Chapter 25:

2031 Words
YU'ER Hindi ko alam kung tanga ba ako o nagtatangahan lang. Ngunit simula nang gabing iyon ay kaagad kong tinawagan si Zane at humingi ng tawad dito. Natatakot kasi ako dahil hindi na makampante ang puso ko kahit na tinititigan ko lang si Rio, at ang pinakakatakotan kong mangyari.  Ang pakiramdam na iyon ang dapat kong iwasan dahil wala iyong maidudulot na maganda sa akin. Nang gabi ring iyon ay nangako ako sa kanya na hindi na ako mangingialam sa buhay at relasyon nila ni Rio basta bumalik lang siya sa tabi nito. Iyon naman talaga ang gawain ng mga second lead sa libro 'di ba? Ang magparaya sa huli para maging masaya ang lahat. Sumang-ayon naman ito sa sinabi ko, ngunit bago matapos ang tawagan naming dalawa ay sinabi niya sa akin na gusto niya raw akong makita at makausap ng personal. Pumayag naman ako dahil ako naman ang may hinihinging pabor sa kanya, kaya nga kanina pa ako rito sa may coffee shop habang hinihintay siyang dumating. "Yu'er," mahina ngunit walang galak na tawag sa akin ng babaeng papalapit. Napahanga ako sa angkin nitong ganda, nakita ko na ang larawan nito sa may condo ni Rio at sa kanyang cellphone noong pinatawagan niya ito sa akin, ngunit hindi ko naman aakalain na mas maganda pa pala ito sa personal. "Mabuti na lang at nakarating ka. Akala ko kasi ay hindi mo sisiputin. Pasensya ka na at medyo natagalan ako sa pagdating, may inasikaso kasi akong ibang bagay." Tipid akong ngumiti at itinuro ang bakanteng upuan sa harapan ko. "Ilang minuto lang naman ang itinagal mo dahil kakarating ko lang din naman. Atsaka gusto ko lang na ayusin ang lahat ng sinira ko. I'm really sorry, Zane, sana ay balikan mo na si Rio." Nagdikit ang kanyang dalawang kilay habang nakatitig sa aking mukha. "Seryoso ka ba? Ikaw ba talaga ang Yu'er na nakilala ko? Bakit biglang nagbago ang isipan mo? Wala ka namang binabalak na masama 'di ba?" Inilingan ko kaagad ito sa huli niyang tanong, pero hindi ko naman talaga siya masisisi dahil ginagawa nga iyon dati ni Yu'er. Sa totoo lang sumasakit ang puso ko habang iniisip ang muli nilang pagtatagpo ni Rio pero kailangan kong gawin ito para makabalik ako sa tunay kong mundo. Kung maiayos ko muli ang plot nitong kwento sa panahon lang na 'yun ako makakabalik. Wala na ang tunay na nagmamay-ari ng katawan na ito, kaya kahit na tumitibok pa ang puso niya para kay Rio ay hindi na niya itong pwedeng habulin pa.  Sana maintindihan nito na mas mabuti kay Rio na bumalik kay Zane dahil panandalian lang din ang presensya ko sa mundong ito. Kung ipagpapatuloy ko ang paghabol kay Rio at magkagusto nga ito sa akin at mawala ako balang-araw ay masasaktan din ito.  "I just realized na hindi na ako bata para maghabol sa mga bagay na hindi naman mapapasaakin. Ayaw ko nang makasakit pa ng ibang tao dahil lang sa pagkamasarili ko. Hindi ko rin alam kung kailan ako aalis sa mundong ito," seryoso kong wika.  "Huh?" naguguluhan niyang tanong sa akin. "Kung iniisip mong magpakamatay dahil hindi mapapasaiyo si Rio ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa iyo na hindi rin ako magiging masaya sa kakahantungan nito." Tama nga ang hinala ko. May mabuting puso si Zane, katulad na katulad ito nang nabasa ko sa librong iyon. Ngunit dahil sa selos kay Yu'er ay nakagawa rin ito ng mali sa huli. Pero dahil magkaiba na ang sitwasyon ngayon ang kailangan ko na lang ay maipaglapit silang dalawa. "Hindi ako magpapakamatay, Zane, huwag ka ngang mag-isip nang gan'yan. Mahal ko pa buhay ko!" Gusto ko ngang sabihin dito na kaya ko ginagawa ito para makalabas ng buhay sa mundo nilang ito. "Gusto ko lang talagang bumawi dahil sa nagawa kong kasalanan." Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Nasa ibabaw iyon ng mesa kaya hindi na ako nahirapang tingnan kung sino ang tumatawag. Hinayaan ko lang iyong mag-ring hanggang sa namatay ang tawag bago muling binalingan ng tingin si Zane. "Sino iyon? Bakit hindi mo muna sagotin at baka importante ang tawag." Si Rio iyon at wala akong balak na sagotin iyon sa harap ni Zane, baka ano pa ang isipin nito. Magkikita naman kami mamaya, ibibigay ko iyong huling regalo dapat ni Yu'er sa kanya na hindi nito naibigay dahil sa nangyari rito.  "Hindi na magkikita rin naman kami mamaya dahil may ibibigay ako sa kanya. Iyon lang ang sasabihin ko sa iyo kaya sana ay mapatawad mo ako," mahinahon kong saad. Tumango siya kaya tumayo na ako at nagpasalamat sa kanya. Aalis na sana ako nang tinawag nito ang aking pangalan kaya kaagad ko itong nilingon. "May problema ba? May kailangan ka bang sabihin na hindi ko narinig?" "May rason talaga ako kung bakit ako narito ngayon. Gusto ko sanang humingi ka ng tawad kay Rio in public. Simula kasi nang kumalat ang video ninyong dalawa na..." Yumuko ito at hindi ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi. Bumalik naman ako sa pagkakaupo para makapag-usap kami nang maayos. "Hindi ba pwedeng huwag na lang nating i-public ang mga problema natin, Zane?" Mas lalo kasing gugulo ang buhay namin kung pati ang mga outsider ay nakakaalam. "Ayaw ko sanang masali ang iba sa problemang ito." Tumingala siya at sinalubong ang aking mga mata. Hindi ko mawari ang emosyon na nakapaloob doon, ngunit habang tumatagal ako sa pagtitig sa kanya ay may kakaibang kaba akong naramdaman. "Actually, Yu'er, wala naman talaga akong balak na gawin iyon, ngunit simula nang may nangyari sa inyo ni Rio ay hindi na ako pinapalapit nila mommy rito dahil wala raw itong nagawang tama. Hindi na raw sila tatanggap ng son-in-law na sisira sa reputasyon ng pamilya namin dahil sa pagkababaero nito." Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sinabi niya. Tama nga naman sino naman ang tatanggap sa lalaking may scandal sa ibang babae habang may nobya ito at halos buong mundo na ang nakakaalam? Ang daming gulong ginawa ni Yu'er na dapat linisin. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito bago matapos ang tatlong buwan. Siguro naman kapag naayos ko na ang lahat ay makakabalik na ako. Matagal na ang tatlong buwan pero kung pagbabasehan ang problema ng babaeng 'to imposibleng matapos ko iyon kaagad.  "Pasensya ka na, Yu'er, kung mabigat na bagay ang hinihingi ko sa iyo. Gusto ko lang talaga na malaman ni mommy na mabait si Rio at hindi mahilig sa babae." "It's okay, Zane, kasalanan ko rin naman talaga dahil sa pagkalat ng video na iyon. Hintayin mo lang at gagawa ako ng paraan para muling mapabango ang pangalan ni Rio," ani ko sa pinakamahinang boses. "Iyon lang ba?" "Iyon lang, Yu'er, maraming salamat sa pakikinig sa akin." "Thank you rin. Mauna na ako sa iyo dahil may pupuntahan pa akong kaibigan okay lang ba?" nagkakamot sa noong tanong ko rito.  "It's okay. Sabay na tayong lumabas dahil may lakad din ako." Ngumiti ako at tumango sa kanya. Nauna siyang sumakay sa kotse niya dahil naghihintay pa ako kay Kuya Sik na dumating. Ilang minuto lang din naman ang hinintay ko at dumating din naman kaagad ito.  NAPAHAWAK ako sa aking noo dahil sa sobrang gulo ng aking isipan. Sa totoo lang nahihirapan sa paghingi ng tawad sa publiko. Kung aaminin ko na walang kasalanan si Rio at nilasing ko ito para maakit ko siya ay pamilya ko naman ang kawawa, pero kung hindi ko rin naman gagawin iyon ay hindi rin sila magkakabalikan ni Zane at hindi rin ako makakabalik sa totoong mundo. "Miss Yu'er, may problema ka pa? Kanina ka pa paulit-ulit na bumubuntong-hininga nang malalim." Napatingin ako kay Kuya Sik at napailing.  Kahit naman sabihin ko sa kanya ang mga nangyayari ay hindi pa rin mawawala ang frustrations ko. "Kuya, pakihatid po ako sa pinakamalapit na bar! Gusto ko pong uminom nang maraming alak—" Ngunit kakaisip ko pa lang sa inoming iyon ay para na akong masusuka. "Miss Yu'er, ihihinto ko po sandali ang kotse kailangan ko po kayong tingnan." "Nasusuka lang po ako, Kuya Sik, hindi naman po masama ang pakiramdam ko." Umiling siya at hininto ang kotse bumaba ito at lumipat sa kinauupuan ko. "Namumutla ka po. Ilang araw na po kayo nakakaramdam nang pagsusuka? Nahihilo rin po ba kayo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Napaisip tuloy ako kung may masama ba akong nararamdaman this past few days. Naalala ko na nagsuka ako noong nagdaang araw pero sa tingin ko ay dahil lang iyon sa katatapos ko lang lagnatin. "Medyo nahihilo ako pero saglit lang naman." "Miss Yu'er, gusto mo bang magpatingin muna tayo sa doctor bago tayo umuwi?" Napahawak ako sa aking braso dahil sa sinabi niya. "Ano ka ba, Kuya Sik, kinikilabutan ako sa pinagsasabi mo, eh!" reklamo ko sa kanya. "Para hindi ka na mag-alala ay pumunta muna tayo ng clinic para makapag-check up." Tumango naman siya at mabilis na bumalik sa kanyang pwesto. Medyo kinakabahan din ako sa magiging resulta. Paano nga kung may malubha akong sakit dahil sa ginawang pagtalon ni Yu'er sa bridge? NAKANGITI ang doctor habang papalapit sa akin. May malapad na ngiti ito sa kanyang labi habang tinitingnan ang kanyang dala. Sa tingin ko ay good news naman ang dala nito kaya medyo nawala na ang kaba sa aking dibdib. "Miss Yu'er Marquis?" Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan, ngunit nang makalapit ito ay kaagad din ako nitong pinaupo pabalik. "Doc, wala naman po akong sakit 'di ba?" Umiling naman siya kaya nakahinga ako nang maluwag. "Kung ganoon po, doc, ano po pala ang sakit ko? Bakit bigla na lang po akong nahihilo at nasusuka kung may naaalala akong particular na pagkain." "Huwag kang mag-alala, Miss Marquis, you and the baby is healthy." Napahawak ako sa aking puso sa sinabi niya. "Me and the what?" hiyaw ko rito dahil sa sobrang gulat. "I'm sorry, pero hindi ko po kayo maintindihan, doc." "It's okay, hija, I understand your situation. Gan'yan talaga ang mga nararamdaman ng mga ina sa first born." Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. "Buntis ka, hija, kaya ka nakakaramdam nang ganoon." Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha dahil sa sinabi niya. Paano ako mabubuntis? Huwag mong sabihin na may nagbunga sa kanila ni Yu'er at Rio noong gabing iyon?! Paano ako nito? Kailangan ko bang ipaalam kay Rio ang pangyayaring ito? Hindi pwede, paano si Zane? Nangako na ako rito na titigilan ko na silang dalawa. Pero paano ang bata? Hindi ko rin kayang ipalaglag ito, kahit masama akong tao ay hindi ako kumikitil ng buhay ng isang inosenteng bata. "May kailangan po ba akong gawin? I mean, hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko—" "Huwag kang mag-alala, hija, dahil gagabayan kita sa pagbubuntis mo. You can visit me anytime at kung may time si hubby ay pwede mo rin siyang isama para makausap ko siya." Mapait akong ngumiti ngunit hindi na sinabi ang tungkol sa aming dalawa ni Rio. "Babalik po ako sa susunod na linggo pero sana po, doc, ay sa atin na lang ang bagay na ito." "Sige, hija, ito pala ang mga bitamina na dapat mong inomin sa araw-araw para mas maging healthy si baby at ikaw. Kailangan mo ring mag-ehersisyo para lumakas ang katawan mo." "Upo, doc, maraming salamat po," nakangiti kong saad at kinuha ko ang bag na may laman ng mga gamot. Pagkalabas ko ng kwarto nito ay kaagad akong nagtungo sa may cashier para magbayad. Pagod na pagod ang katawan ko kahit wala naman akong ginawang mabigat. "Miss Yu'er?" Itinaas ko ang aking kamay kaya hindi na rin naman siya muling nagtanong. Sumakay na ako sa kotse at umayos sa pagkakaupo. Iidlip na lang muna ako saglit para makalimutan ko ang mga problema ko. "Kuya Sik, gisingin niyo na lang po ako kapag nakarating na tayo sa bahay, okay? Pagod po kasi ako, kuya," mahina kong turan. "Yes, Miss Yu'er," sagot naman nito kaagad. Ngumiti ako at ipinilit na ang aking mga mata, sana sa paggising ko mamaya ay makabalik na ako sa mundo ng mga tao para mawala na ang problema na ito. Sana... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD