YU'ER
Kinuha ko ang bag ko sa mesa at naglakad na palabas ng unit nito. Baka iba ang mapupuntahan ng pag-uusap naming ito, lalo na at kaming dalawa lang sa condo niya.
"Yu'er, where are you going? Malakas ang ulan sa labas hindi ka pa rin makakauwi sa inyo!" Sumisigaw ito kahit nasa hallway kami at walang katao-tao kaya dumagundong ang kanyang boses sa buong lugar. "Wala naman akong gagawing masama sa iyo. Matutulog ka lang naman dito para makapagpahinga."
"Huwag mo na akong sundan, Rio, kaya ko na ang sarili ko. Bumalik ka na lang sa unit mo para hindi na kita ma-istorbo."
Mabilis akong naglakad patungo sa elevator at iniwan na siya roon. Mag-isa naman akong nakarating sa hintayan ng mga sasakyan. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na sumunod sa akin si Rio.
Napatingin ako sa may bahang-baha na kalye. Kanina pa ako naghihintay rito ngunit wala pa ring mga taksi na dumaraan. Hindi ko alam kung may namamasahe ba sa ganitong panahon pero nagbabasakali pa rin ako.
Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at tiningnan ang nag-text. Pangalan ni mama ang nakatatak doon kaya kaagad ko iyong binuksan.
'Yu'er, tinawagan na kami ni Riley nasa apartment mo raw ikaw ngayon? Manatili ka na lang muna r'yan, anak, dahil malakas ang ulan isinarado na ang daanan patungo rito sa atin dahil sa baha.'
Iyon ang laman ng text kaya napabuntong-hininga ako kaagad. Kung hindi man ako uuwi sa bahay ay dapat makauwi man lang ako sa apartment, dahil nakakahiya naman kay Rio kung babalik pa ako sa unit nito.
"Hindi ka man lang nagdala ng payong." Napalingon ako sa taong nasa aking likuran nang hindi na tumatalsik sa akin ang tubig ulan. "Alam mong magkakasakit ka sa ginagawa mo na'to pero bakit nagpapaulan ka pa rin?"
"Bakit ka nandito? Sinabi ko naman sa iyo na hindi ako rito matutulog 'di ba?"
"Sasamahan lang kita na mag-antay ng sasakyan. Gabi na at umuulan pa hindi mo alam kung may mga masasamang loob na lalapit sayo rito." Hindi ako nakasagot kaagad sa kanyang sinabi at nanatiling nakapokus ang mga mata sa may daanan ng kotse. "Yu'er, umupo ka na lang muna roon sa may bench. Ako na lang ang maghihintay para sa'yo."
Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi nito. Kailan pa naging mabait ang isang Rio sa isang Yu'er Marquis? Ngunit dahil pagod na ako ay hindi na rin ako nagdalawang-isip na sumang-ayon dito. Naglakad ako patungo sa may bench na nasa likuran lang namin kanina.
'Salamat sa pagsabi kay mama, Ri, ililibre na lang kita bukas.' Itinipa ko iyon bago isinandal ang aking likod at ipinikit ang aking mga mata. Inaantok na ako, pakiramdam ko nga ay makakatulog na ako rito ng tuluyan dahil sa sobrang antok kung hindi lang sana maginaw.
"Yu'er?" Hindi ko pinansin ang tumawag sa aking pangalan at nagpahila na sa antok.
NAGISING ako dahil sa sobrang bigat ng aking ulo. Pakiramdam ko may hang-over ako kahit hindi naman ako nakainom kagabi.
"You need to eat breakfast and drink your meds." Muntikan na akong mapatili sa sobrang gulat nang marinig ang boses ni Rio. "Nagtataka ka ba kung bakit ako nandito?"
Marahan ko siyang nilingon dahil sumasakit ang ulo ko kapag nagiging magaslaw ako. "Nilalagnat ka na dahil sa pagpapaulan mo kahapon, kaya ka rin nandito sa condo ko dahil nakatulog ka kagabi at wala ring taksi na dumaan," pagbibigay-alam niya.
Muli kong isinandal ang aking likod sa may headboard at minasahe ang aking noo para mawala ang bigat ng ulo. "Kailangan kong umuwi mamaya, Rio—"
"Hindi kita papayagan. May lagnat ka pa at hanggang ngayon ay malakas pa rin ang buhos ng ulan," walang gatol niyang sabi. "Magpagaling ka na muna rito, Yu'er, baka mawalan ka ng malay sa labas."
Iiling na sana ako nang bigla niya akong sinamaan ng tingin. Napakamot ako sa aking batok at tumango na lamang dito. Ngumiti naman ito kaagad at inilapit sa akin ang tray ng pagkain.
"Simpleng breakfast lang itong niluto ko." Inabot ko iyon kaagad nang inilahad niya iyon sa akin. Ham, itlog atsaka kanin ang laman ng tray na iyon. "Is it okay with you? Dahil kung hindi ay magpapa-deliver na lang tayo rito."
"No need, Rio, I like it. Thank you, hindi ka na sana nag-abala pa."
"Kung hindi ako nagluto ano naman ang kakainin mo?" Napabuntong-hininga ako at hindi na nakipag-sagutan pa sa kanya. Tinapik ko ang kama para paupuin siya roon. "Bakit? May problema ka ba?"
"Sabayan mo akong kumain medyo marami kasi itong niluto mo." Hindi naman siya nagreklamo at tumabi nga sa akin. Hindi ako kumilos at tinaasan ko ito ng kilay kaya kaagad naman niya akong nilingon.
"May problema ba sa itsura ko, Miss Marquis?" tanong niya sabay hawak sa kanyang mukha. "Bakit parang nanghuhusga iyang mga mata mo na nakatingin sa akin?"
"Bakit ka kasi nakadikit sa akin? Hindi uso ang space sa iyo, Mr. Reigo?"
Nagkamot naman siya sa kanyang batok ngunit hindi rin naman gumalaw para lumipat ng kanyang kinauupuan. "Okay lang naman kahit ganito ako kalapit sa iyo. Hindi naman ako mabaho hindi ba?"
Nanlalaki ang aking mga mata nang bigla itong lumingon sa akin. Nagtama pa ang aming ilong sa sobrang lapit ng mga mukha naming dalawa. Lalayo sana ako sa kanya nang hinawakan naman niya ang aking batok at ginawaran ng halik ang aking labi.
"Anong ginagawa mo, Rio?!" hiyaw ko sa kanya nang bitawan niya ako. He licked his lips and smile widely.
"Morning kisses?" Natampal ko ang aking noo dahil sa sinabi niya. Kung ang totoong Yu'er ang nandito sigurado akong nagtitili na iyon sa sobrang tuwa, ngunit hindi naman ako siya kaya sampal kaagad ang inabot nito sa akin. "Bully ka talaga, Marquis, akala ko ba may gusto ka sa akin?"
"Dati iyon, Rio, wala na akong gusto sa iyo ngayon." Iniatras ko ang aking ulo nang inilapit na naman niya ang kanyang mukha.
"Talaga? Paano kung sabihin ko sa iyo ngayon na ibabalik ko ang dating nararamdaman mo sa akin?"
Ngumisi ako sa sinabi niya at umiling. "Hindi mo iyon magagawa kaya tumigil ka na lang."
"Really? Let's see, Yu'er."