Chapter 24

2035 Words
[Victoria's POV] "Give me your hand darlin’!" What the f*ck! This will be the most embarrassing day in my ubod ng gandang life! Tinignan ko ang makalyo niyang kamay na nakalahad sa'kin. Tapos napatingin na naman ako sa kanyang pangit na pagmumukhang abot tenga ang ngiti. At may gana pa siyang umastang parang isang napaka gwapong bidang lalaki sa isang pelikula o novel! Psssh!!! Nakakalimutan niya bang manalamin araw araw? Hay, sabagay nakakatakot naman talagang malaman ang katotohanan. Ang masaklap na katotohanan na pangit siya! Nasa parking area kami ngayon ng Richmans University. Tsk! Gusto niya talaga akong ipahiya sa buong richmans huh? May alam kaya talaga siya sa nangyari kay Tristan o baka ginu-gudtym lang ako ng pangit na'to para maging sunud sunuran ako sa kanya. Humanda talaga siya ipapa gulpi ko talaga siya kapag nalaman kong niloloko niya lang ako! "Babe? Ma le-late na tayo sa klase." Unfortunately, I will be attending classes today. Nung grade 5 pa ata ako huling nakapasok sa four corners ng silid aralan. Naalala ko pang nanganak ng hindi oras ang aming class adviser dahil sa matinding konsumisyon. Grade School Days... The time when this b***h started to bloom. "Hi Victoria" bati sa'kin nung kaklase kong babae habang ako ay abalang gumagawa ng assignment para sa next period. She’s Sabrina Dwight. Phil-Am pero magaling managalog. Mayaman, maarte at sasakan ng yabang! Tinignan ko lang siya tapos itinuloy ko na ang pagsusulat. Wala naman kasi akong mapapala sa kanya. Biglang inagaw nung kasama niyang babae ang ballpen na hawak hawak ko. Inagaw naman nung isa ang notebook ko. Tinignan ko sila ng masama. So, gusto nilang makipag-away huh? Itinapon nila iyong mga gamit ko sa sahig. Wala naman nag-abalang makialam samin. Hinawakan ako nung dalawang babae. "Asan na iyong alaga mong aso? Hindi ko na ata siya nakikita dito." Pang-iinis ni Sabrina. Nakayuko lang ako at pinipigilan ang aking sariling magwala. "Hahaha Sabrina look oh she's so angry." panunukso nung isa. "Wala ng magtatanggol sa kanya! Wala ng magtatanggol sa kanya! Wala ng magtatanggol sa kanya!” pambabadtrip nung isa pa. "Hahahahahaha" tawanan nung tatlong mangkukulam. "Asan na kasi iyong alaga mong aso, Victoria? What’s his name nga?" tanong ni Sabrina. “Bitiwan niyo ko!” “Where’s your pet! Sino nga iyon?” "Oh, I remember! It’s Tristan!" sabi nung isang nakahawak sa may kanan ko. "Asan na siya Victoria?" "Asan na.ang alaga mong aso?" "Patay na.ba siya? Hahahahahaha" "Patay na.ba siya? Hahahahaaha" "Patay na ba siya??? Patay na ba?" Paulit ulit na kantiyaw ni Sabrina sa’kin. Nakaramdam akong ng pag-iinit ng katawan. Bumibilis ang aking paghinga. Nakakuyom na aking mga kamao. At sagad na sagad na ang pagdiin ko sa mga ngipin ko. “Hahahaha asan na ang aso mo?” pambwe-bwesit nito. Hinead batt ko si Sabrina. Nabitiwan naman ako nung dalawa dahil sa matinding pagkabigla. "OUCH!" napahawak ito sa parte nung ulo niyang natamaan. Hinila ko naman ang buhok nung dalawang nakatayo sa gilid ko. Parang sirang plakang nagpa-ulit ulit sa ulo ko ang mga sinabi ni Sabrina. Napaiyak na iyong dalawa. Binitiwan ko sila at pinuntahan si Sabrina. “Isusumbong kita sa Mommy ko!!!” sigaw nito. Sinugod ako nito at nagpagulong gulong kami sa sahig nung classroom. Pinalibutan naman kami nung mga kaklase namin. “Patay na ba siya? Patay na ba?” tanong nito sa’kin kahit na para na kaming mga wrestler. Hinila ko ang buhok niya at minudmod ko ang pagmumukha niya sa sahig. Natahimik ang aking mga kaklase at nagulat sa ginawa ko. Narinig ko na ang pag-iyak ni Sabrina. "Victoria Isabelle Escudero!" nagpatabi ang mga ka-klase ko ng marinig ang galit na sigaw nung class adviser namin. Iniangat ko ang aking paningin at nakita ko ang aming guro na hindi makapaniwala sa aking nagawa. Binitiwan ko si Sabrina. Ngunit sadyang impakta rin ang isang ito kaya hinila nito ang buhok ko. Ayon, nagpagulong gulong na naman kami. “Enough students!” Sa kakaawat ni maam. Nanganak ito ng hindi oras. -endflashback- "Ysa?" "Kailangan ba talagang magka holding hands pa tayo?!" "Ofcourse, you want answers right?" Damn! Ibinigay ko sa kanya ang aking kanang kamay. Tuwang tuwa naman ito. “Do you feel my heart beating? Do you understand? Do you feel the same? Or am I only dreaming? Is this burning? An eternal flame...” kumanta kanta pa ito para asarin ako. “Eh kung silaban kaya kita ng apoy diyan?” “Ikaw naman babe hindi kana mabiro.” Habang naglalakad napansin kong napapahinto ang mga estudyanteng nakakasalubong samin. May mga nerd ding tinatanggal ang salamin nilang suot at pinupunasan pagkatapos ay susuotin ulit. Ang oa! May mga bunganga ring nakanganga at pwedi ng pasukan ng watermelon sa sobrang laki ng pagkakabuka! May ibang napapakusot sa mga mata nila. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka? "Babe, look oh na a-amazed sila satin.” "Paano namang hindi eh ang pangit mo tapos ang ganda ko!" "Ang ganda mo naman kasi asawa ko." Pang-iinis naman nito. "Pwedi huwag kang pa epal? Saan ba ang klase?" "Room 201 A" "Anong subject?" "Phil. History" Sa kasamaang palad may mga subjects kaming magkakapareho. At hindi pa'ko sira para pasukan lahat ng iyon. Parang nakakita naman ng multo ang mga estudyanting nasa loob ng Room 201 A ng makita ako. Agad silang tumayo at bumati sa’kin. "Good morning Miss Victoria." Inirapan ko lang sila. Napangiwi si Gustavo sa inasal ko. Binitiwan nito ang mga kamay ko at naupo sa harapan. Dumiretso naman ako sa may likuran nung silid aralan. May napili na akong upuan kaso may isang lalaking nerd na naka upo dun. Tumayo ito kaagad ng makita akong nakatayo sa harapan niya. At nilisan nito ang upuan gamit ang kanyang panyo. Pagkaupo ko, awtumatikong nagpatabi lahat ng nasa paligid ko. Mga 2 meters ang naging paglayo nila hatak hatak ang kanilang upuan. Napangiti naman ako. Gustong gusto ko talagang natatakot silang lahat sa’kin. Napapailing naman si Gustavo sa eksena. Napa smirked naman ako. "Go-good morning cla-" napahinto sa pagbati ang teacher ng makita ako. "Good morning Miss Victoria!" kaagad na bati nito sa’kin. Humikab lang ako. Naupo naman iyong guro. Nakakabingi iyong katahimikan sa loob ng classroom. Nakakapatay! Para akong nasa sementeryo. Nagsalita ng nagsalita iyong guro sa harapan.....mga nakaka boring na lessons about history na parang gusto ko na siyang suntukin para tumigil lang. Kapag may mga ka-klase akong napapatingin sa’kin. Tinuro turo ko iyong hintuturo at gitnang daliri ko sa dalawang mata ko tapos ituturo ko naman sa kanila. And then, kunwari hihiwain ko ang aking leeg. At magsasalita ako ng walang tunog na lumalabas sa’king mga labi. ‘You’re dead!’ Ayon. Hindi na.sila tumingin ulit sa’kin. Nakakaboring ang araw na'to hanggang sa dumating ang grupo ng Black Butterflies. Tatlong Mangkukulam ang nakatayo sa pintuan. At nagkasukatan kami ng tingin nung leader ng grupo nila. Gusto niya bang imudmod ko ulit ang mukha niya sa sahig gaya nung grade 5 pa kami? Nagsipag alisan iyong mgkaklase ko pati ang prof. "Hi Victoria." Bati sa’kin ni Sabrina. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Hindi mo man lang kami inimbita sa iyong kasal." "I will spare your life Sabrina!" "Hahahaha! I'm not afraid of you." “Psssh!” "So, is this your new pet dog huh? Siya ba ang kapalit mo sa dati mong alaga?" "What’s the name if that Indio again?" Kung nakakamatay lang iyong tingin ko baka dead on the spot na kaagad ang b***h na’to. "Tristan?" "Whoa, sharp memory huh? Naalala mo rin ba kung paano kita pinahalik sa sahig nung grade 5 pa tayo?” "Hahahaha nagagalit na si Mrs. Mabantot! Magagamit mo pa kaya ang pamatay mong linya ngayon? I’m Victoria Isabelle Escudero Mabantot. And no one beats me! Oh ha! May laban ka sa kabantutan ko? Wahahahaha!!!" Hinila ko ang buhok niya at nagsabunutan kaming dalawa. Nanuod lang iyong dalawang kasama niya. "Damn you!” ”f**k you!” “b***h!” “Asshole!” “Hoy! Ano ba itigil niyo nga ‘to!” pumagitna si Gustavo. "Pakialamero rin ‘tong alaga mo no?" Kinalmot nito sa may mukha si Gustavo.Tang’na! pangit na nga pina pangit pa niya ng husto!!!! Hinila ko ag buhok niya. "Gaga ka!" “You w***e!” “You demon!” "STOP!" napahinto kami at napatingin sa pinto. Andun si Zander Lockwood kasama ang kanyang mga MIB. "Sabrina! In my office now!!!!!" galit na singhal nito. Tinitigan naman ako nito ng masama. I just rolled my eyes. Tsk! “May araw karin sa’kin Victoria!” banta ni Sabrina sa’kin. “I’ll be waiting patiently darlin’” pang-aasar ko sa kanya. Napatingin ako kay Gustavo. Para namang lion iyong kumalmot sa kanya. “ Okay ka lang?” "Akala ko ba black butterflies ang mga iyon? Bakit nangangalmot?" "Sumunod ka sa’kin.” Utos ko sa kanya. “Saan tayo pupunta?” “Huwag ka ng magtanong! Just follow me!” sabi ko sabay lakad. Nakabuntot naman ito sa’kin. Aso nga! “Clinic?” tanong nito ng makarating na kami. “Aye hindi! Morgue ito! Nakita mo naman siguro iyong nakasulat sa pintuan diba. ‘CLINIC!’ pangit na nga, tanga pa!” “Ang taray mo naman!” “Pakialamero ka kasi! Ang pangit mo na nga! Dinagdagan mo pa!” "Okay na'to. Dont worry hihilamusan ko lang 'to. Teka, nag-aalala ka para sakin babe?" "Hindi!" Pumasok kami sa loob ng clinic at wala kaming nakitang tao sa loob. Pakshet! Asan ba sila? "Umupo ka!" utos ko sa kanya. Kumuha ako ng mga kakailanganin para linisin at gamutin iyong nakalmot niyang mukha. "Pa knight and shining armor ka pa kasi!" sabi ko sabay diin nung cotton na naglalaman ng alcohol sa parting nakalmutan. “ARAY!!! HOY GRABE ANG SAKIT HA! DAHAN DAHAN NAMAN DIYAN!” “Kasalanan mo rin!” "Ysa...." hinawakan niya ang mga kamay ko. At napatitig ng husto sa mga mata ko. "Ysa, I'm not your knight and shining armor. I am not a prince..I’m just a frog...a frog that will do everything to protect his princess." Tristan! Napahawak ang dalawa kong kamay sa kanyang mukha. "Aaah! Aray! Ano ba!" reklamo nito. Hinahanap ko ang bakas ni Tristan Fuentebella sa kanyang pagmumukha. Tinignan ko siya ng mabuti. Pinipilit ko! Ou, sapilitan na’to! At ganun na ganun ang eksenang nadatnan ng aking tatlong bitchy sisters. “HOLY s**t!!!” "OH MY GOSH!" "Yuck Victoria are you about to kiss him?!" nandidiring tanong ni Allison. “No ofcouse not!” Hinila ako nung tatlo palabas ng clinic. Pak! “Bullshit! What’s that for?” hinawakan ko ang aking pisngi na sinampal ni Beatrice. “Just checking if ikaw parin si Victoria!” “Victoria, whats happening? Ginayuma ka ba niya?” nag-aalalang tanong ni Allison. “Victoria don’t tell me na nagkakagusto ka na sa kanya? “Are you out of your mind, Samantha?!” “But by the way you look at him. It seems that he's special pero pinagtatakpan mo lang. Pinipigilan mo ba ang nararamdaman mo para sa kanya?” Napatingin ako sa direksyong tinignan ni Samatha. Lumabas narin pala ng clinic ang aswang. He’s always there to protect me. He’s doing special things na gaya ng ginagawa sa’kin ni Tristan noon. He reminds me of my friend. My bestfriend. Kapag nawala sa’yo ang isang bagay saka mo lang pala ma re-realized kung gaano ito ka importante sayo. Paano kung iisa lang pala silang dalawa? Hahayaan ko bang mawala siya ulit sa buhay ko? Napaisip ako ng mabuti. And the answer is... NO. “Hey, Victoria!” tawag sa’kin ni Beatrice. “Where are you goin’?” nagtatakang tanong ni Allison. Hindi ko sila pinansin. Naglakad lang ako ng mabilis. “Pangit!” “Mr. Ubod ng Pangit!” “Ysa?” napahinto ito at napatingin sa’kin. Larawan sa mukha nito ang pagkalito. “three songs to unchain.” “Ha?” mas lalong nasira ang pangit nitong pagmumukha dahil hindi nito naintindihan ang sinabi ko. “Pick three songs to unchain my heart. If you failed you'll be my slave for the rest of your life.” “What if I succeed...?” “If you succeed, teach me... teach me how to become a good girl again.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD