YU'ER
"Hindi ko gusto ang ngiting naglalandas d'yan sa labi mo, Reigo," mariin na saad ko nang hindi pa rin mawala-wala ang ngisi sa labi nito. "Anong gusto mong ipagawa sa akin para matapos na ang lahat ng ito at hindi ko muling makita 'yang pagmumukha mo."
Tumaas ang sulok ng kanyang labi at isinilid ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng pants nito. "Be my personal assistant—"
"What the heck, Reigo! Hindi ba at mayaman ka? Bakit mo ako gagawing assistant? I will never do that!" naiinis kong saad sa kanya. Paano ko gagawin iyon kung kailangan ko nga rin ng assistant para lang maayos ang buhay ko. "Kung ayaw mong gumastos ng pera para kumuha ng isa. I'll give you one—"
"I only want you to be my assistant, Miss Marquis, it will be your punishment. Paano mo magawang ipasa sa iba ang bagay na ito, kung ikaw naman talaga ang dapat magbayad sa kasalanang ginawa mo?"
Napatiim-bagang ako sa kanyang sinabi. Gusto kong sabihin dito na hindi naman talaga ako ang Yu'er Marquis na kilala nito dati pero maniniwala ba ito? Baka isipin lang nito na nababaliw ako at gusto ko lang magpapansin sa kanya.
"I'll give you twenty-five thousand—"
"Your money can't help you. May pera ako kaya huwag mong isipin na mababayaran mo ako, Yu'er." Kinamot ko ang aking panga sa sobrang gigil ko rito. Kanina ko pa gustong itapon sa pagmumukha niya ang sapatos ko, ngunit naisip ko na baka mas lalong dumami ang kasalanan ko rito at pahirapan pa ako.
"Okay fine, just for ten days—" Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang malakas niyang pagtawa. Hindi iyon nakakabighaning tawa ngunit nakakainis sa sobrang peke no'n. "Are you done? Is it funny?"
"Hindi ka ba nagpapatawa? I'm sorry. Akala ko kasi nagbibiro ka sa sampong araw na sinabi mo."
"What do you mean? Ilang araw ko ba dapat pagtrabahuan iyon?" taas-kilay na tanong ko sa kanya.
"One month. Isang buwan mo dapat ako pagsisilbihan." Nanlalaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. "Deal or no deal?"
"One month?" balik na bulyaw ko rito. Ngumisi siya sabay tango. "Are you crazy? Akala ko ba gusto mo akong itaboy palayo sa iyo? Bakit gusto mo akong maging personal assistant sa loob ng isang buwan?"
Naningkit ang aking mga mata nang unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Hindi ako kumilos para lumayo sa kanya. Hindi naman ako si Yu'er na may gusto rito, kaya walang epekto sa akin ang palapit nito.
Napasinghap ako nang ikinulong niya ako sa pagitan ng railings at mga bisig niya. Hindi naman bumilis ang t***k ng akong puso ngunit bigla na lang ako ng nakaramdam ng init sa buo kong katawan nang magdikit ang katawan naming dalawa.
Napapitlag pa ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng aking tainga. "I want you to suffer, Yu'er, gusto ko na pagbayaran mo ang ginawa mong pagsira sa relasyon namin ni Zane. Iyong tipong luluhod ka na sa harapan ko dahil hindi mo na kaya ang lahat."
"Mangarap ka dahil hindi na mangyayari iyan!" mariin kong sambit sabay tulak sa kanya palayo sa akin. "Tandaan mo iyan, Reigo."
PAWISAN na si Rio nang lumapit sa akin. Katatapos pa lang nitong maglaro ng basketball hinihingal pa ito.
"Uy, may bago pa lang girlfriend si Captain!" masayang saad ng isa sa mga kasamahan niya. Alam ko na ako ang ibig nilang sabihin dahil si Rio lang naman ang tinatawag nilang captain. Ngunit ganoon ay hindi pa rin ako umimik dahil hindi naman iyon totoo at hindi ko rin naman sila kilala para i-deny sa kanila iyon.
"Oh? Parang kilala kita. Hindi ba at ikaw iyong babaeng habol nang habol kay captain?" Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin na ikinatigil naman nito. "Ah... Hahaha hindi nga siguro ikaw iyon. Magkaiba naman ang ugali niyong dalawa."
Napailing na lang ako sa sinabi nito at inabot kay Rio ang bote ng tubig. "I'm done here," simple kong saad at aalis na sana nang bigla nitong hinila ang likod ng aking damit. "Let go, Reigo, kung ayaw mong sipain ko iyang nasa gitnang bahagi ng katawan mo!"
Narinig kong nagtawanan ang mga kasamahan niya at ang unti-unting pagluwag nang pagkakahawak sa aking damit. "Pare, kaano-ano mo si, Miss Ganda?"
"Huwag mong sabihin na may naghahabol na naman sa iyo na ganito kaganda—"
"I am not. I'm his personal assistant atsaka huwag mo akong tawagin na 'Miss Ganda' o ano pa ang mga pangalan na nasa utak mo. I have a name." Inilahad ko rito ang kamay ko habang nakatitig sa kanyang mukha. "I'm Yu'er Marquis—"
"So ikaw nga iyong babae na habol nang habol kay Rio." Pinasadahan n8to ng tingin ang buo kong katawan sabay tango na tila ba nakapasa ako sa panlasa niya. "Ang laki nang pinagbago mo. Ang ganda mo na."
"Yu'er" Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Riley. Hindi nga ako nagkakamali siya nga ang tumawag sa akin. "Buwan, hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mo?" kunot-noong tanong niya sa akin nang makalapit na ito.
"Sandali na lang ito. Bakit may importante ka bang sasabihin sa akin?"
"Si tita kasi tumawag sa akin kanina. Kumain daw tayo sa labas." Nagkamot ako sa aking batok habang nag-iisip ng pwedeng rason para tumanggi. "Ayaw mo?"
"Gusto mo roon, Riley? Hindi ka ba naririndi sa paulit-ulit nilang sinasabi? Pipilitin lang naman nila tayo na magpakasal sa susunod na taon at ayaw ko nang marinig—"
"WHAT?!" Napatakip ako sa aking tainga dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Rio.
"Anong sinisigaw mo r'yan?" inis kong baling sa kanya.
"Hindi ka aalis ngayon, Yu'er." Nagdikit ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya. Kanina lang ay pinayagan na ako nitong umalis nang maaga ngayon naman pinapanatili na naman ako.
"Anong problema mo? Hindi ba at tapos na naman kayong maglaro?" Hindi ako nito pinansin at bigla na lang tumalikod sa akin. "Ang bastos—"
"Balik sa court team!" mariin nitong saad sa mga kasamahan niya. Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa sinabi nito maski nga ang mga ka-team niya ay nagre-reklamo, ngunit wala naman silang magawa kundi ang bumalik na lang.
"Rio, kailangan kong umalis—ang bastos talaga!" hiyaw ko nang tumakbo ito pabalik sa loob ng court. Malalim akong napabuntong-hininga at binalikan ng tingin si Riley. "Sa tingin ko ay hindi ako makakasama ngayon, Ri, sabihin mo na lang sa parents natin."
"Pero pwede naman kitang mahiram sa Saturday 'di ba?"
"Para saan?" kunot-noong tanomg ko sa kanya.
"Gusto ko lang mamasyal na kasama ka. Ang tagal na rin kasi nating hindi naglilibot nang magkasama. Okay lang ba?" Hindi ko kilala nang lubosan ang katauhan ni Yu'er, ngunit sa tingin kong siya ang narito sa sitwasyon na ito ay kaagad siyang tatango dahil kaibigan naman niya ng lubos si Riley.
"Okay, i-text mo lang ako sa araw na iyan kung saan tayo magkikita, okay?" Nanlalaki ang aking mga mata nang bigla nitong hinapit ang aking bewang at inilapit ang katawan ko sa kanya at marahang dinampian ng halik ang aking noo.
"Please be careful. Mauna na ako sa iyo pero kung gusto mong magpasundo sa akin mamaya ay tawagan mo lang ako—aray!" Pareho kaming napalayo sa isa't-isa nang matamaan ito ng bola.
"Distance, Foster!" dumagundong ang baritonong boses ni Rio habang sinasabi iyon. Dang it! Anong problema nito?