[Gustavo's POV] Natigilan ako sa mga sinabi ni Victoria. What the f**k is goin’ on? Tang’na! Hindi kaya iniisip niyang may nangyari sa’min ni Hannah? Dun ko lang din napansin na pareho kaming nakatapis ng tuwalya. Nasapo ko ang aking noo. Shet! Naligo lang naman ako kanina. Kakauwi ko lang din ng bahay dahil magdamag kong hinanap ang kanilang tinutuluyan pero nabigo ako. Actually, magbibihis na sana ako para maghanap ulit kaso bigla na lang akong napatakbo palabas ng silid ng marinig ang kumusyon sa labas. Only to find out, na nag wre-wrestling ang dalawa. I’m a bit disappointed sa nakita ko, kawawang kawawa si Hannah kay Victoria Akala ko pa naman ay tuluyan na siyang nagbago makalipas ang isang taon. Teka. "Buwis buhay iyong ginawa ko kanina para lang mapuntahan ka rito pero ito lan

