Chapter 23

2532 Words
[Victoria’s POV] “Saan po tayo sir?” tanong nung driver kay Marcus. “Sa-“ “Sa aming home sweet home!” sabat ni Gustavo kaya hindi natapos ni Marcus ang kanyang sasabihin. Ano bang problema ng unggoy na’to? Tumingin iyong driver kay Marcus humihingi ng pagsang-ayon nito. “Sige, dun tayo.” Sinabi ni Gustavo iyong address at pangalan ng subdivision. Tapos nginitian ako nito. Iyong ngiting nang-aasar, ganun! Ang sarap ipalapa sa lion. Kung hindi lang siya humarang kanina kami sanang dalawa ang magkatabi ngayon ni Marcus! Hindi pa’ko sira para sukuan si Marcus no! Siya parin talaga ang bet ko! At gagawin ko parin ang lahat para mapa sa’kin siya! Biniyayaan siya ng kagwapuhan para naman magkaroon ako ng katuwang habang buhay! Hahahahaha! Bakit nag expect na ba kayo na kami talagang dalawa nitong pangit si Gustavo? No way! Magpapa annul din kami or divorce kahit ano basta hindi lang kami magsama habambuhay! Or ipapa salvage ko na lang siya kapag wala na akong choice. Napatingin ako sa dalawa. Bakit parang may namumuong tensiyon sa pagitan nila? Ano bang problema ng dalawang ‘to? "Umusog ka nga dito." naiiritang sabi ni Gustavo sabay hila sa'kin. Yakap yakap ako ngayon ng kanyang kanang kamay. "Ano ba!" siniko ko siya sa kanyang tagiliran. Baka kasi isipin ni Marcus na happily married couple kami.Tsk! "Aray!!! Nasasanay ka na ha! Halikan kita diyan eh!" "Subukan mo lang! Sisikmurain kita!" "Owsss?" namilog ang mga ko ng ilapit niya ng todo ang mukha niya sa mukha ko. Tang'na. PDA ang aswang! "Sige nga babe." namumungay ang mga mata nito. "Suntukin mo nga ako. Gigil na kasi akong matikman ulit ang labi mo." "Ahemm!!!" napangiwi siya ng marinig ang pagtikhim ni Marcus. He rolled his eyes heavenly. "Oi Marcus andyan ka pala! Hahahaha" sinapak pa nito si Marcus. Mas lalong lumaki ang mata ko sa ginawa nitong pagsapak kay Marcus. Feeling close! Hindi ba niya alam na mas matanda ito kesa sa’min at isang tinitingalang direktor sa showbiz industry iyong sinapak niya? Wala sigurong tv or laptop ang lalaking ito mukha kasi siyang taong bundok! "Ou kaya kung ako sayo huwag kang pa epal." tinignan siya ng masama ni Marcus. Tumawa lang ito. "Hahahahahahahahah" "Babe, pa epal daw ako oh!" parang batang sumbong nito sa'kin. Ano bang akala niya kakampihan ko siya? "Tsk!" napa cross arms na lang ako at napatingin sa labas ng bintana. Naninibago ako sa mga ikinikilos ngayon ni Marcus. May gusto na kaya siya sa'kin? Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa taglay kung ganda diba? Okay lang kaya sa kanya ang babaing separada? Sumunod ang ilang minuto ng nakakabinging katahimikan. Napalingon ako sa aking kaliwa. Natutulog si ubod ng pangit at nakasandal ang ulo niya sa upuan. Pero hindi siya ang gusto kong tignan kundi si Marcus. Nakapangalumbaba ito at nakatingin sa labas ng bintana. Ano kaya ang iniisip niya? Bigla na lang may kamay na dumapo sa noo ko at bahagyang isinandal ang ulo ko sa upuan. "Huwag ka ngang obvious!" bulong sa'kin ni Gustavo. Napansin niya kayang sinisilip ko si Marcus? Tinignan ko siya. Nakapikit parin ito. Tsk! May pagka pakialamero rin ang isang 'to. Usisero, chismoso! Teka. May kasalanan pa siya sa'kin. Ang lakas ng loob akala mo kung sinong gwapo! Hinalikan ba naman ako sa sinehan tapos kung ano anong korney lines ang pinagsasabi tapos sa huli sasabihin niyang joke lang iyon? Na nainggit lang siya sa pelikula? Nakakagigil sa inis dahil hindi naman siya gwapo! At sa ganda kong 'to hindi man lang siya nahiya?! "Victoria?" basag ni Marcus sa katahimikan.. "Yes!" kaagad kong sagot sa kanya. "Pshhh!" Panira moment talaga 'tong si Gustavo. “Kumusta ka na?” tanong ni Marcus sa’kin. “O-“ “Okay naman siya, ikaw?” sabat na naman ni Gustavo. Siniko ko na naman siya. “Aray!” tinignan ako nito ng masama. Sinaniban ba ang aswang o may menstrual period siya ngayon? “Vicky, anong gusto mo for lunch? Magpapa-deliver na lang ako ng makakain natin.” “Isaw, betamax, kwek kwek, pritong palaka tsaka hmmmmmmm parang masarap kumain ng fishball! Pweding ulamin iyon!” nanlaki ang mga mata ko sa mga pinagsasabi ni Gustavo. Nakakain din ba iyong mga sinabi niya? Inapakan ko ang kanang paa niya. “Aray! Ano ba babe! Kanina ka pa ha!” “Tsk! Shut up!” tinignan ko siya ng masama. Nag smirked lang ito. “Kahit ano na lang Marcus.” Nakangiting sagot ko. Makuha ka sana sa malandi kong smile Mr. ubod ng gwapo! Nginitian naman ako nito. Iyong ngiting parang gustong gusto ko na siyang pikutin! “Hindi ka ba busy sa shooting ngayon?” tanong ni Gustavo. This guy is so epal! “Hindi.” Tipid na sagot ni Marcus. “Ow. Ganun ba. Nga pala kumusta na kayo ni Layka?” tanong na naman ni Gustavo kay Marcus. Napantingin naman ako kay Marcus at naghihintay ng isasagot niya. “Okay lang.” Tipid na sagot nito. “Magiging mag bayaw pala tayo no? Biruin mo iyon!” Napahawak ako sa aking noo. Damn. Ano bang pinagsasabi ng pangit na’to! “Siguro nga.” Nagkasukatan ng tingin iyong dalawa. Hinawakan bigla ni Gustavo ang aking mga kamay. At iniangat sa ere para makita ni Marcus. Tapos tumingin sa’kin iyong aswang. “Babe, inaantok ako.” Sabay higa sa balikat ko. “Hoy, umayos ka nga pangit!” bulong ko sa kanya. Hindi ko man lang mabawi ang aking mga kamay dahil mahigpit ang pagkakahawak nito. Naku. Baka ano pa ang isipin ni Marcus! Tinignan ko si Marcus. Nakapangalumbaba ito at nakatingin na ulit sa labas ng bintana. Hayst, ang epal din talaga ng pangit na’to. Ou epal siya! Sobrang epal! Perfect na sana iyong scene kanina nung ipagtanggol ako ni Marcus dun sa mall. Tapos ganito ang magiging takbo sana nung kwento...........Babalik ako sa BillionVille kasama si Marcus. And ipapakilala ko siyang knight and shining armor ko. Sasabihin kong pinabayaan ako ni Gustavo dahil dinala niya ako sa public...magagalit si dad..tapos papayagan niya akong mag file ng annulment or divorce. Malaya na’ko at pwe-pwedi ko ng angkinin si Marcus! Oh, perfect couple. Ubod ng ganda at ubod ng gwapo! Kaso umeksena ang palaka! Tinignan ko siya. Di ba dapat matuwa ako dahil dinala niya ako sa lugar na gustong gusto kong puntahan nung bata pa ako? Pero bata pa’ko nun. Mabait. Inosente. Iba na ngayon. Malaki na’ko. At hindi ako mabait. Dalawa o tatlong oras ang naging byahe pauwi sa cheap na subdivision. Nauna akong bumaba ng kotse at sumunod ang dalawa. Pinagbuksan kami ng gate nung mga gwardiya. Pinaupo ko si Marcus sa sofa nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Dumiretso naman sa kusina si Gustavo. Mabuti naman at wala na iyong epal. Umupo ako at tinabihan si Marcus. Pagkakataon ko na’to para naman magpa cute sa kanya. “Marcus, salamat pala kanina.” Mukhang nagulat ito sa pagpapa demure ko. “Vicky alam mo namang hindi ka iba sa’kin.” Tumitig ito sa mga mata ko. Umusog naman ako palapit sa kanya. Napalunok ako ngayon lang ako tinitigan ng ganito ni Marcus. “Vicky, I know this is kinda weird....” hinawakan nito ang dalawang kamay ko. Huminga ito ng malalim. “Vicky....” TENG! TENG! TENG! TENG! TENG! TENG! TENG! Napahinto si Marcus at napatingin sa kusina. Ang asungot kasi nagkalampag ba naman ng kaldero. “Just don’t mind him. May pagka sira ulo kasi ang isang iyon. So, ano nga iyong sasabihin mo?” “I-I...Vicky ano kasi-“ “HOY! ASAN NA IYONG INORDER MONG PAGKAIN?!!!” agad kong binawi ang aking mga kamay ng marinig ang galit na boses ni Gustavo. Teka, bakit naman ako matatakot sa kanya? “The delivery man will be here in minute.” “Ah, ganun ba.” Umupo si Gustavo sa tabi ko. Hay, panira moment na naman. Kinuha nito ang remote ng tv. “Parang ang sarap manuod ng boxing ngayon?” nginitian ako nito at binuksan ang TV. “Para kasing nangangati itong mga kamao ko at gusto kong makipag suntukan.” “Eh, bakit hindi mo gawing punching bag iyang sarili mo.” Sabi ko sa kanya sabay irap. Natawa naman ng bahagya si Marcus sa sinabi ko. “Sir, andyan na po iyong in-order niyo.” Sabi nung MIB kay Marcus. Naupo na kami sa mesa matapos maayos nung mga MIB ang hapag kainan. Magkatabi kami ni Gustavo at kaharap ko naman si Marcus. Ang sarap sipain nitong si Gustavo paalis sa mesa para magmukhang lunch date ‘to! Nabigla ako ng lagyan ako ng ulam ni Marcus sa plato. Napatingin ako sa kanya at nginitian ako nito. “Kumain ka ng marami para hindi ka mangayayat dito.” Ibinagsak ni Gustavo ang kayang kutsara at tinidor sa plato. Napatingin ako kay ubod ng pangit. Patay mali lang si Marcus. Tumayo ito at nag walk out. Pumasok ito sa kanyang silid and he slammed the door. BANG! Anyare dun? Mas mabuti nga iyon at masosolo ko si Marcus. . “Kain lang ng kain Vicky!” inasikaso ako ng mabuti ni Marcus. Masaya naming pinagsaluhan ang lunch. Todo pa cute kasi ako sa kanya. Ginamit ko ang aking flirty skills para naman biglang tumbling siya sa’kin. Kawawang Layka! Hahahaha! Hindi rin nagtagal si Marcus sa cheap na bahay ni UNP. Inihatid ko pa siya palabas ng bahay. Iyong may-ari hindi ko na nakita. Baka nagpakamatay na iyon. Hindi na kasi ito lumabas sa kanyang silid matapos mag walk out kanina. “Thanks Marcus!” sabi ko sa kanya sabay ang isang malanding hug. “Just be a good girl!” sabi nito sabay gulo sa buhok ko. “Oh, I don’t want to be a good girl. Okay lang ba sa’yo ang may pagka naughty?” kinindatan ko pa siya. “Hahahahahaah! Mas bagay sa’yo ang maging mabait Vicky. Lalo kang pagkakaguluhan ng mga lalaki.” Ikaw lang naman ang gusto ko eh. “I have to go may shooting pa’kong aasikasuhin.” “Sige.” Ang hindi ko inaasahan ay ang paghalik nito sa pisngi ko? Wait sa pisngi ko ba talaga iyon? Eh kunti na lang ata sa labi na supposed to be iyong halik! Tulala akong napatingin sa kanya. “Mag-iingat ka palagi Vicky. Wala akong tiwala sa Gustavo na iyon. If you need help just call me okay? Nga pala bakit hindi kita ma contact sa number mo?” “Ahhh..wala kasi akong cellphone ngayon.” “Here, have this! And contact me kapag kailangan mo ng tulong.” Iniabot nito sa’kin ang kanyang iphone. “Oh, sige salamat.” “Bye.” “Bye. Ingat!” inihatid ko pa siya ng tingin hanggang sa makaalis ang kotse niya. Yes! Malapit na kayang maging akin si Marcus? Napahawak ako sa aking pisngi...tapos sa aking mga labi. Marcus. Marcus. Marcus be mine! Pabalik na ako sa loob ng bahay ng masalubong ko ang matalim na tingin ni Gustavo. Nakatayo ito sa pinto ng bahay. Nakasandal sa pader at naka cross arms. “So, kumusta ang panlalandi mo sa kanya?” diretsyang tanong nito sa’kin. “None of your business! Ugly duckling!” Sabi ko sabay pasok sa bahay. “Nasisiraan ka na ba talaga Victoria?! Pati boyfriend ng kapatid mo nilalandi mo?!” “Excuse me!!! Wala kang paki kung sino ang lalandiin ko!” “I’m your husband kaya may paki ako!” Tinaasan ko siya ng kilay. “Are you dead serious? Kasi gusto ko lang malaman mo na hindi rin magtatagal ‘to dahil magfi-file ako ng annulment or divorce!” Hinawakan nito ang kamay ko at kinuha ang cellphone sa kamay ko. “Akin na iyan!” sinubukan kong kunin ang cellphone sa kanya pero itinaas niya ang kanyang kamay kaya hindi ko maabot. Mas matangkad kasi siya kesa sa’kin. f**k! “You don’t need this!” sabay tapon nung cellphone sa pader. Narinig ko ang malakas na impact ng pagtama nung gadget sa sementadong pader. Wasak! “Damn you!!!” pinagsasapak ko siya sa kanyang dibdib. “From now on hindi na’ko magiging mabait sayo!!! Ikaw ang maglilinis sa buong bahay! Ikaw ang magluluto! Ikaw ang maglalaba! Ikaw ang maghuhugas ng mga pinggan! Ikaw ang magiging katulong! And that’s final!” “Ano ka sini-swerte! Hindi ko gagawin iyon!” “You’ll obey me!” “Ayaw ko!” Nagulat ako ng buhatin ako nito papunta sa kusina. Nagpupumiglas ako pero parang wala lang din sa kanya iyong pananapak ko. Ibinaba ako nito. At iniharap sa lababo na maraming pinggan. “Clean the dishes!” “Why don’t you do it!” “Clean the dishes or I’ll kiss you!” “Subu-“ Bigla nitong idinikit ang kanyang mukha sa mukha ko. 1 inch na lang talaga ang agwat. Nanghahamon ang mga tingin nito. Nooo!!! Hindi na niya ako mahahalikan! Hindi ako papayag! Tumalikod ako. “do it!” utos nito. Grrrrrrrrrrrrrr! Kinuha ko iyong gloves. Damn. I never do such thing in my entire life! Naramdaman kong nakatayo siya sa may likuran ko. Ipapapatay ko talaga ‘tong pangit na;to!!! Grrrr! This is insane! This is totally insane! “Shet! Paano ba gagawin ‘to?!” singhal ko sa kanya. Natawa naman ito at kumuha ng gloves. Inabot nito ang sponge at nilagyan ng dishwashing liquid. Nilagyan niya ng kaunting tubig para bumula at inilagay sa kamay ko. “Ganito iyan mahal na prinsesa.” He guided may hands para punasan iyong plato. Pweding makaramdam ng awkwardness? Dahil nakatayo siya sa may likuran ko?! “Alam ko na kaya pwedi ba bitiwan mo iyong mga kamay ko dahil tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan kapag nadidikit o nahahawakan mo’ko!” “Alam mo bang nagselos ako kanina?” Nagulat ako at napatalikod para harapin siya. “At bakit ka naman magseselos? Nagkakagusto ka na ba sa’kin? Well, hindi naman kita masisisi. I’m beautiful at lahat nagkakagusto sa’kin.” Pwera kay Marcus shet! “What if gusto na kita?” I rolled my eyes heavenly. Ano bang gusto niyang isasagot ko?! Tumalikod ako sa kanya at ituloy ang paghuhugas ng mga plato. It really sucks! “Ow, kawawa ka naman. Dahil hinding hindi kita magugustuhan!” “But I like you!” “Hard headed mammal!” “Si Marcus lang ba ang mahalaga sa’yo?” “Tinatanong pa ba iyan?” “Eh si Tristan mahalaga ba siya sa’yo?” Nabitiwan ko iyong hawak kong pinggan at napatingin ulit sa kanya. “A-ano?” “Mahalaga rin ba ang bestfriend mo?” “Paano-“ Bakit mukhang may alam siya about kay Tristan?! “Mahalaga ba siya Ysa? Mahalaga rin ba para sa’yo si Tristan?” “M-May alam ka ba kung nasaan siya?” “Paano kung sabihin kong mayroon.” “Is he alive? Anong nangyari sa kanya! Asan siya! Damn. Tell me!” “You want answers?” “Yes.” “Then do what I say. Bukas papasok na tayo ulit sa Richmans University. And I want you to stay out sa kontrabida club niyo. Stop bullying students and attend your classes!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD