Please play the song - -> Gisingin ang Puso by Liezel Garcia on the multimedia :) Thank you. [Victoria's POV] "Dad, what did the doctor say?!" nilapitan ko agad si Dad matapos niyang kausapin ang head doctor nina Marcus at Tristan. Hinawakan ni Dad ang magkabilang balikat ko and then he look straight into my eyes na lalong nagpabilis ng pagtibok ng puso ko. Kanina pa'ko hindi mapakali. At mas lalong nagwala ang puso ko sa kung paano ako titigan ni Dad. Para kasing nag-iisip pa ito ng nararapat na salita para hindi ako mabigla. Pero sa totoo lang pakiramdam ko gahibla na lang at baka ma-state of shock na'ko! "Daddy...tinatakot mo naman ako eh..." unti unti ng lumalamig ang aking pakiramdam at pinagpapawisan narin ng malamig ang aking noo. Kanina ko pa kinakagat kagat ang mga kuko

