YU'ER
Gulat na gulat ako nang biglang kinwelyuhan ni Rio si Riley, kaya hindi kaagad ako nakakilos para ipaglayo sila sa isa't-isa.
"Anong pakialam mo kung nilalapitan ko ang bestfriend ko?" inis na tanong dito ng huli. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa lalo na at nagsilapitan na rin ang ibang naeoon. May kumukuha pa ng video at nagbubulong-bulongan. "May problema ka roon, Reigo?"
Sarkastikong tumawa si Rio at tinapik ang dibdib ni Riley. Hindi ko alam kung bakit sila nag-aaway ng dahil lang sa paglapit sa akin. Siguro galit na galit na ngayon ang writer ng librong 'to dahil ang layo na ng kwento sa orihinal nitong plot.
"She's my personal assistant—"
"So?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Riley rito. "Hindi porket PA mo siya ay pagmamay-ari mo siya o di kaya'y kailangan na siyang layuan ng ibang tao. Baka nakakalimutan mo, Rio, na pinagtabuyan mo na siya no'n."
Naikuyom ni Rio ang kamao dahil sa sinabi nito. Ngunit bakit naman siya magagalit gayong totoo naman ang sinasabi ni Riley. Siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Yu'er, kung hindi dahil sa masasakit niyang salita sigurado akong nandito pa rin iyon at parte ng kwento. Wala sana ako ngayon sa mundong ito.
"Baka nakakalimutan mo rin na ikaw ang sumira sa relasyon namin ni Zane—"
"So ginagamit mo si Yu'er para makapaghigante? Ganoon ba iyon, Reigo?" nanghahamak na tanong ni Riley.
Tumawa naman ang huli habang napapailing. "Do you really think that it will compensate—"
"Pwede ba na tigilan niyo na 'yan?" Una kong nilingon si Rio na nakatingin na rin sa akin. "Alam ko na may kasalanan ako sa iyo, Rio, kaya hindi mo na kailangan pa na ipaulit-ulit na ipaalam sa akin iyon dahil hindi ko naman iyon kakalimutan. Pinagbabayaran ko na naman 'di ba? Kaya please naririndi na ako sa paulit-ulit mong sumbat!"
"Yu'er!" tawag sa akin ni Riley ngunit hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy ang aking paglalakad palayo sa kanila.
Sa sobrang bilis ng lakad ko kanina para lamang mapalayo sa dalawang iyon ay naramdaman ko tuloy ang biglaang panghihina ng aking tuhod. Para akong tinatamad na maglakad sa mahabang hallway na iyon. Pinipilit ko na lamang ang sarili ko na makalabas sa paaralang iyon.
BUMABA ako ng taxi nang hindi pa rin ito naaayos kahit lumipas na ang isang oras. Pagkalabas ko kanina ng paaralan ay naghanap kaagad akong sasakyan para magpahatid sa isang restaurant na bagong gawa. Nasa Soutvh ito kaya malayo rin sa bahay, wala naman akong reklamo roon dahil iyon din naman ang gusto ko. Ang makalayo sa magulong lugar na kinabibilangan ko ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa nang bigla itong nag-vibrate. Nakatatak sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Rio kaya nagdadalawang-isip ako kung sasagotin ko ba iyon.
"Kuya, ilang oras pa po ba bago matapos iyan?" tanong ko rito. Kailangan ko rin kasing umuwi bago lumalim ang gabi. "Hindi naman po siguro tayo gagabihin dito sa daan 'di ba?"
Tumingin siya sa akin at umiling. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nang pag-iling niyang iyon kaya sinuri ko ang reaksyon ng mukha nito. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya.
"Don't tell me maraming oras po ang kailangan niyo bago maayos iyan?" kinakabahan kong usal. Tinikom niya ang kanyang mga labi sabay tango bilang sagot.
"Ma'am, sa tingin ko ay kailangan niyo na pong maghanap ng ibang masasakyan," mahinahon niyang saad. "Nasira po kasi ang makina nitong sasakyan ko kaya sana po ay maitindihan niyo ako."
Natampal ko ang aking noo sabay buntong-hininga. Kahit naman makipag-away ako ngayon sa kanya ay wala rin naman itong magagawa.
"May taxi po ba na daraan dito?" Wala pa man ay natatakot na ako sa pwedeng mangyari rito sa akin. Mag-isa lang ako at maggagabi na, kung sana hindi lang ako pumupunta sa ibang lugar kapag nagagalit ay hindi mangyayari sa akin ito.
"Wala pong taxi na daraan dito, ma'am, jeep atsaka trysikel lang po ang available na sakayan dito."
"Seryoso?" nanlalaki ang mga mata na sigaw ko. Saan aabot ang trysikel? Malayo ang South sa bahay kaya imposible na ihahatid ako ng driver doon. "Hindi po iyon aabot sa bahay ko."
"Ah, sasakay lang po kayo sa jeep o trysilel patungong terminal, ma'am, at may makikita na po kayong available taxi roon. Doon na kasi tumatambsy ang mga taxi driver dahil marami raw pasahero roon."
Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Lumayo na rin ako para maghanap ng pwedeng masakya patungo sa sinasabi nito. Kung hinintay ko na lang sana si Kuya Sik na dumating edi sana hindi na ako nahihirapan nang ganito. Hindi pa naman ako sanay sumakay ng trysikel at jeepney.
"Sasakay ka, miss?!" hiyaw ng lalaking nakasabit sa may hulihan ng jeep. Hindi ko alam kung safety ba iyon pero sa tingin ko naman ay alam niya ang ginagawa niya.
"Here po ba? Hindi ba masyadong masikip sa loob? Hindi ba mabaho sa loob—ay tae!" tili ko nang biglang umandar ang sasakyan kahit hindi pa ako tapos sa pagsasalita. Napakamot ako sa aking noo at muling naghintay sa susunod na sasakyan.
May dumaan na mga trysikel ngunit puno naman iyon. Malalim akong napabuntong-hininga dahil kahit marami na ang mga sasakyan na dumaan ay hindi pa rin ako nakakasakay.
Napapitlag ako nang mag-vibrate na naman ang cellphone ko. Tumigil na iyon kanina at ngayon lang ulit bumalik sa pagtawag si Rio. Sinagot ko na iyon dahil wala rin naman akong magagawa sa madilim na lugar na ito. Mabuti na iyong may kausap ako habang naghihintay ng sasakyan.
"Nasaan ka?" bungad na tanong nito sa akin.
"Malayo ako r'yan kaya huwag mo na akong hanapin—"
"Sagotin mo ang tanong ko, Marquis, nasaan ka?" Napakuyom ako sa aking kamao at inilibot ang tingin sa paligid. Napalunok ako nang dumapo ang aking mga mata sa mga kalalakihan na nakatingin sa kinatatayuan ko. "Yu'er?"
"Can you come here? I-I mean..." Hindi ko matapos-tapos ang aking sasabihin dahil sa kaba na aking nararamdaman nang maglakad na ito palapit sa pwesto ko. Marunong akong ng self-defense ngunit kung marami ang kalaban at malalaki pa ang katawan ay wala akong laban sa kanila.
"Anong nangyayari sa iyo?"
"N-nasa South ako ngayon. Sa may highway patungo sa S'delicious Food and Beverages. Hindi ko alam ang eksaktong lugar pero sana mahanap mo ako. Please, kunin mo ako rito, Rio, may mga lalaking papalapit sa akin."
Humugot ako ng hangin habang hinihintay ang sagot ni Rio. Kailangan ko rin umalis sa pwesto na ito nang kalmado at tila walang alam sa mga nangyayari.
"I'll be there. Maghanap ka ng pwedeng taguan o di kaya'y sumama ka sa ibang tao na pwede mong pagkatiwalaan—"
Hindi pa natatapos ni Rio ang kanyang sasabihin nang may humablot sa cellphone ko. Nanginginig ang aking mga tuhod nang lingonin ko ang taong gumawa no'n.
"A-anong kailangan niyo sa akin?" nauutal kong tanong.