RIO
Hinaplos ko ang mukha ni Yu'er nang may luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Simula kaninang umaga ay masama na ang pakiramdam nito. Kanina pa nga ito natutulog at wala yatang balak na bumangon mula sa kanyang kinahihigaan. Kung hindi ko pa ito pinipilit na magising para uminom ng gamot ay hindi rin ito babangon.
Mabilis kong hinawakan ang makapal niyang kumot at hinila ito patungo sa kanyang dibdib. "Ang ginaw..." Mahina ang pagkakawika niya ng mga salitang iyon, pero narinig ko naman.
Tatlong makakapal na kumot ko na ang inilagay ko rito, ngunit hindi pa rin nawawala ang kanyang ginaw. "Sinabi ko naman kasi sa iyo na dito ka na lang matulog. Nagpaulan ka pa talaga, tsk."
Naiinis ako sa desisyon na ginawa nito kagabi ngunit wala na rin naman akong magagawa. Tapos na ang lahat ng iyon kailangan ko na lang na alagaan ito para hindi lumala ang sakit niya.
Pumasok ako sa loob ng kumot para tabihan siya at yakapin ito nang mahigpit. Idinilat nitk ang kanyang mga mata para tingnan ako kaya hinaplos ko kaagad ang kanyang ulo para bumalik ito sa pagkakatulog.
"Sleep. Kailangan mo iyon para maibalik ang lakas sa katawan mo. Nandito lang ako at babantayan kita."
Sumilay naman ang ngiti sa kanyang labi at tumango bago muling ipinikit ang kanyang mga mata. Napatitig ako nang mabuti sa kanya nang tumagilid ito paharap sa akin. Sa ilang taon na paghahabol niya sa akin ngayon ko lang nakita ang kagandahang taglay nito, hindi ko lang alam kung bakit ko ito biglang naramdaman ngayon.
Siguro dahil nangungulila ako kay Zane? Imposible! Ilang beses na kaming naghiwalay ng huli pero hindi ako tumingin sa ibang babae. Nanatili akong tapat dito hanggang sa bumalik siya sa aking tabi, ngunit ngayon ay may kakaiba akong naramdaman para kay Yu'er.
Hindi ko alam kung ano ito pero gusto kong alamin iyon. May nag-uudyok sa akin na pansinin ko na ito at simulang kilalanin.
"Don't fall for me, Rio, hindi ako ang babaeng nakatadhana sa iyo." Kumunot ang aking noo nang marinig ko itong magsalita. Ngunit nang tingnan ko ito ay nakapikit pa rin naman ang kanyang mga mata.
Bumuntong-hininga na lamang ako at mas niyakap pa siya nang mahigpit bago ipinikit ang aking mga mata para matulog na rin.
IDINILAT ko ang aking mga mata nang may dumagan sa akin. Ang ulo ni Yu'er ang sumalubong sa akin. Nasa ibabaw ko ito ngayon at niyakakap ako nang mahigpit.
"Tulog ka pa ba? Baka naman gising ka na at gusto mo lang talaga akong mayakap?" natatawa kong asar sa kanya, ngunit sa halip na sagotin ako nang maayos ay isang ungol lamang nito ang aking narinig.
Tulog pa nga siya. Napangiti ako at ibinalik din ang yakap niya. Natutuwa ang puso ko dahil sa ginawa nito. "Ang aga namang tumutusok!" inis niyang sigaw at tiningnan ako.
Parehong nanlalaki ang aming mga mata dahil sa gulat. Siya na inaalala ang posisyon naming dalawa, ako naman na nakalimutan na may umuumbok pala tuwing umaga.
"Rio Reigo!" tili niya sabay alis sa ibabaw ko. "Pinagsasamantalaha mo ako!"
"Ako pa talaga, Yu'er? Sino ba itong parang tuko kong makakapit sa akin? Kay aga-aga minomolestya mo itong sexy kong katawan," nakangisi kong saad. Nandidiri naman siyang tumingin sa kabuuan ko bago tinapunan ng unan ang aking mukha. "Nahihiya ka? Hindi mo maamin sa akin na ikaw nga itong may balak na masama sa ating dalawa? Huwag kang mag-alala, Ms. Marquis, alam ko naman na malaki ang pagkakagusto mo sa akin—"
"Shut up! Kay aga-aga at kakatapos lang ng bagyo heto ka naman at nagyayabang. Sa sobrang kahanginan mo baka hindi lang bagyo ang dumating sa atin."
Mabilis siyang tumayo sa kama at nagpunta sa may salamin para tingnan ang kanyang sarili. "I look horrible! Oh my gosh!"
Kumunot ang aking noo nang bigla nitong binuksan ang mga drawer at inisa-isa ang mga gamit doon. "Anong ginagawa mo, Yu'er?"
"Where's your comb? Mukha akong ghost hindi mo ba nakikita?" Pinanlakihan pa ako nito ng mga mata para ipakita sa akin ang ibig niyang sabihin.
"Hindi ko alam kung nagseseryoso ka ba ngayon." She rolled her eyes and search the drawer again. "Hindi ka naman gan'yan dati 'di ba? Wala kang pakialam sa itsura mo, mas nanaisin mo pa nga na manatili rito sa tabi ko—"
"Thank you for the attention pero hindi ko na kailangan iyan ngayon. Sinabi ko na naman sa iyo 'di ba na tapos na ang kahibangan ko sa iyo. Atsaka hindi mo pa ako lubosan na kilala, Rio, hindi mo pa kilala ang totoong ako," seryoso niyang saad.
Naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya. Tumayo ako sa kama nang tinalikuran niya ako at bumalik sa drawer ang pokus. Mabilis akong lumapit sa kanya at ipiniin siya roon. Ramdam ko ang kanyang pagkabigla dahil sa ginawa ko kaya hindi siya kaagad nakakilos.
"Reigo, ano na naman ang problema mo?"
"You smell good."
"I always do. I'm Yu'er Marquis kahit hindi ako maligo ng isang linggo mabango pa rin ako." Mas lalo kong hinapit ang kanyang bewang kahit na pinipilit naman nito iyong tanggalin. "Hindi ko alam kung ano ang nakain mo these days pero hindi ka na talaga nakakatuwa, Rio!"
"Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa akin, Yu'er? Akala ko ba gusto mong mapansin ko o pinaglalaruan mo lang talaga ako?"
"I just don't want to be with you, Rio. Hindi ka ang itinadhana sa akin at hindi rin ako ang babaeng para sa iyo. Tanggap ko na iyon, kaya nga iniiwasan na kita para wala ng problema sa pagitan ninyo ni Zane 'di ba?"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. "Are you sure na wala ka na talagang pagtingin sa akin?" Inikot nito ang katawan paharap sa akin at malapad na ngumiti.
"Wala na," seryoso niyang sagot sa akin. Napabuntong-hininga ako sabay tango sa kanya. Kung ganoon nga ang nararamdaman niya ay dapat ko na iyong i-respeto. Ayaw ko rin ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya at baka mas lalo ako nitong kamuhian.
Lumayo ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. "Ihahatid na kita sa apartment mo baka ito na rin ang huling beses na gagawin ko ito kaya hiwag mo na akong tanggihan."
"Hmm... Okay!" masaya niyang saad at tinalikuran na ako.