THIRD PERSON
Napatingin si Rio kay Yu'er nang ibinaba nito ang ulo sa ibabaw ng mesa. Hindi na niya nakita ang mukha nito simula nang nagtago ito sa may libro. Napabuntong-hininga ang binata at tumayo mula sa kanyang kinauupuan at nilapitan ang mesa ng dalaga.
Napakunot ang kanyang noo nang makita niya itong matutulog. Aalis na lang sana siya nang panay naman ito takip sa kanyang mukha na natatamaan ng araw. Sa halip na umalis na lang ay kumuha siya ng isang libro at tinakpan din ang bahaging iyon bago siya bumalik sa kanyang kinauupuan.
Kanina pa nito sinusundan ang dalaga kahit hindi naman niya alam kung bakit niya ginagawa iyon. Malaki ang galit nito kay Yu'er dahil umalis si Zane ng dahil dito, ngunit ngayon na minamatyagaan niya ito ay may kakaibang gustong gawin ang kanyang puso at isipan na hindi naman niya alam. Napailing siya at bumalik na sa kanyang kinauupuan bago pa magising ang dalaga.
"Sino iyon, Rio?" kunot-noong tanong ni Kris at pilit na tinitingnan ang lugar na nilapitan kanina ng kaibigan. "Babae? May bago ka ng babae bukod kay Zane?"
"Pinagsasabi mo?" kunot-noong balik-tanong naman ng binata. Babalingan sana ulit ni Kris si Yu'er ng tingin nang batukan ito ng kaibigan. "Magpokus ka na sa pag-aaral. Akala ko ba balak mo akong lamangan? Bakit iba ang inaatupag mo? Akala mo ba madali akong kalaban?"
Nagkamot naman ng batok ang huli at tumango na lamang. "Nagtatanong lang naman."
Nagkibit lamang ng kanyang balikat si Rio at nagsimula na ulit na sagutan ang kanyang iniwang questionnaire. May maliit na ngiting sumilay sa labi nito nang maalala kanina ang mala-anghel na itsura ng dalaga habang natutulog.
Sinuklay ni Rio ang kanyang buhok dahil sa mga ideyang pumapasok sa kanyang isipan. Ngunit nang may narinig siyang tilian ay kaagad din niyang kinuha ang kamay sa kanyang buhok at ibinalik iyon sa pagkakahawak sa librong binabasa.
Mabuti na lang at nasa loob sila ng library dahil kung hindi ay baka dinumog na ito ng mga babaeng nagpapatansya rito.
Inis na tinapik niya ang kamay ni Kris na kanina pa kumakalabit sa kanya. "Ano ba, Krisantino Bernardo, may ginagawa ang tao, eh."
"Sorry naman, dud, akala ko kasi ay binabantayan mo ang babaeng nasa unahan natin. Sige na tapusin mo na iyang ginagawa mo—"
"What do you mean?" putol ng binata sa sinasabi ng kaibigan habang pinaningkitan ito ng mga mata. Sa halip na magsalita ay ininguso naman ng huli ang nasa kanyang harapan kaya sinundan din iyon kaagad ng tinging ng una.
Nagdikit ang mga kilay nito habang nakatitig sa dalawang taong nagtatawanan na ngayon sa kanyang harapan. Kilala niya ang kasama ngayon ng babae at kung hindi siya nagkakamali ay isa rin ito sa naging dahilan kung bakit umalis si Zane.
Napangiwi siya sa isiping iyon kung matagal na itong magkakilala ay natitiyak niyang plinano ng dalawang ito ang nangyari sa kanila Zane. Inis niyang nilukot ang papel na hawak at tumayo sa kinauupuan niya.
"Saan ka pupunta, dud?" tanong ni Kris sabay hawak sa kamay ng kaibigan na malapit sa kanya. "Akala ko ba may ginagawa kang importante?" may pang-aasar sa boses na sambit ni Kris. Balak niya sanang sitahin ito ngunit nang biglang maglapt ang mukha ng dalawa.
Walang pagdadalawang-isip na nilakad niya ang mesa ng dalawa. Nang walang makapansin ay kaagad niyang tinapik ang mesa. Marahan lamang iyon ngunit nakuha naman niya ang ninanais.
"Anong problema mo?' inis na tanong sa kanya ni Yu'er. "Umalis ka na nga rito nakakaistorbo ka sa pag-aaral ko."
"Ako istorbo pero kung ang lalaki na ito ay wala kang masabi at tumatawa ka pa." Hindi makapaniwala na tanong ni Rio sa dalaga. Kumunot naman kaagad ang noo ng dalaga ngunit isinawalang bahala na rin niya kaagad kung anuman ang ideyang pumapasok sa kanyang isipan.
"He's my friend kaya wala kang pakialam kung andito siya ngayon sa at nakikipag-usap sa akin. Kahit saan kami magpunta ay pwede kaming mag-usap pero tayong dalawa ay wala ng tsansa," mariin na wika ni Yu'er sa lalaking kaharap. "Binigyan na nga kita ng pagkakataon na malayo sa akin, ikaw naman itong lapit ng lapit. Mag saltik ka ba?"
"Don't flatter yourself, miss, hindi porke't palagi tayong nagkikita ay may gusto ako sa'yo—"
"May sinabi ba akong ganoon?" kunot-noong tanong ni Yu'er kay Rio. Natigilan naman ang huli at napakamot sa kabyang batok, habang naghahanap ng pwedeng isagot dito. "Umalis ka na nga sa harapan naming dalawa, Rio, Nagsisimula na akong mairita r'yan sa pagmumukha mo."
Tumatango naman ang binata na sinunod ito. Ayaw na muna nitong kulifin ang dalaga dahil nakita naman niya na ayaw nito sa kanyang presensya kaya hindi na muna niya ito pipiliton lalo na at pinakatitigan na silang tatlo roon ng ibang mga studyante.
Pero bago umalis si Rio ay hinawakan muna nito ang balikat ni Riley. Umismid naman ang huli at tatapikin sana iyon nang inilapit naman ng una ang kanyang bibig sa tainga nito.
"Alam ko na isa ka sa mga rason kung bakit nangibang bansa si Zane."
"You have no evidence, Mr. Reigo, kaya wala kang karapatan na pagbintangan ako," mariin na balik dito ng binata. Nakagat ni Rio ang pang-ibabang labi sa sobrang inis sabay napipilitang tumango sa sinabi nito. "Kung wala ka ng ibang sasabihin ay umalis ka na."
"Maghahanap ako ng ebidensya sa ginawa ninyo kay Zane. Magkakampi kayo 'di ba? Balak niyo talaga kaming paghiwalayin—"
"Mr. Reigo, Ms. Marquis at Mr. Foster, out!" may kalakasang sigaw ng librarian nang makalapit ito sa kanila. Naiinis naman na kinuha ni Yu'er ang kanyang bag at nauna nang tumayo at naglakad palayo sa dalawang nakiipagpaligsahan pa rin ng titigan. "Kayong dalawa para kayobg mga bata! Hindi niyo ba alam na nakakaistorbo kayo ng ibang estudyante?"
"I'm sorry," sabay na hingi nang paumanhin ng dalawa at lumabas na rin ng library. Naguguluhan naman na sinundan ng tingin ni Kris ang kaibigan na hindi man lang nag-aksaya ng oras para lingonin siya o di kaya'y kunin ang mga gamit nito.
Nagkamot sa likuran ng kanyang ulo bago tumayo at inayos na ang mga gamit at nang matapos ay pinuntahan na rin ang kaibigan.
"NAIWAN mo ang mga gamit mo, Rio," wika ni Kris na hinihingal na kakahabol sa una. Hinawakan pa nito ang dibdib para ipakita sa isang binata na pagod na pagod siya kakahabol dito. "Bakit ba nagmamadali kang umalis?"
Inabot ni Rio ang mga gamit sa kaibigan at tinapik ito sa kanyang balikat. "Maraming salamat dito, pare, pero may kailangan kasi akong puntahan kaya maiwan na muna kita."
Naikunot ni Kris ang kanyang noo dahil sa sinabi ng kaibigan. Ilang taon na niya ito kasama ngunit ngayon niya lang ito nakita sa ganitong sitwasyon, na tila ba hindi mapakali at may kung anong pagmamadali sa kilos nito.
"Rio, may—"
"I need to go," wika nito sabay lakad palayo kay Kris na walang ibang magawa kundi sundan na lamang siya ng tingin.
UMIKOT ang mata ng binata para hanapin si Yu'er at nang hindi niya ito mahanap sa kwartong iyon ay kaagad siyang tumakbo palabas.
Habang tumatakbo sa hallway ay may nabangga pa siyang isang estudyante. Sa halip na binitawan ito ay hinawakan nito ang balikat ng kaharap at tinitigan ito sa mata.
"Nakita mo ba si Yu'er Marquis?" tanong niya sa lalaking natameme na habang nakatitig sa kanyang mukha.
Kilala ng mga ito si Yu'er dahil panay ang habol nito sa kanya. Palagi silang topic sa school website kaya kung may hindi man nakakilala rito siguro iyon ay ang mga freshmen at mga transfer students.
"Hey!" untag ni Rio sa lalaking hindi pa rin umiimik. Napaayos naman ito ng tayo at tiningnan siya nang nanlalaki ang mga mata. "Naiintindihan mo ba iyong tinanong ko sa iyo?"
"I'm sorry, Senior Rio, hindi lang po ako makapaniwala na kinakausap niyo ako ngayon. Ano po ulit iyong tanong ninyo?"
Pikit-matang napabuntong-hininga ang binata at muling tinapik ang balikat ng kausap. "Nakita mo ba si Yu'er Marquis? May sasabihin ako sa kanyang importante kaya kailangan ko siyang mahanap ngayon."
Sinundan niya ng tingin ang itinuro ng lalaki. "Nakita ko po siyang umakyat d'yan. Sa tingin ko po ay pupunta siya sa rooftop."
Tumango naman siya kaagad at nagpasalamat dito bago tinakbo ang hagdan kung saan pwedeng daanan patungong rooftop. Bawal ang lugar na iyon sa mga estudyante pero kung malakas ang kapit mo sa school o isa sa mga sponsors ang mga magulang mo ay walang bawal sa estudyanteng iyon, at isa nga si Yu'er sa mga may pribilihiyong estudyante.
"Yu'er! Yu'er Marquis—"
"Ano ba ang sinisigaw mo r'yan, Reigo?" gigil na sagot nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita kaagad nang makita niya ang dalaga na nakasandal sa may railings. May ngisi sa labi nito habang nakatingin sa kanya. "Hindi ka pa rin ba tapos sa pakikipag-usap sa akin? Isang lapit mo pa ay aakalain ko na talaga na may gusto ko na sa akin."
Napatikhim siya sa sinabi nito. Ang ganda ng dalaga sa suot nitong pulang dress na hanggang tuhod lang nito. Kumikintab pa ang kaputian nito dahil sa init ng araw at ang lumilipad niyang kulay blondeng buhok ay naghahatid ng kakaibang liwanag na nakapalibot dito.
'Beautiful' Napailing ang binata sa isiping dumaan sa kanyang isipin.
"Hindi ako matatapos sa iyo hanggat hindi mo naibabalik sa tabi ko si Zane." Napabuntong-hininga ang dalaga at sinuklay ang mahaba at tuwid na buhok nito.
"I'm tired of this, Reigo. Hindi ko alam kung bakit mo ako kinukulit sa babaeng iyon. Sinabi ko na sa kanya ang lahat, hindi ko rin maalala ang ibang pangyayari sa buhay ko. Kung may kasalanan man ako sa inyo dati ay patawarin mo ako. Sa ngayon ay ayaw ko nang magulo pa ang buhay ko. Gusto ko na lang na payapang makapagtapos," mahaba kong lintanya. "Kung gusto mo talaga siya ay ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para balikan ka niya—"
"Uulitin ko rin sa iyo, Marquis, ikaw ang rason kung bakit siya umalis kaya ikaw dapat ang magpabalik sa kanya rito."
"I don't want to. Bigyan mo ako ng ibang gagawin para maging patas na tayo huwag lang ang magmakaawa sa babaeng iyon."
'Yu'er Marquis will never beg. Never!' iyon ang mga salitang paulit-ulit na binabanggit ni Yu'er sa kanyang isipan.
Ngumisi naman ang binata at tumango sa sinabi nito. "Okay then..."