Chapter 18:

1110 Words
YU'ER Sinubukan kong humakbang ulit ngunit tila ba may batong isinabit sa gilid ng aking bewang para pigilan ako sa aking gagawin. Akala ko simpleng hiwalayan lang ito pero bakit may nadamay na ibang tao? "Buntis ako, Ren, at ikaw ang ama! Hindi ko kayang buhayin nang mag-isa ang anak natin," humihikbing saad nito sa binata. "Kung hindi mo kaya ay ipalaglag mo. Wala akong pakialam sa batang iyan kung halos lahat ng lalaki ay nakatalik mo—" Lumagapak ang malakas na sampal ko sa kanyang pisngi. Natigilan naman ang ibang estudyante na nakatingin sa amin. Hinuhusgahan ako ng mga mata ng taong nakakakita. Alam ko naman na mangyayari ito at wala akong pakialam doon. "Pumapanig ka sa hampas-lupa na iyan—" Muling tumagilid ang ulo nito dahil sa ginawa. Dati-rati ay gawain ko rin na mamahiya ng mga taong mas mababa sa akin, pakiramdam ko kasi ay mas nakakalamang ako sa kanila.  Pero habang nanunuod ako sa kanila kanina ay ikinahihiya ko na ang dating ako. Paano ko nagawang saktan ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang gumapang at mag-trabaho para mabuhay. Siguro dahil sa puso ni Yu'er na labis ang kabutihan ay unti-unti akong nagising sa katotohanan na walang magagawa ang kasamaan ko sa ibang tao. "Ipinagtatanggol niya iyan dahil gawain niya rin ang maghabol," wika ng babaeng nasa likuran nito at unti-unting niyakap ang lalaki. Ngumisi ako at pinatayo si Jamaica. She's too stunned to speak. Nanatili lamang ang mga mata nito na nakatitig kay Renee at sa babaeng yumayakap dito. "Do you really think your words can hurt me? You're one of his slut right? Bakit mo siya pinagtatanggol hindi mo alam baka isang araw iiwan ka na rin n'yan." "He will never do that!" nanggagalaiti niya sigaw sa akin. "He just did with this woman," nakangisi kong balik sa kanya. Nakita ko ang paglunok at paghigpit ng hawak niya sa lalaki. Hinawakan nito ang ulo ng huli at pinaharap sa kanya. Halatang kinakabahan na ito sa magiging sagot. "Hindi mo naman gagawin iyon sa akin hindi ba? Hindi mo gagawin iyon sa akin, Renee, dahil kapag nasaktan ako ay ibabalik ko iyon sa kapatid mong nasa military training. Kilala mo naman ang ama ko 'di ba?" Malakas akong tumawa at mas lalo silang nilapitan na dalawa. Hinawakan ko ang kwelyo ni Renee at inilapit ang mukha niya sa akin. "Duwag ka." "Anong sabi mo?!" namumula ang mukha na bulyaw niya. Ngumisi ako at itinulak siya palayo. "Ulitin mo ang sinabi mo—" "Sabi ko duwag ka! Hindi mo man lang kayang ipagtanggol ang mag-ina." Naipikit ko ang aking mga mata nang makita ko ang kanyang kamay na nasa ere. Sa posisyon niyang iyon halatang-halata na sasampalin niya ako. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin namang dumadapo sa aking mukha. Nagkamali nga lang ba ako? Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata para malaman ang nangyayari. Laking gulat ko nang makita ko si Rio sa aking harapan habang hawak-hawak ang kamay ni Renee. "She's my woman. Walang makakapanakit sa kanya dahil ako ang makakalaban ng mga taong iyon." Nanginig ang buo kong kalamnan nang marinig iyon kay Rio. Nabasa ko iyon sa libro noong pinagtatanggol ni Rio si Zane sa mga kaibigan ni Yu'er. Kung muli man na umikot ang mundo rito sa loob ng libro. Ibig bang sabihin no'n ay hindi na si Zane ang protagonist kundi si Yu'er na? Napahawak ako sa aking bibig sabay iling. Anong gustong ipahiwatig sa akin ng writer at bakit niya ginagawa ito? "Yu'er! Yu'er!" Napapitlag ako at bumalik sa aking diwa nang may maramdaman akong umaalog sa akin.  "Ano iyon, Rio?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Marahan nitong hinaplos ang aking mukha sabay tango. Nilingon ko ang lalaki kanina na nasa likuran nito bago siya muling binalingan ng tingin. "Huwag ka nang makipag-away dahil wala rin namang patutunguhan iyan. Nadala lang ako ng galit ko kanina dahil sa ginawa niya kay Jamaica." Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata. Nanatili ang pokus nito sa akin hanggang sa may tumulak sa kanya at nagtagpo ang aming mga labi. Nanlalaki ang aking mga mata at napaatras palayo sa kanya. Hinawakan ko ang aking labi dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. First kiss ko iyon at hindi ko matanggap na sa ganoong pangyayari iyon makukuha. Inis kong nilingon si Renee at ang bagong nobya nito. Inisang hakbang ko ang pagitan namin at hinablot ang buhok nito. "Ang bastos ng ugali mo! Hindi ka man lang marunong makinig." Hinawakan nito ang aking kamay at pilit iyong kinukuha sa kanyang buhok, nang hindi ito nagtagumpay ay umamba ito ng suntok ngunit kaagad ko rin namang naiwasan at binalikan ito ng sipa sa kanyang tiyan. Napaigik ito sa sakit kaya binitawan ko kaagad ang kanyang buhok at hinayaan siyang mapahiga sa sakit. "Ipapakulong kita—" "Subukan mo babae kung kaya mong kalabanin ang pamilya ko," nakangisi kong saad. "Hindi mo ba alam kong ano ang kaibahan ng antas ng pamumuhay namin sa inyo? Kaming mga negosyante ang nagdadala ng pera sa command at kung hindi namin papagalawin ang aming pera may makakain pa kaya kayo?" Napaawang ang kanyang labi habang nakatitig sa akin na puno nang pangamba. "Madali ka naman pa lang kausap." Ilang sandali lang ay natauhan din ito, lalapitan sana nito si Jamaica nang humarang ako. "You can't touch her. Kapag nalaman kung may nangyaring masama sa kanya. Sisiguraduhin ko na ang pamilya mo ang mananagot." Napalunok siya at unti-unti nang umatras. Mabuti naman at naiintindihan niya ang simpleng banta na iyan. "Aray!" tili ko nang biglang may pumitik sa aking noo. "Anong problema mo, Rio?" Hinawakan nito ang aking kamay at hinila ako palayo sa dalawa ngunit bago pa ako nito mapalabas sa kwarto ay pinatayo ko rin si Jamaica para sumama sa amin dahil delikado siya roon. "You need to go at baka may gawin silang masama sa iyo." Napamura ako sa aking isipan nang makita ko ang panginginig ng tuhod nito habang naglalakad. Delikado iyon sa bata at baka makunan pa ito. Tinapik ko ang balikat ni Rio at tinuro ang babae. "Buhatin mo muna siya dahil hindi niya kayang lumabas." "Ikaw ang personal assistant, Yu'er, pero ako ang inuutusan mo ngayon—" "Ngayon lang naman. Bumawi ka na lang mamaya sa iuutos mo sa akin," mahina kong wika. Ngumisi siya at ginulo ang aking buhok, hindi ko na iyon pinansin dahil simpleng itos lang naman ang ipapagawa nito sa akin. "Okay fine. Maghanda ka na para mamaya, Miss Marquis." Napailing ako sa kabaliwan niya at una nang lumabas. Sigurado akong walang tigil na naman ako nitong uutosan, tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD