Chapter 22

1515 Words
ROUND 1 UBOD NG GWAPO VS UBOD NG PANGIT [Gustavo's POV] "What!" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa'kin. Damn. Titig na titig siya sa'kin ngayon. At mukhang tinatantya nito kung totoo ba iyong mga sinabi ko kanina. Ang akala ko susuntukin, sasampalin o sisipain niya ako kanina. Pero napatitig lang ito. Gusto ko siyang ikulong sa bisig ko. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong hawakan ang mga kamay niya. Gusto kong itigil ang pagpapanggap. Gusto kong gawing makatotohanan ang lahat. Pero hindi pwedi. May kontrata. Tsaka ang kompanya. Si Mama at ang kapatid ko mas kailangan nila ako. Hindi naman ako napipilitan lang sa mga ipinapakita ko sa kanyang kabaitan. Actually, hindi ako umaarte. Dahil gusto ko na siya. Gusto ko na siya. Gusto ko na siya. Lahat ng mga sweet gestures ko ay hindi fake. Ou, aaminin ko napagplanuhan talagang maging sweet ako sa kanya para makuha ko ang tiwala niya. Pero ngayon masama bang hindi lang tiwala ang gusto kong makuha sa kanya? Okay lang ba kung gusto ko naring sungkutin pati ang puso niya? Tsk! This corney side of me. Gusto ko talaga siyang baguhin. I want to turn this beautiful demon girl into an angel. At gagawin ko iyon..babaguhin ko siya through my sweet gestures. Alam kong it's the only way...para magbago siya. Ang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa at may nagpapahalaga sa kanya. Tsaka sabi nga ni Mr. Escudero napaka impossibleng magmahal ng pangit nitong si Victoria kaya hindi siya masasaktan sa huli. Pero paano ako? Paano kung ma inlove ako ng husto sa kanya? Saan pupulutin ang palakang kagaya ko? "Hoy pangit!" sinapak ako nito. "Hahahaha joke lang naniwala ka naman." Pang-aasar ko sa kanya. "Ano!" "Nainggit lang ako sa pinapanuod natin eh." Pagsisinungaling ko. "Eh gago ka pala! Alam mo bang nakakadiri iyong paghalik mo!" Sinapak sapak ako nito. Itinakip ko sa aking sarili ang aking mga kamay. Grabe ang sadista talaga ng babaing ito. Bigla itong tumayo at nanlilisik ang mga matang napatingin sa'kin. Tapos nag walkout sa harapan ko. "Hoy! Saan ka pupunta?" nakasigaw na tanong ko. "Pwedi bang lumabas kayo! Hindi kami maka concentrate sa panunuod ng.palabas." sinita ako nung katabi namin. "Sorry po." Tumayo ako at sinundan si Miss Ubod ng ganda. "Hoy Victoria!" Hindi talaga ako nito nilingon. “Hoy! Ysa!” Napakaraming taong naglalakad sa mall. Hindi pa naman siya nakasuot ng shades at sumbrero. Napansin ko ngang halos lahat ng nakakasalubong niya ay napapahinto at napapatingin talaga sa kanya. Hahahahah. That's my girl. Proud na proud lang ako? "Kuya!" napalingon ako sa aking gilid. At nakita ko ang isang batang lalaki na nasa 8-10 yrs old. "Yes?" tanong ko sa bata bahagya pa'kong yumukod. "Bumili ka naman ng loom bracelets kuya tag 20 lang iyong isa." Ipinakita nito sa’kin ang isang cellophane na naglalamang ng napaka cute at makukulay na loom bands. "Ikaw bang gumagawa niyan?" tanong ko sa kanya. "Opo. Para makatulong ako kay mama sa pag-aaral ko." "Bibilhin ko ng lahat iyan para makauwi ka. Magkano ba iyan lahat?" "1500 pesos po 'tong lahat." Kinuha ko iyong wallet sa bulsa ko at kumuha ako ng dalawang libo. "Sige sa'yo na iyan ha." ginulo gulo ko ang buhok niya. “Ito na kuya oh!” iniabot nito sa’kin ang cellophane. “Dalawa lang iyong kukunin ko para may maibenta ka pa bukas. Pilian mo’ko ng dalawang pinakamaganda diyan. Isang pang lalaki at isang pang babae.” "Salamat po talaga!!!” pumili ito ng dalawang loom bracelets sa cellophane at iniabot sa’kin. “Ayan, kuya! Heheh couple loom bracelets!” nakangiting sabi nito sabay abot sa’kin. "Hahaha ibibigay ko 'tong isa sa asawa ko." "May asawa na po pala kayo? Ang bata niyo pa ho." "Ou at ubod ng ganda ang asawa ko!" kinindatan ko pa siya. Inaasahan ko na hindi maniniwala iyong bata o kayay tatawanan ako nito kaso ngumiti lang ito. "Ang swerte naman po ng misis niyo kuya ang bait niyo kasi." "Hahahaha, umuwi ka na nga." Bolero din si bulilit. "Sige kuya! Salamat ulit!" Tumakbo na iyong bata. Napatingin naman ako sa mga loom bracelets. Napangiti ako. At ipinasok na ang mga ito sa bulsa ko. Naku! Asan na ba iyong si Victoria? Napatakbo ako para hanapin siya. Nagpalingon lingon ako sa paligid. Hindi ako mapakali. Para akong sirang takbo ng takbo. Asan na ba iyon? Nawili ata ako sa bata at hindi ko na siya napansin. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nagkakagulo sa groundfloor. At pinagkakaguluhan nila ang dalawang babaeng nagsasabunutan. Naku nakahanap na naman ng away! Nasa fifth floor pa naman ako. Damn. Napatakbo ako ng mabilis. Actually tinatakbo ko na kahit iyong escalator. "Ano ba! Sira ka ba!" narinig ko pang sigaw nung nabangga ko. “Sorry po!” paumanhin ko pero hindi ko na siya nilingon. Nagmamadali kasi akong makalapit kay Victoria. Napahinto ako ng makalapit sa kanya. Ang gulo ng buhok nito. May pagka amazona din talaga ang babaing ito. At mas nagulat ako ng makita ko kung sino ang kaharap niya. Si Marcus. Tsk Pinapalibutan sila ng mga MIB kaya hindi makalapit iyong mga taong nasa paligid. Lumapit ako sa kanila. Masamang tingin ang sinalubong sa'kin ni Marcus. At ginantihan ko rin ng matalim na tingin. "Who told you na pwedi mo siyang dalhin in public! Tapos hindi pa kayo nagsama ng bodyguards!" galit na sigaw nito sa'kin. Aba. Akala mo kung sinong knight and shining armor. "Marcus, umuwi na lang tayo." narinig kong sabi ni Victoria. "Ou, uuwi na tayo Victoria." Sabi ko sabay hila sa kanya. Binawi nito ang mga kamay niya sa'kin. Kunot noong napatingin ako sa kanya. "Sakin siya sasabay pauwi. Mas ma-proprotektahan ko siya lalo na't may makakasama akong mga guards." Sabi ni Marcus. Ang yabang! "Pssh, kaya ko rin siyang protektahan tsaka ako ang asawa niya kaya ako ang masusunod!" Lumapit sa’kin si Marcus. "Alam ko na kung sino ka at kung ano ang papel mo sa buhay ni Victoria. I'm warning you. Huwag na huwag mo siyang sasaktan dahil hahanapin kita kahit saan impyerno ka pa magtago." Bulong nito sa’kin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Paano niya nalaman na fake husband lang ako? Bumalik ito kay Victoria at nakita kong inayos nito ang magulong buhok ng asawa ko. Si Miss ubod ng ganda todo pacute naman. Tsk! O mas tama bang sabihing todo landi sa napakagwapong epal na si Marcus. Ibinigay ko iyong susi ng motor bike ko sa isang MIB. Hindi ako magpapatalo sayo Marcus. "Ikaw ang magmamaneho ng motor bike ko." Utos ko dun sa MIB. Napalingon si Marcus sa'kin. Mukhang hindi nito nagustuhan na makikisabay ako sa kanya. Lumapit ako kay Victoria at inakbayan siya. Nagpupumiglas ito pero hinigpitan ko ang pagkaka akbay ko sa kanya. "O, magtataka ka pa ba? Mag-asawa kami diba? Kaya kung saan siya andun din ako!" sabi ko kay Marcus. Nagkasukatan kami ng tingin. "Sige." tipid na sabi nito saka naglakad papunta sa parking area. Lahat ng mga andun ay nakatingin talaga sa'min. Paano ba naman puro bigatin 'tong mga kasama ko. "Aye, iyong pangit ang boyfriend ni miss ubod ng ganda?" "Anong boyfriend! Asawa raw!" "Whhhaaaaat?!! Eh mas bagay sila nung isa ah. Iyong mukhang prinsipe." "Ohh, gosh mukha talaga siyang knight and shining armor kanina habang ipinagtatanggol iyong babae." "Ou, ang gwaaaapooo!!! May mga prinsipe pa pala talagang nag e-exist sa mundo!" "Naku, sobra pa sa artista iyong dalawa. Ubod ng gwapo at ubod ng ganda! Mas bagay sila diba?!" "Korek! Naku, ang pangit nung naging husband. Meegeddd!!!" “Baka naman sobrang yaman niyan. Iyon na ang uso ngayon. Mas mahalaga na ang pera kaysa sa pagmumukha!” “Hahahah tignan mo nga ang simple nung suot tsaka walang mga guards kaya impossibleng mayaman! Iyong ubod ng gwapo, prinsipeng prinsipe talaga ang dating! “May lahing mangkukulam siguro iyang si Mr. Ubod ng pangit!” “Naku, ginayuma niya siguro iyong babae!” “Hoy! Tumigil nga kayong dalawa!!! Hindi ba kayo nanunuod ng mga trending news ngayon? Iyong babae spoiled brat iyon na ipinakasal sa huli niyang biktima. May pagka impakta kasi iyong babae. Iyong lalaki ang pangit na karma ni Miss Ubod ng ganda!” “Ainaku, kawawa naman talaga iyong babae!!! Ang pangit naman ng nakatuluyan!” “HAHAAHAHAHAHAAHHAHAAH” Pwedi ko na bang baliin iyong prinsipyo ko sa buhay? Pwedi na ba'kong pumatol sa mga babaing usisera at chismosa? Tsk! Nang makarating kami sa parking lot. Binuksan ng MIB ang pinto ng backseat at naunang pumasok si Marcus. Susunod sana si Victoria peo hinila ko siya. "Ako ang sa gitna!" supladong sabi ko sa kanya. “Ha?” “Ako iyong sa gitna dahil baka sunggaban ka nitong mayabang na’to.” Naupo ako sa gitna at hindi nagustuhan ni Marcus ang ginawa ko. Asa! "Nagseselos ka ba?" mahinang tanong sa'kin ni Victoria ng makaupo na ito. "Ha? Hindi no! Gusto ko kasing makatabi si mr. ubod ng gwapo!" pa gay kong sabi sa kanya. Napa smirked naman ito. Grrr anong selos?! Ako nagseselos? Ako magseselos? Selos? Selos? Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!! SOBRA!!! (Capslock para intense)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD