YU'ER
"Uuwi na ako, Rio," wika ko at tumayo na mula sa sofa. Kanina pa kami rito sa apartment niya, wala na itong ibang ginawa kundi ang kumain at magpaluto ng mga pagkain na gusto nito.
Ilang beses akong nagpaulit-ulit sa pagluluto dahil palagi namang nasusunog ang gawa ko, kaya ramdam na ramdam ko ang pagod sa aking katawan.
Napatili ako sa sobrang gulat nang bigla niya akong hinila at iniupo pabalik sa may sofa. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanyang mukha na sobrang lapit sa akin. "Anong ginagawa mo, Rio? Lumayo ka nga sa akin—"
"Dito ka na lang kaya matulog?" Itutulak ko sana siya palayo sa akin nang hinawakan niya ang aking dalawang kamay. "Malakas ang ulan at may bagyo yata kaya hindi rin kita maihahatid sa inyo."
"No way!" kinakabahan kong usal. Ngumisi naman siya sa akin at hinaplos ang aking mukha. "Ano ba! Nahihibang ka na ba, Reigo? Sa sobra mo ba 'yang kabusugan?" naiinis kong sita sa kanya.
"Baka nga nahihibang na talaga ako dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kong nasa malapit ka lang."
Hindi pa ako nakakasagot dito nang idinampi niya ang kanya labi sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso, hindi ko mawari kung bakit ganito ang pagtibok nito. Ako na ang kumo-kontrol sa katawan ni Yu'er pero hindi ko pa rin mapigilan ang pag-react ng puso nito sa mga bagay-bagay.
"Get off me, Reigo, hindi ako pwedeng manatili rito sa bahay mo dahil magagalit si mama." Napapikit ako ng aking mga mata dahil nalalasing yata ako sa halik na iginawad nito sa akin.
"Let me kiss you one more time then." Napadilat ako ng aking mga mata at tinakpan ang kanyang labi bago pa niya ako mahalikan.
"Wala akong balak na sakyan iyang mga biro mo, Rio, kaya umalis ka na sa ibabaw ko." Pinipilit ko na lamang na ikalma ang sarili ko, dahil kung hindi baka sundin ko na rin itong t***k ng aking puso. "Nangako ako sa sarili ko na hindi na ulit iibig sa iyo kaya please lang, Rio, kung wala kang balak na saluhin ako ay huwag mo na akong lapitan nang ganito. Iyon lang ang hinihingi ko sa iyo."
"Paano kung ayaw kong hayaan ka sa gusto mo? Paano kung sasaluhin na kita sa pagkakataon na ito? Hahayaan mo ba ako, Yu'er?" Malakas akong tumawa dahil sa sinabi nito. Imposible iyon dahil si Zane lang ang nag-iisang gusto ng isang Rio Reigo, baka kapag hinayaan ko ulit ang sarili ko ay hindi na ako makabalik sa totoo kung mundo at mamatay na lang dito.
"Rio, hindi mo kasi naiintindihan! Huwag mo akong gagamitin dahil gusto mong makalimotan si Zane—"
"Hindi ko sinabi iyon, Yu'er. Gusto lang kitang makilala nang lubosan." Napabuntong-hininga ako at tumingala sa may ceiling. "Alam kong nagdududa ka sa mga ginagawa ko dahil malaki ang kasalanan ko sa iyo, pero gusto ko talaga na mapalapit sa iyo sa pagkakataong ito."
Sapat na ang isang buhay na nawala para sa lalaking ito. Hindi ko na ulit hahayaan na muling umibig ang babaeng ito sa maling tao. "Magpokus ka na lamang kay Zane, Rio," mahinahon kong saad.
Kung darating man ang panahon na magmamahal ako ulit ay sisiguraduhin kong hindi na sa kanya. Pero kaming napabitaw sa isa't-isa nang tumunog ang cellphone na nasa mesa. Mabilis ko iyong kinuha at sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Riley roon.
"Ri, napatawag ka? May importante ka bang sasabihin?" tanong ko sabay tayo sa may sofa at naglakad patungo sa may bintana dahil hindi ko kayang manatili kalmado sa mga titig na ibinibigay sa akin ni Rio.
"Nasaan ka? Hinahanap ka sa akin nila tita. Hindi ka raw umuwi sa inyo at hindi mo man lang daw sinabihan ang driver kung saan ka pupunta. Hindi ka rin daw nila makontak kaya ako na itong tumawag sa iyo."
Napakamot ako sa aking ilong dahil nakalimutan ko ngang gawin iyon kanina sa kakamadali sa akin ni Rio. Kung hindi lang sana ako nito hinila kaagad papunta sa kanyang kotse edi nakapagpaalam pa ako kay Kuya Sik.
"Nasa apartment ako ngayon, Ri, tatawagan ko na lang mamaya sila mama at daddy—" Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang may yumakap sa akin mula sa aking likuran.
"Are you okay, Yu'er? Bakit biglang gumaralgal iyang boses mo?" Hindi lang lumaki ang aking mata ngunit pati na ang butas ng aking ilong dahil sa sinabi ni Riley. Kung hindi ba naman hinaplos-haplos ni Rio ang aking tiyan ay hindi naman mangyayari iyon. "May kasama ka ba riyan?"
Pinipilit kong ilayo ang kanyang kamay sa akin ngunit mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa akin. "Bakit ba palagi mong kinakausap ang lalaking iyan."
Mabuti na lang at nailayo ko kaagad ang cellphone bago pa nasabi iyon ni Rio at baka hindi na matigil kakatanong sa akin si Riley. "Ri, tawagan na lang kita ulit mamaya. Naglilinis pa kasi ako ng apartment dahil wala akong matutulogan. Wala rin naman akong kasama rito. Bye!"
"Mag-iingat ka r'yan, okay?" Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita at binaba na ang tawag.
"Rio, ano ba?!" inis kong bulyaw rito nang maramdaman ko ang kanyang paghalik sa aking balikat. "Bakit mo ba ginagawa ito?"
"Dahil ba sa lalaking iyon kaya ayaw mo na sa akin?" seryoso niyang tanong. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg kaya biglang nagtayuan ang aking mga balahibo. "Aaminin ko na nagseselos ako sa bagong binibigyan mo ng atesyon ngayon. Bakit ka naghanap ng iba pagkatapos mong ilayo sa akin si Zane? Hindi ba dapat ay panagutan mo ako dahil sa ginawa mong iyon?"
"Ang hindi ko rin maintindihan ay kung bakit pinagpipilitan mo sa akin ang sarili mo ngayon kung ikaw nga itong gustong lumayo sa akin noon?"
Narinig ko ang kanyang malalim na pagbuntong-hininga. Humigpit din ang pagkakayakap nito sa akin. "I'm just..."
"You what?"
"Gusto kong bumalik ka sa akin. Mahalin mo ulit ako katulad nang pagmamahal na ibinigay mo sa akin noon, Yu'er." Natigilan ako sa sinabi nito. Paano ko gagawin iyon? Hindi ako ang Yu'er na may gusto sa kanya at basi sa libro ay kamatayan lang ang patutunguhan nang paglapit ko sa kanya.
Hahayaan ko ba na mamatay ng dahil dito?