Chapter 28:

1610 Words
Third Person Kinuha ni Yu'er ang cellphone at pinindot ang video recorder. Ipinikit nito ang kanyang mga mata bago malalim na bumuntong-hininga. Pinipilit niyang ikalma ang sarili para makapag-shoot na ng video ngunit hindi pa man siya nakakatingin sa cellphone ay nanginginig na ang buo niyang katawan. Kinakabahan din naman siya sa mangyayari pagkatapos niyang i-post ang video niya na'to, ngunit kung gusto niyang magkabalikan ang dalawa at makabalik siya sa totoong mundo ay kailangan niyang magsakripisyo. Nang hindi niya maatim na mag-video ay kaagad niyang inilipat sa may onlineweb ang atensyon.  Marahan siyang nagtipa ng mensahe, pinag-iisipan ang bawat salita para maliit na problema lang ang magagawa ng isyu na ito o di kaya'y hindi masali ang mga magulang niya.  "Good evening, everyone, ngayong araw na ito ay aaminin ko na ang nangyari sa amin ni Rio. Wala po siyang kasalanan nang gabing iyon, nilasing ko po siya para makuha ang gusto ko. Humihingi ako ng paumanhin sa dalawang tao na naapektuhan ko dahil sa ginawa kong iyon. I hope you'll forgive me," Yu'er. Mabilis na nai-post ng dalaga ang mensaheng iyon at nang makita ang mga hindi magandang komento ay kaagad niya ring ini-log out ang account. "Matulog tayo nang maaga, Yu'er, dahil hindi lang hanggang sa internet ang galit nila sa iyo," bulong nito sa kanyang sarili at bumalik na sa kama. "Sana hindi madamay sila mama at daddy sa problema na'to." NAKATINGIN si Rio sa dalagang nakayuko dahil pinagbulong-bulongan ng mga taong nasa front gate. Ngunit kung iisipin hindi pa nangangalahati ang mga taong nasa main gate kaysa sa taong nasa loob. Simula nang nangyaring pag-amin nito kagabi ay halos nabaliw na ang lahat sa isyung iyon. Halos lahat ng mga tao ay si Yu'er na ang pinag-uusapan. Hindi nila ito tinitigilan hanggat hindi nila nakukuha abg gusto nila. Kumunot ang kanyang noo nang may humarang sa huli na grupo ng mga estudyante. "Hey, Miss Landi, nahihiya ka na ba ngayon?" natatawang saad ng babaeng mataba at kulay blonde ang buhok. Tumingala naman si Yu'er at walang-emosyon na pinagmasdan ang kaharap. Akala niya ay nahihiya o matatakot ito dahil binabatikos na ng mga tao ngunit iba ang nakita niya sa mukha nito. Parang handa na rin itong salubungin at kalabanin ang mga taong magbabalak nang masama sa kanya. "Pakialam mo? Sino ka ba? Parte ka ba ng buhay ko? May idinulot ka bang maganda sa akin?" taas-kilay nitong tanong. Napangisi ang binata dahil sa kanyang nakita, mas gusto niya ang Yu'er na ito dahil palaban hindi katulad noong nakaraan na umiiyak kaagad kapag sinasaktan. Wala namang mali roon pero sa mundong ito kailangan mo ring maging matapang para hindi ka apihin ng iba. "Kung hindi ka sana nangingialam sa relasyon ng iba wala ka sana sa sitwasyon na ito—" "At kung hindi ka rin sana nangingialam sa problema ng iba edi wala ka rin sana dito sa harapan ko ngayon." Namula ang babaeng kaharap ni Yu'er dahil sa sinabi ng huli. "Bakit hindi ko pakikialaman kung inilagay mo sa mga social media ang mga baho mo? Hindi ba gusto mong sumikat? Edi ito na ang pagkakataon mo!" Nilingon nito ang mga kaibigan na nasa likuran nito at inuudyok ang mga 'to na magbigay ng reaksyon sa sinabi niya. Tila mga alipin naman na sumunod ang mga ito at naghiyawan para ipahiya si Yu'er. "Miss Eya, bakit hindi niyo po bigyan ng pasalubong si Yu'er para naman po maging masaya ang buhay niya," wika ng baklang may mala-demonyong ngisi sa kanyang labi. Kumunot ang noo ni Rio nang makita ang itlog na kinuha nito sa kanyang bag. "Good thing you bring it!" masayang saad ni Eya at kinuha ang itlog sa kamay ng kasama. "Ano ka bata? Huwag mo akong inisin at baka makita mo ang hinahanap mo," inis na saad ni Yu'er at naglakad na, ngunit hindi pa ito nakakalayo ay sinimulan namang batuhin ni Eya ang likuran nito. Walang pagdadalawang-isip na tinakbo ni Rio ang pagitan nila ng dalaga, ngunit hindi pa ito nakakarating nang may nauna na ritong tumulong. Gulat na gulat ang binata nang makita ang dating nobya na hinaharangan ang mga bagay na tinatapon kay Yu'er. Nang makita ito ng mga estudyante ay kaagad din na tumigil ang mga ito. "Miss Zane? Bakit po kayo narito? Bakit niyo po tinutulungan ang babaeng iyan? Pasensya na po talaga hindi po namin sinasadya." Itinaas ni Zane ang kamay nito para patigilin ang nagsasalita. "Bakit niyo naman ginagawa ito sa kanya?" tanong nito habang pinapahid ang mga dumi na dumikit sa kanyang mukha. "Sinira niya po ang relasyon ninyo ni Rio po!" Napabuntong-hininga ang dalaga habang naiiling. Napangiti naman si Rio dahil sa ginawa ng dating nobya. Nasa isip nito na hindi nga siya nagkamali sa pagkilala sa dalaga. Mabait ito at matulungin kaya nga nahulog ang loob niya rito. "Problema na naming tatlo ang bagay na iyon. Kung may nagawa man siyang mali at humingi siya ng tawad sa akin ay papatawarin ko naman siya dahil lahat naman sa atin ay may karapatang magbago. Kaya sana ay hayaan niyo na kami na ayusin ang problema namin," mahinahon at nakangiting saad ni Zane rito. Nilingon din nito si Yu'er na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin. "Hindi ba, Yu'er?" Sarkastikong natawa ang huli at tumakbo palayo nang hindi man lang sinasagot ang tanong ni Zane. "Walang-hiya talaga!" naiinis na saad ni Eya at nagpaalam na sa una. "Zane!" tawag ni Rio rito at patakbong nilapitan ang magandang dalaga. "Bakit ka nandito?" Simula nang maghiwalay sila ay lumayo na rin ang dalaga at naghanap ng ibang paaralan, na kahit anong pilit niya rito na manatili ay hindi siya pinagbigyan ng dalaga. Kaya nagtataka siya kung bakit nandito ito ngayon sa paaralan niya. "I just realized that I love it here at may naiwan ako rito..." Kumunot ang noo ng binata ngunit hindi na ito muling nagtanong tungkol doon. "I need to go, Zane, see you later—Zane!" Biglang natumba ang dalaga mabuti na lang at nasalo niya ito. "Bakit mo kasi sinalo ang mga bagay na iyon? Alam mo naman na mahina ang katawan mo!" Mabilis niya itong binuhat at dinala sa clinic. May nurse naman na umasikaso kaagad dito kaya nakaginhawa siya nang maluwag. Gusto sanang puntahan ng binata si Yu'er, ngunit kailangan niya ring tingnan ang kalagayan ni Zane lalo na at mas napuruhan ito kanina. Nang makita niyang tapos nang linisin at gamotin ng school nurse ang mga sugat ni Zane ay kaagad niya itong nilapitan. "May problema po ba?" kinakabahan nitong tanong.  "She's fine kailangan niya lang magpahinga. Marami lang siyang gasgas sa mukha pero gagaling din naman iyon." Nagpasalamat ako sa kanya at naglakad patungo sa may kama ni Zane. Payapa itong natutulog, may ngiti pa ito sa kanyang labi tila ba nasa loob ng isang magandang panaginip.  Hinawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha ng dalaga at ngumiti nang makita niyang gumalaw ito. "I'm sorry, Zane, sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa iyo. Sana maging masaya ka na sa bago mong buhay dahil hindi na kita maaalagaan pa." Tatayo na sana siya para puntahan si Yu'er nang biglang may humawak sa kanyang kamay. Napatingin siya kay Zane nang makita ito gising na. "Gising ka na. May masakit ba sa iyo?" nag-aalala niyang tanong sa dalaga. "Don't leave me..." mahinang saad ng dalaga habang pinipisil ang kanyang kamay. "Huwag kang mag-alala hindi kita iiwan tatawagin ko lang ang nurse para matingnan ka, okay?" Tumango namab kaagad ang dalaga at binitawan na ang kamay na binata. Lumabas naman kaagad si Rio para tawagin ang nurse. "Nag-aalala ka talaga sa nobya mo, hijo." "She's not my girlfriend." Wala na siyang balak na makipagbalikan pa kay Zane dahil gusto niyang ipagpatuloy ang panliligaw kay Yu'er. "Pakisabi po muna sa kanya na may binili lang ako sa labas. Babalik din po ako kaagad mamaya." "Sige, hijo." Mabilis siyang naglakad palabas ng clinic para hanapin si Yu'er. Una niyang pinuntahan ang rooftop ngunit wala naman ito roon. Sa laki ng paaralan hindi niya alam kung saan ito hahagilapin. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang dalaga ngunit hindi naman niya ito sinasagot. Ipinadyak niya nang malakas ang mga paa sa inis. Uulitin sana niya ulit iyon nang may marinig siyang paghikbi. Nanlalaki ang mga mata niya nang mapagmasdan ang buong lugar. Sa inis niya kanina nang bumaba galing rooftop hindi na niya namamalayan kung saan siya dinala ng kanyang mga paa. "Sh*t!" kinakabahan nitong mura. Usapin na sa paaralan nila na may multo sa lugar na ito. Hindi naman siya naniniwala noon ngunit ang iyak ng taong naririnig niya ngayon ay katulad ng iyak na sinasabi sa mga kwento-kwento. Paatras siyang naglakad palabas ngunit hinfi pa siya nakakarating sa may pintuan nang may nabangga siya. "Aah!" "Aah!" Sabay silang napasigaw nang nabangga niya. Kaagad niya itong nilingon nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. "Yu'er!" tuwang-tuwa na tawag niya sa dalaga.  "Mabuti na lang at nakita na kita." "Anong ginagawa mo rito? Huwag mo na rin akong hanapin, Rio, dahil naibalik ko na sa iyo si Zane. Wala na akong utang sa inyong dalawa, naisapubliko ko na rin ang kasalanan ko sa inyo. Huwag niyo na akong guluhin dahil sirang-sira na ako, maski ang buo kong pamilya," mariin niyang saad. "Yu'er, may gusto nga ako sa iyo! Hindi mo ba naiintindihan—" "Leave me alone, Rio..." Hindi nakaimik ang binata nang marinig iyon sa dalaga. "Wala na akong balak na idawit pa ang pangalan ko sa iyo at ito na rin ang huli nating pag-uusap sa bagay na 'to," wika ni Yu'er bago tinalikuran ang binata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD