Chapter 09:

1001 Words
YU'ER "Yu'er!" masayang tawag sa akin ni Riley. Kumunot ang noo ko dahil sa biglaan paglapit at pag-akbay niya sa akin. "Bakit ang iksi yata ng damit mo ngayon? Hindi ka giniginaw?" Tinapik ko ang kamay niya at inayos ang aking buhok. Tiningnan naman niya na ako na nanlalaki ang mga mata. "Anong problema mo, Riley? Bumalik ka na nga sa klase mo. Sinisira mo ang araw ko!" inis kong saad sa kanya. "May lagnat ka ba? Bakit ang sungit mo yata ngayon?" Sinuri nito ang buo kong katawan sabay napailing. "Kaya ka nilalagnat kasi ang iksi niyang suot mo!" reklamo niya. Pinaikot ko ang aking mga mata sa pagkairita sa kanya. Iniwan ko na rin siya roon dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang first class ko. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa classroom ko nang makasalubong ko na naman si Rio. Sa totoo lang kahit na ayaw kong makita ito ay napakaliit talaga ng mundo naming dalawa lalo na at pareha kami ng department. Nabasa ko sa libro na lahat ng gusto at pinipili ni Rio ay sinusunod naman ni Yu'er. Napabuntong-hininga ako at lalagpasan na lang sana siya nang bigla nitong hinawakan ang aking braso at inilagay ako sa kanyang harapan. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya lalo na at narinig ko ang impit na tili ng mga taong nasa hallway lang at nakatingin sa amin. "Balak mo bang maging artista?" naiinis kong sita sa kanya sabay tapik ng kanyang kamay. "Ano?" naguguluhan niyang tanong. "Sabi ko balak mo bang maging artista dahil nagpapansin ka naman d'yan sa mga tao?" Nagdikit ang dalawa niyang kilay kaya napaatras ako kaagad. He looks so intimidating. Nakakatakot ang aura na pinapakita niya ngayon. "Do you really need to change para lang mapansin ko?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon. May nakuha rin naman pala si Yu'er sa pagsunod niya sa lalaking 'to. She caught his attention, hindi nga lang nito nabigyan ng pagkakataon ang babae dahil busy ito sa kanyang protagonist na si Zane. "I don't care about you and what you think about me. Tigilan mo na ang paggulo sa buhay ko, Rio, dahil ayaw ko pang mamatay," mariin kong saad. Maglalakad na sana ako palayo rito nang muli na naman niyang hinarangan ang aking daanan. "What the heck is your problem?" Hindi ko na mapigilan na bulyawan ito. "Nothing. I just want to talk to you." "Talk to me? For what?" Pero bago pa ito makasagot sa tanong ko ay dumating naman ang professor namin. "Nevermind," wika ko sabay kibit-balikat at pasok na sa loob ng classroom. Alam ko naman na kukulitin na naman niya ako tungkol kay Zane. Pero kahit ilang beses niyang sabihin sa akin na humingi ng tawad at pabalikin dito ang babaeng iyon ay wala akong magagawa, lalo na at hindi ko naman utak ang dinadala ng babaeng iyon atsaka hindi rin ako ang writer ng libro na'to na pwedeng baguhin ang lahat ng nakasulat. MABILIS natapos ang oras ng klase sa subject ni Prof. Gayatgat kaya busy ang lahat sa pag-aayos ng mga gamit para pumunta sa next subject ng mga ito. Ako naman ay tamad na tamad na tumayo dahil wala naman akong kasunod na klase. Kakalagay ko pa lang ng aking mga gamit sa bag ko nang biglang hinarangan ng ibang mga babae ang aking dinadaanan. Napabuntong-hininga ako at tiningnan sila isa-isa. "What's the problem?" Kalmado kong tanong sa kanila.  "Bakit mo nilalapitan si Prince Rio? Hindi ka nababagay sa kanya—" "Bulag ka ba? O malabo iyang paningin mo? Hindi mo ba nakita na si Rio ang lumapit sa akin?" taas-kilay kong tanong sa kanya. Natameme naman siya sa sinabi ko. Tiningnan ko rin ang babaeng katabi nito. "Ikaw may sasabihin ka rin ba? Sabihin niyo na kaagad dahil mahalaga ang oras ko!" Umiling naman ito kaya kaagad ko silang hinawi sa daanan ko at naglakad na palabas sa classroom na iyon. Balak kong magpunta na lamang sa library para wala masyadong istorbo. NAPANGITI ako nang makarating ako sa library. Sobrang tahimik doon kahit marami namang tao, halatang disiplinado ang lahat ng estudyanteng naroroon at tanging pag-aaral lamang ang ipinunta sa lugar na iyon. Malaki ang buong lugar kaya imposibleng makita ko pa ang pangit na pagmumukha ng Rio na iyon. Naglakad ako patungo sa pinakahulihang parte ng library at naghahanap nang mauupuan dahil medyo puno na rin ang mga tables. Gusto ko iyong ako lang muna mag-isa o di kaya'y kaunti lang ang naroon sa table. Napangiti ako nang makahanap ako ng pandalawahang upuan. Nasa gilid iyon ng may bintana kaya mas gusto ko ang pwesto no'n. Mabilis ang ginawa kong paglakad para makapunta sa lugar na iyon. Inilagay ko muna ang aking bag sa mesa bago pumunta sa mga shelves para kumuha ng libro. Hindi naman ako magsasagot o magre-review. Gusto ko lang talaga na magbabasa ng libro para ipahinga ang utak sa mga nangyayari ngayon. Nang may nahugot na akong libro ay bumalik na rin ako sa aking mesa. Hindi na ako namili nang babasahin sa table of contents. Binuksan ko na lang iyon kaagad at hinayaan ang kamay ko na pumili ng pahinang gusto nito. Nagsimula akong basahin ang laman no'n kahit wala namang pumapasok sa utak ko, at nang mapagod ay hinayaan ko ang aking sarili na mamangha sa magandang tanawin sa labas ng library. Everything feels so calm and warm kaya namalayan ko na lang na humihikab na pala ako. Sa halip na lumabas at maghanap ng pwedeng matulogan ay pinatayo ko na lamang ang libro na binabasa ko kanina at ipinatong ang kamay ko sa may mesa para higaan iyon. Napangiti ako nang maayos ko ang aking posisyon at unti-unti nang ipinikit ang aking mga mata. Saglit lang naman akong matutulog, gigising din ako mamaya at hindi naman ako aabutin ng pag-close ng library. "A nap is not a waste of time," mahina kong bulong sa aking sarili at hinayaan na ang aking sarili na tangayin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD