Chapter 21

1976 Words
[Victoria’s POV] "Halika na pumasok na tayo sa loob ng mall." hinila ni Gustavo ang kamay ko. Dumiretso kami sa Appliances department ng mall. "Bibili tayo ng bagong ref nakakahiya na kasi iyong ref na ginagamit ko." "Ganoon ka na ba ka hampaslupa at halos sira sira na ang mga gamit mo sa bahay?" "Lahat kasi ng mga gamit doon ay may sentimental value kay lolo. Halos lahat kasi ng gamit doon ay pinundar nila sa pinaghirapan nila ni lola." sagot nito. Sa unang pagkakataon ay naantig ang puso ko. Sobrang weird ng pakiramdam. Alam kong hindi normal sakin ang makaramdam ng ganito. "Then if that's the case, bakit hindi na lang natin ipaayos ang mga gamit sa bahay? Huwag ka ng bumili ng bago." Matagal na nakatunganga si Gustavo sa harapan ko. Tinaasan ko sya ng kilay. "What? May mali ba sa sinabi ko?" "Wala nga. Kaya nga ako nagtataka." "Ewan ko sayo." sagot ko at naglakad na ako palayo. Sumunod naman sya. Nang maabutan nya ako ay agad nyang hinawakan ang kamay ko. My heart skipped a beat. Bakit sa simpleng pagkakahawak nya lang sa kamay ko ay matindi na ang epekto sa'kin. "Manunuod tayo ng sine." sabi nito. Napalingon ako sa paligid. Para akong mahihilo sa napakaraming taong nakakasalubong namin. Hanggang 5thfloor lang iyong building. Kakaiba iyong amoy ng mall. Hindi naman masakit sa ilong. Bumabalik sa alaala ko kung paano inilarawan sa’kin ni Tristan ang ipinagmamalaki nitong mall. “Tristan!!!” sinalubong ko siya ng isang malaking ngiti. “Ysa!!!” “Sumama ka daw sa mama mo papunta sa syudad? Dali magkwento ka na kung ano ang ginawa niyo dun!” “Pumunta kami sa mall.” “Wow, anong itsura nung mall ninyo?” “Napakaraming tao. Iyong amoy kapag nilanghap mo sasabihin mo kaagad na wow dito ako tatambay muna at magpapalamig. Hahahaha” “Tsk! Tapos anong ginawa niyo dun?” “Nanuod ng sine. Teka, may ipapakita ako sa’yo!” may ibinigay ito sa’kin na maliit na papel. Napakunot ang aking noo at napatingin sa kanya. “Iyan iyong movie ticket.” “Nakakainggit naman! Gusto ko ring lumabas dito. BillionVille –Richmans- BillionVille-Richmans... paulit ulit lang buti pa si Lyka nakakapunta sa syudad.” “Don’t worry ipapasyal kita balang araw sa public places.” “Talaga?” “Ou, magde-date tayo!” “Sira!” --Endflashback— Andito na’ko Tristan. Andito na’ko sa mundo mo. Napapansin kong may mga taong napapalingon sa'min. Sympre kahit takpan pa niya ako ng shades at sumbrero hindi parin talaga maipagkakaila ang taglay kong ganda. Ako yata ang reyna ng mga head turners! Sumakay kami sa cheap na escalator. Naglalakad habang hawak hawak niya ang kamay ko. Disgusting! Ewan ko ba pero medyo palagay na ang loob ko sa kumag na’to. Nakarating kami sa 5th floor kung nasaan ang cinema. "Anong gusto mong panuorin, babe?" tanong nito sa’kin. Napatingin ako sa mga life size na digital posters na andun. "Iyan!" turo ko sa poster. Isang lalaking duguan at nakabigti ang nasa larawan. "Waaa? p*****n. Huwag iyan babe." "Pinapili mo pa'ko ha! Sa susunod huwag ka ng magtanong!" "Ano ba naman kasi iyang napili mo babe. Masyadong harsh iyang trip mo. Love story ang papanuorin natin." Interesado itong napatingin ulit sa mga showing na movies. "Aye, eto na lang babe." "Bahala ka!" "Sige dito ka lang bibili muna ako ng ticket." Nagmasid masid ako sa paligid. Sayang si Tristan sana ang gusto kong kasama na manuod ng sine. Asan ka na ba kasi Tristan? Naglakad lakad ako. Ano ba naman 'to puro kapangitan ang nakikita ko. Makabalik na lang nga kay UNP. Isang babaeng mukha clown sa kapal v make up ang bumangga sa'kin. "F*CK YOU! Ang luwag nung daanan binangga mo'ko?!" galit na singhal ko sa kanya. "Pwedi ba nagmamadali ako. Tsaka kung makapagreact ka akala mo kung napano ka na." sabi nito. Napa smirked ako. Aalis na sana ito ng hatakin ko siya sa balikat. "Eh, g*ga ka pala! Wala akong paki kung nagmamadali ka! " "Hoy miss! Wala akong panahong awayin ka! Dahil male-late na'ko sa trabaho ko." "Male-late?! Saan sa birthday party? Tsk!" "Ah?" “Mukha ka kasing clown!!!” "Ang bastos mo huh!" itinapon nito sa'kin ang dala dala niyang cellophane na naglalaman ng mga chichirya. “Alam mo bang demonya tong binangga mo?!" sabay apak sa cellophane niya. Narinig ko pa ang malulutong na tunog nung mga chichirya habang inaapakan ko. "Bakit sino ka ba sa akala mo ha!" Hinila ko ang buhok nya. "Ako ang babaeng magtuturo sa'yo na kailangan mong panagutan ang mga mababangga mo!" Hinila nito ang suot kong shades. Natulala siya ng makita ang taglay kong ganda. "Wow pare ang ganda!" "Artista ba iyan?" "I video mo dali at i upload natin sa youtube!" "Ang sama naman ng babaing ito. Naku." “Sobrang ganda niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae!” “Kaso nag-uumapaw sa kasamaan.” “Teka parang familiar iyong mukha niya. Parang nakita ko na siya sa tv.” “Ou, parang nakita ko na rin siyang naging trending sa youtube at online news.” “Bumaba na ba ang mga anghel mula sa langit? Gosh, she’s gorgeous!”Napapalibutan na pala kami ng maraming tao. At dahil nawalan ako ng depensa sa sarili dahil napunta ang attention ko sa mga hampas lupang nakatingin samin. Hindi ko inaasahan na masasampal ako nung babae. Nabitiwan ko siya. At napahawak sa aking pisngi na nasampal niya. Hindi naman ganun kalakas kagaya kagabi. Pero pagbabayaran niya ng triple ‘tong pananampal niya sa’kin! "Damn you b***h!" sinampal ko siya kaliwa’t kanan. Napanganga ito at napahawak sa mukha niya. “Wow! Live shooting ba’to sa pelikula? Narinig ko pang tanong nung isang lalaking usisero. "Ikaw-" sasampalin na naman sana ako nito kaso nahawakan ni Gustavo ang mga kamay nito. "Sino kang pakialamero pangit ha!" singhal nito kay Gustavo. Uminit ang ulo ko sa sinabi nito. Anong karapatan niyang pagsabihang pangit si UNP?! Ako lang! Ako lang ang may karapatan lalo’t hindi naman siya maganda! "Hoy babaeng crayola huwag na huwag mong lalaitin itong alalay ko dahil di hamak na mas mukha siyang tao kesa sa'yo!" "Hoy! Hindi mo'ko alalay!" lumingon si Gustavo sa'kin. Kaya nabigwasan siya nung babae. "Aray!" napahawak si UNP sa kanyang panga. "Iyan ang nababagay sa'yo pakialamerong pangit!" "Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa babae!" “Hoy! Ang lakas ng loob mong saktan at laitin ‘tong alalay ko! Miss wala kang karapatan tawagin siyang pangit dahil hindi ka naman maganda! Mukha kang balyenang naka make up!" Susugurin na sana ako nito ng pigilan siya ni Gustavo. Kaya siya ang sumalo sa lahat ng pananapak nung babae. “Impakta ka! Impakta ka! Impakta ka!” nangigigil na sigaw nito sa’kin. Napa cross arms lang ako. Napa smirked at nakataas kilay na napantingin sa kanya habang siya ay nag-aapoy na sag alit at nagwawala. PREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEETTTTT!!! Nakita ko sa di kalayuan ang mga gwardiya ng mall. "Ysa!" inilahad nito ang mga kamay sa'kin. "Tara na!" At walang pag-aalinlangan kong ibinigay ang aking kanang kamay. "Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya. "Tatakbo!" Ayon, tumakbo kami palabas ng mall habang hinahabol ng mga guwardiya. Pero imbis na kabahan o matakot ay nagustuhan ko pa ang ginawa namin. Huling beses ko atang tumakbo ng ganito ay noong mga bata pa kami ni Tristan. Mabuti na lang at nailigaw namin iyong mga guwardiya. Nanghihingal na napayukod si Gustavo at nahawak ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mga tuhod. "Hi-Hindi na sigu-ro nila tayo aabutan dito." nahihingal na sabi sa'kin ni Gustavo. "Hahahahahahahahaha!" Tumingin ito sa'kin at parang naguguluhan na ewan. "Okay ka lang ba Victoria?" "Hahahahahaha!" "Teka!" Tinignan ako nito from head to foot. Tapos hinawakan niya ang kanang kamay ko at iniikot ako. "Hey, ano bang problema mo diyan?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Chine-check ko lang kung si Victoria Isabelle 'tong kasama ko." Tinadyakan ko siya. “Arayyyy!!! Ikaw nga iyan.” "Tara!" yaya ko sa kanya. "Saan?" "Manunuod ng sine diba?" ---------------------------------♥♥♥ Andito kami ngayon sa loob ng sinehan, sa kabilang mall at nanunuod ng love story. Kahit labag na labag sa loob ko. Dinaan namin sa jack en poy kung anong movie ang panunuorin at sa kasamaang palad ay natalo niya ako kaya nakapangalumbabang nakatingin ako ngayon sa big screen. Hindi nga siya si Tristan. Kasi hindi naman nanalo sa jack en poy iyong bestfriend ko. "Sabi ko naman sayo dapat iyong action pinanuod natin." "Hay, dinaig mo pa ang lalaki! Dapat love story ang panuorin natin babe para lumambot naman kahit 5% iyang puso mong bato." Siniko ko siya. "Aray!!!!" reklamo nito at napahawak sa tigiliran niya. "Ssssssshhhhhhhhh!!!!" narinig kong saway nung katabi namin. Tumingin si Gustavo sa’kin at inilagay sa ibabaw ng ilong niya ang kanyang hintuturo. "Sssssshhhhhhhhhh!!" pang-aasar nito. Ang sarap talagang suntukin. Boringgg........Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz... puno ng korney lines. Tsk! Damn. Hindi magkamayaw sa pagtili iyong mga nanunuod. Ang i-ingay! Ang oa! Ang ko-korney!!! "Aye ano ba iyan hindi naman ganyan iyong nasa libro. Ang kasunod nun ay pumunta sila sa bar." "Ai ganun pala?" "Ou ang daming na skip! Maraming mga lines na hindi nasunod!" "Ai ang pangit!" Ang ingay ha!!! Naiirita na’ko sa mga bubuyog na ganina pa nagbubulungan sa likuran ko. "Ainaku, hindi iyan yon! Pagkatapos niyang halikan iyong babae dapat si-" "Damn you!" sigaw ko sabay tayo. "Sssssssssssahhhhhhhhhh!" sita sa'kin ng mga andun. “Damn you too!” sigaw ko dun sa mga sumita sa’kin. Eh, sila nga kung makatili wagas! Hindi ko nga sila sinisita! "Hey! The two of you!" turo ko sa dalawang teenager na naka upo sa may likuran namin. Hindi naman kasi masyadong madilim iyong sinehan kaya naaaninag ko sila. "Movie ang pinunta niyo dito at hindi TV series! Kaya kung gusto mong cover to cover, tuldok to tuldok, spacing to spacing ang movie na gaya sa libro eh bakit hindi mo punduhan iyong libro para gawing telenovela!!!" Natameme iyong dalawa at takot na takot. Nanlilisik na kasi ang mga mata ko sa sobrang galit. Hinila ako paupo ni Gustavo. "Chill, ang init init ng ulo mo babe." "Ang e-epal kasi ng mga tao dito!" "Manuod na lang kasi tayo." sabay higa nito sa balikat ko. Teka manunuod ba talaga siya o matutulog?! Ginalaw galaw ko ang aking balikat para umalis i-alis niya ang kanyang ulo sa pagkakahiga rito. "Ang likot mo naman Ysa." naramdaman ko ang mga daliri niyang nag-fill in sa mga spaces ng aking kaliwang kamay. Babawiin ko sana ng higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko. “Hoy pangit, a-ano bang-“ “I just want this moment for life.” Makahulugang sabi niya. Ano bang ka-dramahan ‘tong ginagawa ng aswang na’to? Huwag kang ambisyoso magfi-file din ako ng annulment or divorce soon! “Ysa...” mahinang sambit nito sa pangalan ko. Naramdaman ko ang pag-alis ng ulo nito sa balikat ko. “hmmm?” lumingon ako sa kanya at hindi ko inaasahan ang pagtama ng mga labi ko sa labi niya. Namilog ang mga mata ko at mabilis na dumaloy ang dugo sa mga ugat ko. Lalo na nung hawakan nito ang likod ko. After 8 seconds ay mukhang natauhan ito kaya mabilis na lumayo sa’kin. Tulala parin ako. At napahawak sa mga labi ko. Hinalikan ako ng palaka? “I-Im sorry.” Sabi nito. “I-I just couldn’t resist your charm.” OMG! Hinalikan niya ako kanina! At kahit dampi lang iyon pakiramdam ko tinunaw nun lahat ng galit na mayroon ako. “Gu-gustavo.” Hinawakan nito ang ulo ko at inihiga sa kanyang balikat. Damn. Bakit hinahayaan ko lang siya? “Ysa, pwedi ko bang hiramin ang sandaling ito na kasama ka. Because it felt so real...and I just dont want to let this moment to end.” NGANGA. Napatingin ako sa kanya. Sasampalin ko na ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD