita," mariin na saad ni mama rito. Napakamot ako sa aking tainga at sinundan na lamang ng tingin si Rio na lumabas. "Hon, bantayan mo muna si Yu'er." "Ma, hindi na po kailangan. Nagkausap na kami nang masinsinan ni Rio at nagkaayos na kaming dalawa. Wala na rin naman akong gusto roon," pigil ko sa kanya. Hinaplos naman nito ang aking buhok habang tumatango. "Alam ko na wala ka ng gusto sa kanya pero gusto kong makasigurado." Natampal ko ang aking noo nang tumakbo si mama palabas ng kwartong iyon. "Hindi naman siguro sasaktan ni mama si Rio, dad, 'di ba?" kinakabahan kong tanong kay daddy. YU'ER "HAYAAN mo na muna ang ina mo na kausapin ang Rio na iyon, anak," wika ni papa nang tatayo sana ako sa kama para sundan ang dalawa. "Magpahinga ka na muna rito. Huwag kang mag-alala walang gagawing masama ang iyong ina." Kumalma ako sa sinabi ni daddy sabay tango sa kanya. "Sige po, dad." Matagal-tagal din itong nanatili sa tabi ko bago napagdesisyonan na lumabas. Hindi ko aakalain na mas delikado pala ang lugar na ito kaysa sa totoong mundo. Napailing ako sa aking sinabi. Parehong delikado ang dalawang mundo na ito, iyon nga lang hindi ako masyadong naglalabas sa mundong iyon at walang nagmamanipula sa mga tao doon. Dito ay hindi ko kilala kung sino ang mapagkakatiwalaan ko dahil kapag kagustuhan ng writer na gawan ako nang masama ng pinagkakatiwalaan kong character ay wala akong magagawa. Kaya bago ko pa magustuhan ang mga taong naririto ay kailangan ko nang bumalik sa reyalidad. "Yu'er, maayos na ba ang kalagayan mo?" Napatingin ako sa may pintuan kong nasaan nanggagaling ang boses. Naroon si Rio, nakangiti ito habang lumalapit sa akin. "I'm fine now. Thank you sa pagpunta at pagligtas sa akin, atsaka pwede ka nang umalis dahil gagabihin ka sa daan." Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko alam pero bakit parang galit siya? May nagawa na naman ba akong mali? May nasabi na naman ba akong hindi tama? "Gusto ko munang manatili rito para mabantayan ka—" "Hindi na kailangan, Rio, maayos na ako atsaka nandito naman sila mama at daddy kaya huwag ka nang mag-alala," mahinahon kong saad bago pa siya makaupo. Akala ko ay makikinig ito ngunit umupo pa rin naman siya sa aking tabi. "Anong ginagawa mo?" "Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko sa iyo kanina? I want to stay for awhile para mabantayan ka," seryoso niyang saad. Napakamot ako sa aking noo dahil sa sinabi nito sabay buntong-hininga. "Bakit ka ba nagpunta roon? May kikitain ka ba sa lugar na iyon na kahit magga-gabi na ay gusto mo pa ring pumunta." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Sino naman ang gusto kong makita para pumunta roon kung wala nga akong kakilala sa mundong ito. "Baliw ka! Kung ano-anu ang pumapasok na ideya sa isipan mo. Gusto ko sanang kumain doon sa may S'delicious Food and Beverages ng cheese cake atsaka spaghetti iyong maraming sauce." Tiningnan niya ako nang masama kaya bumusangot din ako para malaman niya na seryoso ako. "Bakit doon? Ang daming restaurant dito sa North. Marami ring masasarap na pagkain—" "Gusto ko roon! Ayaw ko sa ibang restaurant nakakasuka!" reklamo ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin tila ba hindi makapaniwala sa aking sinabi. "May sasabihin ka pa? Ko-kontrahin mo na naman ba ako?" Nagsisimula na naman akong mainis sa kanya kaya kaagad ko siyang tinalikuran. "Yu'er, humarap ka sa akin," kalmado niyang saad, ngunit hindi ko siya nilingon. Sino ba ito para utosan ako? "Galit ka na naman ba? Nag-aalala lang ako sa kaligtasan mo." "Sabi ko nga sa iyo ay okay lang ako." "Oo nga pero paano kung balikan ka ng mga taong iyon?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nakalimotan na ba ng mga taong iyon ang nangyari o may nakakita ba sa amin. "Sa susunod kung gusto mong magpunta sa malayo ay sabihin mo sa akin para masamahan kita." Tumaas ang kilay ko at nilingon siya. "Bakit ka biglang nagbago? Hindi ka naman ganito dati, ah?" "Ayaw ko lang na mawalan ng PA matagal pa bago mag-isang buwan. Aalis na ako. Magpahinga ka na," wika niya sabay tayo. Tumango naman ako kaagad at nagpaalam na sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD