[Victoria’s POV] “Hindi ko nagustuhan ang inasal mo kanina dun sa supermarket.” Parang isang kuya na sermon sa’kin ni Gustavo. “Respect, patience, and that ahhh!” he waved his hands in total disappointment. “Iyang pagiging laitera mo paki bawas bawasan naman!” Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pagkain ng paborito kong spaghetti. Nasa isang restaurant kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng lunch. Kanina pa’ko kain ng kain tapos si Gustavo naman dada ng dada. Hayst, grabe naman kung makasermon ang pangit na’to. May pagka machine gun din pala ang bibig nito. “Ysa?” “Hmmm?” “Hindi mo naman ako pinapakinggan eh!” “Kakainin mo pa ba iyan?” turo ko sa pagkain niya na hindi niya ginalaw. Natawa naman ito at napasandal na lang sa kanyang upuan. “Bakit ang takaw mo ngayon? Buntis ka ba?

