Chapter 20

1625 Words
Laitera 20- Chessy Morning [Victoria's POV] Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Sh*t! Nakalimutan ko pa lang ibaba iyong kurtina kagabi. Gumulong ako papunta sa kanan ko. Nag-unat ako. Tapos bumangon ako at medyo nakapikit na naglakad papunta sa banyo. Napahinto ako nang may maapakan akong something. Teka, bakit hindi ata pantay ang sahig? Ano ba 'tong naapakan ko? Dinama dama nung kanang paa ko ang bagay na aking naapakan. Tinatamad pa kasi akong imulat ang aking mga mata. Hmmm...ang gaspang naman. Ano ba'to? "Aray!!!" Nagulat ako at awtumatikong napatingin sa aking paanan ko. GUSTAVO??? "Hoy!!! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko ha!!!" sinipa sipa ko siya. "Aray!!! Ano ba!!! Inapakan mo na nga ang mukha ko tapos ikaw pa ang may ganang sumigaw at sipain ako!" "Baliw ka ba?! Kwarto ko 'to!!! Anong ginagawa mo dito ha?!" "Binantayan lang naman kita eh. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako." "Binantayan? Aso ka ba ha!" "Grabe aso agad?" "Alis! Lumayas ka dito sa silid ko!" sinipa sipa ko siya ulit. "Aray!!!!!!!!!!!!!" sumigaw ito ng malakas at napahawak sa kanyang tiyan. Malakas ba iyong pagkakasipa ko? Teka, paki ko ba kung nasaktan siya. "Hoy! Huwag kang oa bumangon ka na diyan! Kung ayaw mong apakan ko ulit iyang pangit mong pagmumukha!" "Aaaraaaaaaayyy!!! Victooooriiaaa, heeelppp..." "Hindi ako madadala sa kadramahan mo! Alis!" sinipa ko ulit siya. "Aghhhhhh!!!! Anngggg sakiiit talaga promiiisee!!!" "Araaaaaayyyyyyy!!!" Bigla akong napaluhod para tignan siya. "Ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko. Wait, ako nag-aalala ako sa isang pangit? Nasaniban ba ako? "Aray!!! Huhuhuhu ang sakit na talagaaaa!!!" "Wait, hihingi lang ako ng tulong-" tatayo na sana ako ng bigla ako nitong hilain at yakapin. Bumilog ang mga mata ko sa ginawa niya. "Ikaw lang ang kailangan ko." Seryoso ang pagkakasabi niya. Halos mabingi na ang tenga ko sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga ay tatalon sa ribcage ang puso ko. May sakit ba ako sa puso? "Ano ba-" hinigpitan nito ang pagkakayakap sa'kin. Gosh, hindi na ata ako makakahinga nito! "Just stay." Biglang nawala ang lahat ng kamalditahan na mayroon ako. Wala akong mabato na supladita lines sa kanya. Ano bang ginagawa sa'kin ni Mr. UNP? Unti unti niya akong ginagawang vulnerable...hindi pwedi hindi maaari! Kailangan kong maging matapang takot akong masaktan. Ayaw kong maging mabait at maging talunan. Pero bakit hindi ko siya magawang itulak? Niluwagan nito ang pagkakayakap sa'kin at nagkatitigan kami. Yuck! Victoria! Anyare sa'yo? Tignan mo nga iyang kaharap mo! Ang pangit niya kaya! "Ysa......." "Ano ba Gustavo.." wait? Mahinahon ba iyong pagkakasabi ko? Bakit mukhang malambing iyong pagkakabigkas ko sa mga salita? Ano bang nangyayari sa'kin?! "Ysa........" titig na titig siya sa'kin. At sa buong buhay ng aking kamalditan ay ngayon lang ako nakaramdam ng pagka-asiwa. Ngayon ko lang naramadaman ang pakiramdam na ganito. Sino ba siya? "You're blushing....." naka smile na sabi nito. Ako?! Ako magbu-blush? "Kung gusto mong mabuhay pa biti-" hindi ko na agad natapos ang aking sasabihin dahil bigla ba naman akong hinalikan nito sa noo! Buhay pa ba ako? Pakiramdam ko huminto bigla iyong paghinga ko. At halos malaglag na sa sahig iyong eyeballs ko sa matinding gulat. Papatayin niya ba ako? 250 beats per second na ata ako. "A-akala ko ba- aka-" shet..natuturete ako?! Damn! Huminga ako ng malalim. "Akala ko ba may masakit sa'yo?" "Nawala na. Pinagaling ng yakap mo." Nakangiting sabi nito. "Tsk!" Hindi bagay. Pangit na bolero! "You're more beautiful in the morning. Walang make-up. Naka pajamas. Very simple...yet sobrang ganda. " Alam ko namang maganda ako. Lahat naman ng taong nakakakita sa'kin ay sinsabihan ako ng maganda. Pero bakit ang galing mambola ng isang 'to? "And you're the most ugly guy in the world!" sabi ko sabay tayo. Psssh! "Haahahahahahha" tumawa lang ito saka tumayo. "Ako ng bahala sa breakfast." Nakangiting sabi nito. "Ikaw naman talaga! Sino pa ba?" "For now. Sa susunod na araw. Ikaw na." He smiled. Iyong tipong nagpapacute. Psssh!!! Lumabas na ito ng kwarto pero bakit ganun parin kabilis ang pagtibok ng puso ko. Hayst!!! Ang daming kong tanong kay aga-aga! Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Napatingin ako sa salamin. Nagblush ba talaga ako kanina? Dalawang tao lang naman ang nagpapablush sa'kin. Si Marcus. At si Tristan. Impossibleng siya si Tristan okay? Mukha pa lang ang layo na! Hanggang kelan ko ba dapat ulit ulitin iyon? Naligo na lang ako. Pagkatapos ay lumabas ako ng aking silid para mag breakfast. Napatingin ako sa paligid. Mahilig din pa lang mag paint ang lalaking ito. Biruin mo iyon may talent din pala ang aswang?! Napatingin ako sa mga paintings na nakasabit sa pader. Something caught my attention. Isang painting na nasa may pinaka dulo. Painting ng isang batang babae na nakatalikod. Nakasuot ng pink na damit at tumitingin sa araw. Napakunot ang aking noo. Teka, bakit parang familiar sa'kin iyong batang babae? Hahawakan ko na sana ang painting ng may maramdaman akong mga kamay na yumakap sa beywang ko mula sa aking likuran. Pakiramdam ko huminto iyong oras. Hindi ko naigalaw ang aking katawan. Parang stop dance. Naramdaman ko ang mahinang pagbaon ng baba niya sa aking balikat. At nalanghap ko ang mabangong amoy nito. Naligo na siguro ang taong grasa. Himala! "Do you like that one?" tukoy nito sa painting na gusto kong hawakan. Ibinaba ko ang aking kamay na nasa ere. "Si-sino iyong nasa painting?" teka, hindi ko man lang ba siya sisipain?! He acted like a real husband. An ugly husband! "She's a girl. Isang batang babae na parating bumibisita sa'kin sa panaginip." he said. "A-anong nasa panaginip mo?" Waaa!!! Curious ako? "She always run into me. And hug me tight." "Tapos?" "Wow, curious ang babe ko." siniko ko siya. "Ouch naman babe!" "Ano pang nasa panaginip mo?" "She said that she misses me. Ang weird nga.Dahil hindi ko naman siya kilala. Kaya nakatalikod lang siya dahil hindi ko siya mamukhaan." Humarap ako sa kanya. Hopeless. Ano ba'to. Umaasa ba akong siya si Tristan? "Do we look the same?" tanong ko sa kanya. "Babe, blurred nga e!" "Pilitin mo!" "Hahahaha sapilitan?" "Ou!" "Let's just eat. Gutom lang iyan." hinawakan nito ang mga kamay ko at dinala ako sa dining area. Inilalayan niya akong makaupo. Inasikaso niya ako na para bang babaing may malubhang karamdaman at malapit ng mamatay. "Mamamatay ka na?" tanong ko sa kanya habang nilalagyan nito ng kanin at ulam ang aking plato. "Ha?" nagtatakang tanong nito. Kinuha naman nito ang container ng juice at nilagyan ako sa baso. "Mamamatay ka na?" "Babe, naman gusto mo atang ma byuda ng maaga eh." "Ang bait mo kasi. Ingat lang baka kunin ka agad ni Lord." "Hahahahaha, hindi pa! Hindi pa hanggat hindi mo'ko natututunang mahalin." Eh kung tuluyan ko na lang kaya siya ngayon! Asa! Hindi ko siya mamahalin no! Mukha niya!!! "Kain lang ng kain babe!" kulang na lang ay subuan niya ako. Bakit ba nakikita ko sa kanya si Tristan. Iyong pag-aasikaso niya sa'kin. Iyong pagtitig at pagtawa niya. Pakiramdam ko...okay erase!!! Malabong siya si Tristan. Napatingin ako sa kanya habang kumakain. Paano kung siya nga. "Babe, huwag mo'kong titigan oh. Nahihiya tuloy ako. Hindi ko manguya mabuti iyong pagkain." Nahiya pa siya sa lagay na iyan eh punong puno iyong bunganga niya. Tumatalsik pa nga habang nagsasalita siya. Napangiwi na lang ako. "Babe, kumain ka ng marami diyan dahil lalabas tayo mamaya. Alam mo na para hindi na tayo kumain dun. Mas makakatipid." He's super cheapo infairness!!! "Hahaaha joke lang" "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. "Secret." Ang sarap tadyakan! Pagkatapos kumain ay piniringan nito ang aking mga mata. Dahil lalabas daw kami. Mas maganda na siguro iyon kesa makulong sa bahay na 'to ng buong araw kasama ang aswang na'to. "Anong pakulo 'to?" "Hahaha secret nga babe." "Pangit ka na nga ang corney mo pa!" "Hahahaahahahhaaha" Naramdaman kong may isinuot ito sa ulo ko. Helmet? Maya maya lang ay narinig ko ang tunog ng makina ng isang big bike. "Hiniram ko lang ito sa kaibigan ko." dagdag nya pa. Inalalayan ako nitong makaupo. At ano pa ba ang magagawa ko ng hawakan nito ang dalawang kamay ko para iyakap sa beywang niya. Kesa naman mahulog ako diba? Simula kagabi ng iligtas niya ako. Pakiramdam ko unti unti ng gumagaan ang loob ko sa kanya. Hindi naman siguro niya ako lolokohin diba? Tsaka sa pangit niyang iyan lolokohin pa niya ako? Okay naman sigurong pakisamahan ang lalaking ito tapos pag uusapan na namin ang annulment or divorce. Hindi ko alam kung ilang oras din iyong byahe. Bigla itong huminto at bumaba. Inalalayan ako nito ulit at tinanggal ang suot kong helmet. Ang ingay? Sobrang ingay! Tunog ng napakaraming sasakyan. Mga taong nagsasalita. Amoy usok "We're here." bulong nito. Tinanggal nito ang piring sa mga mata ko. "Nasa public place tayo?" Sabi ko ng nakanganga. Sinuotan agad ako nito ng sumbrero at shades. Naguguluhang napatingin ako sa kanya. "Baka pagkaguluhan ka kasi sa sobrang ganda mo." ngiting sabi nito. Napalingon ako ulit sa paligid. Nagkalat ang mga pangit sa paligid. Nasa lugar ako ng mga low class na tao. Ang lugar kung saan gustong gusto kong pumasyal nung bata pa'ko. Ang pumunta sa mall, manuod ng sine,ang makipag habulan sa mga guards namin sa makipot at magulong syudad, ang tumikim ng mga pagkaing kinakain ni Tristan, ang lugar kung saan hinding hindi ko napasyalan sa buong buhay ko. Ang lugar ng mga low class at mga cheap na tao. Hindi ako gaya nina Lyka at Marcus na nakakalabas ng BillionVille. At isa tao lang ang nangakong dadalhin ako dito. Si Tristan. "Mamimili tayo ng mga bagong gamit sa bahay natin." wika niya ng nakangiti. And the way he said 'natin' feels like home for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD