YU'ER
Napapalakpak ako sa tuwa nang makita ko ang magandang resulta nang ginawa ko sa kanya. Pinaikot ko pa ito ulit bago tumango at tinulak na siya palabas ng banyo.
"Parang ang iksi naman yata ng damit na ito, Yu'er," wika niya habang pinipilit na ibaba ang kanyang suot na damit. Tinaasan ko siya ng kilay at tinapik ang kanyang kamay na hindi matigil sa kanyang ginagawa.
"Be confident. Huwag mo ngang hayaan ang sarili mo na mapahiya sa lalaking kakausapin mo mamaya," inis kong saad sa kanya at hinila na siya patungong rooftop.
"Pero hindi ko kaya na sabihan siya nang masama," wika niya sabay salikop ng kanyang kamay na tila ba kumukuha ng lakas sa isa't-isa. "Natatakot ako na baka tuluyan na siyang mawala sa akin kapag ginawa ko iyon."
Napaismid ako sa kanyang sinabi at nilingon muna siya bago buksan ang pintuan. "Kung ayaw na niya sa iyo bakit kailangan mo pang ipilit ang sarili mo? Kung hindi man kayo maghiwalay ngayon pagdating ng araw mas lalala pa ang problema niyong dalawa. Cheating iyong issue na sinabi mo sa akin but I saw some bruises at your back. Hindi ba dahil iyon sa pananakit niya sa iyo?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.
Napalunok naman siya habang umaatras. Napangiti ako sabay tango sa kanya. "P-paano—"
"Don't worry, hindi ko naman ipagsasabi sa iba atsaka hindi rin kita pipilitin na hiwalayan siya dahil ikaw naman talaga ang magde-desisyon n'yan, binibigyan lang kita ng advice." Nagkibit-balikat ako at pinindot ang passcode at pumasok na sa loob kasama siya. "Go find him may hahanapin lang akong importanteng tao."
Nasa sulok na sofa si Rio kaya naglakad na ako papunta roon. Sa pagkakunot ng kanyang noo alam ko na kaagad na hindi maganda ang mood nito. Pikit-mata akong napabuntong-hininga dahil ako na naman ang pagbubuntunan nito.
"Why are you late? I'm hungry," seryoso niyang saad nang makarating ako sa kanyang harapan. Napabusangot ako at inilagay sa mesa ang binili kong pagkain. "What's this?"
"Food. G*go ano pa ba ang nasa isip mo? Iyon naman talaga ang pinapabili mo 'di ba?"
Binuksan naman niya kaagad ang lunchbox at tinikman ang laman no'n. "Masarap pero bukas gusto kong sariling luto mo na ang kakainin ko."
"What the f*ck, Rio! Namimihasa ka na, ah? Ako magluluto para sa iyo? Hindi ko nga kayang ipagluto ang sarili ko!" naiinis kong bulyaw rito. Kung kaya itong ipagluto dati ni Yu'er pwes ibahin niya ngayon!
Dati noong sumusubok pa lamang ako sa pagluluto halos pasabugin ko na ang mansyon ngayon pa kaya?
"Gawain mo naman iyan dati bakit hindi mo na pwedeng gawin ngayon?"
Sinimangotan ko siya bago umupo sa tabi nito. "Dati iyon. Malayo na ako sa dating Yu'er na nakilala mo kaya huwag mo nang ibalik pa ang nakaraan—"
"Bakit? Dahil hindi ikaw ang tunay na Yu'er? Sino ka nga ba talaga, Yu'er?"
Nanigas ako sa aking kinauupuan dahil sa biglaan niyang tanong. Sa totoo lang pwede ko lang naman iyong tawanan at sabihing hindi totoo at nababaliw lang siya, ngunit sa oras na ito ay gusto ko talagang may mapagsabihan sa problema kong 'to pero paano?
"Yu'er, biro lang iyon tinotoo mo talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay at iniwas ang tingin dito. Dumapo naman kaagad iyon sa babaeng kasama ko kanina.
Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko itong lumuhod sa harap ng lalaking hindi ko kilala. Anong pinanggagawa nito sa buhay niya?
"Kilala mo ba iyan?" tanong sa akin ni Rio. Nilingon ko lang siya saglit ngunit hindi sinagot at muling ibinalik ang tingin sa babae.
"Nakakadiri—"
"Gan'yan na gan'yan ka rin dati sa akin, Yu'er. Nagbago ka lang ngayon tapos tinatawag mo ng kadiri ang babaeng iyan?"
Natigilan ako sa sinabi ni Rio, hindi dahil pinagkumpara niya kaming dalawa. Ngunit naisip ko na hindi pala kaaya-aya ang sinabi ko kanina. Hindi naman niya kasalanan kung bakit niya minahal ang lalaki na iyan ng lubos.
"Ren, bumalik ka na sa akin. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Malakas naman na tumawa ang huli at itinulak ang dalaga na nasa kanyang harapan dahilan para mapahiga ito sa sahig.
Nanlalaki ang aking mga mata sa ginawa nito at tatayo na sana nang hawakan ni Rio ang aking kamay. Nilingon ko ito at pinaningkitan ng mga mata, umiling lang naman siya at hindi ako binitawan.
"Rio, ano ba! Let go," inis kong saad sa kanya.
"Let them settle their problem first. Kailangan na malaman ng babae na wala nang patutunguhan ang relasyon nilang dalawa ng lalaking iyan. Kung hindi ay babalik at babalik pa rin ito kahit anong gawin mo." Natigilan ako sa sinabi niya at tumango. Umayos ako sa aking kinauupuan at tiningnan na lamang silang dalawa.
Sigurado naman ako na walang kukuha ng video dahil ipinagbabawal iyon sa rooftop, nasa rules iyon para na rin ma-protektahan ang mga elite students nila.
Ngunit naririndi ako sa tawanan ng mga taong nanunuod ngayon. Nakakairita na gusto kong sapakin sila isa-isa lalo na ang mga babae na dapat sana ay sumusuporta sa babaeng sentro ng atensyon ngayon.
"Hindi ka talaga titigilan ng babaeng iyan, Ren, tingnan mo naman bumili pa ng mamahaling damit para lang sa iyo," wika ng lalaking nakahiga sa sofa na katabi lang ng Renee na iyon. "Miss, kung ako sa iyo hindi na ako mangangarap ng mataas. Iyang damit na iyan isang araw na allowance lang namin 'yan."
Ngumisi ako rito at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Mayaman nga ito puro branded iyong damit na suot niya kaya hindi ko siya masisisi. "Wala pa akong trabaho sa ngayon pero makakabili rin ako nang magagandang damit na babagay sa akin at hindi masagwang tingnan kapag magkatabi tayo—"
"Hindi mo ba ako maintindihan, Jamaica? Ayaw ko na sa iyo, wala akong pakialam kung makakaya mo nang bumili ng mga damit na ganito kapag naka-graduate na tayo dahil sa mga panahong iyon nag-iinvest na ako sa malalaking kompanya na hindi mo kayang gawin," naiiling nitong saad. "At ang isang katulad mo na basura ay hindi nararapat sa akin."
Malakas na umiyak ang babae tsaka ko lang naramdaman ang pagbitaw ni Rio sa aking kamay. "Go," mahina niyang saad. Tumango ako at naglakad palapit sa dalawa lalo na at dinuro-duro na nito ang noo ng babae.
Natigilan lang ang aking paghakbang nang marinig ko ang sinabi ng huli. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa likuran nito. Anong gagawin ko sa problema nilang iyon?