[Victoria's POV] "Ate Vicky, do I look ugly?" napahinto ako sa aking ginagawang report at napatingin sa batang babaeng naka pout sa harapan ko. Nakasimangot ito at naiinip na naghihintay sa magiging sagot ko. Inalis ko ang aking suot na salamin at isinara ko ang aking gamit na laptop. I smiled at her pero mas lalo itong sumimangot. "Kenna...remember what I said? The girl with a genuine smile is the prettiest of them all." "Hmp." Napa-cross arms naman ito. Nilapitan ko siya at bahagya akong yumukod upang maging magkapantay na kami. Nagkatitigan kaming dalawa. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Nginitian ko siya at hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang magandang mukha. "So, am I ugly?" "You're beautiful..." sagot ko sa tanong niya. Napayuko ito at mukh

