Chapter 08:

1066 Words
YU'ER NAPATINGIN ako sa dalawang taong sumalubong sa akin pagdating ko ng bahay. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita, bakit nandito sila mama at daddy? Hindi ba sila abala sa kanya-kanyang trabaho? "Ma, dy, bakit po kayo nandito?" tanong ko sa kanila. Kinuha ni daddy ang aking bag habang hinawakan naman ako ni mama sa kamay. "Alam mo ba na palagi ka naming sinasalubong ng daddy mo kapag uuwi ka galing paaralan?" Ang swerte naman ni Yu'er kung ganoon. Kung may galit nga ang writer kay Yu'er ay bakit niya pinagbigyan ito ng magandang pamilya? "Hindi naman na po kailangan, kaya ko naman po ang sarili ko, ma. Alam kong busy rin po kayo sa trabaho." Sumimangot si mama sabay pisil sa aking kamay. "Dati noong sinabi mo iyan ay pinaniwalaan kita pero anong nangyari sa iyo? Muntikan ka nang mawala sa amin, anak, at hindi ko na uulitin ang kasalanan kong iyon." Pinisil ko rin pabalik ang kanyang kamay dahil alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit namatay ang anak nito. Hindi ko alam kung totoo ba ang nararamdaman nitong kalungkotan dahil ni isang beses ay wala naman akong naramdaman na ganoon mula sa ibang tao na nakapaligid sa akin. Ang mga tauhan naman sa bahay ay ginagawa lamang nila iyon dahil sinasahoran sila, at kapag wala ako sa kanilang harapan ay puno naman ako ng mura sa mga ito. Hindi ko naman sila masisisi dahil puro lang din naman kasamaan ang natatanggap nila sa akin. Aaminin ko na kulang ako sa aruga ng magulang. Walang nangangaral sa akin sa tuwing nagakakasala ako, atsaka wala rin akong natanggap na pagmamahal mula sa ibang tao, kaya hindi ko rin alam kung paano pakikitunguhan ang mga taong nasa paligid ko. "May nararamdaman ka bang kakaiba? Nakatulala ka na naman, anak." Nanlalaki ang aking mga mata nang makita kong tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.  "Bakit po kayo umiiyak, ma? Wala naman pong nangyayari sa aking masama," pagpapatahan ko rito. Tumawa naman ito kahit na lumuluha at niyakap ako nang mahigpit. "Pasensya ka na sa mama mo, hija, at palaging emosyonal," humihikbi pa rin na wika nito. Malapad akong napangiti at ginulo ang kanyang buhok. Laking pasasalamat ko nga rito at dahil sa kanila ay napagtanto ko na may iba rin pala akong pag-uugali. Hindi lang pala ako iyong palaging masungit at nagmamaldita na Yu'er. Nalaman ko rin na sa kabila nang kasamaan na pinapakita ko sa kanila noong una ay tinanggap pa rin nila ako at inintindi. "Nagsisisi lang ako dati na hinayaan kitang mag-isa at dumepende sa sarili mong mga paa, hija. Ngayon na binigyan kami nang pagkakataon na baguhin ang lahat ay hindi ko ito sasayangin, anak." "Dad, lumuluha na rin iyang mga mata ninyo. Tayo na nga sa kusina at nagugutom na ako baka mag-iyakan na tayong tatlo rito!" reklamo ko sa kanila na tinawanan lang naman ng mga ito. Pareho kong hinawakan ang kanilang kamay at hinila sila papunta sa may dining area. "Ang dami naman po nang pinaluto niyo, ma." Namamangha ako sa dami ng pagkain na naroroon sa mesa. "Hindi niya iyan pinaluto, anak, siya mismo ang nagpaluto n'yan dahil gusto ka raw niyang patabain!" natatawang saad ni papa. Natampal ko ang aking noo dahil sa salitang 'patabain'. Ayaw na ayaw kong tumaba dahil gusto kong masuot ang damit na gusto kong suotin. Wala naman akong problema sa mga matataba ayaw ko lang talaga na makita ang sarili ko sa ganoon. "Yu'er, kumusta ang skwela? Wala bang nanggugulo sa iyo roon—oh? Ngayon ko lang napansin nagpaayos ka na pala ng buhok. Gumanda ka lalo, anak!" Kinindatan ko si mama at inilagay sa plato ang kutsara at tinidor, bago inayos ang buhok ko sa kanilang harapan. "Kasing-ganda ko na po ba kayo, ma?" "Mas maganda ka pa sa akin, anak, dahil gwapo rin si daddy mo!"  "Oo nga po pala. Salamat po sa genes, parents!" Nagtawanan kami sa harap ng lapag ngunit sa kabila ng aking malakas na tawa ay napaisip ako kung kamukha ko nga ba talaga ang parents ko ngayon. Pero imposible iyon, ibang-iba ang mukha ng mga magulang ko sa totoong mundo kaysa rito. Sa tingin ko ay hindi kilala ng writer ang mga magulang ko kaya gumagawa na lang siya ng mga character na malayo sa katotohanan. MATAPOS naming kumain ay dumeretso na ako sa kwarto at naglinis ng katawan. Pagod na pagod na ako ngunit mas nangingibabaw sa akin ang sabik dahil sa bago kung ayos na buhok at bili na damit. Gusto kong makita ang dating ako sa katawan na ito. Sa tingin ko ay matagal-tagal pa akong makabalik sa totoong buhay kaya susulitin ko na muna ito. "Yu'er, natutulog ka na ba? Pwede bang pumasok si mama? May itatanong lang ako sa iyo, anak." Nasa labas ito ng kwarto ko kaya agaran akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. "Ano po iyon, ma?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Itatanong ko lang kung balak mo bang ibenta iyong apartment na binili mo dati?"  Nagkamot ako sa aking batok. Ito yata ang apartment na binili ni Yu'er para magkalapit sila ni Rio. Ang hindi niya alam na sa kanyang paglipat-bahay ay nagbabalak din naman ang huli na ibenta ang apartment na binili nito, para hindi magalit sa kanya si Zane. "Hindi ko alam kung saan iyon. Pwede niyo po ba akong samahan? Balak kasi ng mga kaklase ko na magpa-party roon. Pwede po ba na hayaan niyo muna na manatili ako roon hanggang sa katapusan ng buwan?" "Gusto mo lang yata na makita ang Rio na iyon, anak!" Kaagad akong umiling sa sinabi ni mama bilang pagtutol dito. "Bakit ko naman po gugustohin ang taong naging dahilan nang..." Humina ang boses ko para hindi marinig ni mama. Ayaw ko na lang ulit na balikan ang pangyayaro na iyon at baka maging daan pa ng away. "Ano iyon, anak? Hindi ko marinig. Humina yata ang boses mo." "Sabi ko po, ma, hindi po si Rio ang pupuntahan ko roon. Balak ko lang po talaga na makita ang apartment na iyon at baka.may maalala ako atsaka gusto ko rin po dalhin doon ang nagpakilala sa akin na kaibigan ko." Napabuntong-hininga si mama at tumango na lang. "Basta hanggang katapusan ka lang doon, okay?" "Okay po, ma!" masaya kong saad sabay yakap sa kanya. Gusto ko talagang tingnan kung anong laman ng apartment ni Yu'er.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD