[Victoria's POV] "Build a rectangular pen with three parallel partitions using 500 feet of fencing. What dimensions will maximize the total area of the pen?" Source@eCalculus.org :)) Pakshet! Mabibiak na ata ang ulo ko sa mga pinagsasabi ng aming calculus professor. Wala talaga akong maintindihan! "Ahhhhhhhhhh!!!" napasigaw ako habang hawak hawak ang aking ulo. "Mi-miss Victoria, tatahimik na po ba ako?" nanginginig na tanong nung calculus prof. "Continue." I said sabay buklat nung notebook ko. Yes, hindi ito joke. Pumasok ako sa klase ngayon. Trying to be a good student....to be a good girl. "Miss Victoria, gusto niyo po ba ng tulong?" tanong nung babaeng katabi ko. Mga half meter na lang ngayon ang layo sa’kin ng aking mga ka-klase. Hindi na gaya dati na 2 meters ang pagitan namin

