Chapter 23:

1107 Words
YU'ER Inirapan nila ako ngunit hindi ko na iyon pinansin at nauna nang maupo sa may bakanteng silya katapat ng teacher's table. "Miss Marquis, hindi ako makapaniwala na makakaya mong gawin ito," nanlulumong saad ng guro. "Hindi ka naman ganito dati bakit bigla ka na lang nagbago?" What should I supposed to do? Ginawan nila ako nang masama dapat ba na tumunganga na lang ako? Hayaan sila na i-bully ako? "Siya po ang naunang nanampal sa akin, miss," wika ni Valencia. Hindi ko alam ang pangalan niya kaya sa apelyido na lang niya ko siya tatawagin. "Hindi naman po kami makikipag-away kung hindi siya ang nagsimula." "Ano ka bata?" nakakunot-noong tanong ko rito. Sa tono nang pananalita nito at paggamit ng mga salita para itong bata. Wala naman sana akong pakialam doon kung sa tama niya ginagamit iyon, tsk. "I want you to know that white lies are still lies. Kung may problema ka sa akin sabihin mo nang maayos hindi iyong kailangan mo pa akong kaladkarin para lang ipahiya sa ibang tao." Matapos kong sabihin iyon ay kaagad ko ring ibinalik ang aking paningin sa gurong umawat sa amin kanina. "Miss, tatanggapin ko po ang punishment na ibibigay ninyo. May kasalanan din naman po ako dahil pumatol ako sa kanila." Mabait pa ako sa lagay na ito sa mundong ito rin lang ako tumatanggap nang pagkakamali kaya ma-swerte sila. "Good. Kayong lima bibigyan ko ng kanya-kanyang task dapat ngayong araw ay matapos niyo na ang pinapagawa ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" Itinuro ko ang aking sarili sabay lapit dito. Gusto kong mauna dahil ayaw kong makasama pa ang mga taong ito sa iisang kwarto. "Ako na po ang mauunang humingi ng punishment, ma'am." "Sige, Yu'er, may mga bagong dating na mga libro. Pumunta ka sa library para tumulong sa pagche-check at sa pagpwe-pwesto ng mga ito sa mga shelves, okay?" Tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Mabuti naman at hindi paglilinis ang naiatas sa akin katulad sa mga nababasa kong libro. 'NASAAN ka?' basa ko sa mensaheng pinadala sa akin ni Riley. Napabuntong-hininga ako at nagtipa ng reply ko sa kanya. 'Papunta akong library. Nabigyan ako ng punishment kanina kaya kailangan kong tumulong doon.' Isang minuto lang ang lumipas matapos kong maipasa iyon ay may bagong mensahe na naman na dumating. Ang bilis din mag-reply ng lalaki na ito, wala siguro itong ginagawa ngayon. 'Tapos na rin ako sa mga projects ko. Gusto mo samahan kita?' Mas mabuti na iyong may kasama ako para kahit gabi na akong matapos ay may kasama ako sa pag-uwi. Malayo pa naman ang library sa main gate nitong campus. "Aray!" hiyaw ko nang bigla akong bumangga sa may matigas na bagay pagkatingala ko ay ang seryosong mukha ni Rio ang sumalubong sa akin. Papagalitan ko sana ito nang bigla siyang humingi nang paumanhin at naglakad na palayo sa akin. Hindi ako makapaniwalang sinundan ito ng tingin dahil sa biglaang pagbabago nito. Sa totoo lang naninibago ako sa ginawa nito ngunit wala naman akong karapatang mag-reklamo dahil iyon naman ang gusto. Nagkibit-balikat na lamang ako at naglakad na ulit patungo sa may library. "HI! I'm Yu'er Marquis!" pakilala ko sa babaeng nagbibilang ng librong kararating lang. Tumingala ito sa akin at kumunot ang noo tila ba nagtatanong kung bakit ako naroon sa kanyang harapan. "Ah pinapunta ako rito ni, Miss Mulle. Tutulungan daw kita sa mga librong ito." Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito bago umayos nang pagkakatayo at hinila ako papalapit sa kanya. "Ito ang mga dapat mong gawin. Kailangan mo lang ilista iyong mga names ng book at kung ilan ang dumating. Pagkatapos ay hahanapan mo sila ng pwesto sa mga shelves at iayos doon." "Iyon lang ba ang dapat kung gawin?" Tumango naman kaagad siya na may ngiti sa mga labi. "Sasamahan mo ba ako sa paglalagay nito?" Nagkamot siya sa kanyang batok at ilang beses na sinuri ang buong library. "Miss Yu'er, pwede ba na ikaw na muna rito? Nagugutom na talaga ako at hindi pa nakakain. Kung okay lang sana sa iyo." Tiningnan ko muna ang mga libro na nagpapatong-patong sa may sahig. "Pwede naman gawin mo na muna ang kailangan mo tapos bumalik ka na lang kapag natapos," nakangiti kong balik sa kanya. Nang makaalis na ito ay kaagad na rin akong nagsimulang mag-trabaho. Mabuti na lang at iyong nagde-deliver ay inisang lalagyan lang nila ang magkapareha ang title kaya hindi na ako nahirapan pa at mas napabilis din ang aking trabaho. NAPAUPO ako sa may bakanteng upuan nang matapos ko na lahat. Nanakit ang likod at mga binti ko dahil sa matagalang pagyuko ko kanina. Inikot ko ang aking mga mata para hanapin iyong babae kanina ngunit wala pa rin maski ang anino nito. Saan kaya ito kumain? Sa kabilang planeta ba kaya matagal? Gumagabi na kasi at kung hindi pa ito darating ay mas lalo akong matatagalan sa ginagawa ko. Wala pa naman si Riley baka biglaan itong may ginawang importante. Kumunot ang noo ko nang biglang may lumapit sa pwesto ko at binuhat ang ibang libro. Nakasumbrero ito at tanging ang labi lang ang nakikita sa kanyang mukha kaya hindi ko siya makilala. "Saan mo iyan dadalhin? Kailangan ko iyang ayusin at wala pa ang librarian kaya hindi mo pa 'yan pwedeng mahiram," nagkakamot sa batok na wika ko. "Crazy, Marquis, akala ko ba nagmamadali? Tinutulungan na nga kita, huwag mong sabihin ay tatanggihan mo ang tulong ko na ito," sagot naman nito kaagad. Nanlalaki ang mga mata ko at kaagad siyang nilapitan. Hindi ako makapaniwalang tinanggal ang sumbrero niyang suot. "Satisfied?" nakangisi niyang turan. "Rio? Bakit ka nandito?" gulat kong tanong. Kanina ay para itong robot na walang emosyon at hindi rin ito nagbitiw maski isang salita kanina. "Nagkita tayo sa labas kanina pero hindi mo ako kinausap kaya bakit ka nandito ngayon?" "Hindi ba at nag-usap na tayo na hindi na natin guguluhin ang buhay ng isa't-isa, kaya lumalayo na ako sa iyo, pero dahil kailangan mo ng tulong ngayon ay nilapitan na kita." Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya. Mabuti na lang at dumating ito dahil hindi ko na rin alam kung matatapos ko ba ang trabaho ko nang mag-isa. Siguro ay kakalimutan ko na ang lahat nang nangyari dati. Hindi na rin naman ako si Yu'er na naghahabol sa lalaking ito. Nagbabago na rin naman ito kaya papatawarin ko na siya, ang kailangan ko na lang gawin ay huwag mahulog sa kanya para hindi ako mamatay sa huli.  "Thank you, Rio, babawi ako sa iyo pagkatapos nito." Ibinaba niya ang libro sa kanyang paanan at ginulo ang aking buhok. "Hihintayin ko iyan, Yu'er," wika niya sabay kindat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD